Tuesday, September 30, 2008

Peksman!


Seryoso akong tao.

Kaya lang ewan ko ba kung bakit merong ibang tao na natatawa kapag sinasabi ko na seryosong tao ako. Lalo na kapag naglu-lungkot mukha ako…yun bang para ipakita ko sa facial expression yung pagiging seryoso ko. Hindi naman nila masakyan yung ganun. Ang masaklap pa, mas lalo yata silang nag-iihit ng tawa pag ganun ang itsura ko.

Minsan nga pakiramdam ko wala sa timing yung mga jokes ko eh. On the other hand, (naks!) may nagsabi na super slopstick ko daw! Teka positive ba yung comment na yun o negative? Hmmp ok lang, maganda naman pakinggan eh.

Eto joke to:

BUNSO: Ate ate batit ako utay? (Bakit ako utal?)

ATE: Kasi hindi ka pa tuli, supot ka pa kaya utal ka pa.

Hindi siya satisfied sa ganung paliwanag kaya pumunta pa sa Nanay niyang naglalaba.

BUNSO: Nay gutto kopo mayaman, batit ako utay?

NANAY: Supot ka pa kasi kaya utal ka pa!

Mukang iisa ang sinasabi kay Bunso ha. Pero hindi siya susuko hanggang hindi nakakahanap ng ibang sagot. Nagkakape nun ang Tatay niya kaya ito na lang ang tinanong.

BUNSO: Tay tandali lang po, hindi ko ayam eh, batit po ba ko utay?

Pansamantalang, nag isip ang Tatay niya sabay higop ng kape. Matapos ang buwelo...

TATAY: Ganito yan, eh kati anak, tupot ka pa kaya utay ka pa!

O ano laban ka? Corny! Kamut kili kili na lang para matawa hehehe! Isa pa nga?!

Humahagod si Jose habang papalapit sa kaibigan na si Pedro. Mukang may mabigat siyang ibabalita kay Pedro

JOSE : Pareng Pedro kawawa naman kaibigan kong serbidora dyan sa karinderia sa kanto.

PEDRO: Bakit naman pare? Ano bang nangyari sa kaniya?

JOSE: Hindi ko nga alam eh. Gusto ko nga sanang maki usyoyo sa karinderia kaya lang baka matunugan nilang magkaibigan kami.

PEDRO: Ano?

JOSE: Siyempre naman pare magtatanong ako, sino ba ang nasaksak niya o kaya sino ba ang napatay niya? Naku baka hindi na siya nakapagtimpi sa amo niya at ginilitan niya! Tst tsk tsk kaya pala pinaghahanap siya ng mga pulis ngayon.

PEDRO: Akala ko ba hindi mo alam kung ano nangyari sa kaniya, bakit mo nasabing hina-hunting siya ng mga parak ngayon?

JOSE: Kasi pare may naka-paskil sa karinderia na ang nakasulat “WANTED SERBIDORA”

Toinks! Ano kaya ang iniisip mong itsura ko habang kinukwento ko sa iyo yang joke na
yan

Mabalik tayo sa seryoso. Kung pwede lang sana na lahat ng bagay pwedeng daanin sa joke ano? Pero hindi eh. Minsan kasi yung joke parang nagiging escape goat na lang ng mga Pinoy. Kung mabigat daw ang problema, daanin na lang tawa.

Sabagay kung puproblemahin ang problema, malamang sa malamang mabaliw ka. Sa klase ba naman ng buhay sa Pilipinas eh. Hindi rin naman pwedeng sabihin na…kung mabigat ang problema daanin sa iyak. Eh baka, lahat tayo magkasalu-salubong ng umiiyak diba? Ang pangit nun.

Di ko alam kung paano kita makukumbinsi pero seryosong tao talaga ko! Peksman!

NAKS®

Thursday, September 25, 2008

Dumating...Umalis



Umalis ako para maglibang. Sa imbitasyon ng kaibigang si Abner, naisipan kong mag take a rest ng konti. Dumating ako doon sakto sa tanghalian pero dahil bisita ko, bumili na rin ako ng lechong manok pandagdag chibog.


Noon ko nakaharap agad sina Wyn-Wyn at Teng. Ok naman, masaganang tanghalian na habang kanin at ulam pa lang ang inuupakan pinaplano na agad ang oras ng inuman. Pero may dumating na iba pang bisita na hindi kasama sa plano kaya natengga muna pansamantala. Aba mahirap na nga naman, baka mahirap maiksi ang pisi naming pare-pareho.


Sinamantala ko na lang yung oras para makapagpahinga. Noon ko naman nakilala si Alex at ang kapatid niyang babae na nakitawag na lang din ako ng Dichie.


Sa wakas dumating na din ang oras ng inuman nung pagabi na. Nagsimula sa dalawang granma, tokwat baoy (pero hindi yung nasa litrato), pepino at chicaron. Nadagdagan na ng kainuman, dumating yung dalawang kuya ni Alex, sina Joel at Sherwin.


Dalawang granma ulit…nadagdagan naman mga kainuman, mga pinsan naman nila Alex ang kahalu-bilo ko. Siya nga pala, sa kanila kami nag iinuman.kaya wag ka nang magtaka.


Paluan na! Si Wyn bumunot na ng pangbanlaw, isang kahong red horse daw! Habang umiikot sumasaya ang usapan, dumadami na rin ang nagpapayabangan at nagkaksiyahan. Mau sumulpot namang Cyrus at Bunso daw ang pangalan.


Pero ang pinaka cool, yung magkakapatid. Basta! Sila na yata ang pinaka cool na magkakapatid na nakilala ko. Pati si nanay nakiki ride sa kanila.


Isang kahon pa ulit, labasan na ng angas tangina sige! Nang magkaubusan, hindi pa kami nasiyahan, si Sherwin, si Dichie, si Teng, Abner at ako, tig-iisang bote raw sa videoke. Pasaid na rin lang ang bulsa ko, isagad na!


Mapayapang gabi na ang kasunod.


Nagising na lang ako ng may nanggigising na! Uuwi na sana ko noong umagang iyun pero paglabas ko sa may sala cum kusina, walangya nagbabanatan na naman pala. Sagot naman daw ni Teng dahil nagpainom daw ako ng gabing dumaan. Hindi pa nasiyahan, si Alex umarkila pa ng videoke! Magpapahuli ba naman ako pag kantahan na.


Huwag na nating idetalye pa.kung ano pa nangyari, kwentong inuman lang naman. Basta masaya dahil sa mga taong nakilala. Yun nga lang di ko alam kung makakabalik pa ulit ako dun. Sana lang…


Nang makabalik ako sa amin kinabukasan pa ulit, akala ko hindi na ko malalaban dahil pagod sa biyahe, puyat tapos parang may hang over pa. Kaso hindi nakatiis eh, adik talaga.


Kinagabihan, mga totoong tropa naman ang kalaban, may kwentong mayor, kwentong artista, kwentong mahjong, kwentong pulis brutality at kung anu-ano pa.


Naalala ko lang yung kaibigan kong pulis na gustong madestino sa lugar namin. Nakasakay ko kasi siya minsan, naka uniform pa nga tapos sinaluduhan ko pa. Nabanggit ko ngayon sa isang harapan namin.Naging kaibigan ko kasi yun simula nung grade two.


Kilala pala siya ng isa kong kainuman…patay na pala si Edwin halos dalawang buwan na raw ang nakakalipas!

Mahirap pagdugtungin, pagtagpi-tagpiin. Iba-ibang character. Ang daming nakilala, may isa palang umalis na pala. Hindi ko na alam paano ito tatapusin.


Saturday, September 20, 2008

Teka Lang...


Sabi ko na nga ba / Kapwa'y mayroong pag-ibig na lihim / Pagka't sa tuwing magtatama ang ating paningin / Umiiwas ako't 'di makatagal at ika'y nauutal / Hindi ba't tanda iyan ng nagmamahal

Kanta iyan ni Tootsie Guevarra na ni-revive ni Sandara Parking Lot. Kung bakit ko nilagay yan dyan? Wala lang! Gusto ko lang umpisahan tong piyesang ito sa mga salitang “sabi ko na nga ba.” Wala naman akong maisip na dahilan.

Kaso kanta ang unang pumasok sa isip ko.

Sabi ko na nga ba! Kaya ayokong matutong mag blog eh, kapag nasimulan, babalik balikan. Para bang kahit wala naman ako isusulat, gusto ko makita yung blog page ko. Tapos maiisip ko walangya wala naman palang ka art-art tong blog na to!

Pero iba talaga ang blog. Natikman na kasi eh. Para bang ano, sa sandaling maranasan, siguradong hahanap hanapin at uulit ulitin. Pang bang….hmmm bastos ang nasa isip mo ano? Ako rin eh ma berde rin ang nasa isip ko. Kung ano yang pumasok sa kukote mo na hahanap hanapin at masarap ulit ulitin kapag natikman, iyun din ang nasa isip ko.

Iyun nga lang, minsan wala namang maisip maisulat sa blog. Naka ilang yosi na nga bako? Tayo upo na nga ako pero paulit ulit lang yung “sabi ko na nga ba” sa isip ko. LSS na tangina!

Buti na lang ang blog walang editor na kakatay ng sinusulat ko. Banat lang ng banat. Kung ano ang tumakbo sa malikot na pag-iisip, sige sulat lang.

Eto ang malupet, may nakasakay ako sa isang pampasaherong van (naks sosyal) isang babae na mataba. Yung mataba talaga na hindi chubby lang ha at hindi na rin cute tignan.

Isipin mo na lang yung itsura niya tapos di naman kaputian. At dahil mataba nga, edi maiksi at leeg. At dahil maiksi ang leeg na mataba, parang nagkukulu-kulubot na yung balat sa batok na para bang nabuong libag!
Yaiks! Di mo maatim na halikan!

Eto na, nagbayad na siya (di ko lang matandaan saan siya bababa.) Tama ang hula ko, pormang tomboy kasi eh. Sa boses pa lang alam kong tibo nga tapos naka buka pa yung kili-kili na akala mo siga.

Naisip ko na lang swerte niya kasi nga tomboy siya. Aba eh isipin mo na lang na kung hindi siya tomboy at ganun ang itsura niya, pihadong hindi siya makakapag-asawa. Sa ngayon, kung hindi man siya makapag-asawa at least may excuse siya sa sarili di ba?

Bato bato sa langit…ang tamaan wag magalit!

Sana hindi ko na siya ulit makasakay kasi baka matawa ako pag nakita ko siya. Kung magkataon man at nakita nyang tumatawa ako ng wala akong kausap isipin na lang niya na may baltik ako sa utak. Sa ganoong paraan lang siguro siya makakabawi sa akin eh. At least quits na kami.

Ooops teka lang, lamang pala ko kasi nasa blog ko siya hehehe!

Minsan talaga ang isinusulat walang direksyon. Iyun siguro yung oras na basta makapagsulat lang, maka epal lang kahit wala namang kapararakan.

Pero alam kong nangingiti ka…parang ngayon!

NAKS®

Friday, September 19, 2008

Ayokong Matutong Mag Blog


Kung itatanong mo kung “bakit?” ang sagot ko…frustrated writer kasi ako.

Di ko alam kung tamang term yung prus-trey-ted kasi ang ibig sabihin nun eh hindi mo nagawa yung gusto mo tama ba? Para bang isang pangarap na ginawa mo na ang lahat, nagbuhat ng bangko, nagsunog ng kilay, umepal, gumamit ng red ballpen, nagmemorize kahit masama ang loob at kung anu-ano pa. Pero ang resulta…ayun pangarap pa rin!

Parang pagkanta lalo na yung pagiging bokalista ng isang banda. Ilang beses ko na nga bang inimagine na nasa isang gig ako? Pero hindi yung basta nasa gig lang ha…nakaporma kahit pawisan o kaya naka shades kahit gabi at na sa gitna ng stage habang bumabanat. Yun pala ang frustration!!

Buti na lang may Pon-japs naka-imbento ng videoke na inimprub naman ng mga talentadong Pinoy. Dun ko na lang tuloy ibinuhos ang sama ng loob at ang kakayanan ko na malaking kawalan sa ating music industry.

Lalo na kapag lasing!

Ilang beses na ba akong pinalakpakan sa inuman? Maraming session na rin yung eksenang may mga nagre-request pa na kumanta ulit ako habang nagngangalit ang mga ugat ko sa litid. Sige hataw lang, pakapalan lang iyan ng mukha!

May mga kanta nga na considered signature song ko na daw eh. Meron pa ngang nagsabi, eto ha hindi ko naman kakilala, pero pagkatapos kong kantahin yung Wherever You Will Go ng The Calling, nag comment ba naman na para daw original! Walangya…malamang mas marami ang nainom nya sa akin.

Ang maganda pa sa videoke…hindi stereotype na rakista lang ang isang tao. Pwede kang maging balladeer, o kaya eh ala Chris Brown o kahit maging isa sa mga Pinoy rapper na matitinis ang boses ala Crazy Ass Pinoy o Gloc9.

May direksyon ba? O kailangan lang talagang i-justify ang ginagawa kapag nakahanap ng outlet ang frustration ng isang tao. Ang logic, para lumabas na wala ka naman talagang frustration!?

Tangina ang gulo parang bul^$#@!!!!!

Teka kung ganun ang pananaw ko sa salitang “frustration,” hindi naman ako pala ko frustrated writer kasi nagsusulat pa rin naman ako kahit papano. May isang kwento nga akong isinulat na nasa libro na eh.

Eh bakit nga ba ayokong matutong mag blog?

Ah alam ko na…magaling pala akong magsulat, madami lang nga akong angst sa buhay!

NAKS!®