Thursday, April 30, 2009

Ang Babaeng Hinugot...

Don’t read between the lines! Wala itong malalim na kahulugan

Literal itong tungkol sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na mapapanood sa GMA 7.

Hindi ko alam kung tapos na ba o patapos na ang teleseryeng ito na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Wag kang mag-alala dahil wala rin itong kinalaman sa takbo ng kwento o sa kanilang ginagawang pag-ganap sa kani-kanilang character. Wala akong balak gumawa ng review sa takbo ng buhay nila sa programang ito.

Tungkol ito sa pamagat ng palabas mismo! Oo sa pamagat lang.


May dalawang bata kasi, si Paolo na pamangkin ko at ang kalaro niyang si Atong ang nagtanong sa akin kung nanonood daw ba ako ng Babaeng Hinugot… Sabi ko hindi dahil papasok ako sa trabaho ng ganuong oras.

Sinundan ito ng kung nakita ko na raw ba si Marian at Dingdong sa personal na sinagot ko naman ng “Oo”

Eh mukang nagti-trip ang dalawang bata, sinundutan ako ng tanong na ano daw ba ang tadyang? Bakit daw Ang Babaeng Hinugot Sa Aking “Tadyang” ang pamagat?

Aba eh malay ko!

Pero ang tingin ko na kailangang sagutin eh kung ano ba ang tadyang na kaya sakyan ngmura nilang isip. Bakit ba naman kasi hindi na lang nilagyan ng simpleng pamagat ang palabas at nang hindi na nagtatanong ang mga bata eh.

Pwede namang “Ang Babaeng sa Simulay ay Pilay Pero sa Huli ay Nakapaglakad.” Wala na sigurong tanong kapag ganuon di ba?

Makulit talaga, ano daw ang tadyang, saan daw hinugot si Marian? Gusto ko sanang sabihing sa puwet pero baka mabastusan naman sila kahit na nakakatawa. Biruin mo, “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Puwet.”

Dahil wala akong maisip, nasabi ko na lang na “bulsa,” na nauwi sa tawanan naming tatlo. Bakit daw hindi naman niya nakitang hinugot sa bulsa at paano daw magkakasya sa bulsa si Marian?

Ayoko na. Masarap sanang makipagkulitan sa kanila pero matutulog na ko. Sinabihan ko na lang sila na maligo sa baha na pangkaraniwan na sa amin ngayong panahon ng high tide

Ngayon, tayo naman ang magkulitan at mag-trip. Ano pa ba ang magandang idugtong?

Ang Babaeng Hinugot Sa Aking….

(pwede mo tanggalin ang “Aking” kung gusto mo)


naks®

Saturday, April 25, 2009

Headlines...

(may litrato sana ito ng mga headlines mismo pero hindi ko ma email yung mms kaya to follow na lang! basahin mo na lang muna)


Naisipan kong mag time-out muna sa pagbabasa ng mga broadsheet at sa halip eh mas pinili kong gawing parausan ng aking malalalim at nakakabuntong hiningang komentaryo ang mga nabasa ko sa mga tablod.


Sa totoo lang, minsan eh mas masarap basahin ang mga tabloid. Una, kadalasan hindi mo na kailangang basahin ang buong istorya dahil sa pamagat pa lang eh gets mo na ang balita. Pangalawa, hindi nakakapagod basahin dahil iilan lang ang pahina. At higit sa lahat…medyo bastos!


Well, unlike broadsheets, when sometimes I need to read twice a paragraph to grasp what it meant. Especially those articles in the business page discussing inflation rate and the stock market. Nuuuh, my nose bleeds! (nakantutsa nag ingles pa!)


At sa pagbabasa ko nga ng mga medyo bastos na dyaryo, eto ang ilan sa mga nakapukaw ang aking pansin:


RICHARD-LUCY, ARAW ARAW ANG HONEYMOON

Wala lang, nakakatuwa lang! Binasa kong buo sa pag-aakala kong nakadetalye ang mga ginagawa nila sa honeymoon eh hindi naman pala. Pero naisip ko lang, siguro kung may porn material na sila ang bida, malamang best selling!


Baka nga maitaob pa nito yung Harry Potter sa box office. Ang araw araw na honeymoon story kayang nilang dalawa eh kayang lagyan ng plot na ala Slumdog Millionaire o kaya Titanic?


32 SINGIT NA KONGRESMAN, SA CR NG BATASAN MAG-OOPIS

Aba eh ayos, ano sa palagay mo? Mas makabubuti nga sana kung hindi lang yung 32 kundi pati na yung mahigit 200 iba pa eh sa kubeta na lang mag-opisina. Tutal din lang lahat sila eh mahilig sa style na puno ng putot, bakit hindi na lang nila itae!?


At kung sakaling, kapusin ang mga kubeta sa Batasan, pihadong marami ang gustong mag-ampon ng kongresman na pag-oopisinahin sa kanilang mga banyo.


Pero kung si Madam Darlene Antonino-Custodio kaya? Ay wag, dun na lang siya sa kwarto ko, maluwag naman eh.


MARIEL, KINAPA KAPA ANG MANOY NI RAFAEL HABANG NAKAHIGA SA KAMA

Kailangan ba talagang idyaryo ang ganitong istorya? Nalito kasi ako. Ang naintindihan ko lang kasi eh yung habang nakahiga sa kama at yung kinapa-kapa. Kaya yun lang na na-imagine ko.


Bata pa kasi ako, kaya di ko masyadong nasakyan ang ibig sabihin. Ang sabi ni Mang Ambong sabungero, ang manoy pala eh pangalan ng “wallet” ni Rafael. Ayun naman pala, gusto palang magnakaw kaya kinakapa.


BUKOL NI HUNK ACTOR KINAPA NI MARIEL

Mariel na naman? Hindi na ko nagtanong kay Mang Ambong sabungero, hula ko kasi ang bukol naman ang gustong nakawin. Pero sumabat si Mang Ambo, manghihilot daw kasi si Mariel kaya kinapa ang bukol. Ayun naman pala.


Nagpaalam na ako kay Mang Ambo, nananakit kasi ang bukol ko, gusto ko sanang ipakapa at ipahilot kay Mariel eh.


naks ®


Wednesday, April 22, 2009

Walang Pamagat...



Nitong nakaraang Martes Santo, matapos ang maraming taon, nakausap ko ang Inang. Sabi niya, “nahihirapan na rin ang Kaka mo.”


“Kung napapagod na, sige na,” sagot ko naman.

Bigla akong napaisip at tinangka kong habulin iyun at bawiin ang naitugon ko.

Pero nagising na ‘ko at nahirapan nang matulog muli.

Simula nang araw na iyun, balisa na ‘ko. Laging may inaalala nasa bahay man o trabaho.

Sabado de Gloria, tuluyan na ngang nagwakas ang kaniyang paghihirap.

Para kaming naputulan ng kanang kamay at kanang paa.

Monday, April 6, 2009

Kiliti


Kung bakit ba naman pagkasakay na pagkasakay ko ng FX papuntang trabaho, tsaka ko pa naramdaman ‘tong kiliting ito.

May mga nararamdaman kasi tayo sa sarili o katawan natin na minsan walang pinipiling lugar o oras. Di bale sana kung lahat ng mga iyun eh pwedeng gawin sa publikong lugar.

Kahit mag-isa lang namang gagawin, siyempre meron ding bagay na dapat eh pribado naman ng konti para walang sabit. Hindi naman kakain sana ng mahabang oras kung lumagay ako ng konti sa dilim. Haaay wrong timing talaga.

Pero di ko talaga kayang gawin sa pampublikong sasakyan. Ayokong pagpiyestahan ng mga mata at utak ng mga kasakay ko.

Alam ko kung ano ang tatakbo sa isip nila eh. Pag-ikut ikutin man nila kung bakit ko iyun ginawa at kung anong espiritu ang nag-udyok sa akin para gawin yun, sa bandang huli…tatagos pa rin ang mga nila na parang nanunuos.

Ang kulang na lang sa mga tingin nila eh sabihing ang baboy ko naman!

Bakit nga ba hindi ko naramdaman ito kanina nung naliligo ako?


Pasimple kong hinimas ng hinlalaki at hintuturo ang puno kung nasaan man ang ugat, buto o bunga ng pakiramdam kong iyun. Hindi ko na kasi napigilan.

Nang maramdaman kong malapit nang lumabas, kung bakit naman dumaan ang mata ko sa mata ng katabi ko? Hanggang sa tuluyan ko nang ialis ang aking kamay duon! Alam ko rin namang hindi iyun lalabas ng hindi ako gagawa ng ingay. Ayokong basagin ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

Hindi talaga pu-pwede. Wala rin nga pala akong dalang panyong pamunas. Titiisin ko na lang muna.

Halos patalon ako nang bumaba sa sasakyan. Hindi na ko naghanap ng dilim, ng isang sulok o nagtago sa likod ng poste. Ang kiliti nang tumagal, sumasakit na!

Hinimas ko ang puno ng aking ilong na parang parang may itinutulak. Mga limang hagod, sabay singhot na parang dumahak ng plema! One click!

Nasa dulo na ng dila ko yung kanin na naiwan at parang naipit sa ilong ko.

®

Wednesday, April 1, 2009

Imagine This...


HUMAHANGOS pero tahimik na nakalapit si Rodel kung nasaan ang dalawa. Damang dama niya ang pait sa nakita. Walang kurap na itinutok ang baril hanggang sa umalingawngaw ang dalawang malalakas putok. Sa isang iglap, naghalo ang dugong tumagas mula sa dalawang katawang wala nang buhay.

Balisang tumayo mula sa higaan si Lorena. Kumakabog ang dibdib, lumabas siya ng bahay ng walang pag-aalintana sa takot na nadarama. Waring hinahabol ng kaniyang mga hakbang ang oras ng mga sandaling iyun.

Tanging ang liwanag buwan ang saksi, hindi magkamayaw ang mga paa niya sa pagtakbo at paglakad upang makalayo. Nanunuot sa kaniyang laman ang lamig sa bawat dampi ng hangin mula malayo.

Lumalagaslas ang pagdaloy ng tubig mula sa sapang katabi lamang ng pilapil. Sapat na iyun upang matakpan ang ano mang ingay na dala ng kaniyang pananabik. Maliban sa kaniyang sarili, walang nababanaag si Lorena mula sapa bagamat mistulan itong salamin dulot ng liwanag na namumula sa itaas.

Bahagyang huminto si Lorena. Mas matinding kaba ang kaniyang nadama. Mas lumamig ang hanging tumatama sa kaniyang mukha. Nilingon niya ang lugar kung saan siya nanggaling, pero wala. Walang sumusunod sa kaniya.

Hindi ininda ni Lorena ang tingkal-tingkal na lupa sa kaniyang hinahakbangan. Tumatama ang kung anu-anong halamang bukid sa kaniyang mga binti. May hapdi siyang naramdaman nang humiwa ang talahib sa kaliwa niyang binti.

Wala pa siyang naaaninag na kubo mula sa malayo subalit alam niyang malapit na.

Mas malalaki ang mga sumunod niyang hakbang. Dahil sa pagmamadali, isang tingkal na lupa ang hindi napansin ni Lorena dahilan para matapilok siya. Napaluhod siya sa sakit na naramdaman. Pero isang kamay ang dumampi sa kaniyang balikat. Kamay iyun ni Samuel.


Kasunod na noon ang walang salitang lengwahe ng kanilang pananabik. Naghahabulan ang kanilang mga halik. Ayaw kumawala ang mga labi ni Lorena sa labi ni Samuel. Pumatak ang mga luha ni Lorena habang hindi bumibitiw sa mga bisig ng kasama. Ilang saglit pa’y nagsanib na ang mga hubad nilang katawan…


Hindi kinailangan ni Rodel na sindihan ang gasera para maaninaw na wala ang asawa. Agad niyang kinuha ang baril at isinuksok sa tagiliran.

Ingay ng kulisap ang tanging maririnig habang papalapit si Rodel sa kubo ni Samuel. Subalit napalitan ang mga ingay na iyun nang humakbang siya papalapit. Impit na mga ungol ang naririnig pero gustong mabingi ni Rodel.

Isang malakas na sipa ang sumira sa pinto ng kubo. Umiikot na gustong huminto ng mundo ni Rodel nang tumambad ang katotohanan. Pero putok ng baril ang gumising sa kaniya.

Isang putok pa...

Sabog ang utak na bumulagta si Rodel habang patuloy ang pagpatak ng dugo mula sa papag.



Na-imagine mo? Naks galing mo pala ng imahinasyon mo. Bilib ako sa iyo!

®