Wednesday, December 31, 2008
Tara, Paputok Tayo!
Babala, mabaho ang amoy ng usok na iniiwan ng mga paputok, nagiging sanhi ito ng pag atake ng asthma. Kung mahina-hina ang baga mo, bago mag ahtinggabi, hingal kabayo ka na!
Mas matinding babala, mas mabaho ang putok…na galing sa kili-kili! Kaya ugaliing mag deodorant araw-araw!
Lalo na sa oras ng putukan para salubungin ang Bagong Taon. Medyo nakakahiya naman yatang kasabay ng pagbaho ng paligid eh umaalingasaw ka rin na tila amoy sibuyas na nabubulok.
Pero gaano man kabaho at kasakit sa dibdib ang iniiwang amoy ng pulbura ng mga paputok, luces, fountain, trompillo, watusi at iba pang mga pailaw, hindi talaga sila mawawala sa tradisyon nating mga Pinoy sa tuwing naghihiwalay ang taon.
Paniwala kasi natin, pampaalis ng malas o di kaya naman eh pang welcome daw sa magandang hinaharap ang mga naglalakasang paputok at magagandang pailaw.
Dahil hindi na naman ako makaka-celebrate sa bahay ng pagsalubong ng Bagong Taon, nauna na akong nagpaputok kanina. Ang dami ngang mga bagay at mabilis na pangyayari ang tumakbo sa isip ko bago pumutok. Hanggang sa parang nagulantang na lang ako.
Nakakagulat naman talaga yung putok na wala sa oras eh!
Magkano na nga ba nagastos mo sa pagbili ng mga paputok at pailaw?
Dati kasi simple lang ang mga paluces pero ngayon pabonggahan talaga at hindi yung basta mga puti lang ang ilaw. Halos makabingi naman ang mga nauusong paputok.
Pero ang pinaka gusto kong paputok eh yung kwitis. Una, sa itaas kasi ito pumuputok kaya tingin ko eh medyo mas ligtas maliban na lang dun sa mga kalpot at hindi umaangat.
Sa bawat kwitis kasing sinisindihan ko, may mga bagay na isinasama ko sa paglipad nito. Pwedeng sama ng loob, galit, masamang karanasan at kung anu ano pang kasentihan sa buhay. Mahirap daw kasing kimkimin yun lalo na’t papasok ang Bagong Taon!
Pinalilipad ko ang mga yun para mawala, subukan mo, ok sa pakiramdam.
Yun nga lang, ang gusto kong magkaroon eh yung kwitis na nauutusan kung saan pupunta o kung saan babagsak at dun siya puputok. Pag nagkataon kasi, magagantihan mo kung kanino ka may sama ng loob, kanino ka galit at kung kanino ka nagkaroon ng masamang karanasan.
Edi quits-quits lang diba. Ayos nga eh, kwitis na nagbibigay ng quits!
Ang pla-pla naman na isa rin sa ipinagbabawal ibenta dahil nga sa sobrang lakas nito, sana yung mga hindi pumutok, pwede ring ipirito o kaya eh i-sarsyado, basta wag lang inihaw! Sayang naman kasi diba?
O yung bawang na hindi pumutok, ano gagawin mo? Siyempre sana pwedeng ipanggisa o di kaya naman eh pitpitin at isama sa suka, asin at sili para sawsawan ng chicharong bulaklak.
Siyempre, kailangan may kasamang isang malamig na San Miguel Beer!
Ano pang hinihintay mo? Paputok ka na! Happy New Year!
®
Saturday, December 27, 2008
Anak Ng Kapong Baka
Year of the Ox pala ang taong 2009. Sabi ng mga kaibigan at mga kaututang dila kong mayayaman dyan sa Binondo, may mga ibig sabihin daw ang mga hayop na sumisimbolo sa bawat taon. May dala-dalang swerte, meron din naman daw mga bantang dala.
Kakabit niyan yung mga hulang general naman kung tutuusin. Dadaanin sa background music at malumanay na magsasalita pero ang hula eh mukang nabasa lang sa horoscope na komiks.
Magkakaroon daw ng natural disaster na hahagupit sa bansa natin. Nakamputcha naman eh isang taon iyan, 365 days at sa salita pa lang “natural disaster,” natural nga eh, paanong naikabit iyan sa Year of the Ox? Kahit sino pwedeng hulaan iyan.
Hula hula takla lang yan eh!
Pero ang isa pang tanong…ano nga ba ang ox?
Oh ayan, ang mga Pinoy kasi mahilig sumakay sa mga year of the ano, year of the kuwan kahit minsan hindi naman naiintindihan.
Hindi ko alam kung saan nanggaling pero ayon kay Pareng Wiki, ang tagalog daw ng ox ay “kapong baka.” Paano naman kaya kung ang baka ay hindi kinapon, hindi na siya ox?
Kung bakit naman kasi nakikisawsaw tayo sa year of the ox na iyan eh wala namang mahahagilap na ox dito sa Pilipinas.
Sa litrato, mukang kapatid naman talaga ang baka ng kapong baka. May sungay nga lang ang ox na parang kasinghugis ng sa toro. Hindi ba dapat eh tungkol sa kanila ang mga prediksyon at hindi sa mga kaguluhan na posible daw mangyari sa atin?
Pwede namang sabihin na sa susunod na taon eh bababa ang halaga ng baka, sabihin na nating sa 80 pesos na lang ang kada kilo. Di ba mas maganda yun at siguradong marami ang matutuwa?
At dahil dyan, mas marami ang magluluto ng kare-kare. Magiging mabili ang buntot, maskara, tuwalya, libro at iba pang bahagi ng baka. Madadalas sa inyong hapag ang kare-kare, makikila ng mga foreigner na bisita nyo sa bahay at ipagmamalaki naman nya ito sa kaniyang mga kababayan.
At dahil dyan mapapabilang ang kare-kare bilang isa sa pinakamasarap na pagkain sa buong mundo. Akalain mo yun?
At iyan ay utang natin dahil sa year of the ox.
Mawawala na rin daw ang barbeque na baboy, kasi nga mura na ang baka.
Malulugi na ang mga gotohan, kasi nga mura na rin ang bituka, mata at titi ng baka na nilalagay sa goto. Pipiliin ng iba na magluto na lang kesa bumili.
Malalaos na ang lechong baboy at lechong manok…magiging in ang lechong baka.
Madadalas nyong iuulam ang bistek, lengua, bulalo, kaldereta, papaitan, corned beef…dahil iyan sa mura ang baka.
Hanggang sa nauumay at nagkakandasuka ka na sa kakakain ng baka. Anak ng baka naman oo! Yung kapong baka ha.
®
Wednesday, December 24, 2008
Wish List Ko To!
Iyan (nasa litrato) ang isa sa pinaka gustong regalo na natanggap ko ngayong Pasko. Libro yan ni Eros Atalia na ikinukumpara ngayon kay Mang Jun Cruz Reyes at kay Bob Ong.
Tsaka na natin pag usapan ang tungkol sa kanilang tatlong dahil mahabang debate yan panigurado. Gusto ko lang namang gamiting pasakalye ang natanggap kong libro sa piyesang ito.
Syet piyesa, kinakarir!
Natanong ko na ito pero ang setting eh noong bata ka pa, uulitin ko ngayon ang tanong pero duon tayo sa kasalukuyang panahon: Ano ang pinaka gusto mong natanggap na regalo ngayong Pasko?
Alam nyo ba, kahit na may ilan din akong natanggap na material na bagay (well, kakainis dahil konti lang) meron pa rin naman akong wish list o ‘yung mga gusto kong matupad ngayong Pasko…hindi lang yung makatanggap ng libro.
Para ‘tong kanta ni Ariel Rivera, Sana Ngayong Pasko…isa-isahin natin:
- Sana magkaroon ang mga wala. Kung magkakataon kasi, hindi na sila gagawa ng masama para magkaroon. Pwedeng hindi na sila magnakaw, mang snatch, o kaya eh mangholdap, diba?
- Sana mabusog ang gutom. Hindi ko sinasabing hulugan sila ng maraming pagkain araw araw pero sana magkaroon din sila ng katulad na pagkakataon na nasa iba para magkaroon ng pagkain. Kung hindi kasi yun mangyayari, mananatili silang namamalimos at naghihintay sa labas ng Jolibee habang pinapanood kang kumakain ng Chicken Joy.
- Sana makita na ang mga nawawala. Iyun ay para wala na ring naghahanap. Ala reunion ba sa QTV? Hanggang nanatitili kasi silang nawawala habang ang iba ay naghahanap, kapwa sila mangungulila. Di bali sana kung hinahanap ng nawawala ang daan pabalik, pero paano na lang kung naligaw na siya? Baka hindi na sila magkita.
- Sana magkabati ang magkagalit. Baka kasi ang pinagmulan lang naman ng lahat eh kinalabit ng may laway ang daliri kaya nagalit eh. Kung ganun lang naman, batuhin mo na lang ng tinapay. Kung gusto mo yung putok para mas matigas-tigas.
- Sana makalakad ang pilay, makapagsalita ang pipi, makadinig ang bingi ar makakita ang bulag. Imposible ba? Oo nga pero sana pa rin.
- Sana maibigay ang hinihingi. Yung iba kasi namamanata pa, nagsisimba ng paluhod, sumasayaw sa prusisyon, nagpapahilot, naghahampas dugo, nagpapapako sa krus, nagno-nevena at kung anu-ano pa, matupad lang ang hinihiling. Sapat na siguro yung naibigay nila para maibigay kung ano man ang kanilang hinihingi.
At higit sa lahat…ito ang pinakamataas ang level, todo na talaga, pero kinakailangan lang talagang sa huli banggitin…WORLD PEACE!
Syet world peace! Apir nga dyan Pare para sa kapayaan!
Baka may maidagdag ka pa sa listahan ko…maging makatao naman tayo ngayong Pasko!
®
Saturday, December 20, 2008
Ang Mahiwagang Escalator
Pustahan nitong mga nakaraang araw, napunta ka ng mall. At kung kinapos kapos ka pa sa pamimili at tila nag uumapaw naman ang pera sa iyong kwartamoneda eh pihadong babalik ka pa bukas o mamaya. Nagwawala ang atik!
Habang abala ka naman sa pamimili, hindi ka ba minsan nainis o o kaya ay nakainisan ka sa escalator? Yung tipong tititigan ka ng makakasabay mo at para bang gusto kang lamutakin sa kaniyang palad sabay ihahampas sa sahig.
Ang escalator kasi ay isang mahiwagang hagdan. Kung ang elevator ay kwartong bumababa at umaakyat ng kusa, ang escalator naman ay hagdan na ganun din ang gampanin sa buhay.
Kaya kung mag-e-escalator ka at magmamadali kang humakbang sabay singit sa mga nasa unahan mo, aba edi mag hagdan ka na lang. May hagdan naman kasi sa mall at kadalasan eh nasa gitna pa nga ng mga escalator.
Sa hagdan, pwede ka pang tumakbo kung maluwag luwag din lang. Kahit dun ka pa tumambay habang naghihintay ng ka eyeball mo kung gusto mo.
Sa ganyan kasi madalas makalkal ang inis ko. Pag sumakay kasi ako, laging sa left side lang ako. Palibhasa karamihan sas mga Pinoy eh hindi alam ang disiplina sa escalator, pag may kasabay, tatapatan pa ng kwentuhan. Ibig sabihin sinasakop na nila ang kaliwat kanang bahagi ng escalator.
Yung iba namang parang may hinahabol, sasakalay ng escalator tsaka magmamadaling humakbang at sumingit…sumingit ng sumingit.
Ang nakakainis minsan, kapag tinapatan ka, tititigan pa ng patagilid na para para bang pinompyang mo yung puwet nya para tignan ka ng ganun.
Sa Japan kasi (naksnaman, Japan. Oo nakapunta nako ng Japan pero di ako nag hosto ) laging bakante ang kanang bahagi ng escalator. Lahat ng sumasakay sa kaliwa lumalagay kasi ang kanang bahagi eh para sa mga nagmamadali.
Eh dito sa Pinas mukang di pwede yung ganun. Ang iba kasi ginagawang park ang escalator, lugar na pwedeng pagkwentuhan kesehodang kaliwa yan o kanan.
Kaya kung ako eh isang imbentor, gagawa ako ng escalator na convenient para sa mga Pinoy. Yung tipong hindi pagmumulan ng titigan lalo na sa may hinahabol.
Yun bang pagtapak mo pa lang, may aangat mula sa ibaba na parang tubo, tapos may lalabas na parang manibela ng trolley mula tubo. Tapos nun, aangat naman yung saktong inaapakan mo.
Dahil may sarili ka nang manibela, siyempre dapat may control pero ang control lang eh kanan, kaliwa, abante at walang atras. Sa ganyang paraan, kung nagmamadali ka paaandarin mo lang tapos liko ng kaliwa o kanan kung kinakailangan.
Kung maimbento ko nga yun, magkadisiplina na kaya ang mga Pilipino? Ano sa palagay mo?

Thursday, December 18, 2008
Galing Kay Santa
Ano ang da best na natanggap mong regalo mula kay Santa Claus? Teka naniniwala ka pala ba kay Santa?
Kahit kasi mahirap lang kami at bulok ang bahay namin, nuong bata pa ko (at mga pamangkin ko, oo may pamangkin ako na halos kaedaran ko!) pinalaki kami sa pinaniwala kami na nagbibigay ng regalo ang Ninong ng lahat tuwing Pasko.
Kahit taun-taon eh hindi nababago ang ibinibigay niya, masaya pa rin kami na isa ang regalo ng matabang mamang nakapula sa inaabangan namin. Yun nga lang hindi naman namin siya nakita kahit isang beses.
Dyahe naman kasi siguro na pagdating sa kwentuhan eh ang bahay lang namin ang pinuntahan ni Santa gayung ang dami naming magkakapit-bahay.
Pero sa kwentuhan, syempre galing kay Santa ang mga kendi nakukuha namin sa mga medyas na nakukuha lang namin sa pagka-gising sa mismong araw ng Pasko.
Ang siste pa kamo, ang sabi ng mga dakila kong magulang kapag bisperas na, hindi raw magbibigay si Santa hanggang hindi kami natutulog.
“Kaya naman pala hindi nyo nakita eh, tulog kayo!” Ganyan ang litanya nila pag umaga ng Pasko. Walangya at kasalanan pa pala namin. Sila pa ang may katwiran ano?
Suki kami noon ng Christmas candy yata ang tawag dun, yung parang tungkod ng matanda na parang handle ng payong na may stripes na pula or green. Wag mong sabihing di ka nakatikim nun nung bata ka!
Ang nakakatawa, kaniya kaniya pa kaming gulangan. Naglalagay ako ng dalawang medyas na magkaiba ang kulay para di halatang sa akin pareho. Edi pag umaga, 2 ang regalo sa akin.
Eto ang pamatay, gumagawa pa ko ng sulat at pagkagising ko eh wala naman dun kaya ang paniwala ko eh dinala naman ni Santa. Alam mo ang nakasulat? Request yun para sa susunod na Pasko na sana ay may kasamang laruan na hindi ko lubos maisip ngayon kung paano naman kayang magkakasya yun sa medyas na pambata.
Haaay, ngayon ko lang napagtanto kung bakit di ibinigay ang truck na nagiging robot! Hindi pala kasya.
Siyempre kalaunan, nalaman din namin na yung Ate ko lang pala ang nag-uuwi ng mga regalo ni Santa. (Patay na siya ngayon)
Sa darating na Pasko, may wish ulit ako kay Santa at granted na ha! Actually nagkausap na kami (yan ang picture sa gilid tingnan mo), sabi niya for formality magsasabit daw ako ng medyas at ito ang ilalagay ko sa sulat ko sa kaniya:
Dear Santa,
Mahigit 50 po ang inaanak ko, sa 100 na lang po ang bawat isa eh 5,000 na. Pero sa ngayon daw, 200 na ang minimum kaya dun pa lang eh nasa 10,000 na.
Wish ko na lang po na tuparin ninyo ang lahat ng wish ng mga inaanak ko at bigyan nyo na lang sila sulat na yun ay ibinigay ninyo dahil malakas ako sa inyo. At dahil dun ay hindi ko na sila kaialngan pang bigyan ng aguinaldo at hindi na nila kailngang mamasko sa akin.
Sige na po para makatipid lang.
Mulong
Tuesday, December 16, 2008
Reposting Parausan
Sakit ng ulo ko. Di ako makapag isip. Ulitin ko na lang muna itong isa sa mga unang inilathala ko dito sa blog. Hindi ko nga inasahan na magkakatotoo pala yang isinulat ko. Pagdating ko kasi ng trabaho, sisimple lang ako tapos yung blog agad ang inaatupag ko.
Katulad ngayon, masakit na ulo, pero namamasyal pa rin ako hehehe
eto na ang aking PARAUSAN...
nang minsan kitang matikman
hindi ko inasahan kitay babalikan
may kakaiba ka kasing sarap na ipinatikim
hindi ko malaman kung saan hinugot
hindi sinasadya pero parang napulot
ang tikim nais ulit-ulitin
ibang klase kang bumuhay ng dugo
minsay makatindig balahibo
akala koy kiliti lang sa kuko at paa
iyun pala’y mabibigyang buhay,
magpapadaloy ng dugo
at kayang magpangilo ng bungo
mas masarap ka sa ginisang gulay
ikaw ang nagpalabas
nang nararamdamang minsa’y ikinatatamlay
pagkat wala akong parausan
na maaari sanang mapagbuhusan
naramdaman mo rin bang sobra sobra?
buo-buo ba o sago sago pa?
ipagpaumanhin mo kaibigan
sa paglipas ng araw siguro’y mababawasan
siguro ngay dapat aminin
na sa iyong putaheng ipinatikim
nakatulong ka sa muling pagpapatayo…
sa nanlalambot na paninindigan
at nakakalibog na panitikan
sige pa…malapit…lalabas na
salsalin mo pa!
tingnan natin kung papasa
sa mapanuring panlasa
ang mabulaklak kong salita
magustuhan kaya bilang isang tula?
Inaalay ko ito sa iyo blogspot. Salamat sa pagbibigay ng pagkakataon…ikaw ang aking naging PARAUSAN para muling makapagsulat ng walang kakwenta-kwentang tula!
Para kang banyo sa nagmamarekulyo kong tiyan!
NAKS®
Saturday, December 13, 2008
Bike Trip
Ano nga kayang masamang hangin ang umihip sa tenga ko? Kagigising ko lang nang maisipan kong mag-bisikleta. Isang mumog, konting hilamos, sibat na.
Di ko naman hilig talaga ang magbisikleta at matagal ka na rin akong hindi nakakatapak ng pedal pero iba ang bangon ko na yun. Para bang hinihila ko ng paa ko habang nagsasalita na “tara at magpapawis tayo.”
Akala mo ba may sarili siyang isip na at akala mo rin ba, katawan niya ang pinapawisan eh hindi naman. Buti na lang at siya naman ang nangangawit kakadyak. Yun nga lang dahil wala namang magkahiwalay na buhay ang paa at katawan ko, sa kabuuan eh sarili ko rin ang pagod.
Yun ang dahilan kung bakit, hindi ko talaga trip mag bike
Teka di ako yung iniisip mong todo porma na naka helmet, black and neon green tight feet shirt, cycling shorts at bakat bayag na nagbibisikleta ha. Yung tipong pasyal-pasyal lang pampalipas oras. Eh kaso alas dyes ng umaga at tirik ang araw.
Minsan lang namang ganahan kaya sige lang. Diko alam kung bakit trip ko at kung anong meron pero yosi ang partner ko sa biking. Lupet ano? Naghahanap ng lalong pampahingal. Kung baga sa pagkain kare-kare at dinuguan…hindi magka tugma sa panlasa.
Habang nagbibisikleta, napadaan ako sa tulay sa may bayan kung saan naka-agaw pansin ang mga batang naliligo sa ilog sa ilalim ng tulay. Gawain ko rin yun nung medyo bulinggit pa ko. Nagkukulay ulikba nga ako sa kakapaligo sa ilog eh. Pupunta kami sa bayan, tatalon sa tulay at magpapatianod papunta naman sa amin.
Mas enjoy kapag may mga water lily kasi hindi na kailangang kumampay. Kapit lang tapos aanurin na yun ng tuluyan.
Pero nung makita ko yung mga bata, iba naisip ko. Sabi ko, tyaga naman ng mga batang ito, dumi dumi ng ilog eh. Alam ko na ngayon kung bakit ako napipingot noon kapag naligo ako sa ilog nang di nagpapaalam.
Iniwanan ko yung mga bata nang may bumisinang delivery truck, di pala makadaan kasi halos nakagitna pala ko. Kunyari di ko na lang narinig pero sumibat din ako.
Sa tabi ng simbahan, may circle doon na ikutan ng tricycle. Ilang beses akong nagpaikot ikot. Baka nga ang nasa isip ng mga nagsisimba ng mga oras na yun eh may toyo ako. At baka kung ikaw mismo ang nakakita sa akin, malamang ganun din ang isipin mo.
Hindi ko alam na uso pa pala ang lobo sa may gilid ng simbahan kaya napatigil at diretso sa nagtitinda. Bente pesos na pala ang isang piraso ng lobo? Bumili ako ng isa para sa pamangkin kong babae. Sa bente pesos matutuwa na yun.
Alam ko iniisip mo, may nagtitinda ng ice cream? Meron pero alanganing bumili tapos iuwi ko pa sa amin, baka tunaw na pagdating ko.
Umiba ako ng daan pauwi. May mas maluwag kasing kalsada kaya harurot ako pag sikad. Akala mo ba yung sa pelikula na bibitiw pa sa manibela at itataas ang dalawang kamay?
Tangna ko alam na may parte palang ginagawa, may manhole hanggang di ako nakapag- preno…
Nagising ako…pero masayang panginip yun…di kasi ako marunong mag bike.
Oo tama ang nabasa mo, di ako marunong mag bike!
®
Wednesday, December 10, 2008
Isang Mahabang Paglalakbay
Hindi naman kita kilala, pero malamang nagkasalubong na kita. Ni ha ni ho wala, pero oo naman, bakit nga naman? Makulet ka pala, eh hindi nga magkakilala.
May nagtaas ng kamay, may laging kumakaway. May sumusutsot, may laging bumubuntot, kaya silay bumabantot, san ka man magsuot
I can’t stand to fly
I’m not that naive
I’m just out to find
The better part of me
I’m more than a bird...i’m more than a plane
More than some pretty face beside a train
It’s not easy to be me
Natutu kang lumipad…lumipad nang lumipad. Paghakbang ay namasyal…namasyal nang namasyal. Sa bawat galaw, sila’y nakatingala, nakatunganga at nagmumuta.
Wish that I could cry
Fall upon my knees
Find a way to lie
About a home I’ll never see
It may sound absurd...but don’t be naive
Even heroes have the right to bleed
I may be disturbed...but won’t you concede
Even heroes have the right to dream
It’s not easy to be me
Di ka naman naligaw. Batingaw nga la’y umalingawngaw. Aalis ka daw pala, madami ka bang dala? Wala din daw pasabi kundi ilang mga hikbi.
Up, up and away...away from me
It’s all right...you can all sleep sound tonight
I’m not crazy...or anything...
I can’t stand to fly
I’m not that naive
Men weren’t meant to ride
With clouds between their knees
Sabi nila duwag ka, di naman siguro. Tingin ko kasi matapang ka. Matapang na matapang! Mabibilang lang sa daliri, ang handing umalis nang hindi na uuwi.
I’m only a man in a silly red sheet
Digging for kryptonite on this one way street
Only a man in a funny red sheet
Looking for special things inside of me
Inside of me
Inside of me
Yeah, inside of me
Inside of me
I’m only a man
In a funny red sheet
I’m only a man
Looking for a dream
I’m only a man
In a funny red sheet
And it’s not easy, hmmm, hmmm, hmmm...
Para sa pag alis na punong puno ng katanungan.
It’s not easy to be me...
®
Monday, December 8, 2008
Si Pacman at ang Araw ng Linggo
Wala namang duda na sa ngayon eh laman ng lahat si Manny Pacquiao.Mula TV hanggang sa trabaho pati na sa mga tambayan. Si Pacman ang magaling at si Pacman ang mayaman. Sino kaya ang susunod na kalaban? Lahat ng iyan siguradong pinagdedebatehan.
Pero gawa tayo ng side stories, yun bang wala sa mainstream ng Pacquiao mania pero tungkol pa rin sa kaniya o sabihin na nating sa kanila ni Oscar Dela Hoya.
Ito siguro yung mga puntong hindi makikita nina Quinito Henson at Al Mendoza. Ilalabas ko lang yung pagiging sports analyst ko, tingnan ko kung ano panama nila.
Akalain mong pinagdudahan ko si Pacman! Bandang alas onse kasi ng tanghali habang naghihintay ng laban na kanilang pinagkaperahan, may pumunta sa aking Kristo at nagkakasa ng pustahan.900 lang naman. May sumasama na sa akin na 500 kaya 400 na lang ang ipupusta ko at kay Pacquiao kami.
Ilang beses na kong natalo sa mahjong at hindi lang 400 ang naipatalo ko na. Pero si Pacman hindi ko napustahan dahil sa totoo lang eh diskumpiyado ako. Kung baga kasi sa sabong eh llamadong llamado si Dela Hoya. Kung naging tres man ang pustahan, kakanain ko na!
Pasensya na Pareng Manny ha!
Eto na, habang nasa inuman, imposible namang mawala ang matatalinong diskusyon. Habang pinagpi-piyestahan ang sisig na ipinagmamalaki ni Pareng Jho, narinig ko ang isa sa pinaka malupet na komento tungkol sa dream match na iyan.
Ang sabi ba naman; “swerte ni Pacquiao hindi sumusuntok si dela Hoya. Yun na nga lang eh hindi pa niya napabagsak, paano pa kaya kung sumuntok pa yun?” Classic di ba? Oo nga naman, paano kung sumuntok si Pareng Oca, baka siya pa ang nanalo di ba!?
Lahat nga naman ng talunan may ekskyus, parang sa sabong, kapag natalo ang manok… naunahan lang eh. Para bang nakalimutan na ang sabong eh unahan lang naman talaga!
Sa pagkakapanalo ni Pacquiao, tingin ko nagkaroon ng kalaban si US President Elect Barrack Obama, hindi sa world domination ha, bomalabs tayo dun. Sa pagiging man of the year ng Time Magazine.
Sabihin na nating nasa history na si Obama, pero ibang history pa rin ang ginawa ni Pacquiao eh. Ano sa tingin mo? Kanino ka? Obama o Pacquiao?
Pagpatak ng gabi…kumalat na ang balita na nagpabago ng takbo ng debate habang nadadagdagan ang Colt 45 na itinatagay namin. Namatay na si Marky Cielo. Aba lintek at mga tagahanga pala ng isang apo ni Shaider ang mga kainuman ko.
Paano na daw ang sangkatauhan, ang mundo kung maghahari ang lagim sa ilalim ni Puma Ley-Ar. Ano pa ba ang isasagot ng lasing? Mga hunghang nandyan ang Liga Insekta, di tayo pababayaan nina Gagambino.
Nakupo nalintikan nang lalo!
Buti na lang bago ako magkandasuka sa harapan, natapos ang gabi ng may magandang balita…tumama ako sa ending! Sarap ng Linggo!

Friday, December 5, 2008
Larong Pang Mahirap
Noon, ang computer games gaya ng Pacman o Super Mario at yung Nintendo, larong pang-mayaman lang. Madalang kasi ang may access o yung nakakagamit ng computer nun. Sila yung pinanganak na may pilak na kutsara daw sa bibig. Di ko alam kung balak ‘yung isalaksak sa bunganga nila o ano.
Ang mga batang mahirap, yung mga taga looban o eskinita, may mga larong pang-mahirap na minsan eh hindi keri ng mga batang iba ang kulay sa kanila. Yan ang mga laro namin.
Tulad na lang ng awtang base. Lumalabas pa kami ng kalsada at duon kami naglalaro habang ka patintero din ang mga tricycle. Parang grouping ‘to ng out-an. Lahat ng mga na out na, dumidipa mula sa base sa kalaban hanggang sa magka dugtong dugtong.
Tapos kapag nakalusot ang isang member at nahawakan niya ang dulo ng mga naka dipa niyang kasamahan, puntos ‘yun. Kailangan mabilis tumakbo yung huling kasamahan na hindi pa naa-out kasi kung mabagal ka, give away na yung puntos sa kabila.
Yun ang ginagawa nila sa akin. Pag ako na lang ang natitira sa grupo namin, dahil maliit daw ako, payag na silang iskor na ng kalaban. Tangnang mga iyun, walang tiwala sa akin!
Pwede ring patintero mismo kaso mas enjoy naming yung base eh. May mga dupang daw kasi sa patintero, pag na out sasabihin time out may sasakyan!
Sa bukid naman kami naglalaro ng baseball gamit yung bolang pula. Walang bat yun, kamao lang talaga. Siyempre hindi naman buong taon eh may tanim na palay ang mga bukid kaya pagkatapos ng gapasan, baseball field na ang rice field.
Yun nga lang may kalaban kami, mga bata kasi kaya ‘pag dumating na yung mga binata nung mga panahong yun, sibat na kami kasi teritoryo nila yun eh. Kami naman, takbuhan sa mga dayami at dun na lang kami magpapa-tambling tambling.
Ayun, pagdating ng gabi, galit nag alit ang ermat ko kasi nangangati yung katawan ko. Kahit kasi mahirap, tatablan rin ng kati na dala ng dayami.
Sa mga panahon namang nalalaos ang patintero o baseball, at para halu-halo rin ang mga kalaro, pera perahan ang pantapat dyan. Yung mga balat ng kendi o kaya kaha ng sigarilyo, yun ang mga pera namin.
Ang kending viva, isandaang yun, ang lips dahil pula siyempre singkwenta, at ang stork naman ang limang piso.
Dahil malaki naman ang mga kaha ng sigarilyo, kailangan tatlong tupi yan na pwedeng ikawit sa mga daliri ala drayber o konduktor. Marlboro natural singkwenta, ang Hope at ang Champion ang limang pino habang isandaan naman ang Phillip. Siguro kung ngayon yun, mas tamang isanlibo na ang Phillip kasi mas kakulay diba?
Pero wag ka, hindi laro yun na basta lang may pera ka, siyempre may paraan kung paano lilibangin ang sarili gamit ang mga yun. Dahil taga looban, ano pa nga ba edi sugal! Nandyang nagbeto beto kami gamit ang dice na putik, o kaya eh sakla. Akalain mong bata pa lang eh sugarol na ko?
Pwede pa kaya yung mga yun ngayon?
Pano pa nga ba magpa-patintero sa dami ng sasakyan. Ang mga nasasagasaan nga iniiwan na lang at kung minamalas talaga, aatrasan pa ng tsuper para masigurong patay ang biktima. Pano pa nga rin ba makakapag-baseball kung halos wala nang bukid? Hindi bat halos lahat eh naging subdivision na?
Ang pera perahan? Mas lalong hindi na pwede dahil ayaw na ng mga bata ng di totoong pera ngayon. At ang totoong pera, kahit mahirap, sa counter strike at dota na rin dinadala.
Hindi na siguro pwede.

Tuesday, December 2, 2008
Puro Malay Mo!
Kung merong kang kakaibang talento, ang Talentadong Pinoy daw ang dapat na puntahan mo. Palabas yan sa TV5 tuwing Sabado. Nakakatuwa! Merong tatoong nagpapakita ng natatanging galing at meron din namang mga nagmumukhang tanga.
Pero kahit ganun, makikita mo yung magandang intensyon ng palabas, yun bang mabigyan ng pagkakataon ang mga kababayan nating ipakita…at pagkakitaan yung mga ginagawa nila. Malay mo nga naman, yun ang maging pinto sa mas malaking pagkakataon para sa kanila di ba?
Naalala ko tuloy nung minsan napasok ako sa isang kulasese sa may Pasay. Matapos ang mga nakabuyang na kuwan habang sumasayaw sa saliw ng mga makabagbag damdaming awitin kabilang ang Its All Coming Back To Me, meron palang intermission number!? At hindi basta intermission number, acrobatic show!
Akalain mo yun? Matapos ang mga bundok ibok ibok eh may mga magtatalunan na para ka namang nanunuod ng children show! Walang duda na sa perya sila nagsimula at parang promotion na yung mapunta naman sila sa beerhouse. Nasan na kaya sila ngayon? Malay mo nasa Hong Kong Disneyland na pala sila.
Yun kasi ang isa sa natutunan ko noon sa Values Education, kung ano daw ang talento mo, pagyamanin mo. Ang kasunod niyan, walang kamatayang puro malay mo…puro malay mo.
Tulad na lang ni Celino Cruz, ahead lang ako sa kaniya ng isang taon nung high school, noon pa lang magaling na yan sa volleyball. Tingnan mo ngayon nasa PBA na. Nabago man ang sports niya, mayaman naman.
Ganun din si Chris Baluyot na kababaryo ko rin. Dahil matangkad pinagbuti niya ang paglalaro ng basketball. Nagbunga, ngayon nasa Air 21 siya, reserve nga lang!
Halos lahat naman ng magaling sa maliit nagsimula eh. Kahit yung mga singer, dancer, gitarista, piyanista, kahit masahista. Hasa lang talaga ang kailangan.
Pero paano kaya sa tulad ko na ang talent eh makipag-inuman?
Bakit naman kasi nung nagbuhos ng talent ang siyang Lumikha eh nakapayong ang ermat ko. Baka daw kasi mahamugan ako kaya kahit ambon tuloy, di ako nabiyayaan ng talent.
At dahil pagpapayabong ng talento nga ang prinsipyo isinasabuhay ko, ayun at ginawaga kong libangan ang inuman session. Tuwing Sabado at Linggo nasa inuman ako. Ang sabi ko nga eh baka dun kami yumaman at magbukas ito ng pinto na kung saan man patungo.
Eto na…
Malay mo, magpa-promo ng Red Horse o Colt 45 ng “Pera s Tansan.”
Malay mo padamihan ng makukulekta o kaya eh babakbakin lang yung kulay gray na nasa loob nito at naduon pala ang karampatang premyo.
Malay mo ako makakuha ng winning tansan na may tumataginting na premyong isang milyong piso?
Malay mo maging milyonaryo ako dahil sa pagiging manginginom ko!
Malay mo…malay mo…puro malay mo! Kawawang beer, walang kamalay malay!
®
Saturday, November 29, 2008
Ter-Mi-No-Lo-Gy
Tama na muna yang tungkol sa pelikula, napagkakamalang matanda na ko kasi puro daw lumang dialogue at eksena ang naiisip ko. Teka, may DVD copy ba kayo ng Panday 1? O kaya yung Dampot Pukol Salo? Hindi nyo alam yun ano?
SEGUE
Lahat naman tayo marunong umintindi o magsalita ng tagalog diba? Pero minsan ba may nasalubong ka ng salitang tagalong daw pero hindi mo naman naiintindihan? Pero ang siste, sa lugar naman nila eh parang ordinaryong salita lang iyun!
Tulad na lang nung unang napunta ako ng Lian sa Batangas. Tinanong kami ng ermat ng barkada ko, “nakain” daw ba kami ng pusit na malaki? Gusto ko sanang sagutin ng ‘Nay opo nakain kami ng pusit na malaki kaya lang po mabaho ang hininga ko kaya iniluwa din kami.’ Baka nga kung nagkataon nga lang eh katutuntong ko lang sa pamamahay nila eh palayasin na agad ako.
Yun pala, ang ibig lang sabihin eh kung kumakain kami ng pusit na malaki. Ang salitang ‘nakain” kung tutuusin eh madali namang intindihin kasi verb lang ito at pwedeng hugutin mula sa root word, which is “kain” ang ibig sabihin di ba? Iyun nga lang, bobo talaga ko.
Pero paano na lang kung walang root word? Ito yung masasabing authentic na kanila lang. Sa amin kasi merong ganun eh. Bigyan kita ng sampol.
KASKAS…ang ibig sabihin niyan sa amin eh posporo. Sa pangungusap maaari mong sabihing, ‘pwede ho bang manghiram ng kaskas, susunugin ko lang ho ang kaluluwa ko sa impyerno?” Pasok ba?
KUWITIB…yan ang tawag namin sa langgam na pula. Sa amin kasi ang langgam eh yung itim at kuwitib naman ang pula. Sa use in a sentence, pasok na pasok yung “tangina ako patu-tuyo lang, pero ang lintik na kuwitib na ito, pa itlog itlog pa!” sabay hugot ng kamay mula sa short.(Kambyo!)
TAGASAW…kamag anak yan ng kuwitib. Antik yata yan sa Maynila at sa iba pang lugar. Ewan ko lang kung ano mararamdaman kapag ang tagasaw na ang nag paitlog-itlog lang. Sa morbid na halimbawa, mas ok kung sasabihing, itali natin siya sa poste, hubuan natin tapos pagapangan natin ng sandamakmak na tagasaw!
Yahuuuuuw! Kati lang!
PAKI…tansan naman ang tawag niyan sa Maynila. Madidinig mo ang mga bata sa amin na naglalaro, “manguha tayo ng tansan tapos gawin nating pakalasing para makapang buraot tayo mamaya sa karoling.”
DALAHIRA…di ko lang sigurado kung yung dalahira eh sa amin lang sa Bulacan o kilala na rin sa ibang lugar. Madami daw kasi niyan kahit saan…kahit daw sa blog! Tsismosa ibig ibig sabihin niyan as in “Si blank ay dalahira, masarap siyang hiwain ng blade sa batok pagkatapos ay lagyan ng patis at kalamansi ang sugat habang dumudugo!”
Ikaw, meron ka bang salita na sa tingin mo eh native word niyo?
Pahabol pala, SUNATA alam mo? Tingnan mo na lang sa comments ang ibig sabihin…

Thursday, November 27, 2008
Pamatay Na Dialogue Naman
Yaman din lamang…oooops nakamputcha naman, yaman din lamang daw oh! Sige revise and erase.
Dahil napag usapan na rin lang ang tungkol sa mga walang kamatayang eksenang namatay na, pagtuunan na rin natin ng napaka importanteng atensyon ang tungkol naman sa mga classic na dialogue.
Yun bang mga litanya sa pelikula na sa di mo maintindihang dahilan eh tumatak sa isip mo na para bang kinurot ka ng nanay mong mahaba ang kuko. Kasakit lang! Yung may dating ba!?
Etcha pwera na muna natin yung mga nasa history at ilang beses ba nating napanood sa Tagalog Movie Greats tulad na lang nung you’re nothing but a second rate ek ek ni Cherry Gil. Ka level din niyan yung “Walang Himala!” ni Ate Guy at siyempre ang “kapag puno na ang salop, dapat nang kalusin” ni Da King.
Sa medyo bago, isa na siguro diyan ‘yung “walang personalan, trabaho lang,” na sinabi ni Daboy. Kahit sa usapang kanto o sa sugalan maririnig pa rin yan.
Mag referee ka lang o kaya makiepal sa naglalaro ng teks masisigawan ka ng mga naglalaro at mauuwi pa yan sa bantang “hintayin mo kami, bubugbugin ka namin.” Babanatan mo naman siyempre ng walang personalan trabaho lang. Pasok di ba?
Sa pelikula namang Gwapings yata yun, may eksena dun si Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez na para bang suko na sila, pakiramdam nila eh aping api na sila bilang mga kabataan, nag dialogue ang anak ni Daboy ng “hanggang kailan tayong ganito?’ Ang sagot naman ni Jom…kung kayang sagarin, sagarin!
Yan ang isa sa di ko malimutang linya pero wala lang. Parang ang drama kasi ng dating yun nga lang, ang hirap hanapan ng eksena sa totoong buhay. Corny!
Isipin mo na lang kasi kunyari umiebak ka sa banyo tapos jebs na jebs na rin ang kasama mo sa bahay, sisigawan ka… “ang tagal mo naman, hanggang kelan ka ba dyan?” Di yata bagay yung sasagot ka in mellow dramatic tone habang nakaupo sa toilet bowl ng “kung kayang sagarin, sagarin! Ang panget!
Si Priscilla Almeda na unang nakilala bilang Abbi Biduya, kahit puro bold ang pelikula nun, may unforgettable dialogue din. Para naman daw masabing hindi lang siya nagbuyangyang hehe.
Sa commercial/teaser pa lang ito ha, nakakulong si Gary Estrada habang nasa labas naman si Abbi, magkahawak ang kamay nila sa rehas, sabi niya “wag mo nang abutin ang di mo kaya…” sabay pasok ng kantang…”I wont forget the way your kissing…SUTLA…sa direksyon ni Romy V. Suzara.
Yun lang, classic ano!? ST kasi eh! (tanong mo na lang kung di mo alam ang ST)
Sabi ko nga yung ibang mga linya, kahit napulot lang sa pelikula, minsan eh nagagamit sa totoong buhay. Basta magamit lang kahit walang kwenta.
Nasubukan mo na ba yun? Ako nasubukan kona. Ang dialogue kong sinabi? Sabi ko…Hoy Inday kainin mong itlog ko!
Linya yan ni Aiza Seguerra sa pelikulang Super Inday and the Golden Bibe. Patok yan ibahin mo na lang ang pangalan ng pagsasabihan mo hehehe! Sige subukan

Tuesday, November 25, 2008
Mga Eksenang Wala Na
Movie addict ka ba?
Hindi sinasadyang nadaanan ng remote control ng TV namin ang CLTV Channel 36, isang local channel yun sa Central Luzon. Alam ko talaga na puro lumang pelikulang tagalong ang palabas dun tuwing alas singko ng hapon, kaya hindi ko nililipat dun ang channel.
Pero kahapon, nagtagal ako sa Channel 36 at nanghihinayang ako na hindi ko naumpisahan ang palabas…Ang Alamat ni Leon Guererro! Sa loob loob ko, akalain mong Senador na ngayon ang isa sa pinakamagaling gumamit ng baril noon, si Senador Lito Lapid.
Iyun nga lang, hindi pala pagalingang bumaril sa Senado.
Patapos na yung pelikula nang mapanood ko. Napakanta pa kamo ako na tinawanan naman ng pamangkin ko.
Basta nakagapos ng lubid si Leon nun at ang kaniyang leading lady na hindi ko kakilala. Habang hinihintay na lang ni Pacquito Diaz ang kamatayan ng dalawa, dumating na ang eksenang siguradong nagpasigaw sa mga tagahanga ng action movies, ang isang pulutong na mga kakampi ni Leon habang nakasakay sa kabayo!
At simula na ng pagalingang bumaril at pagkakabayo. Ang mga bidang hindi tinatamaan ng bala, ang mga bidang asintado, ang mga kalabang mahagip lang ng putok eh tumutumba na at ang mga baril na hindi nauubusan ng bala.
Naisip mo ba, ang dami palang eksena sa mga antigong pelikula na hindi na nakikita ngayon? Una na nga yung porma nina Leon Guerrero, naka pang cowboy tapos magsusuntukan sa disyerto habang tirik na tirik ang haring araw. Nagpapawis siguro mga kili kili ng mga ‘yun. Asim yata!
Hindi ko na rin nakikita yung mga pulis na dumadating kapag patapos na yung pelikula at ubos na yung masasamang nilalang. Sigurado namang pag ganun na, may tama sa balikat si FPJ.
May lulupet pa bang kontrabida kay Max Alvarado na ilang beses pinagtangkaang gahasain ang leading lady ng bida? Yun nga lang di siya nagtatagumpay!
Wala na ring artista ngayon na kasing bilis sumuntok ng mga action star noon. Mabili pa kaya sa mga fans yung susuntukin ng maraming marami sa tiyan ang kontrabida tapos popompyaing sa tenga ng kalaban?
Sa ngayon kasi parang puro romantic na lang ang pelikulang tagalog tapos sobrang dalang pa. Pero kahit na may mga pa-tweetums na pelikula, parang kulang pa rin yung elements nila ngayon eh.
Im sure tanda mo pero wala na kong napapanood na sasayaw yung mga bida sa beach habang ang tugtog yung soundtrack ng pelikula. At dahil nasa beach, hindi pwedeng mawala yung step na nasa likod ng mga puno ng niyog yung mga love team habang nagsasalitan sila ng paglalabas ng ulo sa magkabilang side.
Kung gagawin kaya nila Dingdong and Marian or John Lloyd and Bea yung ganuong eksena, bumagay kaya?
Alam mo ba ending kapag sa beach ang eksena? Siyempre tatalon ng sabay sabay tapos freeze! Yung ang malupet, closing credits habang nasa ere silang lahat nyahaha!

Saturday, November 22, 2008
Nandiyan Na Mga Senyales
Hindi na talaga pwedeng deadmahin! Kahit medyo hindi mo pa gusto dahil wala ka pang budget eh wala ka ng magagawa…malapit na talaga ang Pasko.
Nito kasing nakaraang Sabado, habang nag-iinuman kami ng tropa ko (lagi na lang) napuntahan kami ng mga batang paslit na biglang kanta ng Pasko Na Naman. Sa limang kumakanta, tatlo yata dun ang inaanak ko. Striking yung pagkanta, kasi para silang nag-abiso na “Ninong malapit na!”
Bahagi naman talaga ng tradisyon nating Pinoy ang pagbibigay ng aguinaldo tuwing Pasko. Sabi nga eh isang beses lang naman sa isang taon. Kaso nga lang, sa tulad kong Ninong ng bayan, na kabata-bata ko pa(?) eh may mahigit 50 na kong inaanak, patay tayo dyan! Malaki-laking budget din ang kakailanganin ko.
Pero ok lang yan kasi lahat naman siguro tayo dumaan sa pamamasko at pangangaroling diba? Nuon nga kaniya kaniyang grupo pa yan kasi mas marami, mas maliit ang partihan. Tapos kaniya kaniya ring teritoryo pero ang sumatutal lang naman eh padamihan ng kapitbahay.
Eto ang malupet, tanda ko anim kami sa grupo, tapos inayaw ako kahit ako pa naman ang lider, yung parang coup‘d etat? Aba hindi ako pumayag. Kinaumagahan, kinausap ko yung dalawa sa lima ko pang kasama. Pinsan ko yung 2 eh. Kinagabihan, ayun tigatlo na kaming nag-aagawan sa sampung bahay na iniikutan namin hehehe.
Teka yan eh karoling mahirap ha, yung mga nagaganap lang sa mga looban. When it comes to villages and subdivisions, pardon me but I was not able experience such a “coñotic” activity. Wahehe
Sa inyo ba may mga parol na rin?
Narinig ko kasi yung pamangkin ko kausap yung mama niya. Pinagdadala raw sila ng titser nila ng parol sa eskwelahan. Tapos ako yung tinuro ng mama niya. Pagbaling sa akin ang sabi “Nong penge daw pambili ng parol. Sabi ng mam bawal daw yung tinda sa palengke na tig be-bente lang.”
Walastik din naman ano? Talagang may price range?
Ito sana ang pumasok sa isip kong litanya nung mga oras na ‘yun; “Sabihin mo dyan sa titser mo, the economic crisis in the United States has already affected the economy of other first world countries, and like a domino effect, it has influenced the economic movements of the third world like our beloved Philippines. Prices of oil products in the world market are going down, but the prices of basic commodities in our own market is still up while there were still no signs of the same to stabilize before Christmas. How dare you to ask for a lantern with an specific amount?”
Naisip ko lang na 8 years old lang pala yung kausap ko. Kaya ayun binigyan ko ng 30 tapos ang sabi ko humanap ka ng tig 25 pesos tapos sa iyo yung sukling 5. Akalain mong tuwang tuwa. Sumunod na nga naman siya sa gusto ng titser niya, may 5 pa siya.
Meron pa palang senyales ng Pasko na nandiyan na at hindi rin pwedeng deadmahin. Hindi ito nakikita tulad ng parol o naririnig tulad ng karoling. O teka teka, ayokong lumalim ang usapan, hindi iyan world peace and love for all mankind.
Ang simoy ng hanging amihan ang ibig kong sabihin. Ramdam na iyung ibang klaseng lamig. Diba pag pasok ng banyo at pagkaalis na alis ng LAHAT ng saplot sa buong katawan (para maligo ha) eh tatayo na yung balahibo mo at kikisig kisigin pa habang tumatalon talon sa unang dampi ng tubig sa balat. Whew tangina lamig!
Kaya nga ba tinatamad na kong maligo ngayon eh. Kaw ba?

Wednesday, November 19, 2008
Mga Salitang Walang Direksyon
kanina pa ko nangangapa
ng litanya at mga salita
mga kakaibang kwento
o kaya’y karanasang karima-rimarim
na gustong ibahagi sa inyo
pero ang mala-bitukang nasa na loob ng kukote
tila walang pakialam
hindi nakakaramdam
para bang wall clock na nalaglagan ng baterya
na biglang namatay at hindi na gumana
at dahil natalo sa mahjong
iilang oras lang ang tulog
katawan ko tuloy mistulang binaunan ng bubog
masakit na mahapdi pa
bigat talaga pag naubusan ng pera
pero gaano man kabigat ang katawan
kasabay ng pagtirik ng liwanag ng buwan
kailangang manatiling dilat
hanggang sa pagsikat ng haring araw
kailangang trabaho pa rin ang mangibabaw
nanlilisik na mga mata
malalim na buntong hininga
ang hangin sa batok
nagdulot pa ng kilabot
sumasagitsit ang katahimikan
sa kumunoy ng karimlan
sige lakad ng lakad samuel bilibid
lumipad ka rin angkas ng ibong adarna
salubungin mo sa himpapawid ang seksing si darna
baka sakaling doo'y may mahagip ka
ng rekado at hinahanap mong timpla
sa mga salita mong wala namang kwenta

Saturday, November 15, 2008
Tagau Ulit: Sa Police Station, Nakatulog Ka Na?
Malabon Police Station naman ang pinagparausan ko ng kalasingan ng mga oras na yun. Magdadalawang taon na pala, akalain mo? Tulad ng pangyayari nung nakatulog ako sa Edsa, inabot na naman ako ng madaling araw sa inuman.
Hindi naman ako dapat aabutin ng alanganing oras nun eh. Matino kasi ang usapan namin ni Pareng Mico. Uminom daw kami sa bahay nila sa Malabon nga tapos dun na lang daw ako matulog sa kanila.
Ok naman ang simula. Nandun kami sa harap ng bahay nila tapos dumating pa yung tatlo niyang barkada at pinagpiyestahan muna namin ang isang kahong Redhorse. May nagpatak at bumili ng sugo at may bumili naman ng yosi. Kahit isa lang ang kakilala ko, maayos naman nila kong hinarap.
Nung malapit nang maubos ang isang kahon, nakikiramdam na ko kasi parang todo pati na yung pinambili ng mani at sigarilyo. Huling tagay sa akin daw kasi bisita ako na para bang may ibig sabihin.
Dahil sayang naman yung natirang yelo, nagpabili pa ko ng kalahating case pero sa tantya ko eh konting sundot na lang at tamang tahimik na ko. Pagbalik ng bumili, may sabit pang isa daw nilang kumpare.
Sa loob-loob ko eh ayos lang dahil naging lima kami at least mas mabibilis tirahin yung anim na bote. Pagharap ng bagong dating, langya at nagpapahinog na lang pala dahil nakainom na. Pero sige lang sabi ko, maaga pa at pasasaan ba makakasama na sa inuman yung ilalim ng mesa.
Habang umiikot yung baso hindi namin namalayan na nakatakas na pala yung isa. Nagpaalam ng iihi lang, uuwihi na pala.
Ilang tagay pa at eto na, dyadyararan…hindi nako masyadong umeepal sa kwentuhan kahit nagpapalakasan na sila ng bunganga. Isa lang ang ibig sabhihin nun…lasing nako.
Pagbukas ni Pareng Mico ng ika-apat na bote, isang babae ang umeksena…“Hoy Mico alas dose na, wala ka pa bang balak umuwi?” banat ng misis niya. Biglang tayo si Pareng Mico na para bang walang bisita. Ang masama pa, hindi na pala sila dun nakatira sa bahay nila at umuupa na ng apartment.
Nalintikan na, iniwan na ko sa mga taong di ko kakilala.
Kahit mga ngongo na kaming tatlong natira, sige lang hanggang hindi lumalabas ng kusa sa mga bibig yung beer at maning tinira namin. Hindi lang lumabas yung salita sa bibig ko pero gusto kong itanong kung mga adik ba sila?
Hindi nga ako nagkamali.
Kaya pala pumasok sa isip ko iyun eh dahil drugs na ang pinag-uusapan. Mga gusto palang tumira ng otab. Pwera angas pero nung huminto akong mag-drugs eh sinabi ko sa sarili na hindi nako babalik sa bisyong yun (Oo nag drugs ako dati). At napanindigan ko naman.
Kahit anong yaya nila at kahit anong pigil nila sa akin eh sumibat ako kahit halos lumabas na sa ilong ko yung beer.
No choice na naman ako, ayoko namang bumiyahe nang hindi ko alam kung saan ako makakarating. Pagbaba ko ng jeep diretso ako ng istasyon ng pulis, naglabas ng id at nagpakilala na para bang napakatino ko.
“Pasensya na po kayo, taga Bulacan ho kasi ako eh napasobra po ang inom ko, yun naman pong kasama ko eh nagyayayang mag drugs, hindi ko trip yung ganung bisyo eh, pwede ho ba kong mag stay dito hanggang alas singko lang po ng madaling araw?” tangina akala mo kung sino akong mabait na di ko alam kung inuto ako ng mga parak, sige daw, wala daw problema.
Ayun, ang hindi na naman matatawarang karanasan ng kalasingan. Habang natutulog nga ako, naalimpungatan pa nga ako, pagdilat ng mata merong isang nakaposas, duguan ang damit habang kausap ng sarhento de mesa, wala akong pakialam. Sige tulog lang!

Thursday, November 13, 2008
Unang Tagay: Nakatulog KNBS Edsa?
Tagay muna!
Tuwing bago mag Pasko nag iinuman kami ng mga barkada ko nung college. Sabi nga nila, at least (sabay dugtong pa ng “kahit papaano’) eh nagkikita daw kami kahit isang beses lang sa isang taon.
Sa isang banda eh tama nga naman. Kahit mga propesyunal na (although ang ilan ay nanatiling taghirap katulad ko) eh may oras pa rin ang HUBAD na magsama-sama para sa mga malayang talastasan…na pwede ring tawaging payabangan, angasan, pataasan ng ihi at minsa’y makinig sa payo ni Pareng Ryan.
Pero sa mga paghaharap namin, ang hindi ko makakalimutan eh noong 2005. Nakatulog kasi ako noon sa isang bahagi ng Edsa. Oo sa Edsa, specifically sa may SM North, dun sa pinaka-kantong tinutumbok ng mga bus na galing Cubao na lumiko mula sa dulo ng MRT. Dun sa pagbaba ng overpass tapos lakad ka ng konti, Nakuha mo na ba kung saan?
Ang malupet pa, madaling araw yun ha, mga mag-aalas tres yun!
Hindi pa ginagawa ang SM City noon kaya sa kantong iyun pa ang dating hintayan ng mga pasahero. Merong mga papuntang Malinta-Monumento, Novalichez, Bulacan, Pampanga at kung saan saan pa. Buhay na buhay ang lugar na iyun kahit ganuong oras.
Sa Newsdesk Café kami uminon noon sa may Scout Madrinan sa Quezon City. Tulad ng mga dating inuman, sa umpisa malinaw pa ang kumustahan at kwentuhan. Pero nang tumagal na, parang nagsisigawan na. Kaniya kaniyang banat habang nawawalan naman ng direksyon ang mga kwento.
Dahil sa Bulacan ako umuuwi, sa umpisa, tinatantya ko yung sarili ko. Pero mahirap iwasan kapag nandiyan nasayaran na ng espirito ang lalamunan. Edi ayun pagkatapos ng tatlong bote, ang kasunod nun eh dire-diretso na. Wala nang pataan!
Natapos siguro kami pasado ala una, maaga pa nga kung tutuusin eh. Hinatid ako Cedie sa sakayan at dun na nga ako naghintay. Sa dami ng rumaragasang bus paliko sa kantong iyun, talagang tinutukuran ko na lang ng tingting ang mata ko kahit alam kong hanggang dulo na ng buhok ko yung tama ng espirito ng beer.
Eto na kamo, mag aalas dos na, hindi pa ko nasasakay at alam ko naman na malamang eh wala na talaga akong masasakyan. Tangina kasi, adik sa inom ayan hehehe.
Ilang sandali pa…wala na surrender na ko.
Lumapit ako sa nagtitinda ng balot at yosi sa mismong kanto na biabanggit ko. Umupo ako sa gutter ng kalsada at nagpa-alam ako sa nagtitinda na iidlip lang saglit. Pagtama ng ulo ko sa tuhod ko, tuluyan nang umikot ang paningin ko hanggang kung saan saan na ko nakarating.
Ramdam ko ang lamig nang hanging dumadampi sa aking balat. Pilit kong hinihila ang kumot nang biglang…isang malaks na busina ang nagpadilat ng mata ko. Pagtingin ko sa relo ko, tangina pasado alas kwatro na. Wala na rin yung magbabalot na pinagpaalaman ko. Di man lang ako ginising?
Di ko alam kung matutuwa ako na nakatulog ako o ano dahil paano na lang kung may nag trip sa akin? Iyun na nga lang, lumipas ang oras ng parang nakapag pahinga ako.
Kasunod na nuon eh yung bus na sinakyan ko pauwi sa amin. Naisip ko lang, hindi naman ako taong kalsada, hindi rin naman ako taong grasa, pero nakatulog na ko sa Edsa. Karangalan yun diba?
Ikaw? Nakatulog ka na ba sa Edsa?
®
marami akong kwentong lasing…merong sa presinto at kung saan saan pa.

Tuesday, November 11, 2008
An Open Letter to Barrack Obama
Hon Barrack Obama
President Elect
Washington DC, USA
Dear President Obama;
Upon receiving this letter, I hope you and your family are in good condition while reading this letter. Yan po ang una kong natutunan sa paggawa ng sulat noong akoy grade three.
Siguro naman sa mga sandaling ito, tapos nang bumati ang lahat ng nakikisawsaw sa pagkakapanalo mo. Ipagpaumanhin ninyo na nung una, inakala kong may lahi kang terorista. Kasi naman ang sabi eh first name nyo daw ang Obama at ang apelido nyo si Bin Laden.
Ang dami po talagang natuwa nuong nanalo kayo dahil nga sa kauna-unahan kayong Black American na nanalo bilang pangulo ng pinaka makapangyarihang bansa sa buong mundo.
Pero sa totoo lang din, yun ang nakakatakot dahil kayo na rin ang maituturing na pinaka makapangyarihang tao sa buong mundo. At dahil kauna-unahan ka, maraming posibleng first time din ang mangyari. Baka nga bukas makalawa, Lord Obama na ang gusto nyong maging tawag sa inyo ng mga tao.
Ano nga kaya ang kalabasan na kayo ang kauna-unahang Black American President ng US? Hindi kaya maging daan ito para sa pagganti ng mga kakulay ninyo sa deskriminasyon natanggap ng inyong lahi noong mga unang panahon laban sa mga puti? Posible daw kasi yun eh.
Napanood ko nga pala yung American History X. Grabe ang discrimination issue dun. Pero in fairness, isang katulad mo rin ang nagpabago ng paniniwala ng bidang si Edward Norton. Biglang kambyo ang mga itim dun sa huli although kakulay nga lang nila ang nakapatay sa kapatid naman ni Norton na si Edward Furlong. One of the best intellectual movies yun na napanood ko. Pekman!
Bantayan mo yang mga ganti ganti nay an ha!
Pero President Obama, naisip mo ba kung dehado nga ba talaga ang mga black sa America? Well, siguro nga nasa history ka na, pero kung tutuusin, dun sa pagiging “President” na lang naman ang hindi na attain ng mga katulad mo eh. Pagdating sa ibang aspeto tingin ko mas llamado na nga kayo eh.
Tingnan mo na lang sa huling NBA finals ng Lakers at Celtics. Kevin Garnett at Kobre Bryant ang talagang umangat at naglaban sa pagiging MVP. Dito nga sa Pinas, noong labanan naman ng La Salle at Ateneo, isang Norman Black ang nakapigil sa paghihiganti ng mga Green Archers. Apelyido pa lang panalo na!
Si Halley Berry, ilang beses na siyang tinaguriang pinakamagandang tao sa balat ng dalanghita…este balat ng lupa. Maraming beses na rin siyang nai-consider bilang best dressed Hollywood actress. Ewan ko lang kung sakaling mapunta siya ng Pinas kung palusutin siya ng Startalk. Remember? T, the Tigbak Authority!
At ang pinaka sa lahat ng pinaka sa ngayon…Chris Brown and Rihanna.
Ang walang kamatayang With You ( with you…with you!) at ang national anthem ngayon, Umbrella na kalauna’y naging Payong pa. Di ka na mababasa ng ulan eh eh eh oh oh! Kabaduy lang. Pero pustahan oh, sila hahakot ng awards sa darating na Grammy.
President Obama, sabi nila kamukha mo daw ang pinaghalong Will Smith and Denzel Washington. Pero ito, atin atin lang ha, kamukha ko naman daw si Chris Brown ahihi! Pabigyan mo naman ako ng US Visa, sige na.
Very respectfully yours,
ABE MULONG CARACAS™
Teka kung makarating man sa kaniya ang sulat na ito, maintindihan naman kaya niya? Waszup niggah?

Friday, November 7, 2008
Balik Tanaw...Naaaw...Naaw (Echo) Part 2
Hindi natapos kina Rose Ann Gonzales, sa Mga Batang Yagit at sa mga taga That’s Entertainment ang kabaduyan ng makaluma kong mundo ng telebisyon. Siyempre nandyan din ang radyo!
Ayoko sanang aminin pero may transistor kami sa bahay dati. Dahil wala nga kaming TV, radyo ang libangan kapag patay ang TV ng ilang kapitbahay naming meron nito. Status symbol kasi ang TV, pag meron ka niyan, lalo na yung parang may pinto, mayaman ka.
At ang mahirap, tiis-tiis lang sa radyo.
Oras ng tanghalian ang tanda kong pakikinig ng radyo dati. Sa halip na sapilitan akong patulugin ng Inang ko, drama sa radio ang ginagawa niyang pampatulog sa akin. Habang napipikit ako, ini-imagine ko naman ang nangyayari sa “Simataaar!”
Pagdating ng gabi, radyo pa rin ang lullaby ko. Para ngang baliw ang mga tao sa amin kasi makikinig sila ng “Gabi ng Lagim,” katatakutan yun tapos tatakutin kami kapag hindi kami natulog agad…haaays!
Nagkaroon din naman kami ng cassette. Hindi naman kami nanatiling mahirap na mahirap, nabawasan din naman ng konting hirap ang mahirap na mahirap namin. Siyempre habang lumalaki ako nalaman ko na pwede palang i-develop ang transistor.
Nauso ang party…oo pare tepar nung araw. Ang dalas ko sa ganyan. Pero hindi yung ala disco ha. Party na ginagawang fund raising daw pero raket pala ng mga youth organizations para meron silang pang swimming.
Aarkila lang sila ng mobile, konting mirror ball, haharangan ang basketball court ng buho at didisenyuhan ang gilid ng dahon ng niyog na ginawang hugis puso, basta walang makakalusot, katalo na!
Teka nakalimutan ko pala yung crepe paper na ginupit-gupit tsaka pinalupot ng konti tapos isasabit naman.
Kahit wala akong kaporma porma, kahit naka lumang khaki slacks, polo shirt maluwag at rubber shoes na malaki sa akin, sige go lang. Malay ko ba sa salitang baduy. Basta uso ang sayawan eh.
Pinakasikat yatang kanta noon yung dirty rap. Famous lines nun ‘yung “one on one were having some fun on the bed room all day and all of the night…” tuloy-tuloy yun tapos pagdating sa “four on four, we fucked on the floor on the bed room all day and all of the might.”
Tangina ang sarap sumayaw, habang tumagaktak ang pawis habang wala akong kamuwang muwang na puro kalibugan pala ang ibig sabihin nun!
Sikat din ang “Sally Bad Girl” at ang sayaw na “strats.” Bakit kaya ang strats hindi na ulit nauso?
Sayaw bulate ang pwedeng description ng strats. Idiretso mo lang yung magkabila mong braso horizontally. Tapos igalaw mo yung dulo ng kanang kamay pakurba papuntang siko hanggang makarating sa balikat. Itawid sa katawan hanggang makarating sa kaliwang kamay. Ulit ulitin at lagyan ng konting galaw ang katawan para wag masyadong magmukhang tanga.
Sayaw na yan! Alin ang natutunan mo…yung dirty rap o yung strats?
Kadiri pareho ano?
NAKS®
Teka linawin ko lang, bata pa ko nung maranasan ko yung mga iyan ha, kaya kahit papaano eh bata pa rin ako…c”,)

Wednesday, November 5, 2008
Balik Tanaw...naaw....naaw...(Echo)
Bigla ko na lang naalala si Rose Ann Gonzales. Si Rose Ann yung pinakamagaling na child actress nun pero hindi siya pang komedi. Maamo kasi ang mukha niya kaya kadalasan pang iyakan ang mga role niya. Kung di ako nagkakamali minsan siyang gumanap bilang anak ni FPJ.
Pero ang pinaka-natatandaan kong pelikula niya eh yung “God Save Me” kung saan kasama niya si Christopher de Leon. Hindi ko na maalala (how ironic!) yung pinaka plot niya pero ang tanda ko, drama ito na may palabok ng himala ek ek.
Siguro mababaw pa lang ang pang-unawa ko noon sa mga kwento ng buhay pero alam kong serialized sa komiks ang God Save Me. Nakinood nga lang ako sa kapitbahay namin dahil wala pa kaming TV. Buti na lang Tagalog Movie Greats ang palabas.
Si Rose Ann, kahit magaling siya, hindi siya ganoon kalakas sa tao kasi nga hindi siya pa bibo. Para bang kahit musmos pa lang siya eh punong puno na siya ng suliranin sa buhay. Hindi rin tuloy siya nagkaroon ng sariling drama series kasi baka nga naman langawin sa ratings.
Sabagay, mahirap makipag-sapalaran lalo na kung ang tatapatan nila eh ang “Mga Batang Yagit.” Kung baga sa oras ngayon, nasa time slot ng drama-rama sa hapon ang oras ng Mga Batang Yagit. Nahuhuli nga ako sa iskwela dahil sa paghihintay ko kina Tom-Tom, Jocelyn at kay Elisa, na siya palang totoong anak ni Ernie Garcia sa kwento.
Wala na yatang lulungkot pa sa mga pinagdaanan ng mga batang yagit.
Nakakatak naman sa isip ko ang linyang “lumipad kang parang ibon, bumagsak kang parang dahon.” Yan ang pamatay, panalo ang rhyming! Mula yan sa pelikulang “Kamagong” na unang isinulat sa komiks bago isa-pelikula ni Direk Carlo J. Caparas.
Ang eksenang tanda ko nang marinig ko ang classic na dialogue na yan eh nagte-training ng arnis si JC Bonnin. Kasama niya sa bundok yung matandang malupet ang boses na kadalasan namang gumaganap na ermitanyo o kaya eh magsasaka mapapatay.
Habang nagmo-moment at nagmo-montage ng pagsasanay ni JC, pumasok yung voice over ng matanda na naginginig pa, sabay sa pagtalon ng bida at pagbibigay ng malupet na stunt, naka-slant ang katawan at ang binti habang hawak ang kaniyang arnis. Pamoster ang bagsak tangina!
Si JC, marami pang naging pelikula tulad ng Bagets kasi matinee idol siya. Pero sina Rose Ann, Jocelyn, Eliza at Tom Tom, nung nagdalaga at nagbinata na, nawala na sila sa sirkulasyon. Malamang, hindi pumasa sa panlasa ni Kuya Germs yung karisma ng apat kaya hindi sila nakasama sa That’s Entertainment.
Buruin mong sa dami ng mga dalaga at binatang nabigyan ng pagkakataon ni Kuya Germs na bumati at pumorma on national television eh na etsa pwera ang apat!? Pang drama lang talaga sila, hindi pang teen show.
Kung nagkataon naman kasi, ano ang magiging panama nila sa talent, halimbawa ni Caselyn Francisco? Si Caselyn kasi ang Madonna o kaya eh Cyndi Lauper ng That’s. Minsan nga malilito ka dahil parang kumbinasyon pa eh. Ibang level si Caselyn at di uubra ang lungkot mukha nina Rose Ann at Jocelyn, maging ng ganda ni Elisa.
Mas lalo naman sigurong walang panama si Tom-Tom sa mga That’s Boys kasi mataba at maitim si Tom-Tom. Matakaw pa nga ang character niya sa Yagit diba?
Kahit ako, ang idol ko noon eh sina Manolet Ripol at si Bryle Mondejar na nagkasama pa kamo sa iisang pelikula. Isipin mo na lang na magsama-sama sa Tuesday group sina Tom-Tom, Bryle at Manolet tapos merong silang production number pag Sabado, edi nagmukha namang kawawa yung isa di ba?
Tama lang sigurong di napunta sa That’s yung apat!
NAKS®
Teka kilala mo ba o naalala mo ba yung mga binabanggit ko? Kung oo, huhuhu kawawa ka naman, magka-edad pala tayo!

Subscribe to:
Posts (Atom)