Sa isang banda, nagbibigay buhay sa sugalan ang mahiwagang tunog na nagmumula sa magic short ni Kagawad at ni Pekto. Umaatikabong salitaan kasi sa tuwing matatapos ang pagpapasabog.
Iyun nga lang, hindi lang isang beses iyun, libangan nila ang pag utot habang naglilibang na kami. Hindi ko nga alam kung anong power meron ang tiyan nila at kaya nilang magpatunog ng suot nilang short na napapaangat pa sila ng kaunti mula sa pagkakaupo.
Nagiging redundant tuloy ang sugalan. Diba connotation na nga na ang sugalan eh amoy utot. Tapos uutot pa ulit,edi doble doble na.

Di naman pwedeng ipagbawal ang umutot sa sugalan kasi natural na amoy utot naman nga talaga.
Pero kahit anong luwag sa pakiramdam ang naibibigay ng ganuong pagpapasabog, iba pa rin ang ligayang bigay kapag umupo ka na sa enodoro at ibabagsak ang masagang jebs.
Ako pa naman eh madalas magkaroon ng release order kunyari nakainom ako. Lalo na kung red horse ang pinagsaluhan ng aming mga baga, pihadong kinabuksan, magluluwat sumuba ako sa banyo para umupo sa mahiwagang trono.
Di ko alam kung pareho ang trip natin pero mas gusto ko iyung pagkakataon na kapag andyan na eh may taong nauna sa toilet. Tapos gugulo ang isip ko, kakatok, maglalakad ng pabalik balik, magyoyosi, maglalabas ng usok na parang huling pagbuga na at kung anu ano pa.
Hanggang sa hindi ko na kayang maglakad at tatambay na ko sa pintuan ng banyo. Huwag na huwag mo kong gugulatin dahil baka bigla na lang…may sumambulat at magulat ka din!

Kapag hindi ko na kaya, kakatok ulit at sisigaw na ko ng “bilisan mo naman!” Pagpasok, halos hindi na umabot dahil sa lintek na di butones at di zipper pala ang short.
At sa aking pag upo…heaven!
Gayunman, sa dinami dami ng dumi na nailabas ko na, na ikinatutuwa naman Malabanan brothers, (para sa kanilang Pancit Malabanan) iba pa rin kapag bumalik ang ganuong nakakakiliting pakiramdam…pero wala ka naman sa bahay.
Sa Farmers Plaza ang hintayan namin nuon bago tumuloy sa pag-aanak sa binyag sa Marikina. Dahil nakainom ako bago ang naturang araw, uminom muna ako diatab bago umalis ng bahay. (hindi naman dumating sa puntong naging maintenance ko ang gamot na yan.)
Eh hindi umipekto. Yari!

Para akong si Samuel Bilibid, lakad ng lakad sa mall na hindi ko naman kabisa. Malapit na, ramdam ko na!
Nagbubutil na ang pawis ko kahit aircon pero hindi ko makita ang kubeta. Halos naglalakad ako nang iniipit ko na yung hita ko ng suot suot kong maong. Pakiramdam ko kasi…tunaw!
At nang marating ko ang dapat kong paroonan, hindi nga ako nagkamali. Ang tunog niya eh para lang akong nagbukas ng giripo! Sabay ngiti.
Tangina, walang tisyu at lalong wala namang timba at giripo. Pero eh ano, lumang resibo lang ang katapat nyan!
®