Dahil alam kong marami sa taga rito ang tagahanga ni Bob Ong, hindi ko ito hahabaan. Hindi rin ako mag-a-ala critique at baka bigla na lang may bumatok sa akin ‘pag may nakakilala sa akin at nakita akong nakasakay sa MRT.
At baka hindi pa masisiyahan, duruin pa ako at sabihin “akala mo kung sino ka!”
Pero positibo naman ito! (Eeeeengk! Biglang kambyo)
Nakabili na ko ng kalalabas lang na aklat ni Bob Ong. Tulad ng dati, sa pamagat pa lang eh mapupuno na ng katanungan at imahinasyon ang kukote mo.

“Kapitan Sino.” Kung baga sa nakasanayang paghanga, taytol pa lang ulam na.
Pero yan eh kung pamagat lang ang pagbabasehan mo.
Sa mga naunang aklat ng premyadong manunulat na si Bob Ong, pinaka maganda para sa akin ay ang aBNKKBSNPLako, ang panganay sa mga anak ng utak niya
Dito kasi, nailatag agad niya o ng isinulat niya ang sarili sa contemporary Philippine literature. Bagamat sa tingin ko eh si Mang Jun (Cruz-Reyes) ang nauna sa ganitong estilo, napukaw din ng “makulit style” niya ang atensyon ng mga nanatiling magbasa ng panitikang Pinoy.
Sumunod na lumabas ang “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?” Kung nabasa mo ang una, mae-excite kang bilhin ito. At dahil mas malaki at mas makapal sa unang aklat, iisipin mong mas sulit at di ka mabibitin.
Pero….hmmm ok lang!
Pangatlo, “Ang Paboritong Libro ni Judas.” Ganuon ulit. Hmmm ok lang! Pero hindi na ganuon ka-ok. Parang dumami na yung sangkap na wala o nagkulang.
Nabalitaan ko nung lumabas “Ang Alamat ng Gubat.” Hindi ko binasa ‘yung mga reviews sa dyaryo…at hindi na rin ako bumili ng libro.
“Stainless Longanisa” ang panlima. At dahil nanduon pa rin yung craving ko na makabasa ulit ng Bob Ong. Bumili ako. Ayun, hanggang ngayon hindi ko pa natatapos! Napaka-boring!
Sa loob-loob ko, bakit pa ko bibili ng “MacArthur” noong ito na ang naka display sa National Bookstore.
Pero parang nang-aakit si Kapitan Sino.
Sakay pa lang ako ng bus pauwi, binabasa ko na ito. Noon pa lang din, napapangiti na ko ng palihim at pinipigil ang tawa dahil sa binabasa ko. Ayaw kong tumingin sa ibang pasahero. Baka kasi may makita akong nakatitig sa akin na tila nagsasabing “may toyo ako tumatawang mag-isa pero walang kausap.”
Parang ayokong bumaba ng bus kasi mabibitin ako. Pero kailangan. Pagdating ko ng bahay, isang upo lang, walang kain, yosi at tubig na malamig lang! Tapos!
Maganda ito. Peksman. Hindi ko tatalakayin ang nilalaman ng kwento mismo pero ibinalik ni Kapitan Sino yung hinahanap kong timpla sa unang lutong natikman ko. Sa totoo lang, may kurot sa puso sa bandang huli.
Di ko alam kung tama pero, call it redemption for Bob Ong.
naks®