Hindi ako fashionistang tao. Pero alam ko naman yung mga nauuso at paminsan minsan eh nakikisabay din naman ako.
Sa mga nagiging “in,” kung sa isang suutan eh alam ko nang parang hindi bagay, aba eh hindi nako nagbabaka-sakali na sa susunod na pagkakataon eh babagay na sa akin.
Hindi pala nadadaan sa dalawang paligo eh.

Masaya na ko sa simpleng t-shirt, maong at sneakers. Sabihin na nating safe na safe pero di bale nang safe kesa pumorma ng kulang sa hulog.
Sa isang banda, hanga din naman ako dun sa magagaling magdala. Yun bang kahit ano ang mauso o kahit anong porma eh bagay. Saan ba naman ako hahanap ng ganuong katangian eh kulang na nga ako sa height, kulang sa itsura, kulang pa sa bukol. (muscle ba!?)
Pero meron pa bang mas dapat hangaan kesa dun sa mga taong may sapat na lakas ng loob na pumorma…no matter what!?
May nasalubong kasi ako na talaga namang hindi ko alam kung mapapailing ako o matatawa. Hindi ako nainggit pero aaminin kong bumilib ako sa guts nya!
I-drawing mo sa utak mo ha.
Nasa kaayusan naman ang height, yung tamang tama lang. Naka skinny jeans tapos naka flip-flops.
Ok na sana kasi ang tsinelas naman eh ka pang porma na ang level ngayon kahit pa “havanas” ang tatak. Hindi tulad dati na ang pormang naka tsinelas eh nagiging sentro ng deskriminasyon.
Pero nagka problema bigla!
Alam mo ba yung mga baseball jersey? Yung malalaki at oversized na isinusuot ng mga hip-hop rapper.
Para mas madali…yung mga damit na tila may tatak Andrew E o kaya eh yung sinusuot ng mga miyembro ng Salbakuta.

Na imagine mo ba? Skinny jeans…flip flops…at oversized baseball jersey?
Hindi ba mukang siyang naglalakad na ice drop? Bakit di mo hahangaan ang tapang na meron siya di ba?
naks®