Halos paubos na ‘yung pangalawang case ng red horse na binili ni Pareng Fred (seaman siya at bagong dating) nang umingay ang inuman noong Linggo. Merong deadma lang sa nagkakaingay pero dahil sa amin mismo naka-pwesto, kailangang isa ako sa pinaka maingay.
Alam kong mabibitin kaya nagpabili ako ng isang kahon pa (naks!) Pampasarap ba sa kwentuhan!? Malamang kasi na manlumo kami kapag wala nang maitatagay habang nagpapataasan pa lang ng ihi.

At ang dahilan ng masigabong sigawan…dyan – dya – raran…MAGIC!
Hindi ko alam kung dahil na-betsin kami dahil sa pulutang sigig at adobong isaw ng manok kung kaya mala sabungan ang eksena. Parang lahat kasi gustong sumigaw ng lo-jis sabay kumpas ng mga kamay!
Kung bakit naman kasi namulutan ng may mantika eh sanay naman ang mga bituka namin sa mani, chicharon at Tempura. Edi ayan tuloy, mukang nawala kami sa hulog.
Teka hindi nga pala Tempurang Japanese food ha. Yun bang mumurahing fish cracker lang na malaki ang lalagyan.

Partikular na tinutumbok ng debate kung sino daw ang mas magaling…Si David Blaine daw ba o si David Copperfield? Ayos ano?
Dahil naniniwala akong medyo kahawig ko si David Blaine, sinabi ko na siya ang mas magaling. Isa pa, street magic at walang camera trick ang gimik niya. Kahit sino pwedeng maging subject at kahit saan lugar, nagpapakitang gilas.
Mistulan namang mga kamag-anak ng isa pang David si Attorney at si Pareng Jo (kapatid ni Pareng Fred). Kulang na lang yata eh sumuka na sa harapan namin maipagtanggol lang ang idolo nila.
Sino daw ba ang makakaulit nung nawala ang Statue of Liberty, ang isang helicopter habang nasa isang entablado at magpalitaw ng lumang barko sa Bermuda Triangle!?
Nag-uumapaw sa kwentuhang magic ang harapan na para bang kilala namin ng personal ang dalawa. Baka kung kaya lang naming i-text si David at si David eh ginawa na namin para utusan silang magpakitang gilas!
Tulad ng dati, may magpapatalo ba sa usapang lasing?
Buti na lang at bumanat ng isang malupet si Tupak. Sa kaniya pala natapat ang magic tagay na magpapahupa ng sigawan at mauuwi naman sa tawanan.
Pagkatagay ba naman eh nanggalaiting sinabing “mas magaling si David Pomerans!” Sabay dugtong pa ng “sino ba ang kumanta ng Got To Believe In Magic!?”
Oo nga naman. Laban ka?
naks®