Wednesday, October 29, 2008
Sa Magkabilang Dulo
Hindi ko sinasadyang nakalkal kanina lang ang blog ni Bananachoked. Cool yung layout and skin, sabi ko. Nang mga sandaling iyun, bagamat may jetlag pa, katabi ko naman si Sandra Aguinaldo habang nagsusulat.
Hindi ko alam kung anong meron sa blog na iyun nang biglang tumugtog yung kantang “Sa Magkabilang Dulo” ng Peryodiko. Unang pasok pa lang ng gitara at ng unang linya ng kanta, para bang may iihip sa batok mo hanggang kilabutan ka. (Pero hindi dahil sa nalilibugan ha!)
Biglang naalala ni Sandra ‘yung kanta tapos nasabi niya sa akin, “uy ginamit namin yung kantang yan ah sa isang episode ng I-Wit.” Dagdag pa niya, ang dami nga raw nagtatanong ng kantang iyun kahit sa youtube. Tinanong pa nga niya ko kung ‘yun daw bang kumanta ang siya ring sumulat ng titik nito.
Dalawang beses ko napanood yung episode na yun (ni-replay kasi maganda yung episode at pinanuod ko ulit) pero di ko rin alam kung sinu-sino ang miyembro ng peryodiko. Basta sa search ko sa multiply, isa si manongvin (pic sa itaas) sa miyembro ng Peryodiko. Pero isa lang ang sigurado ko, ang lupet ng kanta! Basahin mo yung lyrics.
Sa Magkabilang Dulo
Pano pipilitin na pigilan
Ang pangarap ng isang pusong nananabik
Na makita ang isang bagong umagang
Inaasahang makakamit
Sa magkabilang dulo ng mundo
Sa anumang kulay at anyo
Ang pag-ibig, ay pag-ibig
Ito’y mananaig
Mali ba o tama?…
Sa hangaring lumaya
Pikit matang tumatalon
Upang maiahon
Mga pangarap na tila nalunod na sa panahon
Sa kabilang dulo ng mundo
Naroroon kaya ang pangako
Ng pag-ibig?…pag-ibig…
Sa magkabilang dulo ng mundo
Sa anumang kulay at anyo
Ang pag-ibig, ay pag-ibig
Ito’y mananaig
Ito’y mananaig…
Tungkol sa mga Pilipinang nag-aasawa ng mga foreigner ang dokumentaryo ni Sandra kung saan ginamit yang kantang yan. Sila yung mga nga nagkaka-kilala (o umaasa?) sa chat para may makilala ng mga lalaking posibleng magdala sa kanila sa ibang bansa kahit hindi pa sila nagkikita ng personal.
Ipinakita rin doon nang umuwi yung dalawang foreigner at isinama yung dalawang Pinay sa Amerika kahit mabigat sa loob nila. Dramatic, peksman! Lalo na dun sa puntong kailangan nang umalis, iwanan ang pamilya at sumama sa lalaking iilang araw pa lang nakilala ng harapan.
Nang matapos nga yung episode, ang nasabi ko lang…“dalawang pamilya na naman ang nakaahon sa hirap dahil sa mga foreigner.” (di ko alam kung tama nga ba ang reaksyon ko. Baka naman nagmamahalan talaga sila diba at hindi dahil lang sa hirap ng buhay?)
NAKS!®
Teka, gusto mo bang marinig ‘yung kanta?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Sa tingin ko hindi pa sila tunay na nagmamahalan, pero sana maging matagumpay ang mga relasyong tulad nito. May mga nakikita kasi ako rito sa Au na hindi rin sila naging masaya.
...sa bagay, kahit nga matagal nang kakilala ang pakakasalan, hindi rin naman guarantee yon na maging successful na ang pagsasama. Ang lahat ay nakasalalay pa rin sa pagdadala at pag-aalaga ng relasyon ng mag-asawa.
[teka?! may karapatan ba akong magsalita tungkol sa pag-aasawa? Single pa ako ah. Pananaw ko lang po ito.]
abe, nong napanuod ko ang episode na yon ng i-wit di ko ito tinigal hanggang sa dulo dahil sa kanta. di ko alam ang taytel at ang singer kaya sabi ko, dapat kong mapanuod ang closing credits. pero in case na ma-miss ko ito, nag mental notes na ako ng mga linya ng kanta. di ko matandaan kung nabasa ko ba sa CC ang taytel ng kanta at kung sino ang kumanta nito. pero kinabukasan, hayon...nahanap ko sya.
ano ang meron sa magkabilang dulo? ang igsi ng kanta. di komplekado ang mga salitang ginamit. parang nakikipag-usap lang ang sumulat sa akin. simple pero gusto ka nitong mag-isip.
naisip ko lang. hehehhee...
tama ka bananas, hindi komplikado, parang pisi, isang diretso lang, pero merong tanong; dapat ba silang pagbuhulin?
kung ikaw ang tatanungin dapat nga ba?
pare bakit di ko pala ma download?
Hinanap ko at natagpuan! Sana kapag ipinalabas ang I-Witness dito sa Saudi, mapanood ko...
Maganda ung kanta. Maganda ung message ng kanta. Maganda ung pagiging simple ng kanta.
A, basta, maganda sya. Salamat po Abe. Muli't-muli kong dadalawin ang iyong panulat.
Post a Comment