Tuesday, November 25, 2008

Mga Eksenang Wala Na

Movie addict ka ba?

Hindi sinasadyang nadaanan ng remote control ng TV namin ang CLTV Channel 36, isang local channel yun sa Central Luzon. Alam ko talaga na puro lumang pelikulang tagalong ang palabas dun tuwing alas singko ng hapon, kaya hindi ko nililipat dun ang channel.


Pero kahapon, nagtagal ako sa Channel 36 at nanghihinayang ako na hindi ko naumpisahan ang palabas…Ang Alamat ni Leon Guererro! Sa loob loob ko, akalain mong Senador na ngayon ang isa sa pinakamagaling gumamit ng baril noon, si Senador Lito Lapid.

Iyun nga lang, hindi pala pagalingang bumaril sa Senado.

Patapos na yung pelikula nang mapanood ko. Napakanta pa kamo ako na tinawanan naman ng pamangkin ko.

Basta nakagapos ng lubid si Leon nun at ang kaniyang leading lady na hindi ko kakilala. Habang hinihintay na lang ni Pacquito Diaz ang kamatayan ng dalawa, dumating na ang eksenang siguradong nagpasigaw sa mga tagahanga ng action movies, ang isang pulutong na mga kakampi ni Leon habang nakasakay sa kabayo!

At simula na ng pagalingang bumaril at pagkakabayo. Ang mga bidang hindi tinatamaan ng bala, ang mga bidang asintado, ang mga kalabang mahagip lang ng putok eh tumutumba na at ang mga baril na hindi nauubusan ng bala.

Naisip mo ba, ang dami palang eksena sa mga antigong pelikula na hindi na nakikita ngayon? Una na nga yung porma nina Leon Guerrero, naka pang cowboy tapos magsusuntukan sa disyerto habang tirik na tirik ang haring araw. Nagpapawis siguro mga kili kili ng mga ‘yun. Asim yata!

Hindi ko na rin nakikita yung mga pulis na dumadating kapag patapos na yung pelikula at ubos na yung masasamang nilalang. Sigurado namang pag ganun na, may tama sa balikat si FPJ.


May lulupet pa bang kontrabida kay Max Alvarado na ilang beses pinagtangkaang gahasain ang leading lady ng bida? Yun nga lang di siya nagtatagumpay!

Wala na ring artista ngayon na kasing bilis sumuntok ng mga action star noon. Mabili pa kaya sa mga fans yung susuntukin ng maraming marami sa tiyan ang kontrabida tapos popompyaing sa tenga ng kalaban?

Sa ngayon kasi parang puro romantic na lang ang pelikulang tagalog tapos sobrang dalang pa. Pero kahit na may mga pa-tweetums na pelikula, parang kulang pa rin yung elements nila ngayon eh.

Im sure tanda mo pero wala na kong napapanood na sasayaw yung mga bida sa beach habang ang tugtog yung soundtrack ng pelikula. At dahil nasa beach, hindi pwedeng mawala yung step na nasa likod ng mga puno ng niyog yung mga love team habang nagsasalitan sila ng paglalabas ng ulo sa magkabilang side.

Kung gagawin kaya nila Dingdong and Marian or John Lloyd and Bea yung ganuong eksena, bumagay kaya?

Alam mo ba ending kapag sa beach ang eksena? Siyempre tatalon ng sabay sabay tapos freeze! Yung ang malupet, closing credits habang nasa ere silang lahat nyahaha!



®

17 comments:

p0kw4ng said...

hahaha bakit nga wala na nyan ngayon? pero kahit alam na natin ang ending ng mga action non eh tuwang tuwa pa ding nanonood..may kasunod pang yabangan pagkatapos ng pelikula..hahaha!

uso pa din ngayon yang jumpshots sa friendster na nga lang,hihihi

abe mulong caracas said...

POKWANG wala na rin daw kasing authentic action star sa ngayon kaya inalis na rin ang ganung eksena hehehe

Anonymous said...

hahahaha isang malaking pagkakaiba..pero tulad ng lahat ng pagbabagong nagaganap sa malapit nang magunaw(wag nman sana) na daigdig... ganyan talaga... hindi na USO kumbaga..

pero ok lang nman na subukan pa rin nila yung mga ganun pero ang tanung may bibili at tatangkilik pa kya? lols

Amorgatory said...

hahah mulong astig talaga ang ka tripan mo sa buhay pare, ang atig talaga ni tol-its, lage may kabayong kasama yan eh, mas atig pa yung manila sa kuko nang agila, buhahah!!mag ayus panuorin to, dpat ibalik ang mga piling piling pelikulang pilipino sa \pinalakang tabing..lol

RJ said...

Anong ibig mong sabihin sa, "Iyun nga lang, hindi pala pagalingang bumaril sa Senado."

Napaka-nostalgic nyo talaga sa mga sinaunang pelikulang Pilipino. Napansin ko lang. Pero maganda ang iyong mga naalala, at isinulat rito. Napapangiti talaga ako sa mga eksenang panggagahasa, may tama sa balikat ang bida, mabilis manuntok, at ang mga hindi tinatamaan ng bala ng baril! hahaha! tama nga, may mga naabutan pa akong ganung pelikula.

Sino kaya ang patatalunin natin sa beach kapag ending na? Try kaya natin sina Sam at Toni?

sly said...

astig ng blog!
sinaunang pelikula na minsa'y nkakatuwa at kadalasan ay nakakainis.. di na kasi kailangang mag-isip kung ano magiging ending. at malalaman mong patapos na kung sasabihin na ng bida ang titulo ng pelikula. hehehe
->funiboi<-

abe mulong caracas said...

KOSA baka hindi na kasi daw wala namang special effects nuon na uso na ngayon

AMOR sana ang maibalik yung TAGALOG MOVIE GREATS sa channel 13 yata yun hehehe

RJ ibig kong sabihin wala pala siyang ibubuga sa Senado kasi di pagalingang bumaril dun.

SILVER tama ka dun silver ang bida ang nagsasabi ng title...oooops funiboi hmmmm...

antukin Sa palengke said...

Panalo na nmn ang blog mo bro, sarap balikan mga kapanahunan lalo na ng aking kaibigan "Max" ang pangalan, hihihi,idol ko yan kse sadya mong masisilayan ang pagnanasa sa kanyang katauhan nyahahaha! Di na nga siguro pwede mga ganong pelikula, dahil sa hirap ng buhay mga bagets na lang ang sumisilay, kaya nmn mga pa-cute na movie ang kanilang isinasalaysay... props!

abe mulong caracas said...

ANTUKIN hahaha...yan ang orig na tatak MAX

sly said...

....ooopppsss may naalala ba?
....hhmmmmmm
pasensya at kahapon lang nakapag-post ng comment.
nakakamiss talaga ang pinoy movies, lalo na at malayo ka sa pinas. pasalamat na nga lang at may pinoychannel on-line. >funiboi<

Anonymous said...

di ko ata naabutan yan.
hahah.
may ganyan pala.
pero ang nakakatuwa sa lumang movies eh lahat eh totoo.
walang technology na ginagamit.
:)

abe mulong caracas said...

SILVER bakit di ko maopen ang blog mo?

PEPE sama naman kung di mo inabutan ang ganung eksena sa pelikula...ibig sabihin kasi bata ka pa hehehe

PaJAY said...

May bagong post ka na pala!!bat di ko to alam !!!lolz...

Nakakamiss yang mga old skul na palabas na yan dre...ayun nga at batibot ang mp3 so site...wahahaha

abe mulong caracas said...

PAJAY narinig ko nga hehehe....nice one!

Anonymous said...

ah panapanahon talaga, tsaka nag-iiba ang mga trip ng mga tao sa showbingo... alam mo na, parang naliligo pero walang sabon at pambanlaw.. ewan. basta.

i hate drama romantic tagalog movie, di ko masyado naabsorb. haha! bitter..

bisita ka sa site ko, di ko alam kung napanood mo na, nagmistulang movie review, haha, isteytsayd nga lang..;)

paperdoll said...

waaah! hindi co naabutan ung ibang sinaunang artista. . pero yang si max alvarado at toli pidla naabutan co pa pelikula nila. . minsan nanonood din aco nung palabas ni FPJ tuwing sabado. . Ung alupihan dagat. . wahaha. . astig talaga! western na western ung iba. . iniisip co tuloy kung talagang nauso ba talaga ung cowboy outfit kahit nakatambay lang noon eh at talagang kabayo ang gamit. .

Unknown said...

DYLAN tama ka nga...iba ibang panahon, iba ibang trip

PAPERDOLL hindi ko napanood ang alupihang dagat, may dvd kaya nun?