Pustahan nitong mga nakaraang araw, napunta ka ng mall. At kung kinapos kapos ka pa sa pamimili at tila nag uumapaw naman ang pera sa iyong kwartamoneda eh pihadong babalik ka pa bukas o mamaya. Nagwawala ang atik!
Habang abala ka naman sa pamimili, hindi ka ba minsan nainis o o kaya ay nakainisan ka sa escalator? Yung tipong tititigan ka ng makakasabay mo at para bang gusto kang lamutakin sa kaniyang palad sabay ihahampas sa sahig.
Ang escalator kasi ay isang mahiwagang hagdan. Kung ang elevator ay kwartong bumababa at umaakyat ng kusa, ang escalator naman ay hagdan na ganun din ang gampanin sa buhay.
Kaya kung mag-e-escalator ka at magmamadali kang humakbang sabay singit sa mga nasa unahan mo, aba edi mag hagdan ka na lang. May hagdan naman kasi sa mall at kadalasan eh nasa gitna pa nga ng mga escalator.
Sa hagdan, pwede ka pang tumakbo kung maluwag luwag din lang. Kahit dun ka pa tumambay habang naghihintay ng ka eyeball mo kung gusto mo.
Sa ganyan kasi madalas makalkal ang inis ko. Pag sumakay kasi ako, laging sa left side lang ako. Palibhasa karamihan sas mga Pinoy eh hindi alam ang disiplina sa escalator, pag may kasabay, tatapatan pa ng kwentuhan. Ibig sabihin sinasakop na nila ang kaliwat kanang bahagi ng escalator.
Yung iba namang parang may hinahabol, sasakalay ng escalator tsaka magmamadaling humakbang at sumingit…sumingit ng sumingit.
Ang nakakainis minsan, kapag tinapatan ka, tititigan pa ng patagilid na para para bang pinompyang mo yung puwet nya para tignan ka ng ganun.
Sa Japan kasi (naksnaman, Japan. Oo nakapunta nako ng Japan pero di ako nag hosto ) laging bakante ang kanang bahagi ng escalator. Lahat ng sumasakay sa kaliwa lumalagay kasi ang kanang bahagi eh para sa mga nagmamadali.
Eh dito sa Pinas mukang di pwede yung ganun. Ang iba kasi ginagawang park ang escalator, lugar na pwedeng pagkwentuhan kesehodang kaliwa yan o kanan.
Kaya kung ako eh isang imbentor, gagawa ako ng escalator na convenient para sa mga Pinoy. Yung tipong hindi pagmumulan ng titigan lalo na sa may hinahabol.
Yun bang pagtapak mo pa lang, may aangat mula sa ibaba na parang tubo, tapos may lalabas na parang manibela ng trolley mula tubo. Tapos nun, aangat naman yung saktong inaapakan mo.
Dahil may sarili ka nang manibela, siyempre dapat may control pero ang control lang eh kanan, kaliwa, abante at walang atras. Sa ganyang paraan, kung nagmamadali ka paaandarin mo lang tapos liko ng kaliwa o kanan kung kinakailangan.
Kung maimbento ko nga yun, magkadisiplina na kaya ang mga Pilipino? Ano sa palagay mo?
®
Saturday, December 20, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
18 comments:
Hehehe :D Buti pa sila may escalator, dito sa Palau, wala lolzzz
hahaha.. taena ang Lupit
hahaha.. hindi ka nga busy
nakagawa ka ng isang post sa iasnag upuan lang
magaling... merry chrstmas parekoy!
LORDCM...walang escalator? paano sa mall? manu-manong hagdan?
KOSA...isang upuan? ilan ba dapat hehehe...comes out naturally joke! pautot ka pa eh di mo naman binasa hehehe peace!
Naka-relate ako... naiinis din ako sa ganyan...
pero ayos ang magiging imbento mo parekoy... pero baka naman gawing carnabal ang escalator mo... lolz!!!
ganun pala yun, kailangan pala may manners din sa pagsakay sa escalator... ayos yun ah, natuto na naman ako... hehe.. galing sir! salamat!
Hehehe :D Mall? Anong Mall? lolzzz. wala brod, pinakamalaking department store na ung isang business ng company na pinapasukan ko, 3 palapag :D
lalong magiging tamad mga pinoy kapag matuloy ung imbensyon na yan hahaha..
medyo guilty ako dun sa pakikipagwentuhan sa escalator hehehehe buti na lang malabong magkasabay tayo sa escalator.. kundi isa pala ko sa mga taong kaiinisan mo hahaha
napadaan lang poh...
Naiisip mo tuloy magimbento dahil lang sa pag kainis mo...lol.ayos dre...isa kang magaling na ehinyero!...lolz..
pwede ring gumawa na lang ng Ordinansya parekoy para itulad mo sa JAPan ....
Ayos!...
i doubt it... ang mga pinoy pa naman may phD na sa pag-iimbento ng bisyo... ahehe...
ho.. ho... ho.. merry xmas.. cheers;p-glesy the great
Hanep ang imagination sa invention! Sige nga... habang ginagawa nyo ang escalator nyo (ABEscalator?!) update nyo rito sa blog nyo! Naks Naman! o",)
Kahit may hagdan basta may elevator hindi talaga ako gumagamit ng hagdan. Mahilig akong maglakad pero ang umakyat sa mga hagdan ng malls, parang di ko hilig. =,(
naku, mainis man tayo nang todo-- wala na tayong magagawa sa mga walang paki sa mga nagmamadali sa escalator.
kaya naman kasi, inimbento yan para sa mga tinatamad maglakad... ano nga naman ang sense kung ipamumukha mo sa kanila na dapat bigyan nyo ng space ang escalator para sa mga nagmamadali?
pare!!merry xmas!!alak pa!!hahahah
iinom na lang natin iyan.
MERRY XMAS!
:)
sa may bahay ang aming bati merry xmas na malwalhati!!! Mamamasko po!!!!!
wala munang diet-diet.. let go and let's eat!!!!
wala munang galit-galit... forgive and forget!!!!
wala munang malungkot... sit back, relax and enjoy..
dahil Birthday ni Papa Jesus!!!
HAPPY BIRTHDAY BJ (baby jesus)!!!
cheers;p-glesy the great
eto liveraid craan na nang liver to wakakka
MARCO...oo nga baka sa susunod lagyan naman nila ng loop yung escalator na maimbento ko hehe
DOTEP...yun lang nakita ko sa Japan, or baka disiplinado lang talaga sila...
LORDCM...pinakamalaki tatlong palagag?
YANAH...dont wori pag nakasabay kita, kukwentuhan kita para sila naman ang mainis. lols
PAJAY...ok sana kung ordinansa kaso parang napaka undicsiplined na ng mga pinoy pag ginawa pa yung ordinansa...parang paggamit ng seatbelt di ko maisip na gagawin pa yung batas eh talaga namang dapaat gumamit ng seatbelt di ba?
TOPLATSI...precisely para sa mga di nagmamamadali ang escalator...bakit wala ka bang nakasabay na hindi nagmamadali pag nag escalator ka? un nga ang nakakainis di ba?
AMOR...da best lagi ang comment mo!
KATCHUPOY...isa ka pa pare...da best din ang comment mo! hahaha
GLESY...patatawarin po...hik! hik! lasheng na eh
iba ka talaga abe...
hehehe ganun talaga ang pinoy.
kaya nung isang araw habang nasa 168 mall ako sa divi eh may babae akong tinuruan ng lesson, kung anu ang meaning ng right way para di siksikan, ang babae... nanindig sa kinatatayuan nya, wahahaha...
apir!
merry christmas.
Post a Comment