Saturday, December 13, 2008
Bike Trip
Ano nga kayang masamang hangin ang umihip sa tenga ko? Kagigising ko lang nang maisipan kong mag-bisikleta. Isang mumog, konting hilamos, sibat na.
Di ko naman hilig talaga ang magbisikleta at matagal ka na rin akong hindi nakakatapak ng pedal pero iba ang bangon ko na yun. Para bang hinihila ko ng paa ko habang nagsasalita na “tara at magpapawis tayo.”
Akala mo ba may sarili siyang isip na at akala mo rin ba, katawan niya ang pinapawisan eh hindi naman. Buti na lang at siya naman ang nangangawit kakadyak. Yun nga lang dahil wala namang magkahiwalay na buhay ang paa at katawan ko, sa kabuuan eh sarili ko rin ang pagod.
Yun ang dahilan kung bakit, hindi ko talaga trip mag bike
Teka di ako yung iniisip mong todo porma na naka helmet, black and neon green tight feet shirt, cycling shorts at bakat bayag na nagbibisikleta ha. Yung tipong pasyal-pasyal lang pampalipas oras. Eh kaso alas dyes ng umaga at tirik ang araw.
Minsan lang namang ganahan kaya sige lang. Diko alam kung bakit trip ko at kung anong meron pero yosi ang partner ko sa biking. Lupet ano? Naghahanap ng lalong pampahingal. Kung baga sa pagkain kare-kare at dinuguan…hindi magka tugma sa panlasa.
Habang nagbibisikleta, napadaan ako sa tulay sa may bayan kung saan naka-agaw pansin ang mga batang naliligo sa ilog sa ilalim ng tulay. Gawain ko rin yun nung medyo bulinggit pa ko. Nagkukulay ulikba nga ako sa kakapaligo sa ilog eh. Pupunta kami sa bayan, tatalon sa tulay at magpapatianod papunta naman sa amin.
Mas enjoy kapag may mga water lily kasi hindi na kailangang kumampay. Kapit lang tapos aanurin na yun ng tuluyan.
Pero nung makita ko yung mga bata, iba naisip ko. Sabi ko, tyaga naman ng mga batang ito, dumi dumi ng ilog eh. Alam ko na ngayon kung bakit ako napipingot noon kapag naligo ako sa ilog nang di nagpapaalam.
Iniwanan ko yung mga bata nang may bumisinang delivery truck, di pala makadaan kasi halos nakagitna pala ko. Kunyari di ko na lang narinig pero sumibat din ako.
Sa tabi ng simbahan, may circle doon na ikutan ng tricycle. Ilang beses akong nagpaikot ikot. Baka nga ang nasa isip ng mga nagsisimba ng mga oras na yun eh may toyo ako. At baka kung ikaw mismo ang nakakita sa akin, malamang ganun din ang isipin mo.
Hindi ko alam na uso pa pala ang lobo sa may gilid ng simbahan kaya napatigil at diretso sa nagtitinda. Bente pesos na pala ang isang piraso ng lobo? Bumili ako ng isa para sa pamangkin kong babae. Sa bente pesos matutuwa na yun.
Alam ko iniisip mo, may nagtitinda ng ice cream? Meron pero alanganing bumili tapos iuwi ko pa sa amin, baka tunaw na pagdating ko.
Umiba ako ng daan pauwi. May mas maluwag kasing kalsada kaya harurot ako pag sikad. Akala mo ba yung sa pelikula na bibitiw pa sa manibela at itataas ang dalawang kamay?
Tangna ko alam na may parte palang ginagawa, may manhole hanggang di ako nakapag- preno…
Nagising ako…pero masayang panginip yun…di kasi ako marunong mag bike.
Oo tama ang nabasa mo, di ako marunong mag bike!
®
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
weee...bike...try mo in real life...masarap magpapawis sa bike kaysa sa iba pang exercise na pwede mong maisip...:D
SUPERGULAMAN nakow lintek...too late na wahehehe
naku! nagkapanaginipan na tayo ka mulong hehehe
ayus yung panaginip mo ah! nakakuha ka ng mga piks... naysss wento ayossss..
hindi marunong magbike? lol! tanda ko noong tinabunan yung ilog sa amin sa tundo, e napagpraktisan ko yung bundok bundok na lupa e.. saya kasi ang lapad ng ilog ngayon e highway na..hanggang sa matadero bike ako... kaya nung lumaki laki ako nakikipagkarera ako sa mga humahagibis na sasakyan sa amin.. miss ko na magbike...hirap magbike sa yelo lol
akala ko pa nman totoo..lols
binasa ko lahat ahhh
taenang taena.. panaginip lang pala..
o sige sige.. kitakits..
Pagkatapos ng mga pagbabalik-tanaw, ngayon panaginip naman! Talagang binabalik-balikan nyo ang mga magagandang kahapon! Ayos 'yan. Ako kasi hindi masyado, masyado akong nakatingin sa hinaharap kaya siguro masyado akong napapagod.
'Di pala kayo marunong mag-bike?! Sayang, ang saya kapag nagba-bike! Tama yung nasa panaginip nyo, yun na yun ang iyong mararamdaman.
...sa bagay delikado ang magbisekleta.
Sabi ko, tyaga naman ng mga batang ito, dumi dumi ng ilog eh. ---> Ilog Pasig ba yon? hehehe
*** Hahahaha Langya ka!!! Panaginip lang pala.
lolz
hahahahaha....Taenang yan!!!....kinarir ko ang pagbabasa,panaginip lang pala....lolz....
Meri krismas parekoy!....
apir tayo..di din ako marunong mag bike..ang sarap sana kung marunong..ang sarap gumala ng naka bike lang!
nayhehe, sayang, kala ko naglakbay ka with your bike. hehe..pambihirang panaginip.
pati ba yung mga bata sa maduming ilog panaginip? hahaha! lakas ng trip nito oh..
a blessed christmas bro!
mahirap yan.
siguro nung nananaginip ka.
gumagalaw paa mo.
:lol:
hello sayo... MERRY XMAS AND HAPPY NEW YEAR!!! mwah! salamat sa pagiging bahagi ng blog ko! magpapahinga muna ako.
-joshy
BOMMZ...may pic nga sa panaginip pero hindi digital eh
MANILENYA...pag laking tondo haragan talaga kahit sa pagbibiskleta hehehe
KOSA...mara ang na---bleeep bleep sa maling akala lols!
RJ...yun ang di ko naramdaman yung saya ng pagba-bike
MARCO...di naman sa ilog pasig pero halos kasing dumi na ng ilog pasig
PAJAY...kinarir ba? hahaha
POKWANG isang bagsak nga dyan!
DYLAN...pambihirang panaginip talaga hehehe
KATCHUPOY...gumagalaw nga at talagang pinagpawisan ako lols
JOSHMARIE...maligayang pasko din...regalo naman dyan hehehe
mahilig din ako sa bike trip! sama ka samin! hehe.. ayos blog mo ah.. ma-follow nga..
Post a Comment