Saturday, January 31, 2009

Kailan Kita Matitikman?


Matagal na kitang pinagnanasahan. At aaminin ko sa iyo, hanggang ngayon, patuloy pa rin kitang pinagpapantasyahan!

Hindi ko alam kung ano ang meron ka, pero sabi ko nga, kahit isang beses lang. Pero ang isang beses na iyun, kung matutupad man, ituturing kong habangbuhay na karanasan.

Naitanong mo na rin kaya kung anong katangian meron ka?

Ang dami kasing naghahabol at hindi mabilang kung ilan ang nagtatangka na mapasa kanila ka. Naksnaman!

Nuong isang gabi nga lang pala napuyat ako, sumagi ka na naman kasi sa isip ko. Haaay, kaya ayun, naglaro na naman sa kukote ko kung paano ko isusulit ang sandaling kasama ka.

Wag kang mag-alala hindi kita gagahasain, pero iniisip ko kung paano kita roromansahin!

Naitanong ko sa simula, ipagmamalaki ko ba sa lahat ng kakilala at makakakita na kasama kita? Pero paano kung tayo na lang dalawa? Paanong diskarte kaya ang gagawin ko? Baka naman hindi mo ko patulugin!

Para kang bagyo, ganyan kalakas ang tama mo!

Pinalilikot mo nang husto ang imahinasyon ko!


Hindi ko nga alam kung ano ang meron sa magkatukayong JUN. Sila kasing dalawa pinagbigyan mo, hindi lang isa o dalawang beses. Nakasama ka nila sa maraming pagkakataon na. Pinagsawaan ka kaya nila? Pinagsabay mo ba sila?

Minsan na kitang pinagtangkaan, may inalay sa iyo pero hindi ko alam kung bakit hindi mo nagustuhaan. Pwede sigurong kulang sa panunuyo, kulang sa lambing o sadyang walang kalibug-libog.

Pero hindi ako susuko. Itago mo sa bato tamaan man ang kuko! Hindi man sa nalalapit na panahon pwede namang sa susunod na taon, basta hintayin mo lang ako. Pasasaan ba’t makakamtan din kita.

Konting hasa lang siguro ng sandata. O huwag mo akong tawanan, alam ko naman na minsan eh medyo mapurol at kinakalawang eh, minsan naman ayaw labasan. Wala kasing praktis kaya kahit sa damu kinikiskis.


Ayoko sanang magpa petiks-petiks kaya lang lagi akong tila hinihila ng panahon at parang hindi kita aabutan.

Tulad na lang ngayon, ilang araw na lang deadline mo na. Mukang di na naman ako makakasali ng Palanca Awards for Literature. Haaay kelan kaya kita matitikman?



naks ®

32 comments:

yAnaH said...

akala ko kung ano na!
hindi ko alam kung talagang malisyosa utako ko hahahaha...
kapag may tiyaga may nilaga.. ahihihihi

darkhorse said...

x rated ba to?...lol matindi! lol

p0kw4ng said...

ang galing..may halong landi,hihihi

Anonymous said...

YANAH...ano naman akala mo? kaw talaga hehehe

DARKHORSE...di mo binasa ano?

POKWANG...salamat, di naman ba nasobrahan? lol

The Gasoline Dude™ said...

Huwaw! 'Di nga? Gusto mo ng Palanca? Hindi ko na pinangarap 'yan dahil hindi naman talaga ako writer. Good luck na lang sa pangarap mo. Hehehe. = D

2ngaw said...

planggana lang pala gusto mo di mo sinabi agad meron ako, bigay ko na lang sayo? lolzzz

Anonymous said...

GASOLINE DUDE...pangarap lang naman...kung hindi magkatotoo eh ganun talaga, hindi nakalaan!

LORDCM...yessssssss! meron na kong planggana yuhooooow!

Kosa said...

hehehe.. nagbabalik si Tugidong!

oo akala ko din kanina totoong totoo.. hehehe
yun lang pala.. pero sobrang galing ng pagkakagawa ahhh.. kumbaga siksik sa rekado.. talagang pang-adults onli. hehehe
joke
sige mapapasayu din yung palanggana mo..

Anonymous said...

KOSA...bagong pangalan na naman ha, gusto mong buhayin ang kanta, tosbas hehehe!

at nambola...planggana lang pala!

RJ said...

Kung may classification and review ang blogging, x-rated ito. Hahah! PERO NAPAKAHUSAY ANG PAGKASULAT! Hanga ako. o",)

eMPi said...

Pagnanasa ang topic dito... ewan ko lang kung tama nasa isip ko... naglalaro ang isip ko nang nabasa ko to... langya!!!

Anonymous said...

Sino bang hindi mag isip ng for adults to?? eh picture pa lang patigas na hehehe

pero lupit pa rin ng obra ka mulong

tuloy mo lang wala bayad ang mangarap...

Anonymous said...

Opps sensya di ko alam bat nag ganun

ako yang naging anonymous.. hehehe

Anonymous said...

haha. ang galing a. =) wala ako masabi haha. bravo na lang! wholesome ako e haha

Anonymous said...

gudlak sa palanca abe. kaya mo yan. go go go. lol. buti nalang nitapos kong basahin kundi.. iba na ang tumatakbo sa isip ko eh lol

Amorgatory said...

YAN KSI ANG DUDUMI NANG UTAKS NILA O, HAKHAK, PARE GAHASAIN MO NALANG KSI HAKHAKHA,LOLNESS, PARE!!!ANG GALING MO TLGAAAAAAAAA MAGSULAT!!!HAAYZZ SANA UNG MGA KAMAY AT UTAK MO PAHIRAM MO SAKIN KAHT MNSAN LANG LOLNESS..GUDLCK FOW

Anonymous said...

wala namang bayad ang mangarap, pero kung sa ganitong paraan mo isusulat ang obra mo, talagang mag-iisip ang mga nakakabasa, lalo na kung yung nagbabasa eh hindi marunong tumapos ng nasimulan..

matindi. para ka lang naupo sa trono mo at nagmuni-muni.

cheers mulong!

pusangkalye said...

nasuspense ako don a--at medyo nag-init----jok---kaw talaga, pinaglaruan mo na naman ang imahinasyun namin. keke

poging (ilo)CANO said...

ay naku! kala ko kung anong dramang kalibugan naman to. muntik pa akong labasan, buti na lang napigilan ko..lols..

body sharing ka pa rin ha!..hahaha..bigyan na lng kita ng talangga para ilagay mo sa palanggana..

I am Bong said...

nice post, parekoy. double meaning. haha.

by the way, di ba april pa ang deadline ng entries for palanca awards? sa pagkakaalam ko, april lagi yung deadline nung mga entries. if i'm not wrong, marami ka pang panahon. kaya mo yan...

good luck parekoy!

Anonymous said...

waw! bago to ahh! akala ko kung ano na..hihi.. akala ko ala-akosimakoy story na toh eh..pero okei ah..eh ano bang plano mo?

=supergulaman= said...

takte awards pa gusto...ahehehehe...palanggana award lng pla... :)

Jules said...

grabe hehehe :D

Unknown said...

palanggana na lang.. mapapakinabangan pa.. mura pa...

sa tiktik, mananalo to... hehe

Anonymous said...

nakakakilit ng imagination ang taytol. nyahaha.

Dhianz said...
This comment has been removed by the author.
Dhianz said...

malufet kah sa imagination moh... dumaan lang po...=)

GODBLESS! -di

Anonymous said...

NGAYON LANG PO AKO NAKABALIK...

RJ...parekoy salamat kahit X rated ang review hehehe

MARCO...basta sa isip ko hindi naglaro ang ibang klaseng pagnanasa kundi palangca lang ha

BOMMZ...hahaha pati picture may tumigas ha!?

DENCIOS...basta ako hulsam din pareho lang tayo!

Anonymous said...

CUTTERPILAR...bakit ano ba tumakbo sa isip mo? may naghabulan bang daga at pusa? hehehe

AMOR...buti pa si amor di madumi ang isip pero may pinagagahasa hehehe. wag muna utak ko, slightly used lang ito!

DYLAN...parang nasa toilet bowl lang?

PUSANG GALA...ooops isa ka pa, ano din ba naglaro sa isip mo!

Anonymous said...

POGING ILOCANO...talagang muntik na? body sharing pa rin talaga ang tumakbo sa isip mo hehehe.

I AM BONG...april 30, pipilitin kong makaraos. este makatapos kahit isa lang!

PUGADMAYA...nakow hindi po ito pang akosimakoy. yun ang x rated hehe

SUPERGULAMAN...may nagbigay na nga ng palanggana eh

Anonymous said...

SUMMER...grabe din lols!

DOTEP...sige na nga palanggana na lang...pang tiktik ba?

JOSHMARIE...san ka nakiliti? hehehe

DHIANZ...basta hindi ako nag imagine ah!

Anonymous said...

Goodluck! Sana makamtam mo ang Palanca Awards. Alam kong napaka-laking bagay iyon para sa isang manunulat na tulad mo. :)