Thursday, February 12, 2009

Ang Alamat Ng...

HAPON na nang simulan ni Mang Ador na iporma ang puno ng narra na gagawin niyang bangka. Kumpiyansa siyang malaki ang ibabayad sa kaniya ng namamalaisdaang nagpagawa sa kaniya niyun. Biro mo nga namang sasakay siya bangka na gawa sa narra!?

Matapos tapyasin ang mga sanga at tanggalin ang nagsisilbing balat ng puno, inumpisahan niyang tagain ng tila patulis ang magkabilang dulo. Pinagpapawisan ng titis si Mang Ador habang ginagawa ang bangka sa ilalim ng araw. Hindi alintana ang init. Sigarilyo lang ang pahinga.


Kasabay sa pagpatak ng pawis ni Mang Ador sa punong kahoy ay ang pagkakatam para tuluyang kuminis ang nooy naiporma nang bangka.

Swerte nang konting umihip ang hangin na siyang nagpapagaan naman sa kaniyang pakiramdam. Halos hindi na nga niya napansin ang gutom. Todo konsentrasyon kasi siya sa paggawa ng bangka.

Para ano pa nga ba’t kilala si Mang Ador na pinaka mahusay manggagawa ng bangka sa lugar? Kaya naman gayun na lang ang tiwala sa kaniya ng mayamang namamalaisdaan.

Posibleng dahil na rin sa di alintanang pagod at pangangalam ng sikmura, hindi napansin ni Mang Ador na nawala na pala sa porma ang ginagawa niyang bangka. Kahit anong sipat, hindi niya maisip kung paano pa hahabulin ang pagkakatam para ito magmukhang pangpalaisdaan.

Naghalo ang nerbyos at pagmamadali, mas lalong nasira ang diskarte ni Mang Ador. Bagamat kaniya ang puno ng narra na pinutol, nag-iisa lang iyun at alam niyang masasayang ang pagkakataong kumita ng malaki. Huwag ngayon, sabi niya sa sarili.

Pero wala nang pag-asa. Hindi na talaga pwede.

“Eh ano ba?” pangangatwiran niya. Sa isip isip ni Mang Ador, wala naman siyang perang pinuhunan at alam niyang pakikinabangan pa niya ang punong kahoy na dapat sana’y magiging bangka.

“Sagwan, tama gagawin kitang sagwan!” Nakangiti pa si Mang Ador nang sinimulan naman niyang hubugin ang gagawing sagwan. Ayaw na niyang muling magkamali. Kabilaan ang kaniyang pagsipat at pagsukat sa pinaka hawakan at sa nagsisilbing plato ng sagwan.

Dahil lalapatan na lang ng konting liha, pansamantalang naupo si Mang Ador sa malaking tipak ng bato habang itinayo naman niya ang sagwan sa tabi niya.

Nangingiting nanigarilyo si Mang Ador. Hindi niya lubos maisip na sumablay siya sa paggawa ng bangka. Tagal pa naman daw niyang inireserba ang puno niya ng narra para sa mayamang namamalaisdaan.

Sa bawat buga ng usok, nawawala naman ang kaniyang panghihinayang. Konswelo na lang niya sa sarili, may kinahantungan pa rin naman.

Muling nagsindi nang sigarilyo si Mang Ador. Mayaman siya sa oras nang mga sandaling iyun, walang hinahabol.

Pero nauwi sa pagpikit ng mga mata ang kaniyang pame-metiks sa trabaho habang subo pa ang may bagang sigarilyo. Matindi ang pagkaka-kapit niyun dahil hindi nahulog ang sigarilyo bagamat napatungo na si Mang Ador.

Pero nang mauupos na, naramdaman niya ang init ng baga hanggang tila pinaso ang kaniyang nguso. Tuluyang nahulog ang sigarilyo na bumagsak sa kaniyang hita. Dahil sa pagkakagulat, muntikang mahulog si Mang Ador sa pagkakaupo hanggang sa mapatukod sa katabing sagwan.

Bumuhos ang bigat ni Mang Ador sa ginawang sagwan. Tila malutong na chicharon, dinig na dinig niya ng lumagutok ang katatapos lang na proyekto. Bali ang sagwan ni Mang Ador!

MAY KARUGTONG…


®

22 comments:

Kosa said...

akala ko ba nakafocus ang konsentrasyon ni Mang Ador sa pagtaga sa kahoy na gagawing bangka?
ahhhhh... may iniisip sya.. anu kaya yun?

lols..

kapag minamalas nga nman aanga-anga kase eh..pero balita ko matibay daw ang narra.. mataba ba si Mg Ador?
hehehe

peace...

aabangan ko yung karugtong

yAnaH said...

kailangan bitin din? ahihihihi

baka bothered si mang ador sa kung anong bagay...kaya pumalpak sya...

honga diba, matibay ang narra bakit nabali?
dugtungan mo agad ha... hehehe

abe mulong caracas said...

KOSA...over concentration. wag kang kokontra! wapaaak!

YANAH...di ko ba malaman kung bakit siya pumalpak eh! malamang...abangan na lang natin hehehe!

p0kw4ng said...

sa kadugsong na din ang comment ko..putsa bitin..hehe

Kosa said...

sige abangan natin.. pasensya na sa mga tanong..
sabi ng aking super nanay nuong maliit pa ako, matanung daw ako eh..
hanggang ngayun matanong pa rin ako..hehehe

abe mulong caracas said...

POKWANG...ang tagal nawala ah, kadalaw dalaw nabitin pa tsk tsk tsk!

KOSA...peace parekoy, baka isumbong mo pa ko sa super nanay mo!

paperdoll said...

ang malas naman ni mang ador. .hindi kaya hindi talaga pwedeng gawing bangka ang narra? lol

sa huli nyan gagawin nya na lang tutpik ung kahoy kasi paliit ng paliit. . lol

maibebenta nya parin sa malaking halaga. . san ka naman nakakita ng tutpik na gawa sa narra? haha

gillboard said...

iniisip ko kung alamat ng ano ito... nung una kala ko ng bangka, tapos ashtray, tapos tungkod... sabay bitin...

tapusin na ang kwento!!! lolz

=supergulaman= said...

aheks...abangan....

alamat siguro ng yosi ito...ahehehe.. mmhhhh....

Amorgatory said...

hay mang ador bat parang minamalas tayong dalawa?hahaha yaan na etow siopao mang ador kulang lang yan sa kain or nasobrahan sa yosi!!eto yosi pa!

eMPi said...

ANG ALAMAT NG SAGWAN... hehehe...

ang malas ni mang ador... tsk tsk tsk... dami yatang iniisip ni mang ador e...

Anonymous said...

PAPERDOLL...hula hula takla hehehe...malay mo di ba?

GILLBOARD...tatapusin natin yan, di ko nga rin alam kung ano ang mangyayari pa eh

SUPERGULAMAN...alamat daw ng uwang buko eh, kung paano siya papasok sa eksena, bahala na!

Anonymous said...

AMOR...tsk tsk kawawang mang ador nalipasan lang ng gutom ano? buti na lang nandiyan ka para saklolohan siya!

MARCO...posible din pareko hehehe

2ngaw said...

yun lang!!!bitin na nga sa taytol eh bitin pa sa istorya...sige abangan na lang...

pre, paalala nga pala, ingat sa pix uli baka multuhin ka na nman nyan...lolzz

RJ said...

Hahaha! Natawa naman anko sa huling bahagi nito. Bakit kaya puro kamalasan ang nangyayari rito sa mga proyekto ni Mang Ador? Metaphor ba ito ng buhay natin? Aabangan ko.

onatdonuts said...

hahaha natawa rin ang sa "bali ang sagwan ni mang ador" aabangan namin ang mga susunod na kabanata. :-)

_____
oo nga di na kita nakikitang nagyoyosi sa gazeebo. Oo nga anlayo nung videoke sa visayas lang sa havana. punta tayo dun minsan, maganda hahahaha

A-Z-3-L said...

hulaan ko ang taytol... ANG ALAMAT NG CHOPSTICKS...

walang kokontra... kudos kuya abe!

Anonymous said...

ang alamat ng TOTPIK.... hehehehe

galing ng wento! pre!
kaya pede asamin at panagarapin si palaka! ah! si Palanca pala.

sakit na nman puson ko...bitin.. nyahahaha

PaJAY said...

takting yan!....inunahan ata ni pareng Boomz...lolz....

nabitin rin...

kailngan abangan...

Anonymous said...

LORDCM...wala namang kamulto multo sa storya hehehe. nagkakatam lang naman ang litrato eh

RJ...parang ganun nga yata ang nangyayari pare. Repleksyon yata ng totoong buhay si Mang Ador.

ONUTS...sosyal na ko, nagyoyosi ako with kape from the vendo. layo talaga kasi akala ko sa corocan lang yun sa may timog hehe

Anonymous said...

AZEL...hula hula takla ulet hehehe

BOMZZ...isa ka pa. bahala na kung ano kadugtong wala tuloy akong maisip!

PAJAY...oo nga eh, malamang magkasakit si mang ador at humingi ng paumanhin

..-..౮૯Ոυﻯ..-.. said...

..awe,,,..lab it huh..xD..well.., sagwan nga!! xD.. kakayanin kea ni mang ador??.. parang matanda na eii,,..xD..tulong kayo... wag ako..xD..jhokie..ahahahahahaw...