Tuesday, February 24, 2009
Ang EDSA Bow!
Hindi pa ko tuli nang mangyari ang Edsa People Power I, pero parang may libog na ko sa mga isyung bumabalot sa ating lipunan. Baka nga isa ito sa nag-udyok sa akin para pasukin (at lisanin kalaunan) ang magulong mundo ng pulitika.
Lintek kasi mataas ang paniniwala ko…may magagawa ako!
Kaya ayun, nasa elementarya pa lang ako nasabak na ko sa pangangamay sa mga kapwa ko estudyante. Kinanta pa nga namin ang “Magkaisa” sa miting de avance. ‘Yun ang isa sa dalawang theme song ng People Power I. (pangalawa yung Handog ng Pilipino sa Mundo)
Nung High School, sa isang report sa klase kinonsider kong bayani si Tita Cory. Napuri ako ni titser (naks!) dahil hindi naging tradisyunal ang report ko. Socially relevant daw!
Ganun kataas ang respeto ko sa ipinaglaban ng Edsa People Power I. Kalayaan at kapayapaan.
Nuong huling gabi ng Edsa Dos bago bumaba si Erap, nasa Ortigas Flyover ako. Sarap sumigaw!
Ramdam ko kasi na bahagi ako ng isang pagbabago na oras na lang ang binibilang at magaganap na. Hindi naman nabigo ang milyun-milyong taong nagbuhos ng oras para kondenahin ang katiwalian sa gobyerno. Buhay ang espirito ng Edsa.
Sa Miyerkules, 23 taon na pala ang nakalipas nang ililok sa kasaysayan ng mahal kong bayan ang Edsa People Power. Siguro nga noon, trip ko lang yung kanta, pero sa bandang huli, naintindihan ko ang lalim ng kwento sa likod nito.
23 taon na unti unti nang binubura ng mga taong nasa likod din pangyayaring hinangaan ng buong mundo. Mga taong nangondena pero sa huli’y halos kasing sahol pala ng mga taong sinundot nila sa pwet
Haaaaay!
Asan na nga ang Edsa? Nasa Edsa pa rin. Nagsisimula sa Monumento sa Bonifacio at nagtatapos sa Pasay Rotonda!
Kumusta na ba ang Edsa? Edsa pa rin. Isang mahabang kalsada na dinadaanan ng mga rumaragasang sasakyan. Bawal nang tumawid sa Edsa kaya ang malalakas ang loob, parang nakikipagpatintero kay kamatayan.
Marami na ngang nagbago sa Edsa. Puno na ng kulay asul at rosas footbridge ang kahabaan nito na siyang tamang tawiran daw ng mga tao.
Minsan mabigat ang trapiko mula Balintawak hanggang sa may SM North dahil ginagawa ang LRT extension para naman idugtong sa Edsa-MRT. Kung lalagyan ng loop ang LRT extension? Di ko alam eh!
Haaaay Edsa! Isa kang mahabang kalsada…at mananatili ka na lang sigurong kalsada!
®
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
naks... makabayang post.. sabi nila, we deserve the kind of leaders that we elect. nakaka dalawang kurakot na pangulo na tayo... yun nga ba talaga yung mga klase ng pinuno ang dinedeserve natin?
haaaayyyss.. sobrang dami kong sabihin sa post na to... isa akong ilokano at malamang sa malamang na isa akong Pro marcos..lols
teka, baluktok kase ang paniniwala ng mga ilokano... dahil dito kahit halos buong banse eh sabihing Diktador si Makoy, naniniwala pa rin ako na madami "din" naman syan nagawang maayus sa mundo at sa ating Bansa.
teka.. mahaba pa ito pero pwde bang sundan mo nalang sa Blog ko at duon ako magtatatalak..
lols..kitakits
GILLBOARD...oo serious mode, trying to make sense (kahit ang hirap gawin nun!)
KOSA...ilocano ka nga pala kaya i rest my case, lols!
tama ka ang edsa kalsada na lang. minsan wala ng saysay balikan iyan kung ang nakikita naman nating politika ngayon ay pulos kurakot na lang...
Ano bang okasyon ngayon at ganito ang post mo? Hmmm ahhh okei... Post Balentayms? *LOLz*
Cheers,
The Gasoline Dude
DENCIOS...at nag umalpos ang galit na kinikimkim ni dencios! pero tama ka!
GASOLINE DUDE...pangit namang pang post balentaym hehehe! hmmmm hindi mo binasa ano?
nabagtas ko na ang kahabaan ng EDSA sa mahabang panahon kong pananatili noon sa Manila. Hanggang ngayon ata'y matraffic pa rin at walang pagbabago maliban sa overpass na inilagay para sa mga tao.
mananatiling kalsada na nga lamang yata ang EDSA dahil sa magulong sistema ng pulitika meron tayo. gayunpaman... salamat at narito ako sa ibayong lupain. dahil nakakabwisit tanggapin na patuloy ang corruption sa ating bansa... sayang ang mga buhay na ibinuwis noon... sayang!
AZEL...tama ka, may isang salita lang na makakapag describe ng lahat..."sayang"
May mga bagay na habang tumatagal ay medyo hindi na ito ganu'n ka-relevant sa kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan pero siguradong kung nasaan tayo ngayon o kung ano man ang ating narating, may direktang kaugnayan pa rin ito sa atin o sa ating bansa. ...at kailanman ang bagay na ito ay walang kapalit, at bahagi na ng ating pagka-Pilipino.
Para sa akin ang EDSA I at II ay parang Noli Me Tangere at El Filibusterismo... Magkaiba na rin naman kasi ang ating laban ngayon kaysa sa laban natin noon.
Tama, ang EDSA ay isang mahabang kalsada, pero hindi lang ito isang pangkaraniwang kalsada.
[Taga-GMA po kayo, ano? Pero isisingit ko rito, napanood ko ang episode ng Kalye kagabi tungkol sa EDSA. Very meaningful! Ano po ba ang pantapat ng GMA sa Kalye? ***KAHAPON pa ako rito ayaw lumabas ang word verification. =,{]
gusto ko iyong binitawan mo sa bandang huli..
nkklungkot na ang pinoy sa ngayon di na nakikita o naniniwala sa diwa ng edsa, para ding pagboto sa panahon ng eleksyon..
dumadalaw lang po mula sa gitnang ibayo..
rgds,
Amen, Karakas.
Post a Comment