Friday, February 6, 2009

Naks, Theme Song Daw!

Aminin mo man o hindi, kasama sa pampakilig sa isang nilalangaw at nilalanggam na relasyon ay iyong kanta o yung tinatawag na theme song! Syeeeeeet!


Sabihin na nating corny, pero ito kasi yung tipong magpapaalala sa inyo ng mga malalagkit na alaala. Nanamnamin ang mga sandali habang nagdidilaan ng ice cream sa Enhanted Kingdom o kaya eh nagdidilaan ng leeg sa sinehan.

Kasi nga eh meron silang kantang pinanghahawakan. Kung baga, its one of the foundations that binds the couple together! Lupet!

Kung magkatuluyan, edi swerte dahil inspirasyon ang kanta. Pero kung hindi, aba eh talagang ganyan ang buhay! Hindi lahat ng pagmamahalan eh nakasulat sa ating mga palad. Ang iba ay nakalista lang sa tubig.

Sa aking malalim pananaliksik, sa balat ng stationary nagsisimula ang theme song at nagtatapos naman sa motel.

Hindi na yata uso ang stationary ngayon pero mabango kasi ang unang page nun, iyun nga lang hindi naman sinusulatan ng love letter. Sa halip, kanta ang tina-type duon (oo typewriter pa!) tapos eh ilalagay sa illustration board, lalagyan ng plastic cover at ibibigay sa nililigawan.


Iyun namang mga chicks na feel na feel na nabigyan sila ng ganuon eh dadalhin sa iskwelahan at gagawing pamaymay. Haba ng buhok ano? Ipinagmamalaking siya eh sinusuyo na at ramdam ang pagiging bulaklak sa umaaligid na bubuyog!

Lintek, high school na high school!


Sa huli, maririnig na lang ang naturang theme song sa loob ng isang motel pagkatapos ng isang maalab na pagniniig. Kapwa sila walang kibo. Alam mo kung ano ang kanilang theme song? “Paalam Na” ni Rachelle Alejandro.

Ayan kasi hindi pinag-isipan nung mga bata pa sila kung ano ang ibibigay na kanta kaya ayun, hindi sila nagkatuluyan. Nagkatotoo tuloy ang kanta!

Ayoko namang maging sadista, hindi naman lahat ng theme song eh sa ganyang sitwasyon nauuwi. Meron din namang happy ending. Yung tipong sa simula pa lang eh kasama na sa plano yung kanta. Ang iba nga, ang gusto kakantahin pa iyun sa kanilang pag-iisang dibdib at pagharap sa dambana.

Habang naglalakad daw si bride eh kumakanta naman ng “All My Life” si Groom…..uuuuy kinikilig!

Kung ako ang tatanungin, may rekomendado akong kanta, hindi naman ito ganun ka-sweetic, pero malupet ang lambing. (chorus sa ibaba)

Ang pangarap mo'y pangarap ko
Ang pasanin mo'y pasanin ko
Ang damdamin mo'y damdamin ko sinta
Ang kalayaan mo'y kalayaan ko
Ang digmaan mo'y digmaan ko
Ang buhay mo at buhay ko'y iisa

“Iisa” ang pamagat na kantang iyan isinulat at kinanta ni Gary Granada, isa sa pinaka respetadong musikero hanggang ngayon.<----(wish I could say more on this)



®

23 comments:

p0kw4ng said...

sa ngayon eh yan lang din ang masasabi ko..nagsimula sa papel at magtatapos sa motel..hehehe

putsa bakit nga ba may theme songs pa? kakakilig pag kayo pa..nakakapaiyak pag hindi na kayo!

poging (ilo)CANO said...

kaya pala nabanggit mo sa YM kanina ang motel..dun pala pumunta yung dalawa..hahahaha..

hilig mo tlga sa body sharing...lolz...

RJ said...

Hahaha. Talagang ni-research nyo pa ang katotohanan ng mga kwentong pag-ibig na kadalasa'y nagsisimula sa balat ng mabangong stationery at nagtatapos sa madilim na motel, ha. Pinanngiti n'yo ako ngayong umaga. o",)

Ito ang kahinaan ko, hindi talaga ako matandaain sa mga kanta. Hanga ako sa mga taong kabisado ang mga kanta at mga lyrics nito. Pwede na silang sumali sa All Star K!

abe mulong caracas said...

POKWANG...oo nga eh bakit nga ba may theme song pa? sa pelikula ginagamit lang yun pag moment na ng mga bida diba? sa bed scene? nyahaha

PGING ILOCANO...valentine post ito, hindi body sharing nyahaha!

RJ...parekoy, yun ang lumabas sa aking pagsasaliksik.

nga pala, laos na daw ang all star K, the singing bee na daw ngayon hehehe!

Kosa said...

hanu daw?
hahaha.. ang lupit ng kanta ahhh..
pero teka? high school lang ba nangyayari yan?
eh yung mga katulad kong late bloomers? kelan? hehehe
changna...
sobrang likot mo talaga mag-isip mulong..lols
sige na nga baka kung anu pa masabi ko..
peace

abe mulong caracas said...

KOSA...search mo na lang sa youtube yung kanta ni gary granada.

dun sa mga late bloomers, wag nang ilagay sa stationary ang kanta, i text na lang daw!

=supergulaman= said...

ayuz to ah...themesong muna...tpos stationeeeery takte na yan...ahehehe... tpos naging motel...tpos bye bye... tpos ayun themesong na ulit...ahehehe...

pero sa bawat yugto ng buhay pag-ibig na ating pinagdadaanan, nandun tlaga ang angkop na themesong...yeah agree, magaganda ang mga gawa ni Gary Granada...

P.S. sana mas na-elaborate ang nanyari sa loob ng motel.... ahahaha!

Dyilyan Oh said...

uuuy i like this "Hindi lahat ng pagmamahalan eh nakasulat sa ating mga palad. Ang iba ay nakalista lang sa tubig." ang lalim. :))


sad but true. and kung pano tayo napapakilig ng mga theme songs natin ganun din yung tindi ng sakit na binibigay nya kapag break na kayo. nagiging heartbreak song na sya. tsk


and yung mga theme songs kasi dinedescribe nya kung anong klaseng relationship kayo eh. parang "tell me what your theme songs are and i tell you who you are" lol parang ganun. =))

gillboard said...

may kinalaman kaya ang theme song ko, kaya wala akong nagtatagal na relasyon?

-Let's Get It On ni Marvin Gaye

2ngaw said...

Hehehe :D kala ko kung anong theme song na un eh...magandang theme song ba kanyo? eto...ewan kung alam nyo...

'Bawat yugto ng sandali,
halos di ko alam...
Naglalakbay ang diwa,
sa ligayang nakamtam.....'

sige nga kantahin nyo lolzz

abe mulong caracas said...

SUPERGULAMAN...bakit ba laging may nagtatanong kung anu ano ang nangyari sa motel? yun na nga nakinig sila ng music hehehe

DYILYAN...whew affected si dyilyan at ang lalim nun, tell me what yuur....and ill tell you who you are! konektado!

GILLBOARD...lets get it on lang sa UFC ang alam ko eh!

LORDCM...theme song ko yan nung bata pa ako!

Anonymous said...

Natawa naman ako sa stationary na yun.. Siguro gawain mo yun nun!!! Nyahahahahahaha! Ubo! Ubo! Naubo tuloy ako, lolz

Hindi ko alam yung kantang yan, pero Fan ako ni Gray Granada.. Matindi taong 'to..

Naka-proseso tong post mo ah.. theme song, Stationary, motel tas, Paalam na!!!..

Dhianz said...

abah.. nde tayo ganong x-rated sa post ngaun... lolz... hmmnnzzz... sori nde koh kilala si gary granada... kelan pa 'ung song na yan....nd hmnnzz... usapang theme song.... yeah uso nga yan.. malufet lang dyan kapag nagkahiwalay kayo.... eh halos kamuhian moh ang song nah 'un.... at halos saksakin ang puso moh everytime marinig ang song nah 'un... nde akoh naka-relate sinabi koh lang... hehe... ingatz kah parekoy... GODBLESS! -di

PaJAY said...

lolz...

kaya hindi natuloy ang ordinance tungkol sa motel na yan e...dahil mawawalan na ng saysay ang lovlyf ni mulong kung walang motel..rameng karanasan e...lolz...

naalala ko tuloy theme song namin "ill never break ur Heart" ng backstreet boys..nyahahahaha...sheeeeet!!!

pero ayos naman e,hanggang ngayon kami pa rin...lolz...

Jules said...

nakakaiyak naman ang song :(

Unknown said...

zoskopo! feb na ba..?

oo nga pala...

magandang theme song yun kanta ng maskman! yun sweet!

tsaka di na uso theme song sa motel... may porn channels eh.. hehe

Anonymous said...

hala. bat kami walang theme song?
time na siguro para maghanap na kami ng theme song namin. hahaha

salamat sa dalaw! :)

Anonymous said...

masarap kasi pag my theme song parang mas may flavor ang lablayp dba? ganda nga ng lyrics. download ko iyan hehe ;-)

Vhonne said...

ndi naman halayang ayaw mo sa theme song... ahaha... ung samin naman... hmm... pumipili kami ng mga kanta na kung saan nakakarelate kami.. hindi kami pumipili ng isang kanta lang bilang tawaging theme song... playlist cguro pwede pa... hehehe..

mejo natatawa ako sa mga paglalarawan mo ng ibat ibang klase ng pagbibigay ng theme song nung hiskul... ahaha... nasaksihan ko din kc ung mga ganung pangyayari.. ahahaha

pusangkalye said...

parang di ako masyadong familiar sa kanta na to a=------pero sa stationery uo---naku---alala ko rin yung amoy---at iba talaga epekto sa bata at mapusok na puso.keke

abe mulong caracas said...

DYLAN...ang mga pangyayari naman mula sa stationary hanggang sa paalam ay di sinasadya, meron lang talagang ganung pangyayari hehehe.

DHIANS...asus di raw siya nakarelate...eh halos with full feelings nga yung pagkakasabi mo na halos saksakin...

PAJAY...saludo ako sa inyo, matatag!

abe mulong caracas said...

SUMMER...alin ba dun ang nakakaiyak? yung paalam na? hehehe

DOTEP...easy parekoy, mahahalata yung madalas sa motel. alam na alam yung porn channel ha!

VANNY...manood ka ng telenovela at mga pantaserye marami kang mapipiling theme song hehe!

abe mulong caracas said...

DENCIOS...oo nga pare, minsan nga di lang lablayf ang nilalagyan ng flavor eh! minsan pati sa ano pampagana ang theme song!

VHONE...di naman sa ayaw, nababduyan lang hehe pero magandang meron kaya dapat pumili ka na wag lang paalam na!

PUSANG GALA...naks alam na ang style sa stationary!