Wednesday, April 1, 2009

Imagine This...


HUMAHANGOS pero tahimik na nakalapit si Rodel kung nasaan ang dalawa. Damang dama niya ang pait sa nakita. Walang kurap na itinutok ang baril hanggang sa umalingawngaw ang dalawang malalakas putok. Sa isang iglap, naghalo ang dugong tumagas mula sa dalawang katawang wala nang buhay.

Balisang tumayo mula sa higaan si Lorena. Kumakabog ang dibdib, lumabas siya ng bahay ng walang pag-aalintana sa takot na nadarama. Waring hinahabol ng kaniyang mga hakbang ang oras ng mga sandaling iyun.

Tanging ang liwanag buwan ang saksi, hindi magkamayaw ang mga paa niya sa pagtakbo at paglakad upang makalayo. Nanunuot sa kaniyang laman ang lamig sa bawat dampi ng hangin mula malayo.

Lumalagaslas ang pagdaloy ng tubig mula sa sapang katabi lamang ng pilapil. Sapat na iyun upang matakpan ang ano mang ingay na dala ng kaniyang pananabik. Maliban sa kaniyang sarili, walang nababanaag si Lorena mula sapa bagamat mistulan itong salamin dulot ng liwanag na namumula sa itaas.

Bahagyang huminto si Lorena. Mas matinding kaba ang kaniyang nadama. Mas lumamig ang hanging tumatama sa kaniyang mukha. Nilingon niya ang lugar kung saan siya nanggaling, pero wala. Walang sumusunod sa kaniya.

Hindi ininda ni Lorena ang tingkal-tingkal na lupa sa kaniyang hinahakbangan. Tumatama ang kung anu-anong halamang bukid sa kaniyang mga binti. May hapdi siyang naramdaman nang humiwa ang talahib sa kaliwa niyang binti.

Wala pa siyang naaaninag na kubo mula sa malayo subalit alam niyang malapit na.

Mas malalaki ang mga sumunod niyang hakbang. Dahil sa pagmamadali, isang tingkal na lupa ang hindi napansin ni Lorena dahilan para matapilok siya. Napaluhod siya sa sakit na naramdaman. Pero isang kamay ang dumampi sa kaniyang balikat. Kamay iyun ni Samuel.


Kasunod na noon ang walang salitang lengwahe ng kanilang pananabik. Naghahabulan ang kanilang mga halik. Ayaw kumawala ang mga labi ni Lorena sa labi ni Samuel. Pumatak ang mga luha ni Lorena habang hindi bumibitiw sa mga bisig ng kasama. Ilang saglit pa’y nagsanib na ang mga hubad nilang katawan…


Hindi kinailangan ni Rodel na sindihan ang gasera para maaninaw na wala ang asawa. Agad niyang kinuha ang baril at isinuksok sa tagiliran.

Ingay ng kulisap ang tanging maririnig habang papalapit si Rodel sa kubo ni Samuel. Subalit napalitan ang mga ingay na iyun nang humakbang siya papalapit. Impit na mga ungol ang naririnig pero gustong mabingi ni Rodel.

Isang malakas na sipa ang sumira sa pinto ng kubo. Umiikot na gustong huminto ng mundo ni Rodel nang tumambad ang katotohanan. Pero putok ng baril ang gumising sa kaniya.

Isang putok pa...

Sabog ang utak na bumulagta si Rodel habang patuloy ang pagpatak ng dugo mula sa papag.



Na-imagine mo? Naks galing mo pala ng imahinasyon mo. Bilib ako sa iyo!

®

24 comments:

gillboard said...

adik... binabasa ko yung kwento... kelangan talagang may ganung kumento sa dulo...

nakakasakit sa ulo... hehehe

eMPi said...

hanggang dito na lang ba? yon ang sabi ng kanta... hehehehe... teka may karugtong pa ba to? sinong bumaril kay Rodel? hehehehe

atto aryo said...

ala e! nabitin ako! heheh

Amorgatory said...

pre nahulog ang kinain kowng kesow...hahaha ang galing mow talagang writer idol na kita, promise..anyways pinatay ni rodel ung 2? pero ang tanong sinu pumatay kay rodel?baka ung jowa nyang bklosh hahaha..lol..pare may continuation to, alam ko ksi ang tindi nang twist nang story ha.

Anonymous said...

Ang ganda ng sculpture na yun ah!
Grabe yung detailed ng pagkakahulma.. Ang galing!

yAnaH said...

bitiners tsk tsk tsk
saka na comment pag nadugtungan toh ahihihih
happy april fool's day!

tsariba said...

parang na april fool ako don hehe
ilan ba talaga yung putok? apat? four? lolz naputukan si lorena ni samuel? yari! wahahaha

enjoy said...

nag-suicide si rodel pagkatpos niyang patayin si lorena at samuel? pero teka 2 putok lang yung binaggit mo eh. so ibig sabhin, it's either lorena or samuel yung pinatay nya tpos siya naman nagpakamatay. hm, medyo bitin nga. may karugtong ba yan? :D

A-Z-3-L said...

i want PLASBAK story!!!!

kelangan kong malaman bakit mas gusto ni Lorena si Samuel! bakit nga ba?

a. mas magaling magpaputok si Samuel (ng ano?!)?
b. mas poging pogi si Samuel?
c. mas magaling sa romansa si Samuel
d. Bading na Militar si Rodel? (kase galing nya magpaputok ng baril eh...)

ano ba kuya ABEEEEEE...
liwanagin mo yan!!!!

Kosa said...

palakpakan...
ang galing kong mag-imagine..
pero astig kang magsulat parekoy!
isa kang henyo...pwera Biro..
kitakits

abe mulong caracas said...

GILLBOARD...kasi nga di ba ang title naman eh imagine this? kaya naitanong ko kung na imagine mo ba di ba?

MARCOPAOLO...dapat wala namang karugtong na ito. tingin mo? sino nga ba ang bumaril kay rodel?

R-YO...yun lang hehehe

AMOR...at kay marco na rin...actually binaril ni rodel ang sarli niya. pero bakit nga ba gustong umalis si lorena? at bakit ganun ang ginawa ni rodel?

abe mulong caracas said...

DYLAN...walangya talagang sa sculpture lang tumingin hehehe

YANAH...di ko rin alam kung may karugtong nga eh pano kaya yan?

TSARIBA...tatlong putok pa lang, on the way pa lang sana yung ikatlong putok nyahaha.

bashtush!

abe mulong caracas said...

ENJOY...ayun na gets mo kaya lang naligaw ka sa bilang ng putok. sa taas dalawa, pero sa baba may isa pa diba? nuon na bumulagta si rodel

KOSA...isang palakpakan din para sa iyo, hindi nman kasi dapat tungkol sa kwento eh, kung na imagine mo lang ang takbo hehehe

Kosa said...

lols parekoy... mahalay na action adventure ang naimagine ko...

tumatakbo sa talahiban malapit sa sapa para makipagkita sa kanyang kalaguyo..lols taena

eli said...

hahaha..galing naman ng imagination mo. kompleto..action, adventures sa talahiban, suspense at love story pa!

Anonymous said...

Binasa ko rin noh... Ahaha!
ang galing mo nga eh, I have an imaginative mind so di ako nahirapan.. lolz

Anonymous said...

waah..naghihintay lang si mulong na mag-clamor tayo for more..haha!

ehto oh: MORE!!! hehe galing mo pala magsulat ng kuwento..epektib..hehe

:D

poging (ilo)CANO said...

may part 2 ulit to noh?

na imagine ko ung eksena nina samuel at lorena habang naghahabulan ang kanilang mga halik...hahaha...swabe...agawan at kagatan ng dila...n imagine mo rin?lolz...

mulong said...

KOSA...hahaha at least na exercise ang imagination di ba? pero ganun na nga ang nangyari

ELI...salamat po.

DYLAN...salamat din sa iyo. akala ko yung sculpture lang tinitigan mo lols!

PUGADMAYA...parang na pressure ako sa post na ito!

POGING ILOCANO...wala naman sanang part 2 eh kasi wala pa ko ng characterization. bahala na

darkhorse said...

masaklap naman nangyari kay Rodel...nkakalungkot...minsan buhay prang abstract pero depende sa taong titingin kung gaano mo ma-aapreciate...tc

RJ said...

Sa simula parang si Rodel ang nambaril sa dalawa. Ngunit sa huli si Roel ang napatay?!

Nalito ako.

Pero maganda ang pagkalarawan sa mga pangyayari. Mahusay! Pwedeng pan-screenplay 'to. U

Unknown said...

yung kubo lang naimagine ko habang bumabayo sila... siguro yumuyugyug kubo.

The Pope said...

Purihin ka kaibigan sa iyong malikhaing pag-iisip sa likha mong maikling kwento na puno ng damdamin at kulay ng iba't ibang emosyon ng tao at sa masusing pagdedetalye ng bawa't kapaligiran.

Mahusay ang iyong estilo ng paglikha ng panulat kaibigan, pinahanga mo ako iyong talento sa sining kaibigang Abe.

PaJAY said...

kailangan may re-enactment to...lolz...


ang bilis ng mga eksena..parang inde-film parekoy!..

asteeg!...