Inang ang tawag naming magkakapatid sa ermat namin. Dahil mahirap na pamilya lang, hindi kami nausuhan ng mommy, mama o kahit nga nanay. Pero ok lang, wala naman sa tawag yun eh.
Di ko matandaan kung ilang taon ako nuon, basta ang tanda ko, nag-ihit ako sa tawa habang hindi ako makapaniwala sa isa sa pinaka di ko makakalimutang kwento niya sa akin.
Binalak pala nila na huwag na kong iluwal sa mundo. Hindi pala binalak…nagtangka pala sila.
Noon daw kasing pinagbubuntis niya ako, uminom siya ng pampalaglag. Hindi ko alam kung ano na ang usong abortion pills noon o pinaghalong shoktong at serbesa negra lang pinantapat nila sa mala sisiw ng balot na anyo ko noon.
Ang kaso nga lang daw, talagang matindi ang kapit ko sa kaniya kung kaya nabuo pa rin ako at wala silang nagawa kundi iluwal ako sa maganda at makulay na mundo ng buhay.
Ang dahilan niya sa paglalaglag sa akin, nakakahiya na. Sa edad daw kasi niyang 45, medyo dyahe nang magbuntis pa siya dahil dapat daw sa edad na iyun eh naghahanda na lang ang isang ina para mag menopause kung hindi rin lang naman naghahabol na magkaanak.
Akalain mo iyun? Hindi pa man tuluyang lumalaki ang tiyan, iniisip agad niya ang kahihiyan?
At dahil ayaw nga niyang pagtinginan ng mga kapitbahay at ayaw niyang paulit ulit na tanungin ng mga kumare niya kung buntis ba siya, maluluwag na daster daw ang lagi niyang suot.
Kaya nang ipinanganak ako…dyan---dya---rararannnn!! Laking gulat ng mga kapitbahay namin kasi hindi naman nila nalaman o nakita na nagbuntis siya.
Siguro kung nakakapagsalita lang ako noon, naipagtanggol ko pa si Inang sa mga nagulat sa bago niyang sanggol. Sasabihin ko na anak ako ng banal na espirito na sumanib sa kaniyang katawang tao!
Oha…laban ka? Kung nagkataon malamang faith healer ako ngayon.
Sabi ko sa kaniya matapos ang kwentong iyun, ang bunsong ako…ang pinaglaglag na ako na hindi lang nalaglag…ang siyang magdadala ng swerte sa aming pamilya
Kaya ayun, habang nasa kolehiyo ako at kapag ginabi ako ng uwi at lasing, asahan mo nang kinaumagahan, paulit ulit na maririnig ang “hoy Romulo mag-aral ka ngang mabuti.” At ginawa ko naman…
Yun nga lang, 13 araw bago ang graduation namin, binawian siya ng buhay. Sayang, hindi man lang niya nahintay. Pati tuloy yung unang sweldo, nung oras na bankrupt ang unang kumpanya napasukan ko at nung gumanda nang husto ang trabaho ko kalaunan, hindi niya naranasan
Pero nasaan man siya, sigurado namang nasa maayos siyang kalagayan at sana eh natutuwa siya sa kinahantungan ng kaniyang menopausal baby.
Happy Mother’s Day Inang! (at gayun na rin sa nanay ninyong lahat…)
naks®
32 comments:
happy mothers day sa iyong inang.
san man siya ngayon, tiyak masaya at proud siya sayo..
ahhhhh...
malamang sa malamang oarekoy eh Proud na Proud sya kay Romulo ngayun!
hehehe...
kapit tuko ahhhh...
o sadyang swerte, matalino at madiskarte lang?
happy mothers day sa lahat ng nanay!
Wow! Kakaibang kwento ito. Sayang wala na ang Magpakailanman. Sa MMK nalang.
Sabi ko na nga ba eh, binabaliktad niyo ang sitwasyon. "...kumpanya napasukan ko at nung GUMANDA NG HUSTO ANG TRABAHO KO Kalaunan, hindi niya naranasan..."
Madalas ko kasing nababasa rito na walang asenso si Romulo... Maganda naman pala talaga ang work niya.
Happy Mother's Day sa lahat ng mga Nanay. Dalawin n'yo nalang po siya.
nakakatats naman ang kwento mo... Sigurado ako nasan man siya sayo, masaya yun sa mga narating ng kanyang menopausal baby.
happy mothers day sa iyong inang parekoy...
Hindi na pala ako magtataka kung bakit lumake kang may dalawang kahulugan lahat ng sinasabi lolz
Sigurado ako na masaya siya para sayo... di ba Inang?
Happy Mother's day Sayo Inang at sa Nanay ko na rin... :)
at sa lahat... ;)
POGING ILOCANO...hope so parekoy!
KOSA...kapit tuko ba? maswerte lang lang matalino mukang ewan...yung madiskarte yun ang mas lalong ewan...wala pala
RJ...parekoy nakalimutan kong dugtungan yung part na yun ng: AT NANG MULING BUMAGSAK hehehe
GILLBOARD...kakatats, sabi ko ano kaya yun? salamat hehehe
LORDCM...yun ba epekto nun parekoy?
MARCO...ako na lang ang kailangan sumaya pa ng konti hehe
HAPPY MOTHERS DAY SA INYONG LAHAT!
Sabi nga nila parekoy, pag ipinanganak ka na ang edad ng mga magulang mo ay 30+ ikaw ay magiging matalino...edi mas lalo ung sayo, 45!!! ... doble ang talino lolzz
simpleng kwento ng isang simpleng tao na may malalim na mensahe...
maligayang araw ng mga ina sa lahat ng mga ina natin!
Romulo pala totoo mong pangalan! Kaya pala Mulong... hehe
May malaking dahilan kung bakit nandito ka sa makulay na mundo.. kaya pala matalino ka, menopausal baby!!! Sabi nila.
Unti-unti kitang nakikilala Mulong..:)
God bless
May kurot.
I'm sure, she's watching over you, Mulong. And feeling very proud of what you have become.
Happy mother day's to her.
Happy Mother's Day sa iyong Inay, katulad mo, bata pa ako ng mamatay ang inay ko, siguro ang mga Inang natin ang magkakwentuhan sa Itaas sa loob ng kaharian ni Bro.
Purihin ka kaibigan.
hmmm---menopausal baby ka pala---now, that explains everything---hehe--peace
LORDCM...gusto kong maniwala sa theory mo pare kaso hinahanapan ko pa ng mas makatotohanang pruweba hehehe
TONIO and ISLADENEBZ...sa ermat mo rin pare ko. lahat siguro tayo, may kwentong maka nanay na may kurot at may malalaim na mensahe
DYLAN...talagang binigyan ng emphasis yung first name ko ha, sa mulong na lang tayo!
THE POPE...tama ka, malay mo magkausap ang ermat mo at ermat ko ngayon habang pinagku-kwentuhan na blogmates tayo ngayon di ba?
PUSANG-GALA...lumalim at makahulugan yun ah...ano kayang ibig sabihin ng everything? hehehe
kakatouched namn Dre!Inay ko lumisan na eh...tsk Happy Mother's Day! n lng...tc
nakakabilib ka!
may puso, may puso talaga ang post na ito.
nakakalungkot na di nya inabutan ang graduation mo pero alam kong isa siya sa pinaka masaya at pihadong hanggang ngayon masaya pa din siya para sayo!
HAPPY MOTHER'S DAY PARA SA LAHAT NG NANAY NATIN!
Wag mo na hanapan ng pruweba...Ayan!!!at nasa iyo mismo ang makakapagpatunay ng sinabi ko lolzz
i'm you made your momma proud! happy mother's day kay inang!
sigurado ka mulong sa naabut mo ngayom masaya na ang inang mo...
seryus to ngayon ah....
shoot! tumulo luha ko sa istorya mo. salamat sa pag bahagi ng iyong karanasan. :) happy mother's day sa inang mo! sigurado akong ipinagmamalaki nya ang kanyang bunsong anak.
im sure ur mom is very proud...
hindi nya pinanghinayangan na nagpumilit ka sa pagkapit mo...
happy mother's day to your Inang...
mulong anong meron dito? baket maraming tao? lolz...happy blogging pare...
cgrdo un masaya siya sa knahitnan mo at proud na proud, hapi mothers day...
ambait mo namang anak. basahin mo ang mother's day entry ko.haha. :]]
happy mother's day to ur inang! i know she's happy seeing you now.
natawa ako. ang lakas tlga nag kapit mo. ayaw magpatinag! hehe. :]]
hapi mudra's day sa iyong inang mulong...nababasa naman nya ito eh,hihihi
kakalungkot...pero ganon talaga ang buhay..una una lang yan!
for sure she's in a better place na at for sure narinig nya ang mensahe moh for her... and yeah for sure proud sya sa kung ano ka man ngaun... ano ka ban ngaun kuya mulong? lolz... ibig sabihin... meant kah tlgah lumabas sa mundo at masilayan ang ganda nagn buhay... oh devah makata... lolz... ingatz lagi kuya... Godbless! -di
oo nga happy mother's day sa inang mo...
anyway please visit also my deo's web blog, Thanks!
DARKHORSE...pareho lang tayo dre. pero ok lang yun, di naman nila tayo pababayaan
DENCIOS...salamat pare. kaya nung graduation ko nun, di ko alam kung mararamdaman ko
LORDCM...naksnaman! pinapalaki mo ulo ko ha!
BADONG and BOMMZ...sana nga parekoy!
AZEL...na imagine ko tuloy yung itsura ko nung matindi ang pagkaka-kapit ko hehehe
OR...salamat sa pagdalaw. i sure lahat tayo may touching story sa ating mga nanay.
HARI NG SABLAY...salamat
JESZIEBOY...im sure ikaw din pare mabait kang anak. nabasa ko yung post mo, and your apology is a proof na mabait ka ding bata!
POKWANG...oo nga una una lang talaga!
DHIANS...natakda talaga, sabi nga sa slumdog millionaire...it is written! hehe
ang ganda nang story mo romulo, akow naiyak konte ha, pero lam ko proud na proud si inay sayow !!
happy mothers day sa mga ina sa buhay mo kuya.
hindi nagsisisi nanay mo at nailabas ka pa rin.. hehe
tibay ng kapit mo... ganun mo kamahal inang mo...
Post a Comment