Naranasan mo na ba yung may nakilala o nakasama kang isang tao sa unang pagkakataon pero pumapasok sa isip mo na parang nakilala o nakasama mo na siya dati pero hindi mo lang matandaan?
Sige isip tayo ng eksena. Kunyari sa isang birthday party. Bisita ka lang pero ipinakilala ka sa iba pang bisita. Sa isang pitik ng daliri, pupukaw ng atensyon mo ang isa sa mga ipinakilala at hindi na iyun mawawala sa kukute mo.
Dahil duon, para ka namang pusang naiihi o kaya eh asong nahihiyang umetsas sa bakuran at hindi mapakali. Nasa isang tumpok ka habang nasa kabila naman siya pero balik-balik ang itsura niya na dumadaan sa imahinasyon mo.
Pero hindi mo talaga matandaan kahit anong pilit mo. Halos gusto mo na tuloy ihampas ang bote sa ulo mo dahil hirap ka talagang maalala.
Para bang mani na nasa dulo ng dila. Este salita pala!
Kalaunan, eeksena ka na dahil hindi ka na makatiis eh. Lalapit ka sabay sabing “have we met before?” o kaya eh “sorry ha, saan nga ba tayo unang nagkakilala?’ and so on and so forth.
Teka teka, hindi ito tungkol sa mga pa-ekab na mga pick up lines, kundi ganuong pagkakataon talaga.
Ang masama, nakakahawa pala yung ganung pangyayari. Dahil nasundot na, nadamay pa iyung tao na nuong una eh hindi naman nag-iisip ng ganun. “San nga ba?” pareho kayong mag-iisip pero ang totoo eh hindi naman talaga.
Ibang eksena naman pero halos pareho din. Lugar naman!
Napunta ka sa isang lugar na noon mo pa lang napuntahan. Halimbawa eh piyesta at isinama ka ng isang barkada mo sa bahay ng ibang katropa naman niya para makipag-piyesta.
Sa pag-ikot ng tagay, patuloy kang naglilingap kasi parang may natatandaan ka sa paligid. Hindi mo lang matumbok kung ano yun pero may hinahanap ka. Gusto mo kasing patunayan sa sarili mo na napunta ka na sa lugar na iyun.
Tulad ng sa unang sitwasyon, hindi mo lang maalala kung kelan o sa paanong pangyayari bakit mo nasabi yun. Nakakita ka ngayon punong bayabas sa gilid ng bakuran, na kanina pa nadadaanan ng mata mo pero ngayon mo lang napansin. Mas lalo tuloy tumibay ang paniniwala mo na galing ka na dun dahil sa puno ng bayabas.
Sa wakes, lalabas sa bibig mo ang salitang “sabi ko na nga ba eh!”
Kung maniniwala ka sa teorya ng kung sinu-sinong philosopher, mga tao at pangyayari daw sila nung una kang nabuhay daang taon na ang nakakalipas. Pwedeng isang anak ng duke ang taong nakilala mo habang dating kaharian naman ang napuntahan mong lugar.
Naranasan mo na ba yun? Kung naranasan mo na, buti ka pa, kasi ako hindi pa!
Tingin ko kasi lasing lang sila, tama lang ng alak yun hehehe!
naks®

19 comments:
pinta mo ba yun una? tsk...ayus ah!..tc
yun nga.. baka sa past life mo.. dun mo siya nakilala... di pa naman ako nakakaranas ng ganun.. pero merong mga taong bago kong nakilala, pero parang ang tagal ko nang kilala... labo ata nun...
ahhhh.. pwede ng siguro na sa past life mo yun! ganun din kase yung narinig ko na explanation nun eh.
naranasan ko na din yun...
yung parang... parang... parang...
basta maraming parang... parang nakilala ko na yun nuon-nuon pa...
yung parang napuntahan o di kaya nakita ko na yun nuon-nuon pa!
pero ang parang naging anak ng duke nuon-nuon eh hindi pa naman.lols
DARKHORSE...yun lang, walang kinalaman sa post hehehe. pero dun sa tanong mo, frustrated artist ako dre, di ako ang gumagawa niyan, nagnanakaw lang ako sa internet
GILLBOARD...yun nga mga kwento lang iyun pero sabi ko nga ako eh hindi ko pa naranasan yun!
KOSA...at pati ikaw, hehehe. sa paniwala ko at base sa sinulat ko eh mga lasing lang sila kaya ganun!
hmmm... paepal akoh ha.... honestly i've had those moments too... usually place... meron akong minsang isang place na napuntahan and first koh napuntahan pero familiar nah saken... 'un nga 'ung feelin' na you've been there before... then meron den naman minsang pangyayari na parang nangyari nah... parang nauletz lang... basta weird... sa mga tao naman.... nde moh maalala... pero parang kilala moh... pero totoo nga minsan sa tao... nde koh lang tlgah maalala kc malilimutinz akoh minsan... wehe... pero asar pa naman akoh minsan pag ganyan... nde akoh mapakali hangga't nde koh maisip kung sino 'ung taong 'un.... wehe.. sige 'un lang epal koh kuya... ingatz... Godbless! -di
hehehe... tama ng alak lang pala yon... tsk tsk tsk!
hahaha akala ko naman isang makabagbag damdaming kwento ito ni maruja, hehehe
anak nang tipaklong, e tama lang pala nang alak yun?
siya pakape ka naman pampaalis nang tama nang alak ehehehks...
ang sabi sa akin ng manghuhula dati ako daw ay manghuhula nung past life ko. may tama din pala yung aleng yun,,
DHIANS...yun lang talagang punong puno si dhianne ng naranasan mo na ba at mukang talagang kailngang ma confirm kung tama ba o mali ang gut feel niya hehehe
MARCOPAOLO...korek nasobrahan lang kaya kung anu-ano ang pumapasok sa kukote
RHODEY...tama, kape lang pwede nilang pantapat sa naiisip nila. kaso wala akong kape eh. kay dylan, dun maraming kape hehehe bottomless pa!
STUPIDIENT...yun lang, hinulaan ng manghuhula na dating manghuhula ang hinuhulaan. nagkahulaan ba kayo?
Ang tawag daw dyan e Deja vu, yun bang parang nangyari na sayo hindi mo lang naalala kung kailan, kung saan, basta lang, parang nangyari na sa yo yan.
Pati na yung tao na sinasabi mo na parang kilala mo.
Ang teorya ko dyan e, nakita mo sila o yung lugar at yung pangyayari sa panaginip na madalas pag gising mo e hindi mo maalala.
un ba ang tinatawag na dejavu?nanghuhula lang ako,lols
deja vu!!
o espritu ng alak in some cases?? hehehe!!
deja vu din ba matatawag yung ulit-ulit na ang kwento mo at pagulong-gulong ka na sa paglalakad sa sobrang kalasingan?
hahahaha!!
Natawa ako ng sabihin mo sa huli na baka lasing lang o tama nga alak.
Well marami na akong nabasa at narining na katulas ng mga istoryang nabanggit mo, na somewhere in time na meet na nila ang isang tao o place pero di nila ma-recall kung saan, isang kababalaghan na mahirap ipaliwanag, tutuo man o hindi, hindi ko naranasan ito.
Tama ka, baka tama lang ng alak... inom pa.
MANILENYA...wow lecture ba yan skulmate? ayun jajabu pala tawag dun, tama ba? meshabu? ano nga ba? hahaha
HARI NG SABLAY...accdg to my skulmate who learned the said theory in her philosophy class. considering the caliber of our university professors... diskumpiyado ko! joke lols!
AN INDICENT MIND...oo nga naman, pati na rin yung akbay ng akbay o kaya yung paulit ulit na high five, de javu pa ba yun? tingin ko yun walang dudang kalasingan lang yun!
THE POPE...siguro kung tinuloy pa nila yung pag inom at nagkadasuka na sila, mahihimasmasan na at mawawala na yung paulit ulit na tumatakbo sa isip nila eheheh
a oo. naranasan ko na din iyan. minsan nga talagang nakakataka na talaga hehehe pero syempre ayun nga baka tulad mo e lasing lang siguro ako (at sobra sa sex) hahaha
Tama sila.. parang deja vu nga iyon, o sa ating mga Pinoy ay yung ating sinasabing mga "maling akala" at "dating kakilala"... di ba?
Deja vu o 'already seen' sa Inglesh. Nangyayari un dahil sha dami ng mga bagay na pinaprocessh ng ating utak, may mangilan-ngilan na kapag nagshama-shama ay nakakabuo ng ishang alaala o pangitain. Kaya parang nakarating ka na sha ishang lugar o kaya'y nakilala mo na ang ishang tao kahit sha katotohanan ay unang pagtatagpo nyo pa lamang ito.
Hik! Hik.
DENCIOS...ang laki ng pagkakaiba parekoy. kung pareho sakali mang tulad ko eh lasing lang nung kung anu-ano ang naiisip sa isang tao o lugar, pero yung sobra sa sex...patay tayo dyan hehehe!
FILMASONS...teka lang naniniwala akong may maling akala, pero di ako naniniwala na may taong dating kakilala eh! tsori tsori!
ISLADENEBZ...sana tungkol sa pagkakaperahan na lang ang mangyari kasi puro kakapusan sa budget ang tumatakbo sa isip ko eh!
baka may hawig lang na pornstar na pinagnanasaan mo kaya naisip mo na baka kilala mo siya..
Post a Comment