Sa tinagal tagal na panahon na laging NLEX at Edsa lang ang nakikita kong kalsada, nakita ko na lang ang sarili ko sa Luneta. Baka kako dahil sawa nako sa usok ng Edsa, usok naman ng Roxas Boulevard ang gusto kong malanghap.
Malapit sa kinatatayuan ng kalabaw, duon ko napansin ang dalawang lalaking may edad na tila nagdedebate. Di naman sila yung pangkaraniwang debatista (?) ng Luneta. Mas madalang ang kumpas ng kanilang mga kamay at hindi pinaglalakasan ang mga boses.
Pilit kong inuulanigan kung tungkol saan ang kanilang pagtatalo pero tila ako yung matanda na hindi sila maintindihan. Sa loob loob ko, wag naman sanang Hayden Kho at Katrina Halili ang pinag uusapan nila dahil baka mag-ihit ako sa tawa kung sakaling maririnig ko.
Siguro’y napansin ng isa kanila na pasimple akong tumitingin kaya nang magpaalam ang isa, sinigawan ako nito ng “hoy Ato, ikaw nga ang umakay sa Lolo at mahina na ang tuhod ng matandang iyan.”
Para akong nabudol-budol! Peksman!
Maraming tanong si Lolo, pangalan, edad, taga saan, trabaho, pinagtapusan at iba pa! At madami din akong sagot.
Squid balls at palamig lang ang naialok ko sa matanda dahil iyun lang ang nakita ko sa lugar. At isa pa, kababayad ko lang ng kuryente kaya iyun lang talaga ang kaya ko.
Habang hindi niya makagat-kagat ang mainit na itlog ng pusit, nagtanong ito - kumusta na daw ba ang Pilipinas?
Nakupo nalintikan na! Tama nga ako, miyembro siya ng Luneta Debating Society. Ang mahirap pa sa tulad nila, habang nagkakalaman ang sikmura, lalong tumatalas ang mga punto de bista.
Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang marinig na sagot sa tanong niya. Gusto ko sanang sabihing “Lolo hindi po ako lalaban…suko na po ako.”
Pero inulit ang tanong at mas matalas na…“Iho ano ba ang lagay ng bayang Pilipinas?”
Edi patulan. “Eto po, patuloy ang paglubog. Pinamumunuan pa rin tayo ng mga lider na pawang mga makabayan pero mga magnanakaw naman. Lahat sila gumugugol ng bilyun-bilyong piso para sa mamamayan pero hindi naman makita ang resulta. Makabayan po kung tawagin sila.” Tama na ‘yun, ayoko ko nang humaba.
Umiling lang ang matanda. Ramdam ko yung sinseridad ng pag iling niya.
Bumuntong hininga siya habang nakatingin sa kalsada tapos ay uminom ng gulaman. “Bakit ba Ato ang daming jeep na bumabiyahe na puno ng mga bandilang pula at kung anu-ano ang nakasulat?”
“Ah kasi po may kilos protesta sa Makati laban sa Cha-Cha. Hindi iyun yung Cha-Cha na sinasayaw nung panahon nyo ha. Charter Change po. Balak kasi nilang baguhin ang Konstitusyon,” mabilis kong tugon.
“Nilalabanan po iyan ng marami kasi ang gusto lang naman daw ng mga pulitiko eh term extension o para manatili sa pwesto ang mga nakaupo. Naku Lolo, napakaraming beses po ang rally sa ngayon,” dagdag ko pa.
Maya-maya pa, itinaboy nako ng matanda, umuwi na daw ako. Kakamot-kamot naman akong napatitig sa kaniya.
Malungkot ang kaniyang tinig pero narinig ko pa ng sinabi niyang “Tama si Ka Andres, mas mabuti pang manatili na lang kaming bato, mga patay na monumento, wala na ang aming ipinaglaban.”
“May saysay pa ba ang Araw ng Kalayaan?” pahabol niyang tanong sabay lakad patungo sa rebulto ni Dr. Jose Rizal.
naks®

30 comments:
Maganda ang pagkagawa ng kwento. U
Pwede nang tapatan si Lualhati Bautista.
Mala Noli at Fili ang istilo, ah. Pero alam kong hindi naman babangon si Rizal dahil sa takot na malamangan n'yo ang dalawang nobela niya. Sigurado akong matutuwa pa siya sa post niyong 'to.
Ayos! he he. Pakisabi kina Lolo, kitakits sa rally!
naks... makabayan!!! may punto si lolo... sana mabuhay yang mga estatwa na yun at pagtatagain yang mga pulitikong yan!!! hehehe
RJ...sobrang flattering naman ng comment mo doc. madami pang kakaining bigas para mahanay kay lualhati.
at mas lalong maraming kabang bigas pa ang kakainin para mapantayan si lolo jose. kaw talaga!
R-YO...talagang kitakits ha. pero disappointed na nga raw si Lolo eh sa sitwasyon ng bansa ngayon eh.
GILLBOARD...pero pano yan? si lolo andres lang ang tabak?
Ang galing parekoy!!!...May sakit ka ata?, nagbago style ng entry mo eh lolzz
Pero tama naman si lolo, mas mabuti pa ngang bato na lang ang mga taong nakipaglaban para sa kalayaan ng Pinas...Hindi mo nga maramdaman ngayon ang epekto ng EDSA 1 eh...
makabayan entry ito ah... hehehe!
Noong bata pa ako madalas kami sa luneta at nikipaglaro sa mga higanteng dinosaur...hehe
napapanahon... malapit na ang Araw ng Kalayaan. ilang araw na lang...
pero gaya ng tanong ni Lolo, may saysay pa kaya ang ipinaglaban noon ng ating mga bayani?
ang galing kuya.. patagay!!!
hayz! nde bah aware ang mga lider nang bansang Pilipinas na wala na silang ginagawa kundi pagnakawan ang sarili nilang bansa... iniisip lang nilah ang ikauulad nilah at ikayayaman nilah at nde ang ikauulad nang bansang pinagsisilbihan nilah... eh anong silbi nilah? tsk!... hayz... itz sad fact... pero hayz... kelangan nga bah magsisimula ang pagbabago... kakalungkot lang isipin... lahat gusto umupo.. lahat gusto maging parte nang gobyerno.. lahat gusto tumakbo.. nde para magpasilbihan ang bayan... kundi para magpasilbihan ang bulsa nilah... hayz... dme kong sinabi noh... sana kaw na lang tumakbo kuya mulong...
iboto si Kuya Mulong!!!! aheheh...
ingatz! Godbless! -di
pero para saken mas masarap kakwentuhan ang matanda, mas mahaba na ang experience nila kaya mas marami silang maikukwentong bagay sayo na naranasan talaga nila. teka meron bang itlog ng pusit? lolz
ang lupit ng entry mo.. ayos na ayos at napapanahon..
madami nga ang gustong manungkulan para may maipasok sila sa mga bulsa nila, sa ngayon malaki ang nilalabas nilang pera para sa mga kampanya at mga commercial sa tv, pero pag yang mga adik na yan eh nakaupo na sa pwesto, saka yan babawi at sobra sobra pa..
Sana binigyan mo man lang ng positibong pananaw ang sagot sa tanong nya...
...kaya lang, mas hahaba pa ang usapan. Debatista eh. MAhirap na.
abe makabayan! LOLZ
ganda ng pagkakagawa mo brod...
tagay ko!
Samantalang ako, sabi ko na "buti pala nagleave ako ngayon(kahapon), may rally pala sa Makati." :|
LORDCM...di naman parekoy, pa minsan minsan lang eh kailngan nating makialam sa mga ganyang usaping pambayan hehe
MARCO...nabuhay ng espirito nung akoy kolehiyo.
MOKONG...ngayon kaya ok pang makipaglaro sa mga dino at your age? nyahaha
AZEL...salamat po! maraming tanong ang kailangan at hindi lang kasi salita ang kailangan kung sasabihin nating oo
DHIANZ...may ganun? iboto ako? hehehe
TONIO...hindi ba itlog ng pusit ang squid balls? at ang kikiam naman ay....?
KHEED..FYI bro for the Q1, si Mar Roxas ang may pinakamalaking spending for his "infomercial"
DYLAN...kung sa edad niya na nagtanong, ano ba ang positibong pananaw na maibibigay natin? di ba magmumukhang niloloko natin sila?
AN_INDECENT_MIND...maraming salamat
ZHEIHANDER...there will be a time na sasama din tayo sa kanila
Ayos... ganda... Nasan na kaya yung nagbabantay kay lolo... baka tumakbo nung naglakad si lolo... jijijijij...jowk! Pero tama ka... Mahirap na at halos hopeless na ang Pinas... pero may kaunting pag-asa pa naman tayo... Sana maisip din ng iba yun... Alam mo na...jijijiji
bato, batong nakakaloko...
katakot mga rebulto na yun ah..
aw! nakakatats naman tong post na to, nakausap mo si Rizal?
teka sa tingin mo ba si rizal kung sa panahon ngayon e e pro o anti conass?
tama si lolo!!!sana naging bato na din sya lols
You can make a positive statement out of a negative concept... Matanda na kasi, kawawa naman kung mamatay na lang sya eh di pa rin nya makita yun pag-asang hinahanap hanap nya ng matagal na panahon.. ^__^
XPROSAIC...baka naman nakatulog lang kaya di nila namalayan kung ano ang nangyari hehe.
tama, may natitira pa namang pag-asa.
MANILENYA...naku mahirap sagutin yan, basta ang alam ko lang medyo may kaunting difference talaga si RIZAL and BONIFACIO, isa sa kanila RA at ang isa naman is RJ
DOTEP...peaceful naman si doc, yung sa caloocan ang kakatakot kasi may tabak, lols!
AMOR...bato naman talaga siya eh
DYLAN...huhuhu hindi naintindihan ni dylan the beautiful yung sinulat ko, yung premise ng kwento at anng mga tauhan ng kwento...
mmhhhh.... luneta... ganun pa din pla kakulay ang buhay sa luneta... halos 4 na taon na din akong hindi nakakapasyal dun... minsan na din akong nakipagkulitan sa mga matatanda doon at nakipaglaro ng chess...mga panahon na halos ibalibag ako ni Grasya dahil sa pagiging usisero...
...ang totoo nyan malaman talaga ang sinasabi ng mga myembro ng "luneta debating team"...pero minsan napapailing na din ako lalo na kung isyu ng gobyerno ang usupan... ok pa ba ang CONASS? payag ba tayo sa CHA-CHA?.... o baka dapat mag-TANGO na lng tayo?...Tanggalin si Gloria...
Happy Independence Day...parekoy... :)
sana akow bato nalang din, tagay!!
meron din akong luneta special sa blog ko heheheh :) ako si korki
Ahaha, ang makabagong Noli Me Tangere. Joke. Ang saya basahin ng naisulat mo. Bago ka lang sa blog ko. Bago din ako sa blog mo. And it's nice to read your posts. Totoo yan! =)
Amf. Sorry ha. Slow eh. Di kasi ako doon nakatuon...
SUPERGULAMAN...mas makulay na lang yata ngayon kasi hindi na naman ang mga historical landmarks ang pinupuntahan sa lugar eh
AMOR...kung ikaw ay naging bato, ano kaya ang pose mo? hindi kaya ang mga paa mo lang ang ipa design mo? kampai hahaha
KORKI...with ice cream ba korki? lols
KEBS...its a compliment kung sabihin mong makabagong noli me tangere. welcome to my world.
DYLAN...hahaha
hay...nkakaawa na tlga mga pinoy.mpapakamot kana lng ng puwet,lols
alam mo parekoy, hindi lang sila at kayo ang nagtatanung kung nasaan na nga ba ang Pinas ngayun.. ako din tinatanung ko din yan... pero sa palagay ko may kanya kanya tayung sagot sa kung saan sa [palagay natin naroroon ang Pinas.
malaking debate na naman to kung nagkataoon...lols
nsa ibat iba tayung estado ng buhay kaya iba iba rin ang ating pananaw dito kung sakali...
Post a Comment