Wednesday, July 8, 2009

Ayokong Matutong Mag-Blog

(This is my 99th post. Pero bibigyang daan ko lang ang kauna-unahang isinulat na karakas ni mulong. Para bang going back to where all it started before I share my 100th senseless writing.)


Kung itatanong mo kung “bakit?” ang sagot ko…frustrated writer kasi ako.

Di ko alam kung tamang term yung prus-trey-ted kasi ang ibig sabihin nun eh hindi mo nagawa yung gusto mo tama ba? Para bang isang pangarap na ginawa mo na ang lahat, nagbuhat ng bangko, nagsunog ng kilay, umepal, gumamit ng red ballpen, nagmemorize kahit masama ang loob at kung anu-ano pa. Pero ang resulta…ayun pangarap pa rin!

Parang pagkanta lalo na yung pagiging bokalista ng isang banda. Ilang beses ko na nga bang inimagine na nasa isang gig ako? Pero hindi yung basta nasa gig lang ha…nakaporma kahit pawisan o kaya naka shades kahit gabi at na sa gitna ng stage habang bumabanat. Yun pala ang frustration!!

Buti na lang may Pon-japs naka-imbento ng videoke na inimprub naman ng mga talentadong Pinoy. Dun ko na lang tuloy ibinuhos ang sama ng loob at ang kakayanan ko na malaking kawalan sa ating music industry.

Lalo na kapag lasing!

Ilang beses na ba akong pinalakpakan sa inuman? Maraming session na rin yung eksenang may mga nagre-request pa na kumanta ulit ako habang nagngangalit ang mga ugat ko sa litid. Sige hataw lang, pakapalan lang iyan ng mukha!

May mga kanta nga na considered signature song ko na daw eh. Meron pa ngang nagsabi, eto ha hindi ko naman kakilala, pero pagkatapos kong kantahin yung Wherever You Will Go ng The Calling, nag comment ba naman na para daw original! Walangya…malamang mas marami ang nainom nya sa akin.

Ang maganda pa sa videoke…hindi stereotype na rakista lang ang isang tao. Pwede kang maging balladeer, o kaya eh ala Chris Brown o kahit maging isa sa mga Pinoy rapper na matitinis ang boses ala Crazy Ass Pinoy o Gloc9.

May direksyon ba? O kailangan lang talagang i-justify ang ginagawa kapag nakahanap ng outlet ang frustration ng isang tao. Ang logic, para lumabas na wala ka naman talagang frustration!?

Tangina ang gulo parang bul^$#@!!!!!

Teka kung ganun ang pananaw ko sa salitang “frustration,” hindi naman ako pala ko frustrated writer kasi nagsusulat pa rin naman ako kahit papano. May isang kwento nga akong isinulat na nasa libro na eh.

Eh bakit nga ba ayokong matutong mag blog?

Ah alam ko na…magaling pala akong magsulat, madami lang nga akong angst sa buhay!

NAKS!®

27 comments:

eMPi said...

writer ka nga... :) hindi ka frustrated writer... :)

2ngaw said...

Baka naman hindi frustrated brod, Attempted...parang attempted rape, attempted writer ka lolzz

Kosa said...

frustrated singer ba parekoy o writer?
ok lang naman na buhatin mo ang bangko mo... isama mo na mesa at kama mo basta kaya mo! hehe

gillboard said...

Congrats in advance sa yong hundredth post...

gaya ng sabi mo... hindi ka frustrated writer... writer ka... writer!!!

lolz

Qoutes said...

Hi! I’m new with your blog, nice site! Can we exchange link? I have added your link on my blog. Thank you.

Xprosaic said...

Ako maepal lang... wahahahahahahhaha... ok naman maglabas ng angst lalo na pag ala kang ibang malabasan nun pwera dito... jijijijijiji... Congrats in advance parekoy!

an_indecent_mind said...

brod, mas ok na siguro na tayo ang frustrated sa ating sarili sa mga bagay na di natin magawa, kaysa naman yung ibang tao ang mafrustrate sa atin sa mga bagay na pinaggagagawa natin???

hahahaha!!

EngrMoks said...

CERTIFEID FRUSTRATED WRIETER DIN AKO...
TAMA SILA TOL..KAHIT MAN LANG SA PAMAMAGITAN NG BLOGGING MAILABAS ANG angst!!! HEHEHE

Joel said...

ang gulo, parang bul*3%

hindi ka naman frustrated writer at sadyang magaling kang magsulat, hindi ko lang alam kung talagang magaling kang kumanta hehe

Hari ng sablay said...

naks naman songer ka pala pre at writer din.congrats sa 100 post mo.teka kelan ba kita makikita sa tv niyan?o mdidinig sa radyo? hehe

RJ said...

Akala ko pagba-blog ang topic, singing po pala. U

Siguro napakahusay niyo ngang kumanta...

99th post, wow! Congratulations! Anong story po ba yung nai-publish niyo? Post niyo naman dito.

Unknown said...

Hndi ka frustra...anoh nga ulit yun?! Ah oo nga pala, di ka frustrated writer. Dahil isa kang writer! ;D Mag-post kapa, at magbabasa lang kmi dito.;D

poging (ilo)CANO said...

parang ano lang

singer con writer..hehehe...lolz.

Unknown said...

anu ba tlga focus nito?
singing career mo tuwing lasing ka?
haha. :]]

The Pope said...

Para sa akin ang frustration is a state of mind.

Hindi ka frustrated bro, you are just a fine singer and a real blogger.

Advance ko na ang papuri sa iyo, tutal you are just 1 post short for your 100th post,,, CONGRATULATIONS.

LONG LIVE "NAKS NAMAN"

LORAINE said...

haha sa panahon ngayon kasi, ang term na "frustrated _______" ay ginagamit ng mga talentadong taong hindi nakita sa tv o hindi masyadong sumikat o basta hindi lang masyadong napansin. parang excuse na lang, o kaya naman minsan HUMILITY, parang ikaw. :) humble, NAKS! XD

pangalawang tambay 8->

m u l o n g said...

MARCO...naks naman, yan ang sinasabi ko eh, palakasan lang sa mga nagbabasa hehehe, tama na ang bola bro!

LORDCM...attempted? parang tunog kaso lang ha! attempted writer? lols!

KOSA...panano ko pa ba makukuhang magbangko kung tonong sama ng loob ang bawat kanta ko? hahaha

GILLBOARD...sabi ko na nga ba malakas din ako sa iyo eh haha. para kasi tayong panggabi!

m u l o n g said...

QUOTES...kaw naman makapag comment lang hahaha

XPROSAIC...teka lang bakit bawal dito? akala ko ba free for all feelings ang blog. isa lang alam ko bawal palabasin dito eh!

AN INDECENT MIND...yun lang, para mong sinabing nasa atin pa rin ang huling halakhak...mamatay sila sa inggit nyahaha

MOKONG...o kitams magkautak kami ni engr...isang bagsak nga dyan parekoy!

m u l o n g said...

KHEED...yun ang yet to be proven ba? ano lang ang songing karir ko ahhhh...para ding bul*&$# hahaha

HARI NG SABLAY...minsan brod nakikita ako sa TV, pero yung mga iyun eh kunyari hindi ko sinasadyang napadaan pero...may konting sadya haha

RJ...Doc medyo may kahabaan para i blog eh...isa siyang maikling kwento na isinabmit ko sa CCP at sinwerte namang mailathala sa isang libro nila.

SOLO...pipilitin ko...

m u l o n g said...

POGING ILOCANO...edi parang ogie alcasid? wency cornejo? vic sotto? paul mc? at ib apa hehehe lupet!

JESZIE BOY...mas malapit yata dun sa singing karir kapag lasing eh...naiisip mo ba na maepal ako at laging bida kapag lasing? hahaha

THE POPE...wow naman meron pang long live...salamat bro!

LORRAINE...dahil sa mga sinabi...mahal na kita hahaha

dencios said...

alam ko na kung bakit maganda ang mga sulat mo

kasi tagos sa puso at hango sa totoong nararamdaman.

sige samahan kita bumuhat ng bangko! ipagyayabang pa kita :)

PABLONG PABLING said...

naks may naisulat ka na palang kwento sa libro. nice.

- pwede ka rin naman mag record ng kanta tapos i post mo sa blog . haha

Jepoy said...

Ang masasabi ko ay pangarap koring mag sulat ang difference natin ikaw magaling na mag sulat ako pangarap parin ahahaha

Happy Blogging

m u l o n g said...

DENCIOS...naks naman, yan ang gusto ko sa iyo, bolero ka hehehe

PABLONG PABLING...mag record ng kanta hmmmmteka pag isipan kong mabuti ha

JEPOY...yun lang, isa ka pang bolero nyahaha

Anonymous said...

Kabata mo pa para mafrustrate.. Mafrustrate ka pag huli na ang lhat at wala ka nang pwedeng gawin para ibalik yung oras na nasayang mo na nabigyan ka ng pagkakataon pero wala kang ginawa..

Sa tingin ko Mulong magaling ka, hindi ka lang basta marunong. Sana nakikita mo rin sa sarili mo yun. keep it up!

Cheers!

Mars said...

based on how you crafted your post, your a good writer

Amorgatory said...

pre buti di akow senglots, masasabi ko lang kaw ay isang magaling na writer na hinahangaan kow ditow sa blogness worldness, di akow senglot parekoy, tagay!!hahaha...pwde kumanta ka sa beerdie kow parekoy?ha un nlang gift mo sakin lols,yehey!!thanks in advance!!lols