Saturday, July 4, 2009

Bayani

Nasa third yerar high school ako ng pinagawa kami ng report tungkol sa “Heroes and Heroine” sa subject na Values Education. Pipili kami ng mga taong masasabing bayani sa buhay namin.

Sa simula ng klase, nag-alangan akong tumayo para talakayin ang aking bayani. Karaniwan kasi, mga magulang o di kaya eh malalapit na taong may naibahagi sa buhay nila.

Pero ang bayani ko, si Pangulong Corazon C. Aquino.

Walang magagawa, kinailangan ko ring magsalita. Tinalakay ko kung paano tumayo si Tita Cory para labanan ang diktaturyang rehimen ni Ferdinand Marcos. Hindi natakot ang biyuda ni dating Senador Ninoy Aquino na ipaglaban ang kalayaan ng mamamayang Pilipino at demokrasya para sa bansang Pilipinas.

Hindi naging madali, pero naipanalo niya. Hindi matatawaran ang ginampanan niya sa lipunang ginagalawan namin, sabi ko. Nagulat na lang ako, pumalakpak ang titser namin.

At ngayong nakikipaglaban ang dating Pangulo sa sakit na colon cancer, naniniwala akong nanalaytay pa rin sa kaniyang dugo ang tapang na ipinakita niya noon…ano man ang mangyari sa mga susunod na araw.

May iba pang babaeng namuno din sa ibang bansa ang maaaring ilinya kay Ginang Aquino. Nandyan si Aung San Suu Kyi ng bansang Myanmar.

Tulad ni Ginang Aquino, ipinaglaban ni Aung San Suu Kyi ang pagkakaroon ng demokrasya sa kanilang bansa upang wakasan ang military junta. Pero matapos manalo sa eleksyon noong 1990, hindi kinilala ang resulta at sa halip ay isinailalim pa sila sa house arrest.

Hanggang ngayon patuloy ang pagdinig sa mga kasong nagsulputan at pilit na isinampa laban sa kaniya. Gayunman, hindi nawawalan ng pag-asa ang mga kababayan niyang naniniwala sa kaniyang ipinaglaban.

In the Quiet Land, no one can tell
if there's someone who's listening
for secrets they can sell.
The informers are paid in the blood of the land
and no one dares speak what the tyrants won't stand....
- Aung San Suu Kyi

Hanggang sa asasinasyon ni dating Prime Minister Benazir Bhutto ng Pakistan noong December 27, 2007, isa lang ang nais niya, ang mapalaya ang kaniyang bansa sa mapanupil na pamahalaan.

Abot kamay na sana ang pangarap na iyun matapos pamunuan ang oposisyon sa eleksyon nakatakda sana noong January 2008. Subalit pinilit itong harangan sa marahas na paraan, ang pagpatay sa kaniya.

Iba-iba man ang paraan, makikita ang pagkakapareho nina Pangulong Cory Aquino, Aung San Suu Kyi at Benazir Bhutto. MGA PANGALANG HINDI MAAARING HALUAN NG PANGALANG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO.

Hindi natin hawak ang bukas. Pero anut-ano pa man ang mangyari, hindi na mabubura ang kahulugan ng ating demokrasya sa pangalan ng ating Tita Cory.

naks®

15 comments:

dencios said...

sumasangayoan ako sayo tungkol sa mga babaing iyan. tunay nga silang bayani sa paraang nakita mo. informative na din ito kasi na curious ako tungkol kay rime Minister Benazir Bhutt. ma research nga ang kanyang buhay..

ingats!

Alexander said...
This comment has been removed by the author.
prooksz said...

bakit naman hindi pedeng ilinya sa mga pangalang yan ang pangalan ng pangulong GLORIA, eh tuad ng mga kababaihang yan eh lumaban din naman si panglong glo. halimbawa nilabanan nya ung ano!?! saka yung kuwan?!? at saka sila kuwan!!?

di ko maalala, sige na nga wag na lang isali...

poging (ilo)CANO said...

magaling na daw si tita cory sabi ni crisy..hehehe

The Pope said...

Salamat sa pagbibigay puri kay dating Presidente Cory Aquino. Isa sa mga dakilang Pangulo ng Bansa.

EngrMoks said...

SDa lahat ng PAngulong naabutan ko simula ng sinilang ako dito sa mundo, siya ang pinakapanagkahahangaan ko...wala na yatang tatalo sa galing nya at husay...
Sana ay bumuti na ng tuluyan ang kanyang karamdaman...

Joel said...

tama, wag na nating isali si GMA dyan..

Idol mo pala si Cory, pareho kayo ng utol ko. naging matapang nga sya dati at hanggang ngayon ay pinapakita pa din nya yung katapangan nya.

pero hindi pa din ako masyado saludo sa kanya, basta! lols

lenz said...

Pangulong Corazon C.Aquino ay isang tunay na bayani.

gillboard said...

ngayon ko lang nakilala si aung san suu kyi... niresearch ko to.. pagkatapos ko mabasa post mo... bigla ako naging interesado sa history...

Anonymous said...

actually hindi naman ako maka-Cory pero sa tingin ko, mas okei na rin siya kesa kay GMA, dahil kahit 'di siya nakaupo, sa buhay at sa paraang alam niya eh nakakatulong at nakakapagbigay siya ng pagasa sa mga Pilipino..'di katulad ni GMA na marinig mo pa lang ang pangalan eh medyo pangit na ang dating.. :|

Xprosaic said...

Iba-iba man ang paraan, makikita ang pagkakapareho nina Pangulong Cory Aquino, Aung San Suu Kyi at Benazir Bhutto. MGA PANGALANG HINDI MAAARING HALUAN NG PANGALANG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO.- AMEN! Hahahahhahahaha... pero di ko rin naman idolo si Pang. Cory pero marami siyang nagawang hinangaan ko... jijijijiji... Maiba lang... Ang New Zealand ngayon puro babae ang humahawak sa mga matataas na posisyon sa ngayon... wala lang... jijijijiji

HOMER said...

Magaling nga ang mga babaeng iyong nabanggit they really proved that gender is not an issue when it comes to leadership.

Naalala ko tuloy yung higschool days ko! Fave ko ang Social Studies eh! hehe!!

Nice post!!

Zweihander said...

Nung Grade 1 ako, may homework kami tungkol sa mga bayani. Naaalala ko pang sinulat ko si Mang Rudy, ang mangtataho sa amin. Bayani siya para sa akin kasi lagi niyang pinasisiya ang mga umaga ko.

Binigyan ako ni Mrs. Cortez ng 0/5. Hmp.

Arvin U. de la Peña said...

isa siya sa naging magaling na pangulo..
maging inspirasyon sana sa iyo sa hamon ng buhay kapag mabasa mona ang new post kong May Bukas Pa at www.arvin95.blogspot.com

RJ said...

4 days na akong hindi nakapanood ng news. Kumusta na kaya si ex-Pres. Aquino?

Napakatapang ng post na ito. Totoong-totoo! Saludo ako! Napakagaling niyo sa Social Studies.