Thursday, July 2, 2009

Punong-Puno Aksyon!

Linggo ng hapon. Habang wala kaming maburaot na inuman ng barkada kong si Allan (na mas sanay sa tawag na Attorney) naisipan naming tumambay muna sa tulay. Tutal din lang kako eh tumatakbo ang oras, edi hayaan na lang itong tumakbo dahil hindi naman namin ito mapipigilan.

Pasasaan ba at masasayaran din ng alcohol ang lalamunan namin. Ano ba naman yung bumili ako ng kalahating kahon ng redhorse at sagot naman niya ang yosi at yelo? Kung saan pupwesto? Bahala na.

Pero bago pa man ang desisyong kami na lang dalawa ang uminom, abot tanaw namin ang rumaragasang motorsiklo. Sakay nito ang magka angkas na lalaki. Naka bonet ang may hawak ng manibela habang tila bangaw naman sa salaming itim ang angkas nito.

Sa lakas ng tunog ng motor parang pang action movie ang dating.

Ang inaalala ko lang noon, baka matapat sa lubak na bahagi ng kalsada ang motor at sumemplang ang dalawa. Pag natawa kami ng malakas, sabihin nila tyamba!

Nang matapat sa amin ang magka-angkas, may hinitsa ang angkas nitong parang bag na katsa. Bagamat nagulat at nagtaka, nasalo ko ‘yun.

Tang-ina, pang action movie nga!


Di pa man kasi, naririnig na namin ang sirena ng mga pulis. Inilagay ko sa may bandang pwetan ko ang hinitsa sa amin at tsaka ko diniinan ang pagkakasandal sa may tulay.

Kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Baka malaglag ‘yung bag.

Kung saka-sakali, baka bigla kaming hintuan ng mga pulis, posasan at tsaka kami damputin. Sampu-sangpera, siguradong headline kami sa looban kapag nagkataon.

Di ko pinangarap na magkaroon ng mug shots!

Pero hindi iyun nangyari. Lumagpas ang kotse ng mga parak. Nagtinginan kami ni Attorney. Walang salita pero nagka-intindihan kami.

Humaripas kami ng takbo papasok ng looban, diretso sa kanila. Saktong walang tao at malamang dun na rin kami uminom…iinom kami ng sagana!

Wala kurap na binuksan ko ang bag habang sisilip-silip naman siya sa labas ng kanilang bahay. Mahirap nang nasundan kami. Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang laman ng katsa.


Lilibuhin, anim na bundle. Sandaang libo ang bawat isa. Anim na raang libo lahat.

Usapang walang pinag-usapan pero hating walang lamangan.

Sa isang iglap, tig tatlong daang libo kami! Walang kahirap hirap at wala din kaming balak isauli sa pulis ang perang iyun! Nek-nek nila!

Tangina sana magkatotoo!


naks®

20 comments:

Jepoy said...

hay naku!!!!!

Tapos nayata kayo mag inuman nung sinulat mo tong entry mo ahahahha

gillboard said...

sayang kung nagkatotoo yan.. nakahingi sana ako ng balato... tsk tsk tsk

Joel said...

haha akala ko naman totoo, mangungutang sana ako sayo.. akala ko din nasa pelikula ka na.

m u l o n g said...

JEPOY...hindi ah. nagbabalak pa nga lang sana kami eh...hik! ang dami nga sanang pang inom nuon eh!

GILLBOARD...yun lang, kung totoo lang di ka mapapahiyang manghingi ng balato hehe

KHEED...ah kung nagkatotoo man at mangungutang ka, ah teka pag usapan ko! (kaya hindi magkatotoo eh kasi kwentuhan na nga lang madamot pa eh lols)

eMPi said...

hahahaha... langya na yan! akala ko naman totoo na... hihingi sana ako ng balato... hahahaha!

The Pope said...

Akala ko naman tuloy tuloy na ang partihan sa pera, bigla naman nag preno ng "Tangina sana magkatotoo!" hahahaha

biglang naglaho tuloy ang excitement ng action story hahahahaha.

Happy weekend.

Xprosaic said...

Kahit di nagkatotoo yung sa pera pero sa inuman sana magkatotoo na ikaw sagot sa kalahating case ng beer! jijijijijiji... Sama kami! wahahahhahahaha

Rcyan said...

Taeng 'yan! Isama n'yo naman ako sa hatian. Hahaha!

bomzz said...

walang iya...!!! sasabihin ko na sana... swerte ni ka mulong ah..
hehehe

A-Z-3-L said...

hahahaha...

sakaling totoo sigurado bubweltahan kayo ng nakamotor... buti na lang hindi..

buhay nyo sana ang katapat...

ayus sa kwento.. action na action...

2ngaw said...

Kala ko parekoy ebak ang laman eh...sayang!!! lolzz

Unknown said...

maaksyon, sana yelo na lang tinapon nila... para malamig red horse... hehe

m u l o n g said...

MARCOPOLO...yun na nga parekoy, di ko alam kung sa kwentuhan eh mamigay ako baka mamaya madamot kaya di magkatotoo eh.

THE POPE...sana naman samahan mo ako duon "sana magkatotoo ko." hehehe

XPROSAIC...kung kalahati lang eh yakang yakang, pero kung may sasama baka kulangin eh. sagot mo na yun!

RCYAN...maligayang pagdalaw. hmmm hatian ba kamo? ng ano? hehehe

m u l o n g said...

BOMMZ...swerte na naging ano pa...aaaahh wala lang, naging wala lang!

AZEL...ayan na, nadagdagan pa ng aksyon lalo, magtatago kami tapos pagbwelta, may mga dala silang baril, mga pampasabog na ihahampas muna sa helmet. pero may dala kaming mga kabayo hanggang sa humaripas kami papalayo.

langya anong panahon na nauwi ang kwento.

LORDCM...kung nagkataon, malamang sa mapulutan iyun...kilawin? hahaha baboy naman!

DOTEP...buti pa nga yelo na lang, kung nagkataon baka nagkatotoo pa yung kwnento eh!

denc said...

hahahahah. akala ko to0too! na aamaze pa naman ako sa kwento na exciting! haha

ayus nadala ako :)

Amorgatory said...

senglots ka na nga hahah!!TGAY para sa TAGUMPAY!!!

Jules said...

Hyaz naku nman. Kung nagkatoto yan malamang may mug shots na kayo..hahaha

http://www.soloden.com/
http://julesmariano.com/

Hari ng sablay said...

haha kinabahan ako dun ah, putiks! hihingi pa namn sana ako ng balato. tsk!

Unknown said...

Nayks..hahaha. Grabeng suspence ang naramdaman koh dun ah.;D More post..;D

http://www.solofoodtrip.com/
http://www.jobhuntpinoy.com/

m u l o n g said...

DENCIOS...oooops parekoy wag basta basta mag-aakala ha. sabi nga marami ang...ooops wag na nga hehehe

AMOR...k a m p a i!

SUMMER...at sa mga sandaling ito, baka nasa piitan na at posibleng ako ang itinuturong mastermind sa panghoholdap ng isang...magbobote!

HARI NG SABLAY...pagkikita natin, may isang bote kang gin!

SOLO...kumabog ba ang dibdib mo? sige pakabugin mo lang!