Wednesday, September 9, 2009

Sayang...Walang Litrato!

Sa loob ng mahigit dalawang taon, gising ako sa magdamag habang halos buong maghapon naman akong tulog. Hindi ako call center agent at mas lalong hindi rin callboy pero umikot ang oras ko sa parehong oras na ginagalawan nila.

Pero simula kahapon, kalahating maliwanag at kalahating madilim na ang takbo ng oras ko. Alas kwatro ng hapon hanggang alas dose ng hatinggabi na ko sa trabaho.

Ibig sabihin nito, mas madaming tao na ang makakasalamuha ko sa trabaho, mas maraming pakikisamahan, mas maraming boss kaya ibig din sabihin, mas maraming mata.

At kapag ganuon, kokonting oras na lang din ang mailalaan ko sa pagda-download ng mga kanta at higit sa lahat, pag-iikot sa makabuluhang mundo ng blogging.. Kaya ipagpasensya po ninyo kung hindi muna ako makaikot.

Medyo nangangapa pa kasi kung ano yung magandang oras para pumetiks eh!

Nabawasan na rin nga ang oras ko sa pag-iikot sa ibat ibat job sites naka bookmark na sa computer na ginagamit ko. Baka magtampo tuloy si www.workabroad.ph

Pero sa pangyayaring ito, meron pa rin naman siyempreng magandang maidudulot sa akin…sa wakas ay may oras nako para makapasok ng mall. Ni hindi ko kasi alam kung ano itsura ng newly renovated SM (North) Annex.

Uulitin ko lang, kung sakaling di ako makapasyal, ipagpaumanhin muna at baka namamasyal ako sa totoong pasyalan.

Nga pala, walang litrato ang post na ito! Kung ano ang koneksyon nun, hindi ko makita. konek da dats na lang kung meron man.

naks®

24 comments:

EngrMoks said...

okay lang tol walang litrato..galing din ako dyan last weekend... hehe!

A-Z-3-L said...

oh eh bakit nga ba walang litrato? namamasyal ka rin lang eh picturan mo na para makita ko naman ang bagong itsura ng SM North Annex.

tambayan ko rin yan dati.. nung naglalandi pa ako! lolz!

Kosa said...

ako rin parekoy hindi ko pa yata nakikita ang bagong itsura ng maspinagandang SMNa...lol

sana makita ko yun kahit sa litrato lang..lols

ok na ok lang yan parekoy..
basta kami na fan mo,
mag-ikot ka man o hindi iikutan parin namin itong blog mo.

bizjoker-of-the-philippines said...

Tol,
parang mahirap makakuha ng job dyan sa site mo.. dami ring bogus jan..

Ang Fluor ang isa sa nakakuha ng malaking budget ng US govt para sa LOGCAP 4, next ang DynCorp..bisistahin mo sila.

www.dyncorp.com, www.fluor.com, www.kbrjobs.com, www.ch2mhill.com, www.toltest.com

aplyan mo sabay-sabay yan..at least more than 10 jobs in one sitting. dami sila hiring ngayun..

need mong mag-create ng profile jan..direct hiring yan.

No harm in trying..

p0kw4ng said...

hmp bakit nga walang petyur at ng makita ang bagong SM...ano nga ba itsura na non? wala ng bubong??

gillboard said...

congratulations!!! buti ka pa... ako lalong lumala ang schedule ko...

Jepoy said...

aba hindi ko alam yang werkabrowd website na yan ah!

eMPi said...

ayan parekoy... mukhang makikita mo na si haring araw nyan... hehehe

RJ said...

Sa tingin ko po, mas gumanda ang shift niyo ngayon, may panahon kayong matulog sa madaling araw, at may panahon namang mamasyal sa umaga... o di kaya'y pumunta sa mga job interviews papuntang abroad sa umaga.

Enjoy! o",)

Hari ng sablay said...

madalaw nga yang abroad site na yan,yung itsura daw ng sm north may swiming pool sa loob,lols ang korni

Jules said...

Ok lang nmn kung dika makapag-ikot sa mga blog nmin. Pero ang blog moh eh rota parin nmin.=D

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

The Gasoline Dude™ said...

Gawa na pala ang SM Annex? Mapuntahan nga kapag nakauwi ako.

Unknown said...

Wlang litrato? Anong konek nun? hahaha Di bale na nga at least may naisulat ka prin khit mejo lang oras para magikot ng blog. ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

April said...

Eeiii..bkit lang feture? hihi. Oks lang yan! Ang mahlaga ay nakapag-post ka ng may mapag-komentan haha. Hangang sa muli kong pagbisita sa iyong gahiganteng tahanan. ;D


April
Stories from a Teenage Mom
Mom On the Run

m u l o n g said...

MOKONG...ano nga ba ang itsura ng loob nuon? nakikita ko siya araw araw papasok ng trabaho at pauwi ng bahay pero sa labas lang...di ko pa napapasok ang loob.

AZEL...yung buong stretch ng annex newly renovated, isa na lang nanatili duon, yung phil college of surgeon.

KOSA...makikita mo rin yan pag uwi mo. pag di ako dinaga, kukuhanan ko ng litrato kahit medyo nakakahiya hehe

BIZJOKER OF THE PHILS...sinipat ko lahat ng sites na binigay mo parekoy kaso puro engionering and construction pala yun eh.

di raw nila kailangan ng piyon! nyahaha

m u l o n g said...

POKWANG...anong walang bubong? pati kamo bubong may resto at may amphi theater.

pati bubong pinakinabangan!

GILLBOARD...ok lang yan, mas yumayaman ka naman parekoy hehehe

JEPOY...punong punong ng trabaho dun. sana nga may experience ako sa call cen-ner para madami dami pwede kong targetin eh

MARCO...ilang beses na kaming nag kwentuhan nitong mga nakaraang araw pare.

nami-miss naman daw ako ng reynang buwan! lols

RJ...doc yun na nga lang ang nakikita kong consolation, sana nga lang may tumawag for a job interview hehehe. (ang sama ko!)

m u l o n g said...

GASOLINE DUDE...isama mo pa ang buong pamilya tutal paldo ka naman pag uwi hehehe

SOLO...yun lang di ko rin makita ang konek hehehe.parang eh ano naman ngayon kung walang litrato hehe

HARI NG SABLAY...di naman, may heater lang daw nyahaha. pwede kaya yun sa pinas?

SUMMER....naks naman ang lakas ko sa iyo pare. bawi ako next time

BASYON...talagang makapag komentan ha, tagalog ng comment hehehe

Superjaid said...

maganda ung loob ng sm north the block ngayon, paoblong kaso maliit lang, at puro botique tapos supermaket sa baba, ang magandang puntahan kuya eh yung sky garden lalo na kapag gabi,Ü

poging (ilo)CANO said...

Tapos na ba SM North Edsa?

kailan ko rin kaya makikita yan?

atto aryo said...

lahat nagtatanong kung ano na ang bagong itsura ng SM North or West, whatever. di ko rin nasilip nitong umuwi ako. hehe

April said...

Hahahaha! Kaw tlga Muloooong..lolz. ;D Peace! Tlgang ganyan, kanya kanya tagalog words lang yan haha. la pabang kasunod to? Super busy k nmn ata jan? ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Mom On the Run

DRAKE said...

okay na rin yung office time mo, at least habang ang tao ay bising bisi tuwing umaga at hapon eh ikaw ay natutulog at gumagala rin!

call center ba yan bro?

dencios said...

mulongkis,

sa wakas makakamall ka na haha. piktyuran mo naman para sa aming mga OFW at nang makita naman namen ang hitsura kapag natuloy ka :D

goodluck sa bagong shift!

taympers said...

ah ganyan din ako nun nung nalipat ang shift ko, maraming mata ang magbabantay sau, nabawasan ang mga sites na pinupunahan ko. hehe