Kapag petiks ang oras, madalas nakikita ko ang mga ka-opisina ko habang nagtatanim…sa harap ng computer.
Yung Farmville ba!?
Minsan may nagtanong sa akin, madami daw ba akong rice, manghihingi daw sana siya. Sabi ko naman wala akong facebook.
Para bang malaking kawalan ang facebook sa buhay ng isang tao. Bakas ang pagkamangha sa kaniyang mukha sabay nag-iwan ng tanong…bakit ayaw ko daw ng Farmville?
Walang kagatol-gatol, ganito ang naging tugon ko…
Ayoko ng Farmville kasi ayokong maging magsasaka pero hindi dahil hindi ko kayang magsaka ng lupa. Laki ako sa hirap!
Kung nagkataon kasi, malamang mapabilang dun ako sa mga magsasakang nakikipaglaban hanggang ngayon upang mapasa-kanila ang lupang matagal na nilang sinasaka.
Katulad na lang ng Sumalao farmers. Sa lupa nilang sinasaka, dito na sila tinubuan ng ugat. Malamang-lamang sa lupang ito na rin sila malalagutan ng hininga pero hindi nila maaaring ilibing duon ang labi nila.
Sila ang mga magsasakang naglalamay sa harap ng tanggapan ng Department of Agrarian Reform bagamat hindi alam kung may pakialam ba sa kanila ang mga opisyal nito.
Minsan na rin silang inaresto dahil nagkilos protesta sila sa loob ng mababang kapulungan. Halos upuan kasi ang panukalang batas na magbibigay ng “TUNAY” na Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.
Bilang konswelo de bobo, naisabatas naman ang Reformed-CARP. Ibig sabihin pinalawig lang ng lima pang taon ang programa.
Hindi naman daw lahat ng may Farmville ay magsasaka. Pwede ring sila ang may ari ng lupain.
Yun na nga eh. Mas mabigat yun!
Paano kung ako nga may ari ng lupa tapos minsan eh napasyal ako sa aking bukirin para magpalamig. Dahil galit sa akin ang mga magsasaka, paano kung kuyugin nila ako?
Baka makita ko na lang silang nagpupuyos sa galit, papalapit sa akin, may hawak na karit at sa isang iglap ay isa-isa nila akong inuundayan sa leeg!
Hanggang sa tuluyang sumagitsit ang sarili kong dugo sa aking lupain!
Bakit ko pa ba gugustuhing magkaroon ng Farmville?
naks®
Yung Farmville ba!?
Minsan may nagtanong sa akin, madami daw ba akong rice, manghihingi daw sana siya. Sabi ko naman wala akong facebook.

Walang kagatol-gatol, ganito ang naging tugon ko…
Ayoko ng Farmville kasi ayokong maging magsasaka pero hindi dahil hindi ko kayang magsaka ng lupa. Laki ako sa hirap!
Kung nagkataon kasi, malamang mapabilang dun ako sa mga magsasakang nakikipaglaban hanggang ngayon upang mapasa-kanila ang lupang matagal na nilang sinasaka.
Katulad na lang ng Sumalao farmers. Sa lupa nilang sinasaka, dito na sila tinubuan ng ugat. Malamang-lamang sa lupang ito na rin sila malalagutan ng hininga pero hindi nila maaaring ilibing duon ang labi nila.

Minsan na rin silang inaresto dahil nagkilos protesta sila sa loob ng mababang kapulungan. Halos upuan kasi ang panukalang batas na magbibigay ng “TUNAY” na Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.
Bilang konswelo de bobo, naisabatas naman ang Reformed-CARP. Ibig sabihin pinalawig lang ng lima pang taon ang programa.
Hindi naman daw lahat ng may Farmville ay magsasaka. Pwede ring sila ang may ari ng lupain.
Yun na nga eh. Mas mabigat yun!
Paano kung ako nga may ari ng lupa tapos minsan eh napasyal ako sa aking bukirin para magpalamig. Dahil galit sa akin ang mga magsasaka, paano kung kuyugin nila ako?
Baka makita ko na lang silang nagpupuyos sa galit, papalapit sa akin, may hawak na karit at sa isang iglap ay isa-isa nila akong inuundayan sa leeg!
Hanggang sa tuluyang sumagitsit ang sarili kong dugo sa aking lupain!
Bakit ko pa ba gugustuhing magkaroon ng Farmville?
naks®
28 comments:
kahit tol sa facebook man lang maging may ari ako ng isang lupain..hindi lg sa farmville kundi pati farmtown..meron pang cafe world at pet society...
masarap din naman mang araro kapatid.... hehehe
oist... linkisin mo naman ako at linkisin din kita....
www.uragon.net
kuya mulong... is diz about farmville or 'bout magsasaka??? hmmnnzz... wehe... well i got farmville pero actually yeah itz a waste of time.. definitely... pero kaaliw den.. may cafeworld ren akoh... i'm rich!!! haha... lolz... ingatz lagi kuyah.... Godbless! -di
sa Facebook ko rin puro Farmville ang mga friends ko..di ko rin nakahiligan e...baka later on kahit sa Facebook magkaroon ng CARP... may mga gangster na nga dun e.
Tama ka na baka yung ibang magsasaka na mali ang pagdadala ng emotion, bigla ka ng karitin sa leeg.
Ang question ko lang, medyo di ko naman binasa yang CARP...kung lahat na magsasaka ay mapasakanila na ang lupang sinasaka nila...e sino magsasaka sa natirang lupa para sa may-ari? Kasi ang sakahan ay negosyo rin, ang magsasaka ay empleyado lang.
Applicable kaya idea ng CARP sa kumpanya, kung saan ang company driver for 30 years, aangkinin nya na rin ang kotseng minamaneho nya?
magluto ka na lang kaya... atleast CHEF ka! may dating... bigatin!
sya... magfacebook ka na at magopen ng CAFE... masarap magluto doonnnnnnn!!!
sa farmville ba may nakawan din ng ani? may pumupunta para maglagay ng pestes sa pananim? kase sa BARNYARD ganon! ninanakaw ang ani kapag ihaharvest na! parang Pilipino lang ang gumawa! hahahahahaha!
MAKIBAKA WAG MAGFARMVILLE!! MAKIBAKA WAG MAGFARMVILLE!!
Hehhehehe!
Konti na lang na pangungumbinsi at susubukan ko ng maglaro ng farmvilee na yan hehehehe.
MOKONG...sa isnag punto may tama ka din...kahit sa farmville man lang eh magkakahanay kayo ng mga may ari ng hacienda luisita at ng mga arroyo sa negros hahaha
URAGON...kaya ko naman nga kapatid ang trabaho at ang hirap...pero hindi iyun ang problema!
DHIANZ...nakow edi bagay na bagay pala sa iyo ang farmville at kung anu ano pang negosyong iyan sa facebook...
donyang donya ka na hahaha
BIZJOKER OF THE PHILIPPINES...yari na pinatulad na argumento ko!
hindi malabo pare na magkaroon ng gangster sa facebook, sila yung mga tauhan ng mga panginoong may lupa.
carp sa pagmamaneho? pwedeng i suggest yan sa mga mambababatas
AZEL...siguradong pag nagluto ka na chef ang dating ko ha, baka mamaya eh isang taga hugas lang ng pinggan ang kalabasan ko dun sa cafe!
DRAKE...ilunsad ang kilusan!
THE POPE...kokontrahin ko sila...baka maging NPA ka pag nag farmville ka baha ka!
ayoko nang mag-farmville... kakapagod magtanim at magharvest... hehehe!
ako nagstart lang mag resto city pero na-bore. ano na ba nangyari sa hacienda luisita pala?
Hahaha. Parang serious maxado ang post moh. =D Pero cge wag ka nalang mag-farmville. Cafe world nalang. =D Weee. =D
Summer
A Writers Den
Brown Mestizo
wala akong farmville... walang kahit anong game application sa pesbuk.. pero may pezbuk ako hehehehe
Igrorante pa lang ako sa farmville na yan, kahit face book di pa ako nag register..
mmm.. masubukan nga rin.
nagsawa na ko sa kaka-farmville.
yung mga mayayaman na may-ari ng malalawak na lupang pinapasaka sa mahihirap, kelan kaya sila magsasawa?
ahhhh. Hindi sila magsasawa malamang... kaya kailangan ng umaksyon ang Ahensya ng Gobyernong naitatag para sumagot dyan!
sabagay, kung tatapusin na nga naman nila ang trabaho nila eh di mabubuwag na sila agad...bahala sila..
Mulong, salamat nga pala sa dalw at komento mo sa blog kong si Mokong ang bida.. naka add ka na sa blogroll ko... ikaw naman ang susunod na bida sa gagawin kong kwento..
halaka.. lagot ka.. ha ha ha
MARCO POLO...tama ka tapos hindi pa madaanan ang mga kalsada mula baguio paluwas ng maynila...saan ibabagsak ang mga inaani di ba?
RANDOM STUDENT...magkano kape sa cafe mo? hahaha
ayun ang hacienda luisita ay hacienda pa rin
SUMMER...hindi ito serious parekoy. pinilit lang maging serious. biruin mong farmville lang, nauwi sa CARP ano?
YANAH...parang sayang naman ang mukang-libro (facebook) mo!
ALKAPON...pareho tayo at huwag mo na lang subukang mag face book, sasayangin ang oras mo!
KOSA...eto ang malupit kosa. napasok na pala ng mga guns and goons ang facebook.
mga tao sila ng mga panginoong maylupa. patuloy sila sa pangangamkam ng mga lupaing ayaw ibenta ng mga maliliit na magsasaka.
kaya ang nangyayari, ginugulo sila, papatayin ang ama at anak nitong lalaki habang dadalhin naman ang anak na babae para pagsamantalahan.
pero darating ang bida sakay ng kabayo at magiging tagapagtanggol ng mga naaapi.
nalintikan na ang kwento!
ALKAPON...nakow kaka-exchange links lang bida agad?
buti kpa may minana na farm...tsk...kami lupa lng sa paso hahaha nkikigulo lng Dre! tc!
pareho pala tayo..wala din akong muwang sa farmville na'yan..may fb ako pero nakatiwangwang lang..newey,kawawa naman ang mga farmer na 'yon..lam mo, kung pagtutuunan lang ng gov't natin ang agrikultura, at ang mga magsasaka, aangat tayo eh..dahil nasa lupa ang asset natin..pero pinipilit nilang maging industrialize ang pinas..yan tuloy, mga farmers ang nagsa-suffer..pati na din ang ekonomiya..dati tayo ang nagtuturo sa Korea, Japan at iba pang karatig bansa, kung paano ang magfarming, ngayon, tayo na ang nagiimport..at same old practices pa din ang gamit mga farmers natin..habang ang mga tinuruan natin dati, umangat na ang teknolohiya sa agrikultura..hays..something's really wrong with us..
wala akong feisbuk pero napadaan ako at naligaw. padaan po. ano ba saysay nung pagtatanim sa farmville nga pala?
ako yung y hehehe. langya.
dati wala ako nyan..pero simula ng nalaman ko na may ganyan ung mahal ko eh nakatutuok na ko.. hehehehe lonely ako pero dito ko lang nailalabas ung nasa loob ko ang pag tatanim sa farmville..sabi nga sakin ng teacher ko magtatanim nalang ba ako ng palay habang buhay may iba kang dapat unahin dahil malapit na ang board exam mo.. oo nga pinsan lang ang board exam ..yang face book at farmville pwedi mo balikan.. pero nalulung kot lang ako dahil dito ako sumaya, ngayung nahanap ko na ang lugar kung san ako pupunta pag malungkut ako... pero depende sa tao yan kung gusto mo pag tanim,, kung yan talaga ang mahal mo talagang di mo maiiwanan,... hehehehe oo nga mamamatay nalang ako dyan.. dyan sa farmville pero masaya ako at marami akung naging kaibigan at hanggang ngayun.. di ako nag sisisi kung bakit ako nag facebook,,farmville dahil dito ko nakaka chat sa taong mahal ko.. eheheh di ba nga kasi may chat din yun heheheh... ikaw san ka ba sasaya.. masaya kaba ? hahaha mag tanim tayo sa farmville hanggat kaya ko pang magtanim.. di biro ata ang magtanim .. heheehhe
Ayoko rin sanang maging magsasaka, pero may mamanahin akong lupain sa probinsiya ng aking lolo.
inisip ko na ibenta ko na lng, pero guilty ako, dahil ito ay mana at minana pa ng lolo ko sa kanyang ninuno.
kung tutuusin, ma swerte akong apo dahil pinamanahan ako ng lolo ko..
mmm. bahala na.. siguro subukan kong maging magsasaka. baka sakaling may swete sa lupa. malay mo.
hay juskow parekoy magtanim sa farmtown ay di biro lols...buti nlang wla akong lupa at akowy nakpaghimagsikan na din lol,, antoks nkow balik akow dito bukas, tagay!
nako kung ganyan lang din e huwag na lang ako mag farmville haha.
pero wala naman talaga ako nyan at wala din ako FB.
mulongkis.......
Ouch! Adik pa nmn ako sa farmville. Ahehe, kuya pa-exchange links nmn?! ^-^
April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run
hindi naman magagalit sau ang mga magsasaka kung ikaw ang may-ari at ikaw ang nagsasaka, ang tawag sau MAYAMANG MAGSASAKA. Taliwas ito sa iniisip ng nakararami na dapat kang tawaging PANGINOONG MAY LUPA (LANDLORD) Iba yun. :)
Kung tutuusin, ang sinasabing GENUINE agrarian reform ng mga magsasaka ay ang pagbibigay sa kanila ng SAPAT na lupa kung saan sila ang nakikinabang sa sinasaka at pinaghihirapan nila at hindi napupunta ang kalakhan ng kita sa mga kapitalista. :D Ngayon, kung di mo naman kayang sakahin ang lupang ibibigay sau, dpat itong bawiin at ibigay sa iba.
I think that's how genuine agrarian reform works. :D Pantay=pantay lang.
Post a Comment