Lahat siguro tayo merong mga klasik ekspiryens sa jeep ano? Maliban na lang kung ikaw ay ipinanganak ng may gintong karsulsilyo, I mean silver spoon in the mouth. You know!
Mga karanasang simple at nangyayari araw araw pero huwag ka, dahil nangyari sa jeep, tatak Pinoy ang mga iyan.
Teka huwag na nating isama sa kwentuhan yung mga biglaang holdapan at yung mga nanghahablot ng mga cellphone ha!?
Eto yung mga natandaan ko nitong lang huling sakay ko. Nasa kalagitnaan ako kaya naman ke nasa likod o unahan ang pangyayari, hindi nakaligtas sa mata’t tenga ko.

UNANG EKSENA
BABAE SA MAY LIKURAN: Ma bayad po isang crossing. (abot sa akin ng bente pesos na inabot ko naman sa driver)
DRIVER: Saan to?
BABAE: Crossing po isa lang?
DRIVER: Ilan tong bente?
BABAE: Isa nga po!
Taena muntikan na kong malaglag sa kinauupuan ko. Makipagsabayan ba naman sila sa malakas na kalasing ng sound system ng jeep sa saliw ng musikang “Kasalanan” na collaboration ng 6 Cycle Mind at ni Gloc 9, ewan ko lang kung magkaintindihan sila.
IKALAWANG EKSENA
May nagpa-abot sa akin na sampung piso na iaaabot ko naman sana sa driver. Kaso may isang matanda na nagmagandang loob na abutin sa akin ang pera at siya na ang nagbigay sa driver. Ayos na sana di ba? Eto na…
DRIVER: Kanino po itong sampo? (Dahil ang matanda ang nag-abot ng barya, siya ang nilingon ng driver)
MATANDA: aba hindi akin iyan, kanino daw iyun?
DRIVER: Saan po ito bababa?
MATANDA: Aba eh hindi ko alam!
Moral of the story, huwag mag-aabot ng bayad sa matanda baka kasi akala nila sa mga susunod na tanong ng driver eh inaakusahan na siya ng kung ano. Buti na lang at hindi nagtanong ang driver ng kung sino ang pumatay kay Lapu-Lapu!
IKATLONG EKSENA
Eto na ang malupit kasi ako na ang sangkot dito!
AKO: Bayad po diretso crossing, isa lang. (Dahil nasa gitna lang ako ng jeep hindi ako nakipagpatintero ng tanong at sagot sa kaniya ng kung ilan at saan bababa)
Dahil may sukli pa ko, nakatingin lang ako sa harap hanggang sa nakita ko na lang yung driver na tumingin sa akin yung driver dun sa salamin sa may taas ng windshield, sabay tanong …
DRIVER: Estudyante ba?
O ha! Laban ka? Umiling na lang ako. Hindi na ko nagsalita pero alam kong nangingiti ako ng palihim. Estudyante, etchusero din yung driver na nasakyan ko, ano!?
naks®