Eto na, ilang araw na lang at nakatakda na namang makipag-basagan ng mukha ang ating pampabnsang kamao – si Pacman.
Sabi nga ng mga OA (ooooops sige na nga exaggerated na lang!) nating mga pulis at kung sinu-sino pang sumasakay kapag may laban si Pacman, humihinto daw ng ikot ng mundo para sa mga Pinoy.
Ang kinakaba ko lang baka dahil sa sinasabing paghinto ng ikot ng mundo, sabay sabay matigok ang mga umeepal na mga ito.
Pero bago mangyari iyan, isa munang patalastas. Tutal din lang at pihadong puputaktihin ng commercial ang nalalapit na laban, eh makikisawsaw na rin ako.
Una, ibibilang na daw ba sa official campaign ad ng kakandidato sa 2010 elections ang mga political ad na lalabas sa a-15? Walang duda kasing kasing magsasalitan ang mga mukha ng mga pulitiko tuwing pagkatapos ng round eh. Magpapagalingan at magpapabaitan silang isa-isa na parang sila ang sasagip sa bansang Pilipinas.
Sabi ng iba, oo daw kasi simula na ‘yun ng filing ng certificate of candidacy. Pero banat ng ibang kampo, hindi pa kasi parehong political ad naman daw iyun na nakikita na natin sa araw-araw.
Ibig sabihin wala pang “For President” o kaya eh “For Senator” sa commercial mismo. Laki ng pagkakaiba ano?
Teka muna, hindi iyan ang patalastas ko. Wala naman akong mahihita sa kanila.
Ito naman sapantaha ko lang ha. At huwag ninyong ikagagalit. Sa tingin ko kasi matatalo sa laban si Pacman.
Kahit ilang ikot pa ulit ang gawin niya sa oval ng Luneta at akyatin man niya ang statue of Liberty, mukang kakapusin siya sa kalaban. At oo kahit maligo pa siya ng paulit ulit, wala pa ring epekto.
Kasi naman, panlaban lang sa balakubak ang Head and Shoulder? Eh Cotto kaya ang makakaharap niya eh, paano yan?
Tawa muna dyan…wag kang KJ!
naks®

12 comments:
Sabi nga nya, hindi raw sya takot kay Kutto kasi may panlaban syang shampoo.
HAHAHAHAHAHAHA!
(laglag sa upuan!)
wala pa bang HEAD & SHOULDER na para sa KUTTO? tsk... kung wala pa nga.. baka matalo tayo! tsk..tsk...
si Villar, mapera talaga. ang ad nya sa TFC maya't maya ineere! siguro sa december lalagyan na lang ng FOR PRESIDENT un sa bandang ibaba... mga OFW puro mukha nya ang nakikita!
(sorry ha, wala kaming ORBIT eh... kaya nabisto mo tuloy na naka-dos kami! lolz!) pero di bale... inquirer naman ang binabasa kong online news! peace!
wag tayong mag-alala may hidden soldiers na man yang manny na yan..di yan matutumba ng kuto!...
talaga naman maepal na ngayon pala ang mga politiko, trapo na ang dating gayong ang aga aga pa naman, tingnan na lang natin ang kahahantungan ng mga gahaman sa kapangyarihan na ito!...LOL
GLENTOT...base ka parekoy. kaso nga laban sa balakubak lang ang shampoo niya eh
AZEL...pag on line mag gmanews.tv ka na lang hehehe. may vid naman dun eh baka mapadaan pa ko hehehe
SPHINX...the famous hidden soldiers hahaha. nakatagong sundalo!
wahaha feelong ko tin matatalo si pacman..wala lang para di siya masyadong mayabang..hehehe
gusto ko matalo si pacquiao...
maiba lang.
haha.. parang nde akoh gano makarelate sa post.. so'unz... wehe.. ingatz... Godbless! -di
may punto ka. baka kaya yan nung pangkabayo. let's ask mommy dionisia...
lolz
dapat dalhin nya si aling dionisia pantapat sa cotto. hehe
haha napatawa mo ako ng may tunog dun.. pero tingin ko kaya pa ding labanan ni hidden soldier yang si cotto..
manalo matalo, ang mahalaga MAYAMAN pa rin si PACMAN at higit sa lahat sisikat uli si ALING DONISIA
ingat
Madaling matiris si kuto, isang kamot lang sa ulo si pacman, durog ang kuto.
seryoso: tandaan mo itong prediction ko...
Hindi lalagpas sa 2 rounds si cotto.
Pacquiao will win by TKO.
hindi pa ako pumalya sa prediction ko...
Post a Comment