
A few year ago, or let’s just say not so long ago, (pilipitin nyo man ang toot toot ko, hindi ko sasabihin kung anung taon ‘yun!) one of the yippies pa ang tawag ko noon sa sarili ko, nakilala ko ang salitang “counter flow.”
Ganito ‘yun….
Pinalad na lumanding ako nuon bilang isang manunulat sa isang national government agency na binuo para isang napakahalagang okasyon sa bansa.
Matapos ang isang event sa may bandand Ermita sa Maynila, napag-utusan ako at ang aking team na bumili ng meryenda para sa mga miyembro ng media (at para na rin sa mga PG kong co-staff kasama na ako.)
Jollibee Meal, burger, fries and coke, 50 orders. Madalian ang order. Kailangan kasi naming makarating ng Kawit, Cavite nang hindi pa natatapos ang isa pang event. Kapag nagkataon kasi, baka isalaksak ni Boss sa bituka namin yung mga bitbit namin.
Eto na, soooobrang traffic sa may Coastal.
‘Yun bang tipong mumurahin mo yung kapwa mo motorista na para bang kayo lang ang may karapatang dumaan sa kalsadang iyun. Kung baga sa opis, bisi-bisihan at dahil may hinahabol kami, galit-galitan kahit alam naman naming wala naman kaming magagawa.
Para malaman kung ano na ang lagay namin, tumawag na ang Boss. Kami naman si aligaga kahit hindi pa naman talaga namin alam kung bakit nga ba siya tumawag.
Nuon namin nalaman na kadaraan lang pala nila at malamang daw sila ang dahilan ng mabigat na daloy ng mga sasakyan. At para daw isang instruction na lang pina loud speaker yung cellphone…AKO ANG KAUSAP.
San na daw kami? San daw in particular? Sa tapat ng ano?
Nang makuha ang mga detalyeng kailangan, ang sumunod na utos niya…mag hazard daw (kahit hapon!) at mag counterflow kami. Ako naman si “OK po Sir.”
AKO: O, mag counter flow daw tayo, pero teka paano tayo lulusot dito? Anong street ba yung counter flow? San ba papunta yun? Di kaya traffic din dun?
BOSS: Oh my God! W#$5^*&@!!!!!
Hindi ko pala napatay ang cellphone. Nice meeting you counterflow! (Thanks to my ex-Boss)
naks®