Ayoko sanang simulan sa ganitong paraan ang taong 2010 pero ito ang direksyong tinahak ng ang aking pagninilay nilay.
Siguro kailangan lang talagang ilabas kung ano man yung mabigat na dinadala ko. Sa halip na daanin sa inom, pinili kong magkulong. Gusto ko sana ng radio para walang makarinig sa akin pero wala ng oras.

Walang nagpapalahaw ng iyak pero may kaunting luha sa mata ko. Walang hagulgol pero nagsusumigaw ang tunog ng ang aking sama ng loob. Parang sumasabog pero hindi sinlakas ng labintador.
Alam kong may iba nang nakakarinig at nasa labas lang sila, parang naghihintay sa paglabas ko. Hindi pa sana ako lalabas pero tapos na oras na inilaan ko para sa sandaling iyun. Kung anu man ang narinig nila, kanila na lang ‘yun.
Ang mahalaga sa akin, nagawa ko ang misyon kong mapagaan ang nararamdaman ko.
Dinaanan ko sila ng walang alintana. Ni hindi gumihit sa akin ang mga tingin nilang tumatagos sa aking mata…at muli akong lumabas sa isa pang pinto.
Ang hirap talagang tumae kapag nasa opisina, balik balik ang mga tao sa CR, buti na lang may cubicle. Ano magagawa ko kung masama ang tiyan ko at mas malakas talaga ang tunog kapag bumubulwak na di ba?
Parang pumuputok! Sinturon ni Judas, sunod sunod!
naks®
Siguro kailangan lang talagang ilabas kung ano man yung mabigat na dinadala ko. Sa halip na daanin sa inom, pinili kong magkulong. Gusto ko sana ng radio para walang makarinig sa akin pero wala ng oras.

Walang nagpapalahaw ng iyak pero may kaunting luha sa mata ko. Walang hagulgol pero nagsusumigaw ang tunog ng ang aking sama ng loob. Parang sumasabog pero hindi sinlakas ng labintador.
Alam kong may iba nang nakakarinig at nasa labas lang sila, parang naghihintay sa paglabas ko. Hindi pa sana ako lalabas pero tapos na oras na inilaan ko para sa sandaling iyun. Kung anu man ang narinig nila, kanila na lang ‘yun.
Ang mahalaga sa akin, nagawa ko ang misyon kong mapagaan ang nararamdaman ko.
Dinaanan ko sila ng walang alintana. Ni hindi gumihit sa akin ang mga tingin nilang tumatagos sa aking mata…at muli akong lumabas sa isa pang pinto.

Parang pumuputok! Sinturon ni Judas, sunod sunod!
naks®
16 comments:
ahahaha ilang beses ng nangyari sa akin yan...kung kailan mo pinipigilan ang mabilis at malakas na pagbagsak eh saka naman sikal na sikal ang tunog na para lang bumuhos na kung ano.....
happy new year sayo mulong!!!
hahaha akala ko panaman emo moments na un pla tae lng pla hehehe
...naman! Tsk, tsk, tsk!
Manigong Bagong Taon!
Hahaha! pasaway na post..walang pagbabago ka pa rin tol..
Happy New Year!!!
Happy new year Mulong!!!
akala ko kung ano..ang hirap lang ay iyong bumibiyahe ka..success talaga kapag nailalabas na,hehe..
Naku maswerte ka sa taon na ito mulongskie! Ang tae kasi ay sumisimbolo ng pera...kaya buong taon ay magtatae ka este magkakapera ka jijiji...
Happy New year parekoy! Akala ko p nmn umi-emo ka sa bagong taon un pla umi-ebak nyahahaha...
Ingats!
Hapy New Year Parekoy!
taena.
emong emo ang dating ahhh.
sa huli, sa kubeta lang pala.
hehe
kala ko totoo na pareng muLong ah...
lang ya talaga LBM lang pala...jajaja
Happy New yEar po!
Cool dude! as they say, "the anus is mightier than your brain." Sa mga ganyang pangyayari talagang wala ng pakialaman... Maraming beses na din akong nakaranas ng ganyang experience, dati sa school.
P.S. Akala ko serious...hahaha
http://jieno-perception.blogspot.com/
Nakita kita sa TV hehehe kumakaway...
Happy new year! Experience is the best teacher..huwag mo na sanang maranasan yan this year..hehe
madalas mangyari sakin yan
hahahaha
ang masama pa panget yung sa public CR haha
happy new yr mulongkis!
mag bbertdey na ko. regalo ko?
hehe
Hehehe :D Dapat paglabas mo ng CR eh binati mo sila ng HAPPY NEW YEAR! lolz
Ibang klase ng pagpapasabog! Happy New Year Bro!!!
Magandang salubong yan sya new year kakaibang pasabog!!
Post a Comment