Saturday, October 17, 2009

Parang Ako Lang

Ang kare-kare bow!

Sige, wala namang duda na magkakasundo tayo na isa anng kare-kare sa pinakamasarap na putaheng pinoy. Magkakatalo na lang daw sa pagkakaluto.

Meron kasing iba na malabnaw ang timplada. Samantalang yung iba naman nasosobrahan ang lapot

Bakit nga naman kasi nilagyan na ng sandamakmak na dinikdik at dinurog na mani, nilagyan pa ng ¼ kilo ng peanut butter. Paano pa lalasa ang gata at ang ibang rekado?

Dapat bang pagdebatehan kung karne ng anong hayop ang dapat na main ingredient at mas masarap, baka o kalabaw?

Pareho naman kasing masarap diba? Pareho ding nagpapalagkit, nagpapa creamy at nagpapa-yummy ng sabaw ng kare-kare kung baka man o kalabaw.

Pero teka, anong parte ba ng baka o kalabaw ang gagamitin? Pata ba? Pisngi kaya? Iba kasi ang lagkit na bigay ng taba na galing sa pisngi eh.

Iyun nga lang, karamihan ang gusto eh twalya daw o kaya eh libro. Langya dati akala ko kung ano yung twalya at libro na ginagawang ulam eh, bahagi pala ito ng kanilang bituka.

Teka, paano napagkasunduan na ang lahat ng rekado at naluto na rin, naihain na nga ang umuusok pang sinaing, pero nang kakain ka na, nakita mong wala palang bagoong?

Parang ganun kasi si Mulong, masarap pero may kulang!


anglupetmotaenangshet!

naks®

23 comments:

wait said...

fist base hehehe

wait said...

naku di ako mahilig sa kare kare' hehe pero mahilig ako sa peanut butter at bagoong hehe

dencios said...

nako pabotiro ko ang kare kare lalo kapag baka saka tuwalya. yum!

teka may kulang pa sa kasarapan mong yan? tsk. pa simpleng emote lang to haha

RHYCKZ said...

hindi ko din gusto ang kare-kare kase maraming kelangan na sangkap, eh isa lang akong dukha na nakatira sa dasma gillage sa makati...hehhehe

happy sunday bloggers.

RHYCKZ said...

pahabol: at talagang may specified na kilo ang peanut butter, at 1/4 pa!!!

hehehhe

DRAKE said...

MEGANUN!!

Sige hayaan mo ipriprito na lang kita sa kumukulong mantika saka ko lalagyan ng toyo!heheh

Ingat bro

Joel said...

tae ka mulong, ginutom mo ako sa post mo, paborito ko din ang kare kare lalo na kapag masarap ang bagoong..

o sya hanapin mo na ang bagoong ng buhay mo.. hehe

Anonymous said...

Paborito ko ang Kare-kare!

Pero wet lang!!!
Kare-kare may gata!?!?!?

Di nga?

Baboy lang ang ginagamit ko nun sa kare-kare eh. Matigas at makunat ang karne ng kalabaw.

gillboard said...

noong isang taon lang ako nagsimulang kumain ng kare kare... sarap pala yun...

Xprosaic said...

Syet! peyborit ko pa naman ang kare kare kaso nalaglag ako sa kinauupuan ko nung nabasa ko ang hulihan. ahahahahhahahahhahahhaha

mulong said...

WAIT...dahil nauna ka, may medal ka. pero dahil wala kang hilig sa kare kare, binabawi ko na hahaha.

DENCIOS...yun lang, may ganung comment? talagang malakas ako sa iyo parekoy. OO dencios, SA SARAP KONG ITO, MAY KULANG NGA! (PINANDIGAN NYAHAHA)

SCOFILED...oo kailangan talaga sakto dahil kapag sumobra sa 1/4 baka mag mukang etchas na nilabusaw ang sabaw! yuuuuck!

DRAKE...masyado namang pagkaing mahirap yung ibibigay mo parekoy!

mulong said...

KHEED...bakit kapag niluluto ang bagong sinasabi nating "ang bango amoy bagoong!"

pero kapag kumapit ang amoy sa damit, sinasabi nating "ang baho amoy bagoong"

ano ba talaga? hahaha

DYLAN...teka teka, nagluluto ka ng kare kare na walang gata? naku tsang baka putchero yang niluluto mo! mali ang recipe mo!

GILLBOARD, na miss mo ang malaking bahagi ng buhay mo dahil sa hindi mo pagkain ng kare-kare haha

XPROSAIC...teka alin dun parekoy?

yun bang "anglupetmotaenangshet!"

A-Z-3-L said...

sabi nila masarap nga daw pag may bagoong.. at kelangan talaga may bagoong ang kare-kare.. kung wala kase.. hindi na kare-kare un...

hindi kase ako kumakain ng kare-kare kuya... kaya tingin ko hindi ka masarap sa panlasa ko! lolz!

mulong said...

AZEL...isang malakas na hahahaha

bastos kang bata ka!

hahahaha

Kosa said...

walang duda!

teka,
tama, hindi nga magiging kare-kare yun kung walang bagoong..

depende daw sa naglluto yan kung anung isasahog nya.. may gata man o wala..

ang pagluluto naman kase ay isang pag-iimbento lang..

eMPi said...

hahahaha... natawa ako sa comment ni azel... ayos yon ah!

dagdagan mo pa nang ingredients parekoy para malasahan ni azel... joke! lolz

p0kw4ng said...

shet na taeng malufet...sarap nyan! magkakasundo tayo dyan sa kare kare!!

naglaway tuloy ako..

an_indecent_mind said...

sarap naman ng kare-kare!!

nagutom ako bigla!! tulo laway pa!! wehehe!

wag mo naman alisin ang bagoong... para ka na lang kumakain ng tae pag ganun!! ewww!!

nyahahaha!

mr.nightcrawler said...

peyborit ko ang kare-kare! wow! tsalap tsalap :P

ronelM said...

naka2guton nman yan..huuh

John Ahmer said...

napadaan' *petiks mode* hehe : D

Anonymous said...

Hanu ka ba? Walang gata ang kare-kare. Itanong mo pa kay Mama Sita.

Double dose ng laxative yun pag nagkataon, may peanut butter na, may gata pa.

siyetehan said...

ayun ang mabigat na problema pag walang bagoong.

baka hindi magalaw ang kare pag wala yan.