Lahat siguro tayo merong mga klasik ekspiryens sa jeep ano? Maliban na lang kung ikaw ay ipinanganak ng may gintong karsulsilyo, I mean silver spoon in the mouth. You know!
Mga karanasang simple at nangyayari araw araw pero huwag ka, dahil nangyari sa jeep, tatak Pinoy ang mga iyan.
Teka huwag na nating isama sa kwentuhan yung mga biglaang holdapan at yung mga nanghahablot ng mga cellphone ha!?
Eto yung mga natandaan ko nitong lang huling sakay ko. Nasa kalagitnaan ako kaya naman ke nasa likod o unahan ang pangyayari, hindi nakaligtas sa mata’t tenga ko.
UNANG EKSENA
BABAE SA MAY LIKURAN: Ma bayad po isang crossing. (abot sa akin ng bente pesos na inabot ko naman sa driver)
DRIVER: Saan to?
BABAE: Crossing po isa lang?
DRIVER: Ilan tong bente?
BABAE: Isa nga po!
Taena muntikan na kong malaglag sa kinauupuan ko. Makipagsabayan ba naman sila sa malakas na kalasing ng sound system ng jeep sa saliw ng musikang “Kasalanan” na collaboration ng 6 Cycle Mind at ni Gloc 9, ewan ko lang kung magkaintindihan sila.
IKALAWANG EKSENA
May nagpa-abot sa akin na sampung piso na iaaabot ko naman sana sa driver. Kaso may isang matanda na nagmagandang loob na abutin sa akin ang pera at siya na ang nagbigay sa driver. Ayos na sana di ba? Eto na…
DRIVER: Kanino po itong sampo? (Dahil ang matanda ang nag-abot ng barya, siya ang nilingon ng driver)
MATANDA: aba hindi akin iyan, kanino daw iyun?
DRIVER: Saan po ito bababa?
MATANDA: Aba eh hindi ko alam!
Moral of the story, huwag mag-aabot ng bayad sa matanda baka kasi akala nila sa mga susunod na tanong ng driver eh inaakusahan na siya ng kung ano. Buti na lang at hindi nagtanong ang driver ng kung sino ang pumatay kay Lapu-Lapu!
IKATLONG EKSENA
Eto na ang malupit kasi ako na ang sangkot dito!
AKO: Bayad po diretso crossing, isa lang. (Dahil nasa gitna lang ako ng jeep hindi ako nakipagpatintero ng tanong at sagot sa kaniya ng kung ilan at saan bababa)
Dahil may sukli pa ko, nakatingin lang ako sa harap hanggang sa nakita ko na lang yung driver na tumingin sa akin yung driver dun sa salamin sa may taas ng windshield, sabay tanong …
DRIVER: Estudyante ba?
O ha! Laban ka? Umiling na lang ako. Hindi na ko nagsalita pero alam kong nangingiti ako ng palihim. Estudyante, etchusero din yung driver na nasakyan ko, ano!?
naks®

17 comments:
Mukha ka bang estudyante? o estudyante nung panahon ng hapon. lol
me experience din ako sa jeep nung araw...Me umutot sa loob ng jeep. sabi ng driver, o yung umutot hindi pa nagbayad..
me sumagot na babae,.. nagbayad na po ako ah, kanina pa.
he he he he
Mulong! ID mo nakasabit pa! lolzz
matuwa ka pre, kapag hindi ka tinanong at kinunan ka ng pamasahe na pang estudyante lang, oh db? :D
Tuwa ka naman napagkamalan kang estudyante.. Ako nga napagkakamalang high school eh.. O ha!? lolz
Lalo na dito, ang tatanda ng mukha ng mga tao, bata pa lang may wrinkles na. Kung jan mukha ka ng bata, panu pa dito..naku. Teenager lang ang tingin nila sa'yo. Haha!
Cheers!
ayos! naka-discount ba parekoy? hehehe
Ahaha mukha ka raw studyante... sa pang-apat mong course hehehhee
Sus nag papapaniwala ka naman sa Echuserong driver. Binobola ka lang titignan ang honesty level mo. Natuwa ka naman hihihihi
estudyante? masteral?? LOL
Alam mo bro kung mukhang kang estudyante hindi na magtatanong yun!Whahaha!
ingat bro
ALKAPON...yun lang, talagang may pagmamalaki pa siya na bayad na siya ano? Pero di niya alam na ibinaon niya yung sarili sa kahihiyan!
LORDCM...yun lang pero ang kinakatakot ko pre kapag kinuhanan ako ng discount ng walang tanong...baka ibig sabihin kasi senior citizen eh!
DYLAN...sige lang ate ibandera mo ang pagiging mukhang bata mo dyan!
MARCO...hindi eh, umiling kasi ako. baka kasi pag sinabi kong estudyante ako magkagulo sa loob ng jeep dahil sa violent reactions!
GLENTOT...yun lang, baka sabihin naman nung driver "hindi ka ba nahihiya sa magulang mo na hanggang ngayon sa edad mong iyan eh nag-aaral ka pa?"
JEPOY...ganun ba yun? ung baga pagsubok ni bro? buti na lang naging tapat ako baka yun ang ticket sa heaven eh. kaya kapag tinanong ka, sumagot ka rin ng tama ha!
AN INDECENT MIND...oo nga buti na lang walang ganun. muntik ko namang sagutin ng titser po ako!
DRAKE...ganun ba yun? parang binobola lang talaga ako? haaay sa susunod sakto lang talaga ang ibababayad ko, para wala ng gulo!
Naku naku! What are you trying to exit? wahahahaha...O ha be proud may nagkakamali p palang eschudent ka whahaha hindi kasi suot ni manong ang kanyang eyeglasses nung time n un wahahahah...
ahaha. kung ako yun ggrab ko na ang opportunity. minsan lng nmn yun eh. hehehe
waaaaah.
panalo!
iba na talaga..
pero baka naman akala nya parekoy eh nagpaulit-ulit ka ng taon sa kolehyo? lols
dapat sinabi mo "graduate na po!"
walastik koyaaaaaa... baby fez ka pala! takte! estudyante!!!
"oho mama.. estudyante pa.. tamad kaseng mag-aral kaya ayan.. 20 taon nang 1st year college..."
harharhar!
di kaya nagkamali lang si manong??? hmmmmmm..
dapat ganito eh...
"senior citizen?"
peace kuya!!!
either baby face kah or malabo ang mata ni mamang driver.. haha...but juz take dat as a compliment... pa-burger! lolz... ingatz kuyah... Godbless! -di
naks! baka yung suot mo pang estudyante? hehe.
ahehehe...basta ako, pag may dala akong bag...automatic yan student fare na...pag-walng bag tpos naka-tsinelas pa...construction worker na...ahehehe... :)
Post a Comment