Mga adik lang daw ang napa-praning. Ewan ko lang!
Malamang epekto ng natira kong katol at kaya tuyong dahon ng papaya noong bata-bata pa ko, nagiging malikot ang pag-iisip ko tuwing ala una ng madaling araw.
Ayaw ko namang isiping sadyang malikhain lang ang imahinasyon ko kasi halos pare-pareho lang naman ang eksenang namumuo. Mahirap sa pakiramdam kapag inatake ka ng ka-praningan, peksman!
Yung overpass sa Cubao ang dahilan ng lahat. Yun bang nasa tapat ng Baliwag transit, alam mo ba yun?
Kita mo, hindi ko nga makuhanan ng litrato kasi, parang may hahablot ng cellphone ko kapag sinubukan kong kodakan.
Kasi ba naman eh, tumatawid ako duon limang beses sa isang linggo…tuwing ala una ng madaling araw. At kung mamalas-malasin pa, minsan alas dos na!
Pag-akyat mo dun, makikita mo na medyo may kadiliman kahit nasa lungsod ka ng liwanag. May kung ano na parang makakaisip ka ng isang eksena. Pero hindi yung mga rated R, kundi yung mga gory, crime scene in other words.
Bagamat may kadiliman, aninag pa rin yung mga taong nakahiga. Hindi lang isang tao yun, kumpol kumpol sila.
Kahit sabihing madaling araw na, malay ko ba kung tulog nga sila. Pwede namang nagtutulog-tulugan eh.
Sabihin na nating hindi ko man lang sila binigyan ng benefit of the doubt, bigyang diin ko lang na nasa Cubao itong sinasabi ko. Walang benefit benefit of the doubt muna.
Hanggang hindi ako nakakatawid, pakiramdam ko hindi ligtas ang buhay. Para bang pagtapat ko sa kanila, may tatayo sa magkabilang gilid, may haharang sa harap at pag-akbay eh kasabay na yung pagtutok ng balisong o ice pick sa leeg ko.
Sa hirap ng buhay, malamang sa hindi ko naman ibigay agad yung wallet ko at sa halip eh manlalaban ako. Kaso tutuluyan nila ako hanggang sa magka-gripo na ko sa tagiliran.
Kaya minsan, humahanap ako ng timing. Maghihintay ako ng makakasabay. Kaso nung naglalakad na kami, naisip ko naman na paano kung yung sinabayan ko pala ang holdaper? Yari ka!
Langya naman, bilis ng oras alas diyes na pala, maya maya ala una na. Nakaka-praning.
naks®

19 comments:
Hahah! o",) Madalas nga ang imagination ang pinaka-kalaban natin.
Mag-ingat po... palagi.
Maganda rin yung ganyan mulong, yung may pagka advance thinking, iba na yung nag-iingat.
ganun din ako nung araw nung wala pa akong sariling kotse, madalas inaabutan ng madaling araw.
we need to be carefull all the time, at maging matlas ang pag-iisip sa mga pangyayari, hindi tayo nakaka tiyak sa mga susunod na minuto ng ating buhay, maaring sa isang saglit lang tayo ay mapahamak.
mas mainam na yung sigurado, kesa sa siguro. gets mo?
Hehee katakot. Magdala ka na lang ng flashlight para di masyado madilim...
alam ko yang pakiramdam na yan...parang may sumusundot lang sa pwet mo...ahahaha
ingatz
buti na lang di ako mukhang may pera... di ako kaholdap holdap... hehehe
natatakot din akong tumawid sa overpass pag gabing gabi na...katulad mo napapraning din... kung anu ano ang iniisip.
ingat lang parekoy at magdasal habang tumawid sabay bilisan ang paglakad...:)
nakakatakot nga sa overpass na yun kuya..kaya ok lang na magisio ka ng kung anuano habang naglalakad ka dun..mabuti na nga yung maging super maingat..^__^ ingat ka po lagi..^__^
ilang beses na ko naholdap.. badtrp. nwei napraning ako. naalala ko yung cp ko na nasa masamang kamay na..huhuh..
padaan lng
Tama lang minsan ang nakaka-isip ka ng ganyan. Kumbaga, "unexpected always come when you do not expect it". Naks! Nagamit ko din ung laging sinasabi ni ama sakin hahaha. =D
Ingat lang lagi kuya.
April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run
di bale nang praning, at least anticipate natin yung posibleng mangyari at nag-iingat tayo dahil dun!
aba,
ako man yung nasa posisyon mo pareng mulong,
magpapasundo na lang ako kay yaya...
ahehe
:)
talagang minsan ang pag iisip natin ay advance sa maaaring mangyari..nakakapraning nga..hehe
pasensya na po, panalo lang talaga ang comment ni ALKAPON, bagamat alam kong naiintindihan niyo ang point ko.
pero may lalaban ba dito..."ganun din ako nung araw nung wala pa akong sariling kotse, madalas inaabutan ng madaling araw."
ulitin ko, kay ALKAPON comment yan. peace brother hahaha!
Naku totoo namang delikado doon. Crime prone area.
Teka, at bakit sa lahat ng lugar dito sa Japan eh Gifu pa ang napili mong galaan? Medyo remote n area nga doon kasi minsan din akong napadpad doon...
sana lang maparamdam ng quezon city gov't na sila ang pinaka-malaking tax earner sa buong pinas sa paglalagay ng ilaw sa bandang yan ng QC no?
ingatz kah lagi sa pag-uwi kuyah.. pray... hwag kang matakot... kala moh mag-isa kah naglalakad.. pero may kasama kang angel... naks... i was gonna tell yah a story 'bout it.. pero hwag nah.. hahaba komentz koh.. ingatz.. Godbless! -di
okay lang yan, ako nga sa may gilid ng sta.mesa naglalakad eh,wala pang ilaw doon tapos may mga nagrurugby na bata.hehe.
maniwala ka lang, nasa likod mo lang si 'bro:)
hindi mo naman maiiwasan ang hindi mapraning sa lugar na tinutukoy mo.. nakakatakot ngang dumaan dyan kapag gabi. kelangan talaga may kasama ka..
dyna kasi dati yung nabalita sa xxx, hindi ko na ikukwento kasi baka madagdagan pa yang kapraningan mo hehe
may punto ka. minsan try mo yung libangan ko: tinatakot ko yung kasabay ko. hihinga ako ng malalim or bibilis ng konti ang pace. tapos nakalagay ang mga kamay sa bulsa. usually, tumitingin sila sa kin na parang nag aagaw buhay at tatalilis ng lakad palayo.
Post a Comment