Mea Culpa!
Sabi nga ni Elton John, sorry seems to be the hardest word. Pero wala na kong magagawa, I am sorry. Ipagpatawad mo!
Di ko alam kung sapat na ang salitang ‘yun pero parang pakiramdam ko hindi pa rin.
Makalimutan ko ba naman ang first birthday mo eh. Baka kung nakakapagsalita ka na ngayon, pagmumura ang una mong masasabi.
Hindi lang yun, baka ipagduldulan mo pa sa mukha ko kung ano ang naging pagkukulang ko. Unang birthday, at sa unang isang taon mo sa magulong mundong ito eh hindi kita naalala.
Samantalang ako ang gumawa sa iyo!
Para bang lahat na lang ng pabor hiningi ko sa iyo. Pag may problema, sa iyo ko isinasangguni. Kung meron naman akong gustong pagtawanan, kanino ko ba inilalahad? Sa iyo din.
Hindi lang iyun, dahil minsan inunahan na nga kita eh. Ako na mismo ang nagsabi na ang dami kong angst sa buhay. Kasi naman parang ang dami kong frustrations diba? Oh ayan na naman ako.
Yung mga pangarap ko? Yung mga bagay na gusto kong makamit? Yung mga lugar na gusto kong mapuntahan? Lahat ng iyun, ikaw ang nakakaalam.
Nagkulang man ako, alam mo naman na kasama ka sa lahat ng iyun.
Huli man daw at magaling, huli pa rin. Pero mabuti nang huli kesa tuluyang makalimot. (baka isumpa mo na ako pag naging ganuon ang sitwasyon.)
Hayaan mong ipaabot ko sa iyo ang pagbati ko ng maligayang unang kaarawan. Sana mag mature tayo pareho at sana eh matagal pa kitang makasama.
Mga katoto, isang taon na pala ang naks naman nitong September.
naks®

22 comments:
huwaw! happy anniversary naks..
congrats pre..paburjer ka nman!!! ako kelan b ko ngstart sa buco salad..nung june lng ata o may..d ko na din maalala hehehe..
pagpatuloy mo lng pre..marami ka naiinspayr..
Naks Naman...Happy Anniversary... maraming salamat sa isang taong paghahatid ng kasiyahan sa bloguspero, mananatili kami na mag-aabang sa mga susunod na panulat at magbibilang sa mga susunod mo pang anibersaryo. Congrats!!!
KHEED...inuman na, wahehehe
RICO...more buko juice to come hehehe. aabot ka din ng isang taon parekoy.
THE POPE...naks lakas ko talaga sa iyo. pero ito, sana manalo ng cellphone sa PEBA.
inuman
so kelan ang chibugan? hekhek
happy anniv tsong! tatagal ka pa sa blogoisperyo!
ok lang. tatagal pa naman ito ng one more year di ba salamat sa arthro.
sobrang late naman ng realization na to kuya Abe.... tsk! inuuna kase ang pagiinom eh, nakalimutan mo tuloy si NAKS!
sya..sya.. hapi anibersari. at salamat sa patuloy mong pagpapangiti samen. (oo nah, clown ka na!)
naku! sumipot ka sa PEBA awards night ha... madaming cellphone dun...
Mulong happy birthday sa iyong blog! Pero may nakalimutan ka pang birthday!!...... itoy walang iba kundi ang BIRTHDAY KO!hehehhe
Ingat
hahaha
kung ako nga ang blog mo eh isusumpa talaga kita.lolz jokeness
happy one-year sa blog mo parekoy.
oy.... one year na rin pala to... Naks Naman Happy 1St year Anniv. :)
September? Langya! November na parekoy, may karapatan nga syang magdamdam lolzz
Happy Birthday sa inyo Parekoy :)
about saying sorry--hmm--kakasawa nga minsan--pareho. yung kaw magsorry tapos kaw hingan ng sorry--kaya minsan---tahimik nalang ako. hehe
I miss being here....
daming me blog birthday these days a---congrats~~~~
Parang ako ang nagremind sayo nyan ah.
hapi bertdey blog,hihihi
bakit walang pansit o kahit anong pampahaba ng buhey??
sobrang belated happy berdey sa iyong blog!!!
Wow! Belated Happy Birthday, Naks Naman! U
Hahaha, bakit nakalimutan? o",) September pala kayo nag-start mag-blog, pero October 22 na ako unang nakapag-comment dito (binalikan ko ang mga posts niyo).
Congratulations! U
Aw! Naks nmn kuya! Ayan at isang taon na ang iyong bahay. ;D Ako next year pa. hehe Happy birthday sa blog mo. ;D
April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run
Sensiya na parekoy ngayon lang muli ako napadpad sa lungga mo.. naka isang taon ka na pala sa blogging..
ako..isang buwan pa lang bukas..
may inuman ba hapi anibersari :)
happy anniversary. ang husay :D
better late then never.. at least nakabati ka pa ren sa bday nyah... *cheers* *tagay* *inuman nah*..... halos magkasing-edad lang palah tayoh... tanda ka lang nang few months.... yey! happy birthday... may u have more birthdayz and more posts to come... Godbless! -di
NAks naman! September pa!?
May golay!
Pero okay lang at least naalala mo pa rin at di ka tuluyang na-amnesia. First sentence pa lang alam kong anniv ng blog mo pero di ko alam na ilang buwanna pala ang nakaraan! Haha!
Ingatz jan Mulong!
Cheers sa mga blog natin!
Post a Comment