Wednesday, November 11, 2009

Tikman Mo Kung Gusto Mo

May bagong alaga na naman si Eros Atalia. Hindi ko alam kung alaga nga ba ang turing niya kapag libro na ang mga kwentong nagmumula sa malikot niyang kamunduhan. I mean pag-iisip.

Sabihin na nating title pa lang ulam na, “Ligo na u, Lapit na me.”

Pag tinignan mo din ang pabalat, mangingiti ka kahit wala namang kumukiliti. Hindi ko nga alam kung saan niya nakilala yung lalakingmay pamatay ang ngipin at ngiti kasi dalawang beses na siyang nasa cover ng libro ni Eros.

Iyun nga lang, pag maganda ang taytol, samahan mo pa ng maka-agaw pansing kah-ver, mas mataas ang expectations. Sabi nga, pag binulatlat na, dapat may sustaining power, hindi hanggang labas lang.

Hindi ko pa natatapos basahin ang libro pero sa mga nadaanan na ng mata eh mukang swak naman sa panlasa (as if my opinion whether it is good or not matters hehehe, nag feeling critic na naman ako.)


Basta ang sabi, medyo lumabas daw ang romantic side ni Karl Vlademir Lennon J. Villalobos alyas Intoy na siyang bida rin sa “Peksman, mamatay ka man, nagsisinungaling ako.

Sa madaling salita, nalibugan na si Intoy sa katauhan ni Jen.

Kung ano man ang mga kaganapan sa likod ng salitang “nalibugan” eh kayo na ng dumiskubre. Meaning bumili ka kung gusto mo.

Bilang patikim (patikim lang ito ha) tinalakay (as in malalim at marubdob) sa libro kung “kailan ang ideal date para mag suicide.” Ayos ano?

Malalaman mong hindi magandang magpatiwakal kapag buwan ng May kasi nga naman madaming pyestahan. Huwag rin daw February dahil buwan ng mga puso (at kiskisan ng mga nguso.) Korny daw ang dating mag-suicide kapag ganitong buwan.

Sa Ligo na u, muling ipinamalas ni Eros kung bakit siya si Eros Atalia ngayon. May sinasabi pero di mo kailangang mag-isip ng malalim. (Kaya nga ba hindi ako nagbabasa ng Harry Potter eh, alam ko ang kalibre ng utak ko nyahaha)

Sana lang makarating itong mensahe ko sa kaniya. Baka sakaling alam ninyo kung paano niya matitikman ang karakas ko, eh tulungan niyo na lang ako.

Eros Atalia, may bago ka mang alaga, MAS MAGALING PA RIN AKO SA IYO!


naks®



23 comments:

Random Student said...

alam kaya ng iba dito kung ano ibig sabihin ng karakas? haha. siguro ung mga nakahawak pa ng matindi sa dulo ng kalendaryo. alam mo naman these days, ang lingo ng mga kabataan eh parang yung title ng libro na ligo na u lapit na me.

Anonymous said...

ang alam ko yung nasa cover ng unang libro eh un kinuwento niyang kapitbahay na medyo may sabit sa isip. bigla ko tuloy naisipang mapadpad sa tinadahan, naexcite ako sa libro eh! haha

nakakaaliw ang tugtog dito. :)

Arvin U. de la Peña said...

okey ang picture ng lalaki na nakaupo tapos may babae na sa harapan na parang inaano ang paa..ang suwerte ng tao na iyon..parang beauty and the beast..hehe..makahanap nga ng libro na iyan sa national bookstore..

glentot said...

First time kong nakita yan kahit lagi akong tumatambay sa Phil. Literature sa mga bookstores...

m u l o n g said...

RANDOM STUDENT...siguro naman kasi ang karakas naman eh salitang kanto at di malallim na tagalog eh.

MODERNONG LAPIS...sige bile lang mura lang naman eh. basta walang sisihan ha, sinabi ko naman na hindi ko pa tapos basahin hehehe

ARVIN...sama naman parang beauty and the beast hehe kaw talaga

GLENTOT...bumabasa ka ng libre ha pero di ka bumibili ano?

gillboard said...

mahanap nga yang libro na yan... hehehe

Dhianz said...

yeah... mas magaling si kuya Mulong... kaya nemen... mag-publish ka nga nang book... dme mong buyers oh.. wehe.. dumalaw lang.. ingatz.. Godbless!

Jepoy said...

Natawa ako sa title ng book ang kulet!

"Ligo na u, lapit na me" Bwahahahaha

Dahil sa review mo bibili ako nyan mamya! LoL

2ngaw said...

Hehehe :D Babae ba sya parekoy at ipapatikim mo yang iyo? lolzz

RHYCKZ said...

ideal date para magpatiwakal...haloween, ayyy, hindi din kase baka ka multuhin...

may chinese version ba ng book na yan (joke) para makabili dito...hehehe

dumaan at umepal....

iya_khin said...

hallo nakikigulo!

natawa naman ako sa title ng book na yan!

parang ganito ang kasabi..

yuhuu! ligo na u, lapit na me..with tweetams eyes! hehehe!kulit!

A-Z-3-L said...

yan ang gusto ko sayo... alam na alam mong mas magaling ka kay Eros! i kinda like that spirit kuya!

wala pa bang e-book si Eros? tsk! kakainggit ka naman.

April said...

Ouch! Kuya nmn, di ako maka-relate haha. ;D Cge, sa susunod na post na ako babawi lolz. ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run

Anonymous said...

Gaanu man ako nawili kay Bob Ong noon.. hinding hindi ko maikukumpara si Eros sa kanya.. Iba ang liga ni Eros. Nabasa ko na ang Peksman nya.. ito hindi pa, wala dito yan eh.

Pero kung ikaw ang ikukumpara ko sa kanya...uhm, sige panalo ka na. Ligo u muna! Hahaha! Isang paligo lang kasi kulang mo. LOL

m u l o n g said...

GO GO GO GILLBOARD!

DHIANS...yun lang mga problema, wala tayo pang publish ng libro hehehe, mahirap gumawa ng pangalan sa panitikan

JEPOY...wag namang dahil sa review ko, baka pag hindi ka nalibugan este hindi mo magustuhan eh ako pa masisi mo eh!

LORDCM...ano yun? naligaw yata comment mo hehehe

m u l o n g said...

SCOFIELD...parang wala yatang chinese version, kapampngan lang daw, joke!

IYA_KHIN...natawa din ako sa iyo kasi iyakin ka tapos ang comment mo eh natawa ka. akalain mong taytol lang pala magpapatawa sa iyo ano?

AZEL...yan din ang sinasabi ko, malakas sa iyo hahaha. confidence tsong, walang bayad magyabang!

BASYON...bat naman di ka maka relate?

DYLAN...dun sa magka ibang liga, sino ang mas magaling?

paligo ba kulang ko? akala ko gutom lang itong nararamdaman ko hahaha

Anonymous said...

Iba ang ibig sabihin ng kumukuliti sa kumikiliti.

Sa paraan ng pagsusulat kay Eros ako. Mas malalim at detalyado. Pero mas marami akong natutunan kay Bob Ong noon. Lately ko lang nakita ang libro ni Eros eh.

Kaya mo silang sabayan Mulong. Pero gutom lang yan, oo eat u muna, eat na rin me. Bwuahahaha!
lolz

AL Kapawn said...

title pa nga lang ng libro tiyak na me bahid ng kamunduhan, he he he

nabibili ba yan sa national bookstore? hanapin ko nga yan at makabili ng isa.. interesado ako eh, ha ha ha

Somnolent Dyarista said...

nakakatuwa naman,.


nakakaingganyong bilhin.

sige.sige.sige.

maghahanap na rin ako ng isa!

Rico De Buco said...

pre la pa kong bago eh..tinatamad n kong mgblog sa totoo lang hehehe..

agree ako na mas magaling ka kung sino man yang eros italia na yan..bsta sulat lng ng sulat para maging bihasa..

yih! hehehee

Jag said...

Naks! Neks...Niks...Noks..Nuks jijijiji...

Ayos ka rin magfeed ng review mo ah parang tuloy gusto kong bumili nyan kaso paano eh puppet lang ako? Joke! hahahaha...

Napagsawaan mo na pala ang Japan eh jijijijiji...Perstaym mki-epal dito jijijiji...

Network-Strategy said...

kuya mulong dito ka nlng magastos ehh, bibili pa ako ng libro mo. joke :D

m u l o n g said...

DYLAN...hmmm bahala ka, panlasa mo yan eh. sa akin lang madaming dull moments kay eros, pwede mong bitawan.

AL KAPON...kamunduhan? hmmm medyo lang. at ginamit ang linya ng pamagat, sa paraang naiisip mo!

SOMNOLENT DYARISTA...aba nabuhay ka parekoy!

JAG...di ba kayang magbasa ng puppet? wahehe

MADBOT...ano daw? nyahaha! maligayang pamamasyal dito!