(This piece was inspired by the photographs of Amor. Paa kasi ang paborito niyang subject eh)Dahil panahon daw ng bago ang buwan ng Disyembre, maaga akong bumili ng bagong sapatos (medyo luma na nga ngayon eh).
Hindi naman sa ayaw kong makipagsiksikan sa mga shoppaholic na galit sa pera kapag nakatanggap ng bonus. Talaga lang may isang tingin ako sa sapatos na kapag nagustuhan, binabalik balikan ko para tignan hanggang sa mapag-ipunan.
Nakitulog ako sa pinsan ko minsan (dahil sa inuman) at umaga na ‘ko umuwi. Timing namang wala akong pasok kinabukasan kaya ok lang makipag sagaran. (motto ng manginginom: huwag aayaw hanggang hindi lasing, pero ang manginginom hindi nalalasing.)
Bago ako umuwi kinaumagahan, naisipan kong dumaan sa mall para balikan yung sapatos. (Akalain mong may oras na kong mag malling ngayon?)
Para namang gagong nanunukso yung sapatos na kung tutuusin mura lang naman pero heto at nagbigay pa ng 20% discount. Kaya ang 1,200 original price 960 na lang. Aba eh sinamantala ko na.

Eto na, dumating na yung araw na suot ko na yung sapatos. Siyempre excited. The usual kantyaw…binyagan na yan…kaya ayun, kaliwat kanang tadyak ang inabot ng pobreng sapatos.
Baka nga kung may sariling buhay ang sapatos, baka pinutakti na ng magkakapatid na mura ang mga nanadyak eh.
Nung bandang hapon na, nakaramdam na ako ng pananakit ng paa hanggang sa may nag trace ng saktong oras kung kailan ko ‘yun binili.
Kaya daw sumakit ang paa ko kasi umaga ko siya binili at hapon daw ang tamang pagbili ng sapatos. Kasi daw pag hapon bumababa na ang energy natin sa paa at mas lumalaki ang size nito kung ikukumpara sa umaga.
Kaya kung bibili daw ng sapatos, sa hapon gawin kasi sa ganuong oras daw ang sagad na size ng paa.
Taena ano yan, tinitigasan ang paa kapag hapon kaya lumalaki?
Anong scientific explanation naman kaya meron ito? May formula ba sila para maipaliwanag ito ng kapani-paniwala?

Ginawan ko ng paraan. Nagpa foot spa ako. Ayun edi nagkasya yung kawawang sapatos.
Nuon ko napagtanto, ang kapal pala ng kalyo at libag ng paa ko?
naks®