Friday, December 11, 2009

Ang Alamat Ng Sapatos, O Ng Paa?

(This piece was inspired by the photographs of Amor. Paa kasi ang paborito niyang subject eh)

Dahil panahon daw ng bago ang buwan ng Disyembre, maaga akong bumili ng bagong sapatos (medyo luma na nga ngayon eh).

Hindi naman sa ayaw kong makipagsiksikan sa mga shoppaholic na galit sa pera kapag nakatanggap ng bonus. Talaga lang may isang tingin ako sa sapatos na kapag nagustuhan, binabalik balikan ko para tignan hanggang sa mapag-ipunan.

Nakitulog ako sa pinsan ko minsan (dahil sa inuman) at umaga na ‘ko umuwi. Timing namang wala akong pasok kinabukasan kaya ok lang makipag sagaran. (motto ng manginginom: huwag aayaw hanggang hindi lasing, pero ang manginginom hindi nalalasing.)

Bago ako umuwi kinaumagahan, naisipan kong dumaan sa mall para balikan yung sapatos. (Akalain mong may oras na kong mag malling ngayon?)

Para namang gagong nanunukso yung sapatos na kung tutuusin mura lang naman pero heto at nagbigay pa ng 20% discount. Kaya ang 1,200 original price 960 na lang. Aba eh sinamantala ko na.

Eto na, dumating na yung araw na suot ko na yung sapatos. Siyempre excited. The usual kantyaw…binyagan na yan…kaya ayun, kaliwat kanang tadyak ang inabot ng pobreng sapatos.

Baka nga kung may sariling buhay ang sapatos, baka pinutakti na ng magkakapatid na mura ang mga nanadyak eh.

Nung bandang hapon na, nakaramdam na ako ng pananakit ng paa hanggang sa may nag trace ng saktong oras kung kailan ko ‘yun binili.

Kaya daw sumakit ang paa ko kasi umaga ko siya binili at hapon daw ang tamang pagbili ng sapatos. Kasi daw pag hapon bumababa na ang energy natin sa paa at mas lumalaki ang size nito kung ikukumpara sa umaga.

Kaya kung bibili daw ng sapatos, sa hapon gawin kasi sa ganuong oras daw ang sagad na size ng paa.

Taena ano yan, tinitigasan ang paa kapag hapon kaya lumalaki?

Anong scientific explanation naman kaya meron ito? May formula ba sila para maipaliwanag ito ng kapani-paniwala?


Ginawan ko ng paraan. Nagpa foot spa ako. Ayun edi nagkasya yung kawawang sapatos.

Nuon ko napagtanto, ang kapal pala ng kalyo at libag ng paa ko?


naks®

19 comments:

Amorgatory said...

hahaha aba aba at na inspiredness ka pala sa mga paa parekoy, cege yaan mow mgppost akosh nang paa na subject this week nawawala nkow sa ere eh, on leave ksi akow lols,at bago pa ang sapatos mow at ang sosyalan galore nagpa footspa kapa , di ata natanggal ang mga kalyow parekoy if di ka nakabili nangbagong shoes, ang ganda nang shoes ha!hahah!!tagay!!buti ka fa may bonus , pahiram naman 2 pesos pang load lols

Amorgatory said...

ANG ALAMAT NANG FOOTSPA BOW..LOLS

Jaypee David said...

ang gwapo ng sapatos ah!

m u l o n g said...

AMOR...di ba totoo naman na paa ang paboritong mong subject. minsan nga ang suggested taytol ko eh ang paa di ba?

JAYPEE DAVID o kumusta? napasyal ka? long time...long time ha

EngrMoks said...

yan kaya ang mabili kong sapatot..pamasko ko..hahaha

gillboard said...

ganda ng sapatos mo ah... naaalala ko yung binili mo noong nakaraan, yung di mo masuot kasi tag-ulan... hehehe

2ngaw said...

Ganito yan pre, kasi sa umaga mejo malinis ka pa, malinis pa paa mo kaya maliit pa, eh habang tumatagal nagkakaruon na ng libag ang paa mo, kaya pagdating ng hapon makapal na to, lake na ng paa mo! lolz

chingoy, the great chef wannabe said...

as the saying goes... pag malaki ang paa......
.....
.....
.....
.....
.....
.....
malaki ang sapatos. :)

Amorgatory said...

honga honga pre hahaha, cge na nga paa na wag na yang sapatos,lols..

Superjaid said...

haha parang gusto kong maniwala dun sa lumalakia ang paa kapag hapon na..heheh

DRAKE said...

Ahh ganun pala yun! Noted!

Teka baka naman pinagluluko mo lang kami ha!hehehe

Ingat parekoy at merry christmas!

Jag said...

at isa n pla sa mga fetish mo ngayon ay paa? hahahaha...

sosyal k n nga ngayon ah may pa-footspa2x k png nalalaman jan samantalang dati kinakaskas mo lang yang mga kalyo sa magaspang na dingdning nyahahaha joke lang parekoy hehehehe...

Musta n?

poging (ilo)CANO said...

gusto ko yung motto ng manginginon..astig ang dating...tagay na!

abe mulong caracas said...

MOKONG...nakow engr, di bagay sa iyo yung ganitong sapatot! laki laki ng bonus sa pascual sabi ni lyn ching eh!

GILLBOARD...sinabi mo at katagalan napagtanto ko naman na ang laki pala ng allowance ko sa sapatos na iyun? Feeling ko tatangkap pa ko at lalaki pa ang paa ko!

LORDCM...ganun din talaga ang theory ko pare pero hindi dahil sa energy daw na bumababa sa paa kapag hapon diba? Libag lang...period!

CHINGOY...naniniwala ako dyan...kaya nga maliit din ang ano eh kasi maliit ang paa ko. Kung size 8 ang paa ano size ng....?

abe mulong caracas said...

AMOR...ano yun? sige linawin mo...lasheng ka na naman hehehe

SUPERJAID...para mapatunayan, bumili ka ng sapatos mga 4am daw para mas sigurado kung maliit nga kapag umaga.

DRAKE...na iyo naman iyan eh kung gusto mong lokohin kita hehehe. pero knowing you hindi ka naman magpapaloko eh

JAG...hindi paa pare ang fetish kundi sapatos hehe. sikwet pare pero hindi talaga ako nagpa foot spa, kinayod ko lang ng bato...

POGING ILOCANO...totoo naman diba? may lasenggo bang nagsabing lasing na ko? kapag nagsuka...sumuba lang, pero di pa lasing di ba?

chingoy, the great chef wannabe said...

try this abe: (size ng paa / 2) + 1

hehehe

AL Kapawn said...

Mas maigi pa siguro subukan mo ang sapatos ng kabayo..

glentot said...

Totoo daw un mas malaki ang mga bahagi ng katawan kapag hapon. Alam na!!!

Dhianz said...

haha.. natawa akoh sau.. ingatz kuya Mulong.. Godbless! -di