Hindi ito yung cheesy na kanta ni Jim Brickman na pangkasal daw. Wala rin itong malalim na istorya na sisiid sa inyong damdamin at sa huli ay maiisip mong may aral kang natutunan sa akin.
Walang ganun.
Tungkol lang ito sa isang regalo na natanggap ko bagamat ilang araw pa bago mag Pasko. Teary eyed ko itong tinanggap na parang binigyan ako ng Ramon Magsaysay Award for Public Service.
Sinabayan ko pa ng litanyang “I can’t believe it! (weeeh sobrang OA na yan.)
Kilalang kilala na ko ng kaibigang nagbigay ng regalo. Mukhang hindi naman siya nahirapang mag-isip ng ibibigay at sapul pa nga dahil alam niyang pakikinabangan ko ‘to ng husto.
Dahil yosi boy…ayan ang regalong natanggap ko!
Simpleng simple ano? Ni hindi man lang nga cricket o kaya yung wind proof. Ang konswelo na lang diyan, may lighter sa pwetan.
Ito yung klase ng lighter na hindi man lang pagnanasahan ng mga nakakainuman kong mga tirador ng lighter. Yun bang habang tumatagal ang inuman, hindi na sa iniinom nakatingin kundi dun sa mga lighter ng kainuman na nakalapag sa lamesa.
At kapag malalim na ang espiritu ng alak, nagiging makakalimutin na ang lahat. Hindi na natatandaan kung saan nailapag ang lighter o kung sino ang huling nakisindi.
Sa ganuong pagkakataon, asahan mong nasa mabuting kamay na iyan ng isang tirador.
At kapag nangyari iyan sa iyo ng mga tatlong beses na, isipin mo na lang na may koleksyon ang barkada mo. Sensyales na rin ‘yan na gumamit ka na ng tatlo singkong lighter para may magbulsa man, para nawalan ka lang ng posporo.
Pero naisip ko, mumurahin man o mamahalin ang lighter na binigay sa akin na iyan, ang hirap palang ibulsa na pasimple? Yung bang mahirap na hindi mapapansin na pinagnanasahan at may nagbubulsa na pala.
Bakit ko kamo nasabi? Ayan o…
O ha! Regalo ko?
naks®

11 comments:
Base!!! jejeje may gas Ramon Magsaysay Awardsssss! congrats level na tayo jejeje jowk..
lighter ng Giant! meri krismas!
ang laki nga. tiyak hnd n yan matitira ng mga kainuman. hehe. huli xa janm alamng
DONSTER...korek! at akalain mong sa public service pa ko nabigyan ng awards? akalain mo? may balak palang maging politiko?
CHINGGOY...panalo ano?
KIKILABOTZ...dadaanin na lang yan sa pakapalan ng mukha pag nagkataon hehehe
ahh ok... lolz.. merry christmas na lang... oh yeah kuyah... cute ka palah.. saw 'ur pix w/ kyla.. hihhee... ingatz.. Godbless! -di
Spin the lighter na ba hahaha
Hehehe :D Pang isang taon yan pre ah
kahit yata sa pouch kuya di kakasya :(
ahahahahaha! akin na lang! arbor na!
walang kasamang foil yan? hehe
kuya...
PhilAm Life Theatre
UN Ave Manila
Dec. 27 2009
6 pm.
pumunta ka ha?!
makikita mo na ng "live" si Rio ng Afghanistan...
Sasabihan ko na sila na may pupuntang gwapito na magcocover ng event! teka lang, formal un ha... pero wag sobra baka akalain artista ka! ahahahahaha!
Ahahahaha ang laki pla nyan...ayos na ayos ang gift extraordinary...o baka naman ang maliit ay ang yosi? hehehehe...
Post a Comment