Wednesday, January 6, 2010

James Cameron For Best Actor

Sa mga taong nasa likod ng pinilakang tabing, lalo na yung mga friends ko sa Hollywood, ipagpaumanhin ninyo na minsan eh tumatangkilik ako ng mga pirated DVDs.

Nitong Miyerkules lang, bumili ako ng tatlo. Ang style ko kasi, hinihintay ko yung mga DVD copy para mas malinaw. Isang pelikula per disk na ibinebenta naman ng 3 for P100.

Tingin ko mas ok na yun kesa bumili ako ng 12 in 1 na singkwenta pesos nga lang pero maririnig mo naman ang tawanan at palakpakan ng mga tao habang nasa loob ng sinehan.

Baka nga kung flop pa ang pelikula at konti lang ang nanood eh makarinig ka pa ng halinghingan ng mga naglalambutsingan sa sinehan eh.


Eto na, isa sa binili ko yung paranormal activity. Wala lang kahit napanood ko na sa sinehan at kahit alam ko namang hindi naman talaga nakakatakot eh gusto ko lang takutin yung mga tao sa bahay namin.

Pangalawa yung SAW 7 na hindi ko alam kung bago nga ba ‘yun o luma. Basta sabi nung nagtitinda maganda daw ‘yun kasi hayup ang patayan. Nilalagare daw talaga yung katawan.

Ayus ang maganda sa kaniya ano?

Pangatlo yung AVATAR.

Eto na ang kwento. Sabi nung nagtitinda dalawa daw ang avatar nilang binebenta. Pero sabi ko yung palabas ngayon sa sinehan na siyang inabot naman niya sa akin.

Binusisi ko kasi baka iyun kasi yung palabas sa TV5 at tinignan ko rin yung pangalawang sinasabi niya.

Out of nowhere (weeeeh may ganun?) medyo napalakas yung basa ko dun sa “A FILM BY JAMES CAMERON” na nakasulat dun sa ibinigay sa akin. Kasunod nun, inaninaw ko naman yung isa pang binebenta.

Sumabat yung tindera…“o iyan nga yun kasi si James Cameron ang bida o tignan mo!?” sabay kuha niya sa ikalawang CD. “Ito from the director of Titatic, ibig sabihin yun ang director pero hindi si Camarons ang bida.” Oo Camarons na ang pagkakasabi niya sa pangalawang beses.

Dahil pigil na pigil na yung tawa, kinuha ko na lang yung sinasabi niyang bida si James Cameron tapos sinabi ko bago umalis…“ang galing nga ni James Cameron dito at malamang manalo pa siya ng Best Actor sa Oscars.”

Palagay mo? Bida rin kaya si Oscar?

naks®

23 comments:

SLY said...

iisang tao lang pala ang james cameron? kala ko kasi dalawang ang bida.. si james at ang leading lady niyang si cameron.. nyahaha

EngrMoks said...

hahaha... ayoko ng saw... masyadong morbid.. saka nakakasawa na dami ng sequel...
Yung paranormal..sa umpisa ka lang magagandahan..mapanood mo lang sya ng isang beses okay na..pag inulit mo pa..aantukin ka na...
yung avatar...atat na ko mapanood yan sa mga sinehan..kaso sa ngayon puro mmff ang palabas...meron nga sa MOA kaso Imax naman..hehe nagtitipid

RJ said...

Sabi ko na nga ba tungkol sa Avatar, eh.

Naaawa ako sa mga taong hindi nakakaunawa ng maayos. Huh! Kapag nagbabasa ako rito sa blog niyo napapaisip ako palagi kung ano maitutulong ko sa ating bansa, in this case sa education.

abe mulong caracas said...

SLY...as in lebron james and cameron diaz ba bro? hehehe. kumusta ang sodi? ang mga alagang hayop natin dyan?

MOKONG...sa sinehan yata sa baclaran and sa recto may avatar engr. yan eh kung kaya ng powers mo na manood sa mga sinehan dun hehehe.

RJ...nahiya naman ako bigla sa comment ni doc. well tama ka, baka naman kasi siya ang mapahiya kung sasabihin ko na pareho lang ang CD na binebenta niya at hindi artista si james cameron.

glentot said...

Wrong, kalaban ni Camarons si Oscar nyahahaha ang adik nung nagtitinda. Mabuti na yan keysa offeran ka ng X kahit malayo ka pa sinisigawan ka na...

The Gasoline Dude said...

Hahaha hagalpak ako sa tawa sa hirit ng tindera. Camarons? 'Di ba hipon 'yun? LOL

2ngaw said...

Hehehe :D sana nagtanong ka kung may pelikula syang ang bida eh si macaroons lolzz

Tama si Doc RJ kailangan ngang matulungan sila, pero sa kabilang banda, WAG NA!baka di lang pirated DVD ang ibenta nya kung sakaling magkaruon sila ng pinag aralan :D

A-Z-3-L said...

lolz! sana...maging BEST ACTOR si OSCAR!!!

pero wag ka nabola ka ng tindera... :)

Dhianz said...

haha... katawa kah tlgah kuya mulong... ei have a blessed new year sau... ingatz... Godbless! -di

p.s. hahaha.. for some reason natatawa pa ren akoh... haha.. laterz! =)

m u l o n g said...

GLENTOT...ah ganuon ba? saan nga ba sila naglalaban? teka nga ano ba ibig sabihin ng X?

GASOLINE DUDE...hindi ah, di ba yung camarons yung matamis na parang maliit na cup cake na gawa sa niyog?

LORDCM...oooops pahabol gas dude...macaroons pala yun, buti nabasa ko comment ni lord nyahaha

AZEL...hindi ah. nagbolahan kaya kami hehehe

DHIANS...sige lang tawa lang ng tawa...sige tawa pa! hahaha

Rico De Buco said...

hahaha..ang galing ng salestok ni nanay at nadale ka niya..aus na aus..natawa ako dito..aprub!

Kosa said...

At dahil nAtawa k pArekoy eh bumili k? hehehe

astig si manang!
Natural b na komedyAna?

Pordoy Palaboy said...

good to start my day with these humors!

KESO said...

Hahahaha. ayos kuya.
nttwa ko. :D npdaan. :D

Amorgatory said...

parang feeling kow parehong dvd tayowng nabili lols...pero ang mahal sakin eh 60 amfness

ahmer 'aka' w.a.i.t said...

Naks!

i'm back with new home : )

punky said...

naks naman! pahiram ng bibidi! hehe! remember me pa? shimanoy? punky? bago na site ko! add me sa blogroll mo ha! nasa list na kita! maraming salamat!

Jag said...

isusuplong kita ke ronnie rickets haha!

MgaEpal.com said...

Sana ay magkaroon kami ng tapang para panoorin ang Parangnormal

yung saw maganda talaga unahin nyo panuorin yung 1 tapos sunod sunod na yan.. wag nyo panuorin habang kumakain ng manok.

AVATAR, solid sa 3D

BABALA:
Wag bibili ng fake na DVD... kung hindi pwede testingin.

Pau said...

Hahahaha! Naaalala ko yung conversation ng friend ko sa nagbebenta ng DVD series.

Friend: Kuya, meron kayong FRINGE?
Kuya: AH MERON! Season 1-6 kumpleto namen!
Friend: (HUH!? Season one palang ang meron ah. Astig si Kuya. ADVANCE!)
Kuya: Teka ah. Hahanapin ko.
Kuya: Eto na po yung Fringe. (F-R-I-E-N-D-S yung nilabas niyang DVD)

Na-share ko lang! First ko din pala mapadpad sa blog mo. :D

Random Student said...

punong laitero ka talaga hehe, kape-kape

Sikat ang Pinoy said...

Try mo rin manood ng AVATAR sa iMAX siguradong sulit yung ibabayad mo. Yun nga lang PhP400 ang ticket. Pero yung mga scene na dapat mong makita sa 3d environment ay nakakabighani. Mapapailag ka sa mga aksyon na hindi mo pa nararanasan sa mga ordinaryong films. By the way, pwede po bang makipag exchange link? eto po ang email ko: walakasaloloko@gmail.com

URL: http://www.walakasaloloko.info
Title: Sikat ang Pinoy - Wala ka sa LOLO ko

Paki-inform nalang po ako sa email ko kung kayo ay pumapayag sa aking munting kahilingan. Salamat!

Admin said...

Hahah! Galing naman....

Actually... Number 2 na ngayon next to Titanic ang AVATAR sa Box Office according to IDMB!

Hehe :)