Saturday, January 23, 2010

Katangahan Blues (Counter Fllow)


A few year ago, or let’s just say not so long ago, (pilipitin nyo man ang toot toot ko, hindi ko sasabihin kung anung taon ‘yun!) one of the yippies pa ang tawag ko noon sa sarili ko, nakilala ko ang salitang “counter flow.”

Ganito ‘yun….

Pinalad na lumanding ako nuon bilang isang manunulat sa isang national government agency na binuo para isang napakahalagang okasyon sa bansa.

Matapos ang isang event sa may bandand Ermita sa Maynila, napag-utusan ako at ang aking team na bumili ng meryenda para sa mga miyembro ng media (at para na rin sa mga PG kong co-staff kasama na ako.)

Jollibee Meal, burger, fries and coke, 50 orders. Madalian ang order. Kailangan kasi naming makarating ng Kawit, Cavite nang hindi pa natatapos ang isa pang event. Kapag nagkataon kasi, baka isalaksak ni Boss sa bituka namin yung mga bitbit namin.

Eto na, soooobrang traffic sa may Coastal.

‘Yun bang tipong mumurahin mo yung kapwa mo motorista na para bang kayo lang ang may karapatang dumaan sa kalsadang iyun. Kung baga sa opis, bisi-bisihan at dahil may hinahabol kami, galit-galitan kahit alam naman naming wala naman kaming magagawa.

Para malaman kung ano na ang lagay namin, tumawag na ang Boss. Kami naman si aligaga kahit hindi pa naman talaga namin alam kung bakit nga ba siya tumawag.

Nuon namin nalaman na kadaraan lang pala nila at malamang daw sila ang dahilan ng mabigat na daloy ng mga sasakyan. At para daw isang instruction na lang pina loud speaker yung cellphone…AKO ANG KAUSAP.

San na daw kami? San daw in particular? Sa tapat ng ano?

Nang makuha ang mga detalyeng kailangan, ang sumunod na utos niya…mag hazard daw (kahit hapon!) at mag counterflow kami. Ako naman si “OK po Sir.”

AKO: O, mag counter flow daw tayo, pero teka paano tayo lulusot dito? Anong street ba yung counter flow? San ba papunta yun? Di kaya traffic din dun?

BOSS: Oh my God! W#$5^*&@!!!!!

Hindi ko pala napatay ang cellphone. Nice meeting you counterflow! (Thanks to my ex-Boss)


naks®

17 comments:

SLY said...

wehehe, nakakaaliw.. bro anong nangyari sa meryenda? on-time delivery ba? o naisalaksak sa inyong bituka?

dencios said...

hahaha

wag kasi mataranta nextime!

sabihin mo sa boss mo wla sya magagawa at traffic! susme!

glentot said...

Iba na talaga ang busy!!!

chingoy, the great chef wannabe said...

walastik ka! kakahiya! hahahah

2ngaw said...

Hehehe :D Buti pala na-hire ka na ng boss mo bago nya pa malaman ang lahat lolzz

Kosa said...

ahhhh ikaw ang mamang tsuper?

ganun talaga yun kapag natataranta. Opo lang ng opo!
tapos?
hehe:D

eMPi said...

hahahaha... ayos! ayan kasi... easy lang kasi pag kausap si Boss! :D

Amorgatory said...

san na ung jbee?hahahah??sinu kumain?

Dhianz said...

hahaha.. aliw kah tlgah kuya mulong... laterz.. Godbless!

m u l o n g said...

SLY...di rin kami umabot pero ang tanda ko ipinamigay na lang namin sa mga tao duon yung meryenda

DENCIO...kasi mga parekoy sila mismo nag counterflow kaya iyun ang utos niya, malay ko ba kay counter flow?? hehehe

GLENTOT...bisi-bisihan lang

CHINGOY...sinabi mo! kaya nga napa OMG si boss eh, kumusta na kaya si Sir Jess?

m u l o n g said...

LORDCM...naalala ko tuloy nagme-meeting kami eh may langaw, tinuro niya sa akin, nung dumapo sa bintana, hinampas ko ng dyaryo...nanggaliiti na naman siya sabi "dont squash it over the window!!" hahaha

KOSA...di naman siyempre, may service kami. ano ka ba, govt yun eh, sa govt lahat ng trabaho binabayaran lols.

MARCOPOLO...yes boss

AMOR...kinain naming mga PG at pinakain din namin sa mga hampaslupa hehe

DHIANZ...sige tawa lang dianne!

punky said...

wag mataranta.. tara kain tayo!

DRAKE said...

Okay lang yan, ganyan talaga! para lang yan yung Fllow mo sa Title, double LL!hehhee

ahmer said...

galing ni counter flow... hehe
thanks sa link ha " )

Jag said...

bwahahaha adik! e d naisalaksak nga sa inyong mga bituka ang mga dala nyo? lol. nga pla may nagnominate sa akin sa 100 handsome Filipino bloggers...ikaw b ung nagnominate sa akin? lol.wahaha...

check this: http://laboyboy.blogspot.com/2010/01/search-is-on-for-top-100-most-handsome.html

p0kw4ng said...

ahahaha ako nga di ko pa din nakikilala si counter flow eh!

ugali ko din yan minsan..oo lang ng oo tapos saka ko iisipin yun pag baba ng phone kung ano ba yung inuohan ko at ano!

Anonymous said...

So nalaman mo ba kung saang street yung counterflow? Natawa ko, eto ebidensya, hahahahahahaha!