Saturday, October 31, 2009

Kwentong Undas

Lahat siguro tayo nangolekta ng mga tulo kandila sa mga sementeryo nuong araw. Yun bang gagawing hugis bilog tapos ibebenta.

Pero ako, dalawa ang ginagawa kong bilog. Yung isa ipapasa ko sa eskwelahan kasi kailangan daw para makagawa kami ng floor wax. Kaya pag umuwi ako, napapagalitan ako kasi magkahalong gaas at tinunaw na kandila ang amoy ko!

Eto ka, may pagkakaiba yung iniipon kong kandila. Yung galing sa mukhang mamahalin, sa teacher yun para ma-onor ako! Sabi ko mukhang “earth.”

Yun namang pangbenta, nilalagyan ko ng bato sa gitna…pampalaki at pampabigat. Akala ko naman ako lang nakaka-isip nun. At akala ko din, hindi yun mabibisto ng mga bumibili.

Eto na, minsan isang undas bago pumasok ang taon kung kelan ako tinuli, antok na antok na ako nung pauwi na kami. Hanggang sa nagkapalit na pala yung mga binilog na kandila.

Tanong tuloy ni Maam kinabukasan, “gusto mo bang ipukpok ko sa iyo ang batong sinama mo sa kandila?”

Ayun umuwi ako ng umiiyak. Big deal kasi pag napagalitan ng teacher eh…baka hindi ako ma-onor!

...

Nung first year college, Manila boy ako! Kaya kailangan todo porma…kahit undas!

Impluwensya ni Agis ‘yan. Taena kasing payatot na yun, paniwala niya, dahil maraming tao kapag undas, it’s a must na may bago kami kahit sa sementeryo lang pupunta. Ang jologs ano!?

Uso nuon sa Maynila yung sandals na pang aktibista. Lalo pa’t taga Peyups ako, kaya talagang tinarget kong magkaroon ng ganun para pang Undas.

Nagtagumpay naman ako. Kaya nga lang nung November 1 na mismo, umulan ng malakas.

Kaya nung gumabi na at oras na ng pormahan, lusak at maputik sa malaking bahagi ng sementeryo. Dahil kasubuan na, pinanindigan ko na lang.

Gumala kami sa sementeryo suot ko yung (lintek na) sandals na yun habang nagpuputik ang paa ko!

Di baling maglupa ang paa, makaporma lang!

...

Pag undas, nagkakaroon tayo ng mga kakilala na tuwing November 1 lang natin nakakahalubilo.

Sila yung mga di naman talaga natin kakilala pero kakwentuhan at kapalitan natin ng chichirya habang nagbabantay sa mga puntod.

Sa paglipas ng taon, napapansin natin yung mga pagbabago. Tulad na lang ng mga batang kaedad ko noon. Mahihiya ka nang titigan siya kahit alam mong siya kalaban mo sa pagkuha ng tulo ng kandila noon.

Dalaga na aksi siya ngayon.

Ngayong undas siguro, pamilya namin ang mapapansin nila. Nabawasan kami ng isa, wala yung lagi naming taga dala ng mga kandila, si Kaka.

Magugulat yung mga katabi namin na makitang yung litrato niya habang nasa harap na ng isang nitso at may tirik ng kandila.


naks®

16 comments:

glentot said...

Hmm kapansin-pansin na ang mga Halloweeen stories mo ay hindi horror (except yung pinagalitan ka ni teacher, horror talaga yun kapag bata pa).

Jepoy said...

AY tuli ka na pala. LoL

Taga PeYups ka pala! Alam mo bang pangarap ko ng iskul yan?! Naubusan ako ng form noon sa probinsya kasi limited lang ang copy.

Sinu si Kaka?

Kosa said...

napapanahon..

oo nga, undas na naman...
araw para sa mga mahal sa buhay na nauna na sa kabilang buhay.

marami talaga tayong kanya-kanyang kwento tuwing undas... pero ang mahalaga, mairaos natin ito ng mapayapa..

di ba may bagyo ngayon?
kmusta kaya ang magiging undas ngayung taon..

abe mulong caracas said...

GLENTOT...di ko naman sinabing Halloween stories eh. Undas lang naman kaya pwedeng iba hehehe. Wala ngang nakakatakot...kata cute lang!

JEPOY...laki naman ng problema mo kung bakit di ka nakapasok ng peyups...forms wahehe.

Kapatid na panganay ang Kaka. Siya rin ang tumayong ermat namin nung naunang umalis si ermat.

KOSA...madami pang ibang kwento ang undas, may malungkot, may nakakatkot.

Sa ngayon pare maulan nga buti di naman ganuon kalakas.

Anonymous said...

Nakakamiss ang undas sa atin.
3 years na rin aong absent sa Sementeryo... Sa puntod ng Lolo ko.

Parang story mo... Malamang yung nagbabantay sa katabing nitso ng Lolo ko, magugulat rin. Kasi yung Lola ko na taga-dala ng litrato ng lolo ko tuwing undas, kasama na ang litrato sa lapida ngayon.

RJ said...

Hahaha! Nabinyagan ang sandal niyo! Lesson ito sa lahat ng mga nagpaplanong magtsinelas papunta sa sementeryo ngayong November 2, lalo pa nandyan si Santi.

DRAKE said...

Ang Nov.1 din ay parang high school reunion din. madalas bumibili pa ako ng bagong damit, para makaporma lang!hahah! Parang pasko!

Di ko gawain ang manguha ng tulo ng kandila pero buong kandila ang ninanakaw ko!hehhe

SLY said...

pano kita i-link? di ko alam e..

spinx said...

Nov. 1 din ang panahon ng pagtambay sa sementeryo, daming chix sa mga panahong yan, kaya todo porma talaga kahit pa na sabihin nilang sa sementeryo lang ang punta mo!...nice post

Random Student said...

kulet. batang mandurugas hehe. ayus yung teacher hehe. bantay bata. nakaka relate ako sa pagporma noong bata pa to socialize tuwing undas kasi nga parang piyesta. piyesta ng mga buhay rin.

p0kw4ng said...

ahaha gusto ko din yang sandals na yan dati...mukhang umaakyat ng bundok!

masaya na si kaka sa taas..laging nakadapa!

Unknown said...

Wow nmn. Naks! ahaha, ayun di nmn kakatakot eh, puro ka_cutetan lang haha.

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

AL Kapawn said...

naalala ko rin yung ganun.. nangongolekta ng tunaw na kandila para gawing floor wax sa skwela.

April said...

Hahaha. Naala koh tuloy nung bata pa ako. Pero bata pa nmn ngayon eh hehe. Nag-iipon din ako ng mga natunaw na kandila sa bahay man o smenteryo. Pero itong nakaraang araw ng mga patay eh di ako nakadalaw sa sementeryo. Ang hirap kasi pmnta pag may bata kang kasama. Pero nag-pray nmn ako. ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run

Superjaid said...

bat biglang segwey sa dulo..??anyway..di naman horror yung kwento mo..kaya natuwa ako kuya..hehehe

Anonymous said...

Terible ngang mapagalitan ng teacher... nung mga panahon yun. Lahat kasi ata ng teacher noon terror na horror pa.

Jologs nga magpa cute at pumorma sa sementeryo..