Thursday, June 4, 2009

Linlangan Na 'To!

Alam nyo ba ‘yung Nobel Peace Prize?

Isa daw ito sa pinaka prestihiyosong karangalan na maaaring matanggap ng isang tao sa buong mundo. Kung sandamakmak man daw ang kwarta ko sa aming aparador, hindi ko pa rin ito mabibili.

Ganyan katindi ang award na ‘yan. Walang panama dyan ang Oscar’s kahit manalo ka pa ng Vocalist of the Year o kaya eh Grammy’s kahit masungkit mo pa ‘yung Director of the Year.

Kailangan daw, may mabuti kang maidudulot o maibababahagi sa mundo mong ginagalawan.

Siyempre iyan naman eh nasa ibat ibang kategorya. Hindi naman pagsasabung-sabungin na lang ang mga taong sa ibat-ibang larangan. Kung baga, ang kalapati eh hindi mo pwedeng ilaban sa isda.

Iyun nga lang, hanggang sa ngayon pala eh wala pang Pinoy nakakatanggap ng naturang karangalan simula nang magbigay nito mahigit isandaang taon na ang nakakalipas. Mailap!

At mukhang ngayon pa lang tayo makakasungkit. Kasalukuyan na nga raw pinag-aaralan ng pamunuan ng Nobel Peace Prize ang mga katangian ng MGA Pinoy na kandidato. Opo, hindi lang iisa.

Alam nyo ba kung anong kategorya? Public Service!

Naks naman lupet!

Ang mga video sa ibaba ay ilan lang sa kanila, at mukang madami pa ang madadagdag sa listahan sa mga susunod na buwan.

Sige pag-aralan mo kung sino kaya sa kanila ang karapat dapat at kagalang galang na deserving manalo ng Nobel Peace Prize for Public Service!?

Ooooops patayin mo muna ang music sa gilid.





20 comments:

eMPi said...

ahhh... eleksyon na kasi... kaya ganon! hehehe!

Zweihander said...

Alam mo ba Kuya na pinangalan ang Peace award na yan sa nakaimbento sa dinamita? 'Di ba, napaka-peaceful.

At simula na nga pagbabasabog ng mga kandidato. Mmmm.

atto aryo said...

di ba si Cory nakuha na yan dati? teka, kalkal muna ako sa baul.. :-)

Trainer Y said...

heto na nga ang eleksyon..
ramdam na ramdam mo na...
amoy na amoy mo na....

Rhodey said...

ay malapit na pala eleksiyon? kaya pala umaahon na naman ang mga buwaya aheheheheks...

2ngaw said...

Aba!!!Nangangampanya ka ba?!!!

Anonymous said...

GUsto ko rin nyan!!! ^_____^

SEAQUEST said...

Diyalogong patok sa komersyalngayon hehehe...kuya may isa po, ganito sa bayan namin, sana ganito sa buong bayan hehehehe...san ka pah...sa pinas ka na walng kadudaduda...

RJ said...

Election na talaga, ah! U

p0kw4ng said...

huwaw simula na ang utuan blues..lahat magpapanggap na galing sa hirap..wala bang magiging proud na galing sila sa yaman,hihihi

poging (ilo)CANO said...

election na naman...panahon na naman ng linlangan...

tsk..tsk...

EngrMoks said...

ang agang pangangapamnya..kunyari o deny pa yung iba na nagpapabango lang sila at nagpapa-publicize...obvious naman di ba?

HOMER said...

Wala pa mang eleksyon eh andami na nangangamapanya ayaw atupagin ang mga trabaho nila tsk tsk!

abe mulong caracas said...

MARCO...ayun...yun pala yun! kunyari di ko alam!

ZWEIHANDER...yap dr alfred nobel. actually it started as Nobel Prize lang kasi ang concentration nila nuon eh math and science lang...hanggang sumabog na nga ang mga may mabubuting loob hehehe

R-YO...di ko sure si Cory, yun din ang akala ko pero naging Time Magazine man of the year lang yata siya. Sige saliksikin ko rin!

YANAH...yun lang, ramdam na ramdam mo na, naamoy mo pa! mabantot sila ano?

RHODEY...oo nga patikim pa lang daw ang mga iyan!

LORDCM...di naman dre, pumi-PR lang at baka maambunan nyahaha

abe mulong caracas said...

DYLAN...ang alin?

SEAQUEST...oo nga ano pero hindi pa daw kasi ka level ang makati. talagang san ka pa nga? bakit kaya sa dinami dami ng matino, wala tayong mapala?

RJ...bumoto kayo doc, baka ang mga ofw ang magpanalo sa karapat dapat na manalo!

POKWANG...para ding sa mga partylist, bakit puro anakpawis, anak-dalita, sana magkaroon ng anak mayaman ano?

POGING ILOCANO...magkano na kaya ang halaga ng linlangan? hehehe

MOKONG...basta ako engr hindi ko sila nahalata, ganun pala yun? hehehe!

HOMER...di nga daw sila nangangampanya, nagpapakilala lang! magkaiba daw yun hehehe

Kosa said...

pampabango lang yan!

ewan ko ba, wala akong amor sa kanilang tatlo...

wala akong gustong maging presidente ni isa sa kanila..lol

Xprosaic said...

Sa totoo lang wala akong mapili sa lahat ng mga nagpaplano na kumandidato... Di pa rin ako boboto... oo alam mo masama yun... pero pass na muna ako... hayz...

Hermogenes said...

parekoy, ang hinahanap ko yung ad ni eddie gil, meron ka ba nun? yaikz!

dencios said...

wala akong masabi kasi ayoko sa kanilang 3! pero kung yung laman ng kampanya ang pag-uusapan e dun na ako ke villar. kasi OFW ako at halatang pinagisipan at reyalidada ang puntirya. e yung kay mar? sos! basura lang.wag nya ring gamitin ang pekeng relasyon nila ni korina, tarantado sya!

pero wala akong gusto sa kanilang 3!

Anonymous said...

Mar Roxas: ilang taon ka na?
Bata: Nene po..

'di convincing ang script ni Mar..una pang tinanong 'yung edad noong bata, tapos sabay tanong ng "ano ang pangarap niyo?"

hayss..

sablayss..