Dahil alam kong marami sa taga rito ang tagahanga ni Bob Ong, hindi ko ito hahabaan. Hindi rin ako mag-a-ala critique at baka bigla na lang may bumatok sa akin ‘pag may nakakilala sa akin at nakita akong nakasakay sa MRT.
At baka hindi pa masisiyahan, duruin pa ako at sabihin “akala mo kung sino ka!”
Pero positibo naman ito! (Eeeeengk! Biglang kambyo)
Nakabili na ko ng kalalabas lang na aklat ni Bob Ong. Tulad ng dati, sa pamagat pa lang eh mapupuno na ng katanungan at imahinasyon ang kukote mo.
“Kapitan Sino.” Kung baga sa nakasanayang paghanga, taytol pa lang ulam na.
Pero yan eh kung pamagat lang ang pagbabasehan mo.
Sa mga naunang aklat ng premyadong manunulat na si Bob Ong, pinaka maganda para sa akin ay ang aBNKKBSNPLako, ang panganay sa mga anak ng utak niya
Dito kasi, nailatag agad niya o ng isinulat niya ang sarili sa contemporary Philippine literature. Bagamat sa tingin ko eh si Mang Jun (Cruz-Reyes) ang nauna sa ganitong estilo, napukaw din ng “makulit style” niya ang atensyon ng mga nanatiling magbasa ng panitikang Pinoy.
Sumunod na lumabas ang “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?” Kung nabasa mo ang una, mae-excite kang bilhin ito. At dahil mas malaki at mas makapal sa unang aklat, iisipin mong mas sulit at di ka mabibitin.
Pero….hmmm ok lang!
Pangatlo, “Ang Paboritong Libro ni Judas.” Ganuon ulit. Hmmm ok lang! Pero hindi na ganuon ka-ok. Parang dumami na yung sangkap na wala o nagkulang.
Nabalitaan ko nung lumabas “Ang Alamat ng Gubat.” Hindi ko binasa ‘yung mga reviews sa dyaryo…at hindi na rin ako bumili ng libro.
“Stainless Longanisa” ang panlima. At dahil nanduon pa rin yung craving ko na makabasa ulit ng Bob Ong. Bumili ako. Ayun, hanggang ngayon hindi ko pa natatapos! Napaka-boring!
Sa loob-loob ko, bakit pa ko bibili ng “MacArthur” noong ito na ang naka display sa National Bookstore.
Pero parang nang-aakit si Kapitan Sino.
Sakay pa lang ako ng bus pauwi, binabasa ko na ito. Noon pa lang din, napapangiti na ko ng palihim at pinipigil ang tawa dahil sa binabasa ko. Ayaw kong tumingin sa ibang pasahero. Baka kasi may makita akong nakatitig sa akin na tila nagsasabing “may toyo ako tumatawang mag-isa pero walang kausap.”
Parang ayokong bumaba ng bus kasi mabibitin ako. Pero kailangan. Pagdating ko ng bahay, isang upo lang, walang kain, yosi at tubig na malamig lang! Tapos!
Maganda ito. Peksman. Hindi ko tatalakayin ang nilalaman ng kwento mismo pero ibinalik ni Kapitan Sino yung hinahanap kong timpla sa unang lutong natikman ko. Sa totoo lang, may kurot sa puso sa bandang huli.
Di ko alam kung tama pero, call it redemption for Bob Ong.
naks®

31 comments:
sabi ko dati hindi ako panatiko ni bob ong: ang unang libro kong nabsa ay stainless longaniza, nalaman kong isa pala siyang blogger bago naging isang ganap na author ng libro.
nanabik ako. at unti unti kong nabasa at nabili lahat ng libro niya.
ang pinaka ayaw ko na book niya (kabaliktran sa gusto mo) ay ang kapitan sino , dahil siguro ang tagal kong inabangan ng libro pero hindi ako masiyado na impress, siguro ay dahil ayaw ko ng fiction na may nalipad lipad tulad ni rogelio.
kung kumirot ang puso mo sa kapitan sino. Inirerekomenda kong basahin mo ang MAC ARTHUR iyan ang pinakapaborito ko sa lahat ng kanyang libro. Madrama yan masiyado kapupulutan ng aral :)
cge kwento mo ha...wla dito nyan pero mukhang malalim at nkaka-intriga...hehehe tc
Sino?!!! lolzzz wala pa kasi akong nabasa na libro nya hehehe
PABLONG PABLING...magkataliwas nga tayo, stainless longanisa ang pinaka-ayaw ko. hindi ko iyun nagustuhan.
nakilala kasi si bob ong bilang kwentista tapos naglabas ng ganuong genre of writing na medyo credit grabbing ang dating.
kapag napilit ko ulit yung sarili ko, susubukan kong humabol sa macarthur.
DARKHORSE...oo malalim kasi ang bida, superhero na lumilipad, naka tights, naka helmet na hugis itlog! hahaha
may lalim din naman!
LORDCM...yan ang comment! sino nga yun? hahaha! sana dinugtungan mo ng hindi mo kilala si bob ong! nyahaha!
ma eenjoy mo mac arthur :) haha
hanggang ngayon di ko pa tapos ito... pareho tayo ng opinyon ukol sa mga sinulat ni Ginoong Ong.
Pinakamaganda nga yung abnkkbsnplako...
Okey na yun pre, baka kasi mapadaan dito si Bob Ong sabihin masyado ako mayabang lolzzz, pero kung may e-book ka pre ni Bob Ong, padalhan mo ako ah :D
ayos nga yung librong yan, kakatapos ko lang din basahin yan at nakikiliti nga ako habang binabasa ko yan..
peborit ko din kasi ang mag tights, sa birthday ko kelangan naka tights ako haha
Actullay wla pa akong nabsa kahit isa sa mga libro nia pero naaamaze ako sa mga comment diyan sa kapitan sino kaya i'l try to find one at the bookstore sa awa ng Diyos until now wala pa ko nabibili at wala na daw nun tinanong ko tong branch na hinanapan ko...anyways, kwento mo na lng kaya hehehe (lols)
i've heard so much about Bob Ong's works but i haven't read even one. i know some titles kaya kunyari na lang nabasa ko para in. but i guess i have to buy one pagbalik ko this july.
kumpleto ako tol ng mga libro ni Bob ong... at yung libro na ito ang pinaplano ko pa lang bilhin...pag may time...
HAhahahaha ako din ang abankkbsnpla ako din ang pinakagusto ko so far... pareho kami ni mokong... eto na lang makokompleto ulit ang collection... may isa pa akong libro na nabasa na puro din kabalahuraan makulit din... uhmm... Last order ng Penguin ang pamagat... jijijiiji
ipadala mo nga dito ang mga librong yan kuya... wala pa akong nababasa sa sinulat ni Bob Ong kahit isa.. kawawa naman ako :( di ako "in"...
wala pa ren akong nababasa sa book nyah... bilhan moh nga akoh nang lahat nang books nyah... parang charity lang... para may mapasaya kang tao... =)
Godbless! -di
PABS...sige pag nagkapagkakataon hahanap ako. pero may isa pang naka-line up eh...yung kay vlad garcia.
GILLBOARD...try to compare lahat ng libro niya sa isat isa.
LORDCM...eh ano kung mapadaan siya? hahaha! E-book? Election book ba? wala eh sa comelec website baka meron! lols.
KHEED...sige sa berdey mo aatend ako at magsusuot ako ng tights pero yung black para di masyado mabukol hahaha!
MOKONG...dahil matagal ang ff up na ito, sabi dapat daw bilhin. hmmm ewan ko lang di naman ako ganuon ka eager pero binili ko lang talaga.
XPROSAIC...last order ng penguin? sino otor? gusto ko din kasi yung "isang malaking kaastigan" eh. baka yun muna bilhin ko!
AZEL...di naman sa di ka IN. di rin naman sila kawalan hehehe lalo na sa isang tulad mo!
DHIANZ...ano kamo? hahaha!
late na kung late pero nasa Alamat ng Bubat pa din ako...di ko pa matapos tapos dahil sa lintek na hmmternet na ito..ahahaha
pero maganda nga yung panganay nya..tawa ako ng tawa!
di ako makarelarte kasi wala pa akong libro ni BO na nabasa paguwi ko subukang kong bumili ng lahat ng books nya :)
parang...parang....parang.... parang maganda yan......wenks... maganda yan... sa mga nabasa kong aklat nya...parang ito yung aklat niya na masasabi kong "pinaghirapan"... parang mababaw ang mga konteksto....pero may mga malalalim na ideyang pwede mong ipakahulugan dito... ^_^
makiki comment lang (Feeling close o mas kilala sa term na FC)
Hindi ako fan ni Bob Ong period! ahahaha
Pero...
Nung nag start akong mag sulat ng pinoy style parang gusto kong mag basa ng Bob Ong kaya bumili ako ng kapitan sino
Di ko Sinusimulan kasi Meron pa kong binabasang iba pero babasahin ko tapos babalik ako dito sa comment field mo ahahaha
Yun lang po! Bow!
POKWANG...akalain mong wala akong alamat ng gubat!? nyahaha. totoo bang ang alamat ng gubat ang pinagmulan ng bulbol? bashtush
DENCIOS...ah ok! hehehe
SUPEGULAMAN...parang....parang nabasa mo na. kasi ang galing ng analysis mo hehehe! mismo!
JEPOY...sa totoo lang. ako rin! teka lang ano yung nagsulat ng pinoy style? hindi bat everybody can claim a writing that is on a pinoy style?
Gnda ng post mo fren. Naintriga rin tuloy ako..hehhehe Napadaan lang para bumisita..=D Dalaw ako ulit sa sunod.=D
A Writers Den
The Brown Mestizo
Medyo iba opinion ko sa book na "Kapitan Sino"
Probably the worst book he made. Di nya talaga forte ang fiction.. Mas okay pa nga yung "Alamat ng Gubat".
Eto e sakin lang naman..
Love koh ang pamagat nya hahaha. More post pls.;D
Travel and Living
Jobhuntpinoy
ntapos ko na din lahat ng buk niya,gusto ko yung paboritong libro ni hudas.saka yung mcarthur nakakaiyak,nkakakilabot.
yung kpitan sino hndi maapreciate ng iba dahil yung setting prang dekada-70 o 80,kaya wala silang ideya sa mga pinagsasabi ni bob ong,haha,
may nakapag-sabi nga rin sa akin na maganda yung "kapitan sino"
pero kung ako ang tatanungin, pinaka-astig para sa akin yung pinakauna- yung ABNKKBNPLako. masmagaan kase yung dating nun at swak sa aking panlasa.
siguro dahil nakarelate ako at nangyari sa akin yung mga napagdaanan nya nung sya eh bata pa at nakikipagbunuan pa sa iskwela...
may e-book ako nung ibang mga libro pa nya na bigay sa akin ng isang blogger na taga wordpress pero hindi ko pa natatapos lahat. medyo boring kase yung binabasa ko ngayun (alamat ng gubat)..lols sobra lang siguro yung expectations ko.
bokbok hehehe malungkot nga ang ending ..
SUMMER...salamat po. mura lang naman eh 175, bili ka na!
COMMENT DELETED...oist ano ang comment mo?
HOMER...hindi niya forte ang fiction? di ba isa lang naman ang libro niya na hindi fiction? yung stainless longanisa?
SOLO...pamagat ng?
HARI NG SABLAY...80's naman yun kasi nandun ang paboritong kong sina kaselyn francisco at fredmoore delos santos. anong di ka maka relate? impostor hahaha
KOSA...pareho tayo mataas ang expectation sa unang anak. parang itinaas ka ng sobrang taas pero bigla kang ibabagsak sa mga sumunod lalo na sa stainless longanisa.
buti na lang medyo bumawi siya dito kaya nasabi kong call it redemption.
KORKI...oooops rogelio payat ako hehehe!
daming tao. nalulunod ako. :D
disconnected ako lagi kaya di kita mareplyan bossing!
nabasa ko lang yung baliktad magbasa tsaka yung macarthur... yun lang nahiram eh...
sana may magpahiram ng iba... hehe
ganda nga ng cover ng libro, mukang interesting...
Post a Comment