Ilang beses na bang sinagip ng mga Kano ang buong mundo…
sa pelikula?
Hindi ko na maalala kung anong taon ipinalabas ang pelikulang Armageddon na pinagbibidahan ni Bruce Willis. Ito yung pelikulang action-drama pero mapapa-wow ka. Yung tipong pagkatapos mong panoorin eh mapapa-palakpak ka rin sabay sabing “yeeees we were saved!”
Sino ba naman ang makakalimot sa eksenang bago lumipad papuntang kalawakan ang mga magiging tagapagligtas eh kumakanta ng “I’m leaving on a jet plain, I don’t know when I’ll be back again…”
Siyempre, ang pagpapaka-bayani ni Bruce Willis matapos isakripisyo ang buhay para sa mundo. Hindi ba dapat eh ang manugang niyang hilaw ang magiging alay sa kalaban?
Ang malupet pa doon, bago sila ipadala ng NASA, dumaan sila na matinding screening upang alamin ang kanilang lakas at kakayanan kung may K ba sila. May Elimination Round, kung baga. Kung talent show iyun, malamang na ang title eh “Talentadong Kano”
Isa lang ‘yan ha. Pero di mo mabibilang ang mga pelikulang halos may kaparehong tema na ang watawat ng Amerika ang iwinawagayway sa pagsagip sa sangkatauhan. Nandiyan ang Twister, Independence Day, The Day After Tomorrow at kung anu-ano pa.
Kahit naman noon pa, laging sila ang bida. Sa cartoons na lang, lahat ng SUPER nasa kanila pa rin. Ano man ang kapangyarihan, sa lupa, sa dagat, sa himpapawid, meron silang pantapat sa ano mang kalaban.
Aba eh kulang na nga lang yata maging si Casper eh magkaroon din ng pagbibidahang pelikula habang nakasuot din ng kapa.
Duon na lang sa Angels and Demons. Kung di ba dahil kay Robert Langdon, malalaman ng mga taga Vatican ang puzzle at ang mga clue na magtuturo sa bombang sasabog pala ng ganuon kalakas?
Baka kung nagkataon, kahit nasa Vatican pa ang bomba, sabog pa rin ang Pilipinas dahil sa lakas niyun. Utang nating lahat ‘yan kay Robert Langdon ng US.
Ang ipinagtataka ko lang, bakit kaya ngayong may pandemic na sa Influenza A – H1N1 virus eh tameme ang mga kano? Bakit kaya ayaw maglabasan ang mga superhero nila, yung mga tagapagligtas ng mundo?
Aba eh pagkakataon na nilang patunayan na hindi lang kathang isip ang pagiging bayani nila. Na sila eh atapang atao hindi atakbo!
Nakakahiya naman yata kung makakantyawan silang “ubo, lagnat at sipon lang ang pala katapat ng mga Kano.”
Araw araw, nadadagdagan ang bilang ng tinatamaan ng virus an ito. Kailangan na nilang umaksyon. It’s now or never!
At kung wala pa silang magiging hakbang, sa loob ng mga susunod na araw, Pinoy na ang dapat gumawa ng solusyon at siguro eh kaya naman.
Pagkakataon mo na…MISTER FU…ang tagabulabog ng buong universe! Me ganun?
naks®
26 comments:
oo nga no? lahat nang klaseng kaweirdohan meron sila aheheheks...
asan na ba kasi si kaptain america? baka naman may lagnat? aheheheks..
anak nang tipaklong ...
based pala ako dito...
burger, burger, burger... aheheheks..
he he. ganun talaga. me limitasyon ang pag-iilusyon. pag tumama ang tunay na delubyo, lahat tameme.
Hehehe :D Parekoy naman, wag na nating iasa sa iba ang gamot sa AH1N1 kung sinasabi mo nga na kaya naman....
at nagkataon lang siguro na hindi marunong ang pinoy gumawa ng pelikulang tulad ng armageddon :D
Saka wag ka mag alala, meron tayo Darna, Captain Barbell, Lastikman, Boy Bawang lolzz
nagkaroon ng Ah1n1 ang mga SUPER.... hehehehe
RHODEY...dahil ikaw ang naka base, meron kang masigabong palakpakan!
si captain amerika ay na promote na daw to general amerika kaya hindi na nakikialam eh
R-YO...kaya ngayon ko sila hinahamon bwahahaha! (tawang dimonyo)
LORDCM...yun na nga parekoy eh, kailangan daw gumawa muna tayo ng mala armageddon na pelikula to determine kung kaya ba ng ating mga superheroes.
tapos ang mga superhero natin, pang lokal lang, mga taong tuod, lalaking bwitre at kung anu-ano pang nilalang na sila pa lang ang nakakakita.
MARCO...ayan kaka SUPER duper nila na, sila ang tinamaan.
mahihina pala ang mga resistenya kasi ang mga babae halos nakahubad, ang mga lalaki may kapa man, maninipis daw ang mga tights na suot!
1998 pinalabas ang Armageddon.. la lang epal lang
sa pelikula at telebisyon lang naman yung sa Amerika umiikot yung mundo... kita mo transformers daming bansang babagsakan sa US pa lahat tumambay... eh mga Hapon gumawa sa kanila!!!
Sino ba nagpauso ng underwear-worn-otside saka men weraing tights and leotards in colors?! jijijijijiji... baka yun ang depensa nila sa AH1N1 jijijijijiji...
kaya na siguro yan ni Captain Barbel kuya.. o kaya ni Lastikman... lolz!
Binigyan mo tuloy ako ng palaisipan hahaha.
Bakit nga ba ang mga Kano at Super Powers na nasa kanila na lahat ng techology pero tila helpless sila swine flu, wala na nga bang silbi ang US of A.
Mukhang wala ng silbi ang mga super Heroes, baka ang ating si Palito ang syang maka solve ng swine flu.
Swine FLu pandemic + economic recession...
I suggest isalinwika niyo itong post niyo sa English para kapag may makabasang Kano, maunawaan nila.
Armegeddon ang isa sa paborito kong pelikula at ang director nito na si Michael Bay ang paborito ko..yup 1998 ito pinalabas sa Pinas, twice ko nga itong pinanood sa sinehan...
Wala tayo magagawa sila gumastos sila namuhunan, bansa nila dapat nilang ibida..sana lang ay makarating din tayo sa ganun...tulad nila!
dapat ang mehikano gumawa ng solusyon sila nagumpisa dun,haha ipadala nila si zorro.teka andito na pala siya sa pinas.lols
Ang tagal ko na sa post mo, pero di ko pa rin alam sasabihin ko. May ganun pala talaga. Kahit may gusto kang sabihin hindi mo alam sabihin.
Akala ko ikaw lang yun.
Ahaha!! nice post! Tayu namang mga pinoy gumagawa ng sariling version! tama nga yung opening line mo, Ilang beses na bang sinagip ng mga Kano ang buong mundo…
sa pelikula? Ipinapakita din ng mga kanong movie talaga how they always wanted world domination and sila ang makapangyarihan sa lahat..
Ang seryoso ng comment ko hehe!!
ako si BATMAN.napadaan lang..nagmamadali kasi eh.may lakad..
GILLBOARD...may tama ka! akalain mo pati mga robot sa kanila pa rin! kontra H1N1 na lang talaga ang kulang sa kanila.
XPROSAIC...yun na nga ang dahilan, satin pala ang ginamit eh ang nipis nun tapos lipad pa sila ng lipad kaya ayun, sinipon sila na pinagmulan ng kanilang karamdaman.
AZEL...capatain barbel and lastikman? bomalabs kasi pilipinas lang ang nararating nila eh!
THE POPE...di ba may punto ako? sabi ko na nga ba at magagaling lang sila sa pelikula eh!
RJ...isalinwika ba kamo doc...hmmmm teka lang ha, baka lumabas sa tenga ko yung dugo eh.
kawawa din naman sila pag nabasa nila dahil baka lalo lang magulo ang mundo nila.
MOKONG...ano nga ba pinag uusapan natin? sa ngayon, mas malabong may mamuhunan sa atin para gumawa ng ganung pelikula. Indie films na nga lang bumubuhay sa pelikulang pinoy eh.
HARI NG SABLAY...tama ka, iyun ang dahilan kung bakit hindi nila mapigilan ang pagdami ng h1n1 cases sa mexico, wala silang tagapagligtas.
DYLAN...haaay, iba kasi ang iniisip mo. in love ka nga hahaha!
HOMER...naniniwala naman ako bro na malalim ang mga pananaw mo eh. iyun naman talaga ang layunin nila, world domination!
POGING ILOCANO...oy batman, baligtad ang brief mo! lols
ayaw mo ang superherodi tinatablan ng malalkas na suntok pero pag tinusok mo ng karayon aaray yan haha. nakakahiya naman ang super hero na may ubo lols. pero syempre ang pinaka importante dun ay yung tumutulong pa din sila despite of their (swine) flu haha
isa lang ang panlaban sa h1n1 na yan ALAK!! tagay!!!!!
na miss ko panoroorin yang armageddon. . .
- gusto ko ba maging superhero?
para saan ba ang maging superhero?
kailangan ba talaga natin ng superhero?
pag may pakpak ka pwede ka maging superhero. pero pag ang tao may konsensya hindi na natin kailangan ng superheroes.
nice article! cool! I wanna add you to my blogroll po..
thanks! :)
parang may sumundot tuloy sa utak ko, di kaya si captain AMERICA ang may dala ng flu?
asking lang po...
Hindi ko pa napapanuod ang Armageddon, say it's weird sabagay, di ko kasi hilig ang panunuod ng mga panahong iyun!bata pa ako! kaya mga super super alam ko!
pero kung super hero ang pag-uusapan, aba'y marami akong ibibida jan!!!
hmmm... regarding the US as laging bida?
di ba totoo naman?
Ang pangulo nga natin eh, halos sambahin ang kapangyarihan nila. (Take note hindi pa yun super power panu na kaya kung si Captain o general America na ang pangulo nila, baka mangatulong nalang sa white house ang Proud President Kuno natin!)
don't get me wrong baka girahin naman ako ng mga avid supporters ng nabanggit na personalidad,...
sinasabi ko lang ang alam kong tama!!!
(haixt! kaya binunura blog ko eh!)
Huh? In love? Sino!?!?!?!
Ikaw?
DENCIOS...ano yun parekoy? ang gulo mo parang...
AMOR...gin, tubig at hope na maiksi! panalo!
PABLONG PABLING...wow di ko nasakyan yun ha, pag may konsensya ka, di na kailangan ng superhero, malalim.
IPROVOKED...salamat!
TONIO...yan din ang hinala ko!
SOMNOLENT DYARISTA...easy lang, umiinit agad ang ulo mo eh! hehehe
DYLAN...ako ba? hindi! ikaw ang sinasabi ko! uuuuuy
Post a Comment