Tuesday, June 9, 2009

Laki Ng Problema Mo!

Patuloy pa rin ang pabugso-bugsong pag-ulan. Wala daw bagyo sabi ng Pagasa pero sapat na ito para magkansela ng klase nitong nakaraang linggo. At kung hindi magbabago ang lagay ng panahong ngayon, posibleng maulit pa ang pagkansela ng pasok sa darating na mga araw.

Natuwa ang mga bata kasi nga naman eh hindi pa pumapasok sa sistema nila na pasukan na. Nasa bakasyon mode pa rin ang karamihan. Sabayan pa ng paligo sa ulan…panalo!

Pero marami rin ang napeperwisyo. Kung wala ka rin lang kasi sa bahay, hassle talaga ang ulan. Ang pinaka masarap na ambag na lang siguro ng ulan eh yung masarap matulog. At dahil panggabi ako, hindi ko rin mapakinabangan ang sarap na iyun!

Tapos sinabayan pa ng halos araw araw na high tide, mas lalo nang nalintikan! Little Malabon pa namang maituturing ang bayan namin sa Bulacan. Ano pa ba ang magagawa? Edi daanin na lang sa reklamo.

Para sa kaalaman ng lahat, napapalibutan ng tubig ang aming bayan. At dahil nagawan na ng paraan ang baha sa Malabon, sa amin ang bagsak ng mga tubig dahil diretso sa amin ang tubig na galing sa Manila Bay.

Gusto mo ng pruweba?


Medyo mababaw pa nga iyan ng konti. Kung sakaling pauwi ako pag inabutan ng high tide, nasa tricycle pa lang ako, nag-aalis nako ng sapatos at naglililis ng pantaloon. Sige reklamo lang ulit ng reklamo hanggang walang bayad! Basta wag mabasa ang lonta at sapatos.


Iyan ang daan papunta sa looban namin. Halos araw-araw ngayong mga panahong ito, ganyan ang eksena dyan (naiiba lang ng oras). Pero ok lang, sanayan lang yan. Pasasaan ba at muubos din ang high tide!


Sino pa nga ba ang mag-eenjoy sa tubig baha? Silang mga bata!

Ooooops teka lang, yan nga pala eh high tide lang ha, paano pa kaya kung sasabayan ng malakas na buhos ng ulan? (Knock on wood, hide tide na naman kasi itong linggong ito eh)

Kaya isipin mo na lang, paano ko nga ba maisusuot ang bagong sapatos? Haay!

Anak ng putik, yun pa rin ang problema mo?


naks®

27 comments:

dencios said...

alam mo mas malala sa amin kasi ako talagang walang ilililis ng pantalon kasi hanggang bewang ang tubig baha.lalo pag naulan at nabagyo. usually pag umaga wala, pag gabi o hapon lang nagkakaron. pagkaganon wala ng naliligong bata kasi malalim na.pero kung ako tatanungin sanay na sanay na ako at hindi na ako nabbwisit kasi sa lugar na yon talaga ako lumaki. i enjoy mo na lang, wag ka ng mapisti kasi masisira lang ang kaguapuhan mo bossing! :)

gillboard said...

yaan mo, ilang buwan na lang summer na ulit... masusuot mo na din yang bagong sapatos mo... hehe

Bingkay said...

mataas pala ang tubig. nakakasira nga ng mood ang high tide na yan!

mulong said...

DENCIOS...ok na sana parekoy ko eh, na dapat intindihin ko na lang talaga ang high tide. kaso dahil sa isang word nagmukha tuloy na wrong sent ang comment mo hehehe. yun bang kagwapuhan nyahaha!

maligo na lang sa baha bossing!

GILLBOARD...haaay sa summer pa pala iyun hehehe. dapat talaga kapote at bota na lang muna binili ko. lols!

BINGKAY...sinabi mo!

2ngaw said...

Asa ka pa sa PAGASA!!! Lolzzz, Kapag sinabi nilang Signal No. 3 ang tindi ng sikat ng araw, pero pag sinabi nilang walang bagyo ayan at bumabaha pa :D

Tama si Gillboard brod, konting panahon na lang at summer na muli, pagtapos ng bagong taon kita mo summer na

eMPi said...

tsalap lumangoy... hehehe! teka parekoy, araw-araw ka umuuwi sa bulacan? e di araw araw ka rin nalulunod sa tubig na yan?

ang hirap naman ng ganyan!

Xprosaic said...

Gamit ka bangka! o di kaya mag jet ski ka! Para sobrang angas sa chicks! jejejejejejejejeje... Magtsinelas ka na lang at nakapambahay habang papunta work tapos pagdating doon saka ka magbihis! hmmm... hihihihihihi -peace-

darkhorse said...

nanaalala ko tuloy noong bata pa kami lumulusong sa baha at iniisip namin na swimming pool...dami ko pa nga nainum na tubig noon...lol

Dre ingatan mo sapatos mo - bago pa naman!...lol tc

mulong said...

LORDCM...ang pagasa di pagasa kung magsasakto ang forecast nila hehehe.
oo nga ano, ilang buwan na lang pwede na. pero pwede bang gamitin sa pasko?

MARCO...oo pare araw araw akong lumalangoy pauwi sa amin lols. may palikpik na nga ako eh!

XPROSAIC...good idea! dahil mas mataas ang tubig bukas, mukang susundin ko ang suggestion mo!

DARKHORSE...ganyan din ang pakiramdam ko noon at ganun naman ang pakiramdam ng mga batang nasa litrato sa ngayon!

Joel said...

naghahanap kami ng lugar para sa magiging team building namin next month, pwede kami siguro dyan.

ayos lang yan, baka bukas lang eh tuyo na din yang kalsada nyo.. hayaan mo munang mag enjoy ang mga bata habang nagbabakasyon..

A-Z-3-L said...

naranasan ko na rin yan.. sa Obando. namamangka na lang ang mga tao para makapunta sa kung saan gusto... madaming bata ang nanghuhuli ng isda sa patso ng simbahan... madalas yan pag high tide at sabi mo nga lalong grabe pag sinabayan ng tag-ulan.

tssskkk.. pano na ang bagong shoes? spartan na lang muna kuya...

Hermogenes said...

putsa grabe pala dyan sa inyo parekoy! kelangan meron kang baong life jacket para kung sakasakaling tumaob ang tricycle e hindi ka malulunod.

RJ said...

Pakiramdam ko mas inalala niyo pa ang bago niyong dsapatos kaysa sa looban niyo. U Whew! Talaga ho bang sa inyo 'yan?!

Ano kaya ang pinakamabuting solusyon sa high tide na yan ano?

dylan dimaubusan said...

Sama ka na lang sa mga batang naliligo... sa baha. ;b

Ang laki nga ng problema mo Mulong!
Mag slippers ka na lang. hehe

poging (ilo)CANO said...

sarap lumangoy...sarap maligo sa ulan...i miss u ulan...heheeh

pwede mo naman isuot yung sapatos mo kahit may baha ah! palangoy mo...lolz

gillboard said...

maulan pa rin sa pasko... hehehe

mavs said...

mabuti na lang
pabugso-bugso lang
ang ulan...
nakakarelate kasi ako sa
mga baha-baha kasi
ganyan din sa min
kapag malakas ulan...

SEAQUEST said...

Tanong lang po san yan ka po sa bulacan? kasi ang tubong bulacab din me pero halos di na ko lumaki dun kaya pero one time naranasan ko po yung ganyan nung magbakasyon ako sa tita ko sa san nicolas bulacan...nagulat nga me high tide lang yun...

EngrMoks said...

Sunod nyan..pagnatigil ang tag-ulan at bumalik ang tag-araw sa buwang ito..DENGUE! Cge, Ingat...

Trainer Y said...

sabi sayo iframe na lang natin ung new shoes mo eh para hindi masira.. kapag isinabak mo sa baha yan.. pano na lang hahaha

mulong said...

KHEED...wag ng team building, pwede namang dike building o kaya eh gumawa na lang kayo ng mga flood control projects hehehe. pag hapon tuyo na, pag umaga balik na naman!

AZEL...ganyan din nga sa obando. wag namang spartan di na uso yun eh, pwede naman yung fake na flipflops, havanas ba!?

TONIO...haha talagang tataob ang tricycle ha! di naman siguro!

RJ...talagang kailngang may HO? nyahaha. yap sa amin talaga yan. ice breaker lang din yung problema sa sapatos hehehe!

DYLAN...meron din namang naliligo na malalaki na, kaso may kasamang inuman, eh di ako umiinom eh!

peksman!

mulong said...

POGING ILOCANO...ayoko namang mag sapatos na nakabalot ng plastic ang paa ko hehe. pangit yata nuon!

GILLBOARD...wag naman!

MAVZ...karamihan na yata ng lugar konting ulan lang bumabaha na eh. wala kasi tayong maayos na drainage system. puro barado lalo sa maynila.

SEAQUEST...yap sa amin yan. sa hagonoy ako, at kung di ako nagkakamali sa hagonoy din ang sinasabi mo!

MOKONG...wag namang engr!

YANAH...i frame? hmmmm sige na nga pag isipan ko yan! lols

Hari ng sablay said...

ayos ah. mgkanu entrance dyan sa inyo ng mkapagswimming,hehe

pareho tayo bumabaha din dito pro di gnyan kataas,lols

Dhianz said...

sapatos palah problema moh kuya nde ulan ehh... wehe... suot moh na lang sapatos sa kamay... *wink* hehe... hmmm... parang saya maligo sa baha ohh... naalala koh pa nung bata akoh fave koh ren yan... dapat nakiligo ren dyan... parang usapang ligo.. kaw eh humitz kah nang ligo sa post koh eh... lolz... ingatz! Godbless! -di

Dhianz said...

typo error...tsk! humitz este humiritz..=)

abe mulong caracas said...

DHIANS...hahaha sapatos sa kamay talaga ano para maisuot lang. pag naligo kami ipo-post ko dito hehe

Sagip Obando said...
This comment has been removed by the author.