Friday, June 26, 2009

Parang Replay Lang

Pahapyaw ko na itong nabanggit dati. Kaso nangyari ulit at pakiramdam ko hindi pa ko nakakahanap ng swak na sagot sa tanong ko.

Sa dinalang dalang kong mapasok ng mall, akalain mong nakita ko na naman ang sarili ko sa ganuong eksena. Di ko alam kung sinasadyang itapat sa akin ng panahon o sadyang ako lang talaga ang maurirat sa parehong pangyayari.

Pagkatapos kong manood ng Transformers, didiretso na ko sa trabaho (dahil nga baliktad ang oras ko). Eto na, pumunta ako sa elevator. Wala lang, trip ko lang mag elevator kesa mag escalator.


Nauna ko sa elevator. Dahil pababa ako, pinindot ko yung down sign. Nag ilaw na.

May dumating na dalawang babae. Obviously aakyat kasi pinindot ng isa kanila yung up sign. Pareho ng may ilaw ng pula yung up and down signs.

Isa namang lalaki ang nakisawsaw sa eksena. Pinindot ang down sign.

Sa madaling salita, apat na kaming nanduon.

Isang matangkad na lalaki ang kasunod ng dalawang babae. Pinindot naman niya yung up sign.


May magsyotang dumating. Si lalaki, lumapit sa elevator sign at pinindot ng pinindot ang down sign. Nung babalikan niya yung girlfriend niya, anak ng tokwang nabangga yung balikat ko!

Bagamat tinitigan ko siya nang hindi naman mukang naghahamon ako ng away, ipinaramdam ko sa matalas kong tingin na may tanong sa utak ko.

Kayo na nga ang sumagot…

Ang elevator ba pag pinindot ng pinindot ang down sign eh bibilis bumaba? At kung paulit ulit naman ang pagpindot ng up sign, bibilis umakyat?


naks®

21 comments:

PABLONG PABLING said...

..parang nag ppsp lang. . nag gagames hahaha. . .

- oo nga hindi man lang tiningnan ipin ko sa medical exam hahhaa

PABLONG PABLING said...

up up up down down down!

ITSYABOYKORKI said...

excited sya bumaba down down

Rhodey said...

sa susunod kasi gumamit nalang nang hagdanan .. excercise kaya yun para sa mga tumatanda... aheheheks...

ugali ko rin yan minsan lalo na kapag nagmamadali... panay ang pindot dun sa number nang floor na pupuntahan ko, kala mo naman maapura mo yung elebeytor, hehe kainis....

mulong said...

PABLONG PABLING...tama, ginagawang game and watch este ano nga yun? ah PSP. oo ginagawang psp yung elevator signs.

KORKI...excited pala dapat nag escalator na lang siya hehehe

RHODEY...nakow parekoy pag nakasabay kita at nagpipindot ka, titigan kita ng masama at tatanungin kita ng mahiwaga kong tanong....hehehe

gillboard said...

tinamaan naman ako dun... hehehe... malay natin...

2ngaw said...

Para lang game n watch yan parekoy, pag mabilis ang pindot, mabilis din ang galaw...

Next tym pre wag ka na sasakay sa may pinipindot ah...

eMPi said...

mag-escalator na lang kasi.... para di ka na magtanong tungkol sa pindutan na yan... hahaha!

mulong said...

GILLBOARD...ano nga kaya at may scientific explanation pala na bumibilis nga pag pinindot ng pinindot ano?

LORDCM...game and watch ha, napaghahalata ang edad nyahaha. PSP daw sabi ni PABLONG PABLING

MARCO...mas ok daw kasi pag kwartong de makina kesa hagdang de makina eh!

manilenya said...

mga baliw kamo sila, yung me ari ba ng building walang pera para kumuha ng empleyado na pipindot sa elebeytor, ano ba tawag dun sa mga ganun..sensya na boba ako e lol!

Hari ng sablay said...

haha guilty ako,minsan ganun din ako,wahaha

shunga talaga ako eh,lols

Unknown said...

haha. oo nabasa ko yung post na yun noon. lol. tanungnin mo yung mga technician. haha..lol.

The Pope said...

Baka may sakit na autism yung mama kaya pinangigiglan nyang pindutin ang elevator button. Kung wala naman, he should see a psychiatrist pa rin, who knows, baka may rare autism problem sya, iyon bang kapag tumatanda na saka nagkakaruong ng autism manifestations hahahaha.

Some people has very little patience on everything, unknowingly they tend to show it in their body movements in public.

Happy weekend bro.

Dhianz said...

feelingero lang... feeling nyah mas bibilis kapag pinindot nyah nang pinindot... actually bibilis nga tlgah sya sa pupuntahan nyah.. kc dehinz nya namamalayan ang time nya sa elevator kapipindot don... so pagkatapos nyah pumindot eh tsaran! andon na sya sa floor na gusto nyah. ahehe.. parang ang ngetzpah pakinggan kapag sinabi moh ang pumindot so many times.. lolz.. ingatz kuyah! Godbless! -di

RJ said...

Buti nalang hindi kami gumagamit ng elevator dito sa manukan. o",)

Sino po ba ang magsyotang 'yan sa larawan?

dencios said...

mga tanga kasi sila haha.

kung ako binangga hahamunin ko agad ng suntukan!

dencios said...

teka parang ang wild ko lol

wag mo na lang panisin. hehe. hamu na guapo ka naman sila mga ewan hehe

mulong said...

MANILENYA...skulmeyt nabuhay ka! hindi po, ang mga elevator girls sa loob yun...eh sa labas naman ito eh!

mulong said...

HARI NG SABLAY...teka baka ikaw yung nakita ko ha! pag inulit mo pa yung pindot ng pindot wag kang ngingiti lako pag mag isa ka ha!

JESSIEBOY...kaya parang replay lang hehe

THE POPE...eto ang pamatay na comment; "Some people has very little patience on everything, unknowingly they tend to show it in their body movements in public." hahaha

DHIANZ...ahhhh ok! lols

RJ...haha sina edgar mortis at vilma santos, cute kasi hehehe kaya sila nilagay ko!

DENCIOS...easy lang. teka sino ba guapo baka namali ka ng nilagyan ng comment hehehe

SEAQUEST said...

Baka naman first time nia,malay nntin di ba? hehehe, kasi daw yun pakaintindi nia...

Random Student said...

kaya ayoko mag elevator sa mall eh, para ano kasi sya, parang mini-mall for 3-5 minutes. napansin ko rin ubod ng bagal 'pag mall elevator.