Saturday, June 6, 2009

Time Out Muna!

Nung ma-tag(a) ako tungkol sa paggawa ng kwento tungkol mga nag-iiwan ng tsinelas, nabanggit ko na ayaw ko ng tsinelas dahil marami ako nuon. May "mumors" na pwede na kapag tatambay lang at meron din namang pang porma.

Pero mas gusto ko ang kwento ng sapatos dahil iyun ang halos hindi ako nagkaroon nuong medyo uhugin pa ako at nung mga panahong hindi ko pa naiisip na nakakahiya palang hindi mag brief kapag grade 3 na.

Hanggang dumating ang kolehiyo, pahirapan pa rin sa salung paa. Kaya nga nuong nagkatrabaho ako, sapatos ang parang hingahan ko. Sabihin na nilang maselan pero di ako basta basta nagpapahiram ng sapatos ngayon.

At sa gitna ng di ko mabilang na angst at angal sa buhay nitong mga nakakalipas na araw, bumili ako ng sapatos. Pampalubag loob ba!?

Kahit papaano naman eh may epekto rin, napapangiti ako pagnakikita kong nakasapak sa paa ko. Lalo na 'pag may nakikita akong tumitingin sa sapatos, tumatalon ang puso ko pag ganun. Pakiramdam ko kasi "uuuy may dating." Peksman!

Mahigit isang linggo pa lang iyan sa akin.


Pero dalawang beses ko pa lang naisusuot.


At dahil maulan nitong mga nakaraang araw…


…kailangan muna ulit nating itago sa kahon!


Ayos ba? Hindi pwedeng maputikan at lalong hindi pwedeng matapakan. Umiiwas lang sa away kaya itatago ko muna ulit!

Mauubos din naman ang ulan eh!


naks®

26 comments:

Anonymous said...

ako ganyan din tinatago ko sa kahon para di maalikabukan..tapos isusuot ng kapatid ko ng walang paalam ang sakit sa loob hahaha...

darkhorse said...

hehehehe....ayus! naalala ko tuloy noong naglalaro kami ng basketball - ayaw isuot yun sapatos bka masira daw sa laro!...hehehehe...nice posting!....tc

gillboard said...

honga.. sayang naman ang bagong sapatos kung isusugod mo lang sa baha... ganda... sana ako din makabili ng sapatos.. hehe

mulong said...

TSIREMO...yun lang at iyan at hindi lang sa sapatos nangyayari, pwedeng sa pantalon at sa tshirt nyahaha!

lahat ng bago!

DARKHORSE...oo nga kaya ang ginawa tsinelas na lang hehe. Ek kung masira nga naman di ba?

GILLBOARD...sus kaw pa! sapatos lang yan parekoy! ano nga ba yung mga binili mo nung naiinip ka? hehehe

Joel said...

kung sa mga panahon na to ay nakakapag sapatos ka na. siguro naman nakakapag brief ka na din..

ganda ng sapatos uh, peram naman, sumuko na kasi yung paborito kong sapatos eh, hindi kinaya ang baha sa lugar namin..

Hermogenes said...

yung huling rubber shoes ko, nawasak na, nawasak nung pinsan ko nung sinabak nya ng basketball sa aspaltong court... tama si tsiremo nakakasama ng loob.

Jez said...

it reminds me...kailangan ko nang bagong sapatossss! anyone dyan na gustong mag donate?

RJ said...

Happy New Shoes! o",)

Kosa said...

hahaha.. wow
branded ahhh.. di ako nag-susuot ng brand na yan parekoy.. promise..
lols
hindi ko alam, may ganyan ako dati pero parang hindi maganda yung fit sa paa ko kaya nakatago na rin..
bagay kase sa paa ko yung mga walang tatak..
hehe.

ampogi ng shoes mo ahhh.

SEAQUEST said...

gwapo ng shoes ah, ogabs na ogabs...gustomong snitch??? patapak muna....lols...

p0kw4ng said...

di din ako nagpapahiram ng sapatos kung hindi ko kapatid..pero pag tsinelas kahit na kapatid ko tablado sa hiraman..baliktad no?

at ugali ko na din simula nong natuto akong bumili ng sapatos na hindi dalhin pauwi ang kahon..kaya tubo sa akin ang company!

ganda ng shoes...ang mas maganda dyan eh ilagay sa eskaparate,hihihi

Trainer Y said...

binyagannnnnnnnnn natin... ahihihihi ating tapakan! hahaha
hmmmm pa-frame mo apra mapreserve...hindi masira ahihihistupid idea (roll eyes) am such a loser! hahahaha

**** pa edit naman poh ng link ko sa blogroll mo :((

EngrMoks said...

Ako adik ako sa chuck taylor na sapatos..yan ang collection ko ng sapatos...
sa blogpost na ito, naala ko tuloy ang una kong sapatos na mighty kids..pinangarap ko din nung bata ako yung sapatos na umiilaw...hahaha!

dylan dimaubusan said...

AHaha, natawa ako sagot mo kay Gillborad. MAs matindi yun...

Ewanko ba sa mga taong nagpapahiram ng sapatos.. Parang tuwalya o mejas o bimpo yan eh, o sabihin mo nang brief o panty..W
Warning: Personal property

Eh panu kung may kulugo o alipunga ang humiram.. Paktay.

Which reminds me na ilang taon na yung sneakers ko at kailangan ko nang bumili ng bago... Pambili muna ang hahanapin ko.hehe

Palagay ko nga may dating yan sa'yo..Di nga lang talaga pang -tag-ulan.

Bomzz said...

Ganun din ako nong kabataan ko salat sa pera kaya salat din sa ganyang bagay.. nag aantay lang sa mga pinsan ko kong may pinaglumaan sila...

kaya nong napunta na ako dito abay..hakot na hehehe...

tama yan pampalubag loob naman sa sarili mo...

itago mo muna yan sa Dec muna suotin para may pampasko na hahahahah ...

Xprosaic said...

heheheheheh ako din kakabili lang ng sapatos..rubber shoes! dahil ilang taon na akong walang rubber shoes... jijijijiji... Napansin ko lang marami akong kakilalang bloggers na may bagong sapatos din...naalala ko...pasukan na pala kaya siguro nagkataon bumili din... jijijiji

HOMER said...

Naku ako din medyo mahilig sa sapatos, mostly sneakers addict ako sa pony at chucks hehe!!

thanks po sa pagsuporta sa blog ko we won! :)

A-Z-3-L said...

cute ang shoes mo... halika, maghabulan tayo sa putikan!!! lolz!

Anonymous said...

peram ng sapatos kuya. hehe

mavs said...

pareng mulong...
ganda ng sapatos naten ah?
ay...mali...sayo lang pala...hehe
try mo ilagay sa ref para mapreserve ang freshness...toinks? ano yun? haha...joke lang po...
congrats sa bagong sapatos...:)

eMPi said...

umaaraw na... pwede na ulit isuot... :)

PaJAY said...

Dito mo sa saudi gamitin yan..walang ulan dito...:)


kampay parekoy!...

Hari ng sablay said...

ayos ah pahiram nman.cge na,lols

may gusto din ako sa nike kaso hngang tingin at sukat palang ako,

abe mulong caracas said...

KHEED...oo pare pero pinalitan ko lang yung ala bacon na garter nyahaha. Isang dahilan din ang baha dre kaya di ko masuot yan!

KOSA...isa ka talaga sa pinaka humble na blogger hehehe. laging nagpapababang uri!

SEAQUEST...sapatos man eh gumwapo di ba? (kahit nahindi bagay sa amo)

POKWANG...ha hindi mo inuuwi ang kahon? alam mo bang 50% pala ng halaga ng sapatos ay napupunta lang sa kahon?

joke lang nyahaha!

YANAH...away yan pag tinapakan hahaha!

abe mulong caracas said...

MOKONG...engr may chuch taylor din ako dirty white, kaso nga lang jafakes! sa monumento ko lang nabili. Di ako nausuhan ng might kid nung bata eh!

DYLAN...alam mo ang galing mo talaga...TAMA ANG PALAGAY MO...nyahaha!

BOMMZ...eto ang malupet dre, dahil nga pampalubag loob, alam mo bang araw araw ko pa rin itong binibisita sa kahon? baka kasi madaga eh! hahaha

XPROSAIC...uso ba dito? di ko napansin eh!

abe mulong caracas said...

HOMER...sosyal, adik sa chuck and pony...mayaman lang ang naaadik sa ganun dre!

AZEL...habulan ba kamo? hmmm sige kaw na lang muna, masakit ang paa ko eh!

JOSHMARIE...sori bawal!

MAVS...wag na sa ref, sa aparador na lang tapos ilalabas ko na lang pag matutulog na ko hahaha!

MARCO...umaraw nung weekend, kaso umulan na naman kanina!

PAJAY...baka naman mapasukan ng buhangin?

HARI NG SABLAY...pag ipunan mo na lang dre para di ka manghiram hehehe