Wednesday, September 23, 2009

Kailangan Kita...

Year 2001 nang nagkasama tayo. Pero sa di inaasahang pangyayari, tumagal lang ito ng ilang buwan.

Ngayon aaminin ko, kasalanan ko!

Nang mawala ka sa akin, nasobrahan yata ako sa pride, hindi ko ininda. Halos kulang na lang yata eh sabihin ko sa iyong “eh ano ngayon!” Akala ko kasi hindi ka mahalaga sa akin!

Alam ko din na sobrang nainsulto ka nung gabi mismong nawala ka. Kasi naman eh, bakit nga ba naisama kita sa kolasese?

Edi ayun, nung nagsimula nang sumayaw yung mga babaeng mga balat lang ang suot, nakalimutan ko nang kasama kita.Lalo na nung nasundutan ng ilang bote ng beer, umuwi ako ng lasing…at tuluyan kitang nakalimutan.

Hindi ko inasahan na babalik ka. Pero hindi ko rin binalak na palitan ka.


Higit sa lahat, hindi na pumasok sa isip ko na mahalaga…Not until recently.

Magtatapos na ang 2009, korni pakinggan pero sa term siguro ng mga emo, baka ngayon lang daw ako nakapag move on. May ganun? Pakshet!

Taas na rin ang kamay ko, mahalaga ka pero hindi ang pagbabalik mo ang solusyun sa problema at sa halip ay kailangan na kitang kalimutan.

At ngayon nga ay may bago na ko!

Ayos na ulit ang paningin ko kasi may bago na akong salamin! At TIMEX pa ha!


naks®

26 comments:

Lord CM said...

Hehehe :D Kasi naman pati sa kolasese isasama mo yan, alam mo namang kahit sa dilim malinaw pa rin basta balat lang ang suot lolzz

`Chaizka said...

haha kala ko kung anO :)) nakz angaz !

Mokong™ said...

hahaha! ayos tol..adik ka!

abe mulong caracas said...

LORDCM...tama ka, kasi nung nagsimula na, tinanggal ko yung salamin ko para walang sagabal eh!

mas malinaw nga!

CHAIZKA...angaz ba? hehehe! masakit sa bulsa pala mag ngaz tsong!

MOKONG...katol na lang tinitira ko ngayon engr!

I am Xprosaic said...

Nyahahah dumarami na talaga ang may salamin... jejejejje

A-Z-E-L said...

naku! naku!

nagsasalamin ka na pala... ganon ka na katanda??? hahahahha! peace! jokeness lang kuya... (half-meant!)

pero in fairness... maganda ang frame. timex pa... wala bang kasamang relo yan? hahahaha!

kheed said...

akala ko naman para sa isa sa mga babae mo tong entry na to, salamin pala ahehe

m u l o n g said...

XPROSAIC...magtayo ka kaya parekoy ng clan or group ng nakasalaming blogger hehehe. bago yun ah!

AZEL...eto ang sa iyo...wapaaaaks!

walang kasamang relo eh, basahan lang ng salamin ang kasama nyahaha

KHEED...yun lang! at iyun din ang wish ko lols!

DRAKE said...

ANg TIMEX pala ay may salamin din akala ko puro mga relo lang yun!hehehe

Medyo malabo na pala mata mo brod!heheh

Vhonne said...

una kong hinala... ndi babae ang tinutukoy mo.. alam kong kalokohan.. pero habang tumatagal... napagtanto kong babae nga ang tinutukoy mo.. at nung natapos... tama pa ang una kong hinala... hayz... nadale mo ako... hehehe

p0kw4ng said...

adik!!ahihihi

poging (ilo)CANO said...

kailangan ko narin magpalit ng salamin...lumalabo na eh!

glentot said...

nyahahaha malinaw mata kahit sa patay-sindi...

MarcoPaolo said...

hmmm... TIMEX pa ha...

gillboard said...

imperness, ang ganda ng salamin mo... sakin nerdy.. hehehe

ACRYLIQUE said...

Nkas parang relo lang salamin mo. Sosyal!

wait said...

i used to wear eye glasses before.
di ko na ginagamit.
good thing bumaba grado ko : )

dylan dimaubusan said...

Uhm, anu yan regular reading glasses lang or signs of aging?...

RJ said...

Style! Huh!

Ngayon ko lang nalamang may eyeglasses na ang TIMEX.

Kosa said...

hahaha
eh di dapat parekoy, maspinahalagahan mo sya para makita mo ng todo at high def ang magagandang tanawin.lol

pero tama ka,
kailangan mong lumimot...
sabi nga nila, move on...lols

at kita mo naman ang kapalit...

Summer said...

Naku! Muntik na akong nadala ah. Salamin lang pala. Eh db mas malinaw kung walang salamin sa ganyang lugar hahaha. Just kidding. =D

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

Basyon said...

Oh my! Nagulat nmn ako sa naka-post na litrato sa post na ito haha. kala koh ano na nmang kalokhan ito. Hhhmm, ayus yan ah TIMEX! La ba ako jan? hehe ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
Chronicles of a Hermit

rico de buco said...

ang cheezy!! heheheh at least nakamoveon ka na parekoy!!!

dencios said...

am bastos mo! hahahhaa

joke. kala ko kasi jung ano na

oist pangalagaan ang mata ha. :D

♥superjaid♥ said...

hehehe akala ko kung ano na..hehehe ang ganda nun pic nung girl..hahaha

KORKI said...

naku naku naku :)