Friday, October 9, 2009

Saludo - Sundalo

Sa magkakasunod na bagyo na nanganak ng baha at nagparamdam sa ibat ibang probinsya sa mahal nating Pilipinas, hindi maitatatwa ang naibahagi ng mga magigiting nating sundalo.

Mula noong bumubuhos pa lang ang ulan, hanggang sa tumaas na ang tubig, pagliligtas ng mga biktima na umabot sa pamimigay ng mga relief goods, sila ang inasahan.

Hindi pa natatapos ang gampanin nila sa mga biktima ng bagyong Pepeng, tinapik na naman ang kanilang balikat para muling balikatin naman ang hampas ng bagyong Pepeng sa mga probinsyang nasa itaas.

Dahil diyan, hindi ko ipagkakait ang isang saludo para sa kanila.

Pero maliban sa mga sundalong naka uniporme, marami pang kababayan natin ang nagpakita rin ng katangiang sundalo. Ginampaman nila ang mga gawaing hindi naman hinihingi sa kanila.

Sila yung mga ordinaryong mamamayang nagbigay ng kanilang oras at pagod upang tumulong ng walang hinihintay na kapalit.


Para sa kanila, “matic” na yung kapag dumating ang ganitong pagkakataon, hindi sila nagdadalawang salita na magboluntaryo sa pagbibigay ng serbisyo.

Wala man daw silang pinansyal na maibibigay sa mga nasalanta ng bagyo, kahit man lang sa maliit na paraan ay may maibahagi sila upang tulungang makabangon sa bangungot na sinapit ang mga biktima.

Maliban sa nagbibigay ng serbisyo, sundalo rin siyempreng maituturing yung mismong mga nagbibigay ng donasyon. Ano nga ba ang maipapamigay sa mga nangangailangan kung wala namang donasyon?

Hindi naman pwedeng laway di ba?

Tingin ko sila yung nakatagong sundalong hindi nangangailangan ng uniporme. Saludo rin para sa kanila.

Akalain mong habang ninanamnam ko ang pagod at hirap ng mga sundalo at ng mga nakatagong sundalo, may nakita akong commercial sa TV!?

Si Pacman ba habang dinidisplay ang kaniyang buhok na walang balakubak. Siguro sooner or later, kapag humaba na ang kaniyang bigote at balbas pwede na ring bentahe na rin sa isang commercial!

Nataon pang nagsagawa din pala ng sariling relief operations si Pacman maliban pa sa ibinigay na isang milyong pisong donasyon.

At natapat pang “HIDDEN SOLDIER” pala ang commercial ni Pacquiao?

Akalain mong siya pala ang modelo ng nakatagong sundalo? Sige na nga, saludo na rin sa kaniya.

naks®



14 comments:

gillboard said...

hidden soldier!!! hahaha

DRAKE said...

Sya na nga bro at sya na rin ang magiging bida sa sequel ng............ TOILET (twilight),hehhehe

spinx said...

whahaha....
hidden soldiers pala yun!....

r-yo said...

saludong me tatlong bagsak sa mga sundalo! sige na nga, sama na rin ang hidden soldier. :-)

ACRYLIQUE said...

Nyahaha!

Sumakit ang bangs ko! :)

Lord CM said...

Hehehe :D Hidden Soldiers talaga enoh lolzz

A-Z-E-L said...

waaaah...

hidden soldier...

nakita mo ang malaking billboard nya sa US of A? proud pacman talaga!

Mokong™ said...

Hidden Soldier? hahaha! Parang Alaxan Ep Ar..parang taling nagkapilipilipit...

dylan dimaubusan said...

Kailangan ko ng Hidden Soldier na yan dito para matanggal balakubak ko! Bakit naman kasi pati dandruff shampoo endorsr na rin sya.. lolz

At bakit sa tuwing may bagyo, baha at kung anu ano pang kalamidad lang may bigayan ng pagkain at iba pang necessities?

Grabeng pacman fever yan.

kheed said...

haha ayun yun eh, hidden soldier..

p0kw4ng said...

kahit hindi sa mga ganyang pagtulong eh talagang saludo ako sa mga sundalo..willing magbuwis ng buhay kahit na kakarampot ang sweldo!

para sa akin sila ang dapat na tawaging makabagong bayani!

go for hidden soldier!!

Basyon said...

Ouch! Hahaha, grabe pala ang hidden soldier of the year ntin haha. Biruin moh, nailinya ng cuteness ni Pacquiao sa mga good looking guys ang girls na model ng hidden soldiers haahha. ;D

Naks! ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
Chronicles of a Hermit

Kosa said...

haha
madami palang hidden soldier sa atin kung gnun..

dencios said...

natawa ako. hahahaha

may kalaban yan e,

kler

lols