Friday, November 13, 2009

Tara, Laro Tayo!

Maliban sa "Hoy Inday, kainin mong itlog ko!" na famous dialogue ni Aiza Seguerra sa "Super Inday and the Golden Bibe," nauso pa ang itlog sa iba pang pamatay na mga linya.

Laro iyun ng mga anak pawis at ng mga ayaw mapagod.

Laro ng mga anak pawis kasi kung may game and watch sila o kaya e tetris, hindi sila mag-iitlugan at sa halip eh magsusulok kapag recess habang kumakain ng cupcake partner ng magnolia chockolait.

Obvious naman sa mga ayaw mapagod kasi hindi ito tulad ng painan o kaya eh patintero. Kapirasong utak lang din ang kailangan.


Ang mechanics, papalitan lang ng salitang itlog ang key word sa pamagat ng isang pelikula o kaya naman eh kanta.

Halimbawa…Narito Ang Itlog Ko na nanggaling sa Narito Ang Puso Ko.



Kung gagawa tayo ng adaptation nito sa mga (korning) palabas sa TV ngayon, click pa rin kaya? Nakakatuwa pa rin kaya o nakakanis na?

"DAHIL MAY ISANG ITLOG" bida sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

O kaya naman eh "ITLOG SANA" na pinangungunahan nina Jenelyn Mercado at Mark Herras. Wa epek na yata.

Di ko tuloy ma imagine na natatawa kami sa ganitong katarantaduhan noon. Malamang sa malamang, katatapos lang ng bayaran sa PTA, wala akong baon, kaya mas pinili kong makipag-utuan ng ganito kesa makipagsapalaran sa palabunutan sa labas ng eskwelahan para manalo ng sisiw.

Sa pagkalibang ko naman sa pakikinig ng Wild Confessions sa Love Radio tuwing madaling araw (na pinakikinggan din ni Yanah), maliban sa mga kwentuhang kabastusan tulad ng pagkekembelar, eskabetche, push da button at iba pa, pwede palang magpa-uso si Papa Jack (DJ).


Katulad din ito ng larong itlog, pero mas mature. At malamang, mas nakaka-challenge mag-isip ng nakakakiliting pambato. Yung verb sa kanta ang aalisin at papalitan ito ng TOOT-TOOT! (Just provide the appropriate prefix, naks!)


Halimbawa…."BASTAT KA-TOOT-TOOT KITA" O anong kanta yan ni Dingdong A?

Eto Eheads revival, “TUWING UMUULAN AT KA-TOOT-TOOT KA!”

Nakiliti, I mean, natawa ka ba? Owwwss peksman? Sige nga isip ka ng bet mo dali!

Teka lang, hulsam ang larong ito ha!


naks®

26 comments:

RJ said...

May Kasalanan ng Rivermaya- 'May Ka-TOOT-TOOT'. Pwede na ba?

p0kw4ng said...

yung itlog ang gagawin ko...

Pinoy Big Itlog!

adik ako dyan eh..ahaha

Jag said...

Paano ang Toot-Toot ko? ni April boy ---Paano ang Toot-Toot ko kung wala ka...ahahahaha tama nga naman jijijiji...Adik! Ah so nagtourist ka lng dito dati? Ang yaman! Tourista! jijiji...

Jag said...

O kaya paano ang itlog ko? kung wala ka hahahah ang sagwa! jijiji

abe mulong caracas said...

RJ...ayos. teka parang di alam yung kantang iyan ng ilog pipit.

POKWANG...talagang kailangan pinoy ang bet mo? ayaw mo nga ibang nasyon sa dinami dami ng bansa sa Europa ang napuntahan mo?

JAG...ooops di na gets ang mechanics hehehe. Sabi ko kailangan verb ang papalitan eh. Pang itlugan yung entry mo.

Tourist pero galing seminar libre pamasahe. Kung hindi libre, goodluck na makarating ako ng ibang bansa!

glentot said...

It It It Itlog Face It It Itlog Face

--Lady Gaga

gillboard said...

Maganda yang game na yan... i like it... pwede naming laruin ng barkada ko pag road trip... hehehe

SCOFIELD JR. said...

title na lang ng post mo na 't0: tara TOOT-Toot tayo!!!

Dhianz said...

ahahah.. how 'bout this... *singing* ... "kung akoh na lang sana ang iyong ka-toot toot... Di ka na muling mag-iisa..." ahahaha.. peace out!

Godbless. -di

Jepoy said...

Peyporit ko ang mga banat ng naks sa dulo ng mga post mo. Isang signature na ito para sa mga entries mo. Hanep

Naks!

Bakagay ba? LoL *inggitero talaga*

dencios said...

waaaa. wala akong alam sa mga ganyang noti tots mulongkis haha

Lord CM said...

Parokya na lang ako parekoy ah...

"Dont TOOT-TOOT my Birdie" hehehe, bahala kayo mag isip lolzz

DRAKE said...

Ano na naman ba to parekoy, siguro naparami ang pagkain mo ng itlog!hahaha

Ingat dyan parekoy!

PaJAY said...

hahaha..natawa ako dito seryoso..adik ka talaga pre sa games eno!!nyahahaha..

la akong ibang maisip pero nabasa ko yun kay Dhiane natawa ako lalo...pwede tapatan ng "Mula ng maka TOOT-TOOT aking sinta,di ako mapalagay sa kakaisip ko sayo"...hahahahaha..taeng yan!!Lulz.


Tagay parekoy!!!

A-Z-E-L said...

Maselang TOOT-TOOT by Eraserheads
First Day TOOT-TOOT by Kamikazee

eto pang syete:

SHOW ME DA **ITLOG** every Sunday after All Star K!

plugging! naks!

♥superjaid♥ said...

wahaha nakikinig rin ako nun..hahaha anyway..eto ang akin..gusto na kitang matoot toot..yung gusto na kitang makita by session road

Alkapon said...

masarap laruin ang itlog.. sarap din kamutin pag nangati. he he he

m u l o n g said...

GLENTON...masyadong funky hehehe, walang catch

GILLBOARD...enjoy talaga kaso di ka naman nagbigay ng example eh

SCOFIELD...yun lang di ko naisip ha. parang mas ok nga yung suggestion mo na iyun.

DHIANS...panalo! pang platinum yung version mo!

m u l o n g said...

JEPOY...may tatak na ba? hehehe. teka ano yung "Bakagay ba? LoL *inggitero talaga*"

DENCIOS...baka tamaan ka ng kidlat kupal!

LORDCM...ang hirap namang hulaan ng example mo!

DRAKE...di naman, kulang lang sa toot toot

m u l o n g said...

PAJAY...akalain mong sa itsura ng thumbnail shot mo eh napatawa kita. yun nga lang di ko maisip yung example mo kung anong kanta eh

AZEL...rock on hehe! astig ng sampol mo!

SUPERJAID...naku wag kang tatawag sa wild confessions ha. hanggang TLC ka lang dapat! lols!

ALKAPON...patay tayo dyan nabago ang linya ng kwentuhan hehehe

kheed said...

haha sige ako patry din..

tuwing tumutootoot at kapiling ka.. hehe ang panget.. kanta yan ng eheads

Somnolent Dyarista said...

YihiE!!!


nice game to man.

paborito ko,

"THE WAY YOU TOOT-TOOT ME" by Christian Bautista

hahaha

xmadbotx said...

Ang naglalakad ng tulog Ay tiyak na TOot-toot. by jerks

Basyon said...

Ang huling TOOT-TOOT..(ang huling el bimbo) hahaha..Kaaliw nmn ito. Uiy kuya, inisip ko pa yan ah. hihi

April
Stories from a Teenage Mom
Chronicles of a Hermit
Mom on the Run

LORAINE said...

"OHhhh.. Huwag na huwag mong TOOTOOTOOT-in.." pwede na ba? ahaha.

日月神教-任我行 said...

走光,色遊戲,情色自拍,kk俱樂部,好玩遊戲,免費遊戲,貼圖區,好玩遊戲區,中部人聊天室,情色視訊聊天室,聊天室ut,成人遊戲,免費成人影片,成人光碟,情色遊戲,情色a片,情色網,性愛自拍,美女寫真,亂倫,戀愛ING,免費視訊聊天,視訊聊天,成人短片,美女交友,美女遊戲,18禁,三級片,自拍,後宮電影院,85cc,免費影片,線上遊戲,色情遊戲,日本a片,美女,成人圖片區,avdvd,色情遊戲,情色貼圖,女優,偷拍,情色視訊,愛情小說,85cc成人片,成人貼圖站,成人論壇,080聊天室,080苗栗人聊天室,免費a片,視訊美女,視訊做愛,免費視訊,伊莉討論區,sogo論壇,台灣論壇,plus論壇,維克斯論壇,聊天室