Wednesday, November 19, 2008

Mga Salitang Walang Direksyon

kanina pa ko nangangapa
ng litanya at mga salita
mga kakaibang kwento
o kaya’y karanasang karima-rimarim
na gustong ibahagi sa inyo

pero ang mala-bitukang nasa na loob ng kukote
tila walang pakialam
hindi nakakaramdam
para bang wall clock na nalaglagan ng baterya
na biglang namatay at hindi na gumana


at dahil natalo sa mahjong
iilang oras lang ang tulog
katawan ko tuloy mistulang binaunan ng bubog
masakit na mahapdi pa
bigat talaga pag naubusan ng pera

pero gaano man kabigat ang katawan
kasabay ng pagtirik ng liwanag ng buwan
kailangang manatiling dilat
hanggang sa pagsikat ng haring araw
kailangang trabaho pa rin ang mangibabaw

nanlilisik na mga mata
malalim na buntong hininga
ang hangin sa batok
nagdulot pa ng kilabot
sumasagitsit ang katahimikan
sa kumunoy ng karimlan

sige lakad ng lakad samuel bilibid
lumipad ka rin angkas ng ibong adarna
salubungin mo sa himpapawid ang seksing si darna
baka sakaling doo'y may mahagip ka
ng rekado at hinahanap mong timpla
sa mga salita mong wala namang kwenta



®

Saturday, November 15, 2008

Tagau Ulit: Sa Police Station, Nakatulog Ka Na?

Malabon Police Station naman ang pinagparausan ko ng kalasingan ng mga oras na yun. Magdadalawang taon na pala, akalain mo? Tulad ng pangyayari nung nakatulog ako sa Edsa, inabot na naman ako ng madaling araw sa inuman.

Hindi naman ako dapat aabutin ng alanganing oras nun eh. Matino kasi ang usapan namin ni Pareng Mico. Uminom daw kami sa bahay nila sa Malabon nga tapos dun na lang daw ako matulog sa kanila.


Ok naman ang simula. Nandun kami sa harap ng bahay nila tapos dumating pa yung tatlo niyang barkada at pinagpiyestahan muna namin ang isang kahong Redhorse. May nagpatak at bumili ng sugo at may bumili naman ng yosi. Kahit isa lang ang kakilala ko, maayos naman nila kong hinarap.

Nung malapit nang maubos ang isang kahon, nakikiramdam na ko kasi parang todo pati na yung pinambili ng mani at sigarilyo. Huling tagay sa akin daw kasi bisita ako na para bang may ibig sabihin.

Dahil sayang naman yung natirang yelo, nagpabili pa ko ng kalahating case pero sa tantya ko eh konting sundot na lang at tamang tahimik na ko. Pagbalik ng bumili, may sabit pang isa daw nilang kumpare.

Sa loob-loob ko eh ayos lang dahil naging lima kami at least mas mabibilis tirahin yung anim na bote. Pagharap ng bagong dating, langya at nagpapahinog na lang pala dahil nakainom na. Pero sige lang sabi ko, maaga pa at pasasaan ba makakasama na sa inuman yung ilalim ng mesa.

Habang umiikot yung baso hindi namin namalayan na nakatakas na pala yung isa. Nagpaalam ng iihi lang, uuwihi na pala.

Ilang tagay pa at eto na, dyadyararan…hindi nako masyadong umeepal sa kwentuhan kahit nagpapalakasan na sila ng bunganga. Isa lang ang ibig sabhihin nun…lasing nako.

Pagbukas ni Pareng Mico ng ika-apat na bote, isang babae ang umeksena…“Hoy Mico alas dose na, wala ka pa bang balak umuwi?” banat ng misis niya. Biglang tayo si Pareng Mico na para bang walang bisita. Ang masama pa, hindi na pala sila dun nakatira sa bahay nila at umuupa na ng apartment.

Nalintikan na, iniwan na ko sa mga taong di ko kakilala.

Kahit mga ngongo na kaming tatlong natira, sige lang hanggang hindi lumalabas ng kusa sa mga bibig yung beer at maning tinira namin. Hindi lang lumabas yung salita sa bibig ko pero gusto kong itanong kung mga adik ba sila?

Hindi nga ako nagkamali.


Kaya pala pumasok sa isip ko iyun eh dahil drugs na ang pinag-uusapan. Mga gusto palang tumira ng otab. Pwera angas pero nung huminto akong mag-drugs eh sinabi ko sa sarili na hindi nako babalik sa bisyong yun (Oo nag drugs ako dati). At napanindigan ko naman.

Kahit anong yaya nila at kahit anong pigil nila sa akin eh sumibat ako kahit halos lumabas na sa ilong ko yung beer.

No choice na naman ako, ayoko namang bumiyahe nang hindi ko alam kung saan ako makakarating. Pagbaba ko ng jeep diretso ako ng istasyon ng pulis, naglabas ng id at nagpakilala na para bang napakatino ko.

“Pasensya na po kayo, taga Bulacan ho kasi ako eh napasobra po ang inom ko, yun naman pong kasama ko eh nagyayayang mag drugs, hindi ko trip yung ganung bisyo eh, pwede ho ba kong mag stay dito hanggang alas singko lang po ng madaling araw?” tangina akala mo kung sino akong mabait na di ko alam kung inuto ako ng mga parak, sige daw, wala daw problema.

Ayun, ang hindi na naman matatawarang karanasan ng kalasingan. Habang natutulog nga ako, naalimpungatan pa nga ako, pagdilat ng mata merong isang nakaposas, duguan ang damit habang kausap ng sarhento de mesa, wala akong pakialam. Sige tulog lang!


®

Thursday, November 13, 2008

Unang Tagay: Nakatulog KNBS Edsa?

Tagay muna!

Tuwing bago mag Pasko nag iinuman kami ng mga barkada ko nung college. Sabi nga nila, at least (sabay dugtong pa ng “kahit papaano’) eh nagkikita daw kami kahit isang beses lang sa isang taon.

Sa isang banda eh tama nga naman. Kahit mga propesyunal na (although ang ilan ay nanatiling taghirap katulad ko) eh may oras pa rin ang HUBAD na magsama-sama para sa mga malayang talastasan…na pwede ring tawaging payabangan, angasan, pataasan ng ihi at minsa’y makinig sa payo ni Pareng Ryan.

Pero sa mga paghaharap namin, ang hindi ko makakalimutan eh noong 2005. Nakatulog kasi ako noon sa isang bahagi ng Edsa. Oo sa Edsa, specifically sa may SM North, dun sa pinaka-kantong tinutumbok ng mga bus na galing Cubao na lumiko mula sa dulo ng MRT. Dun sa pagbaba ng overpass tapos lakad ka ng konti, Nakuha mo na ba kung saan?

Ang malupet pa, madaling araw yun ha, mga mag-aalas tres yun!


Hindi pa ginagawa ang SM City noon kaya sa kantong iyun pa ang dating hintayan ng mga pasahero. Merong mga papuntang Malinta-Monumento, Novalichez, Bulacan, Pampanga at kung saan saan pa. Buhay na buhay ang lugar na iyun kahit ganuong oras.


Sa Newsdesk Café kami uminon noon sa may Scout Madrinan sa Quezon City. Tulad ng mga dating inuman, sa umpisa malinaw pa ang kumustahan at kwentuhan. Pero nang tumagal na, parang nagsisigawan na. Kaniya kaniyang banat habang nawawalan naman ng direksyon ang mga kwento.

Dahil sa Bulacan ako umuuwi, sa umpisa, tinatantya ko yung sarili ko. Pero mahirap iwasan kapag nandiyan nasayaran na ng espirito ang lalamunan. Edi ayun pagkatapos ng tatlong bote, ang kasunod nun eh dire-diretso na. Wala nang pataan!

Natapos siguro kami pasado ala una, maaga pa nga kung tutuusin eh. Hinatid ako Cedie sa sakayan at dun na nga ako naghintay. Sa dami ng rumaragasang bus paliko sa kantong iyun, talagang tinutukuran ko na lang ng tingting ang mata ko kahit alam kong hanggang dulo na ng buhok ko yung tama ng espirito ng beer.

Eto na kamo, mag aalas dos na, hindi pa ko nasasakay at alam ko naman na malamang eh wala na talaga akong masasakyan. Tangina kasi, adik sa inom ayan hehehe.

Ilang sandali pa…wala na surrender na ko.

Lumapit ako sa nagtitinda ng balot at yosi sa mismong kanto na biabanggit ko. Umupo ako sa gutter ng kalsada at nagpa-alam ako sa nagtitinda na iidlip lang saglit. Pagtama ng ulo ko sa tuhod ko, tuluyan nang umikot ang paningin ko hanggang kung saan saan na ko nakarating.

Ramdam ko ang lamig nang hanging dumadampi sa aking balat. Pilit kong hinihila ang kumot nang biglang…isang malaks na busina ang nagpadilat ng mata ko. Pagtingin ko sa relo ko, tangina pasado alas kwatro na. Wala na rin yung magbabalot na pinagpaalaman ko. Di man lang ako ginising?

Di ko alam kung matutuwa ako na nakatulog ako o ano dahil paano na lang kung may nag trip sa akin? Iyun na nga lang, lumipas ang oras ng parang nakapag pahinga ako.

Kasunod na nuon eh yung bus na sinakyan ko pauwi sa amin. Naisip ko lang, hindi naman ako taong kalsada, hindi rin naman ako taong grasa, pero nakatulog na ko sa Edsa. Karangalan yun diba?

Ikaw? Nakatulog ka na ba sa Edsa?


®
marami akong kwentong lasing…merong sa presinto at kung saan saan pa.

Tuesday, November 11, 2008

An Open Letter to Barrack Obama

Hon Barrack Obama
President Elect
Washington DC, USA

Dear President Obama;

Upon receiving this letter, I hope you and your family are in good condition while reading this letter. Yan po ang una kong natutunan sa paggawa ng sulat noong akoy grade three.

Siguro naman sa mga sandaling ito, tapos nang bumati ang lahat ng nakikisawsaw sa pagkakapanalo mo. Ipagpaumanhin ninyo na nung una, inakala kong may lahi kang terorista. Kasi naman ang sabi eh first name nyo daw ang Obama at ang apelido nyo si Bin Laden.


Ang dami po talagang natuwa nuong nanalo kayo dahil nga sa kauna-unahan kayong Black American na nanalo bilang pangulo ng pinaka makapangyarihang bansa sa buong mundo.

Pero sa totoo lang din, yun ang nakakatakot dahil kayo na rin ang maituturing na pinaka makapangyarihang tao sa buong mundo. At dahil kauna-unahan ka, maraming posibleng first time din ang mangyari. Baka nga bukas makalawa, Lord Obama na ang gusto nyong maging tawag sa inyo ng mga tao.

Ano nga kaya ang kalabasan na kayo ang kauna-unahang Black American President ng US? Hindi kaya maging daan ito para sa pagganti ng mga kakulay ninyo sa deskriminasyon natanggap ng inyong lahi noong mga unang panahon laban sa mga puti? Posible daw kasi yun eh.

Napanood ko nga pala yung American History X. Grabe ang discrimination issue dun. Pero in fairness, isang katulad mo rin ang nagpabago ng paniniwala ng bidang si Edward Norton. Biglang kambyo ang mga itim dun sa huli although kakulay nga lang nila ang nakapatay sa kapatid naman ni Norton na si Edward Furlong. One of the best intellectual movies yun na napanood ko. Pekman!

Bantayan mo yang mga ganti ganti nay an ha!

Pero President Obama, naisip mo ba kung dehado nga ba talaga ang mga black sa America? Well, siguro nga nasa history ka na, pero kung tutuusin, dun sa pagiging “President” na lang naman ang hindi na attain ng mga katulad mo eh. Pagdating sa ibang aspeto tingin ko mas llamado na nga kayo eh.


Tingnan mo na lang sa huling NBA finals ng Lakers at Celtics. Kevin Garnett at Kobre Bryant ang talagang umangat at naglaban sa pagiging MVP. Dito nga sa Pinas, noong labanan naman ng La Salle at Ateneo, isang Norman Black ang nakapigil sa paghihiganti ng mga Green Archers. Apelyido pa lang panalo na!

Si Halley Berry, ilang beses na siyang tinaguriang pinakamagandang tao sa balat ng dalanghita…este balat ng lupa. Maraming beses na rin siyang nai-consider bilang best dressed Hollywood actress. Ewan ko lang kung sakaling mapunta siya ng Pinas kung palusutin siya ng Startalk. Remember? T, the Tigbak Authority!


At ang pinaka sa lahat ng pinaka sa ngayon…Chris Brown and Rihanna.

Ang walang kamatayang With You ( with you…with you!) at ang national anthem ngayon, Umbrella na kalauna’y naging Payong pa. Di ka na mababasa ng ulan eh eh eh oh oh! Kabaduy lang. Pero pustahan oh, sila hahakot ng awards sa darating na Grammy.


President Obama, sabi nila kamukha mo daw ang pinaghalong Will Smith and Denzel Washington. Pero ito, atin atin lang ha, kamukha ko naman daw si Chris Brown ahihi! Pabigyan mo naman ako ng US Visa, sige na.

Very respectfully yours,


ABE MULONG CARACAS™

Teka kung makarating man sa kaniya ang sulat na ito, maintindihan naman kaya niya? Waszup niggah?

Friday, November 7, 2008

Balik Tanaw...Naaaw...Naaw (Echo) Part 2

Hindi natapos kina Rose Ann Gonzales, sa Mga Batang Yagit at sa mga taga That’s Entertainment ang kabaduyan ng makaluma kong mundo ng telebisyon. Siyempre nandyan din ang radyo!


Ayoko sanang aminin pero may transistor kami sa bahay dati. Dahil wala nga kaming TV, radyo ang libangan kapag patay ang TV ng ilang kapitbahay naming meron nito. Status symbol kasi ang TV, pag meron ka niyan, lalo na yung parang may pinto, mayaman ka.

At ang mahirap, tiis-tiis lang sa radyo.

Oras ng tanghalian ang tanda kong pakikinig ng radyo dati. Sa halip na sapilitan akong patulugin ng Inang ko, drama sa radio ang ginagawa niyang pampatulog sa akin. Habang napipikit ako, ini-imagine ko naman ang nangyayari sa “Simataaar!”

Pagdating ng gabi, radyo pa rin ang lullaby ko. Para ngang baliw ang mga tao sa amin kasi makikinig sila ng “Gabi ng Lagim,” katatakutan yun tapos tatakutin kami kapag hindi kami natulog agad…haaays!

Nagkaroon din naman kami ng cassette. Hindi naman kami nanatiling mahirap na mahirap, nabawasan din naman ng konting hirap ang mahirap na mahirap namin. Siyempre habang lumalaki ako nalaman ko na pwede palang i-develop ang transistor.


Nauso ang party…oo pare tepar nung araw. Ang dalas ko sa ganyan. Pero hindi yung ala disco ha. Party na ginagawang fund raising daw pero raket pala ng mga youth organizations para meron silang pang swimming.

Aarkila lang sila ng mobile, konting mirror ball, haharangan ang basketball court ng buho at didisenyuhan ang gilid ng dahon ng niyog na ginawang hugis puso, basta walang makakalusot, katalo na!

Teka nakalimutan ko pala yung crepe paper na ginupit-gupit tsaka pinalupot ng konti tapos isasabit naman.

Kahit wala akong kaporma porma, kahit naka lumang khaki slacks, polo shirt maluwag at rubber shoes na malaki sa akin, sige go lang. Malay ko ba sa salitang baduy. Basta uso ang sayawan eh.

Pinakasikat yatang kanta noon yung dirty rap. Famous lines nun ‘yung “one on one were having some fun on the bed room all day and all of the night…” tuloy-tuloy yun tapos pagdating sa “four on four, we fucked on the floor on the bed room all day and all of the might.”

Tangina ang sarap sumayaw, habang tumagaktak ang pawis habang wala akong kamuwang muwang na puro kalibugan pala ang ibig sabihin nun!

Sikat din ang “Sally Bad Girl” at ang sayaw na “strats.” Bakit kaya ang strats hindi na ulit nauso?

Sayaw bulate ang pwedeng description ng strats. Idiretso mo lang yung magkabila mong braso horizontally. Tapos igalaw mo yung dulo ng kanang kamay pakurba papuntang siko hanggang makarating sa balikat. Itawid sa katawan hanggang makarating sa kaliwang kamay. Ulit ulitin at lagyan ng konting galaw ang katawan para wag masyadong magmukhang tanga.

Sayaw na yan! Alin ang natutunan mo…yung dirty rap o yung strats?

Kadiri pareho ano?

NAKS®

Teka linawin ko lang, bata pa ko nung maranasan ko yung mga iyan ha, kaya kahit papaano eh bata pa rin ako…c”,)

Wednesday, November 5, 2008

Balik Tanaw...naaw....naaw...(Echo)

Bigla ko na lang naalala si Rose Ann Gonzales. Si Rose Ann yung pinakamagaling na child actress nun pero hindi siya pang komedi. Maamo kasi ang mukha niya kaya kadalasan pang iyakan ang mga role niya. Kung di ako nagkakamali minsan siyang gumanap bilang anak ni FPJ.

Pero ang pinaka-natatandaan kong pelikula niya eh yung “God Save Me” kung saan kasama niya si Christopher de Leon. Hindi ko na maalala (how ironic!) yung pinaka plot niya pero ang tanda ko, drama ito na may palabok ng himala ek ek.

Siguro mababaw pa lang ang pang-unawa ko noon sa mga kwento ng buhay pero alam kong serialized sa komiks ang God Save Me. Nakinood nga lang ako sa kapitbahay namin dahil wala pa kaming TV. Buti na lang Tagalog Movie Greats ang palabas.

Si Rose Ann, kahit magaling siya, hindi siya ganoon kalakas sa tao kasi nga hindi siya pa bibo. Para bang kahit musmos pa lang siya eh punong puno na siya ng suliranin sa buhay. Hindi rin tuloy siya nagkaroon ng sariling drama series kasi baka nga naman langawin sa ratings.

Sabagay, mahirap makipag-sapalaran lalo na kung ang tatapatan nila eh ang “Mga Batang Yagit.” Kung baga sa oras ngayon, nasa time slot ng drama-rama sa hapon ang oras ng Mga Batang Yagit. Nahuhuli nga ako sa iskwela dahil sa paghihintay ko kina Tom-Tom, Jocelyn at kay Elisa, na siya palang totoong anak ni Ernie Garcia sa kwento.

Wala na yatang lulungkot pa sa mga pinagdaanan ng mga batang yagit.


Nakakatak naman sa isip ko ang linyang “lumipad kang parang ibon, bumagsak kang parang dahon.” Yan ang pamatay, panalo ang rhyming! Mula yan sa pelikulang “Kamagong” na unang isinulat sa komiks bago isa-pelikula ni Direk Carlo J. Caparas.

Ang eksenang tanda ko nang marinig ko ang classic na dialogue na yan eh nagte-training ng arnis si JC Bonnin. Kasama niya sa bundok yung matandang malupet ang boses na kadalasan namang gumaganap na ermitanyo o kaya eh magsasaka mapapatay.

Habang nagmo-moment at nagmo-montage ng pagsasanay ni JC, pumasok yung voice over ng matanda na naginginig pa, sabay sa pagtalon ng bida at pagbibigay ng malupet na stunt, naka-slant ang katawan at ang binti habang hawak ang kaniyang arnis. Pamoster ang bagsak tangina!

Si JC, marami pang naging pelikula tulad ng Bagets kasi matinee idol siya. Pero sina Rose Ann, Jocelyn, Eliza at Tom Tom, nung nagdalaga at nagbinata na, nawala na sila sa sirkulasyon. Malamang, hindi pumasa sa panlasa ni Kuya Germs yung karisma ng apat kaya hindi sila nakasama sa That’s Entertainment.

Buruin mong sa dami ng mga dalaga at binatang nabigyan ng pagkakataon ni Kuya Germs na bumati at pumorma on national television eh na etsa pwera ang apat!? Pang drama lang talaga sila, hindi pang teen show.


Kung nagkataon naman kasi, ano ang magiging panama nila sa talent, halimbawa ni Caselyn Francisco? Si Caselyn kasi ang Madonna o kaya eh Cyndi Lauper ng That’s. Minsan nga malilito ka dahil parang kumbinasyon pa eh. Ibang level si Caselyn at di uubra ang lungkot mukha nina Rose Ann at Jocelyn, maging ng ganda ni Elisa.

Mas lalo naman sigurong walang panama si Tom-Tom sa mga That’s Boys kasi mataba at maitim si Tom-Tom. Matakaw pa nga ang character niya sa Yagit diba?


Kahit ako, ang idol ko noon eh sina Manolet Ripol at si Bryle Mondejar na nagkasama pa kamo sa iisang pelikula. Isipin mo na lang na magsama-sama sa Tuesday group sina Tom-Tom, Bryle at Manolet tapos merong silang production number pag Sabado, edi nagmukha namang kawawa yung isa di ba?

Tama lang sigurong di napunta sa That’s yung apat!

NAKS®

Teka kilala mo ba o naalala mo ba yung mga binabanggit ko? Kung oo, huhuhu kawawa ka naman, magka-edad pala tayo!

Saturday, November 1, 2008

Panoorin Mo...Sige Na

Isang araw noong 1995, kasama ko ang mga barkada (HUBAD) sa kolehiyo nang manood kami ng sine sa SM. Centerpoint. Kami yung parang mga critic sa klase,. Kapag sinabi naming pangit ang pelikula, pangit talaga at kapag sinabi naman naming maganda, pinapanood din ng mga kaklase namin.

Mga kupal kaming tropa. Isipin mo na lang, kami yung mga maiingay na matatalino (naks kapal) pero hindi umaasa sa libro. Hindi kami lumalaban sa mga quiz bee, pero kami yung nananalo sa debate o kaya journalism contest.


The Cure ang pamagat ng pelikulang pinanood namin kung saan bida si Brad Renfro at Joseph Mazzello. Wala naman kaming idea sa pelikula, siguro nagadanhan lang kami sa poster o kaya wala lang kaming mapili.

Pagpasok pa lang, ang ingay na namin. Iniisip siguro ng konting tao sa loob na baka naligaw lang kami, na baka perya ang dapat na punta namin pero napasok kami ng sinehan.

Sa simula, habang nanonood tuloy ang ingay na para bang inarkila namin ang sinehan. Nasa isang hilera lang kami at konti lang naman din ang tao kaya siguro deadma lang sila sa gulo namin.

Habang tumatagal, unti unti na rin kaming natahimik, Naagaw na siguro ng pelikula yung kaniya kaniya naming atensyon. Paminsan minsan may umeepal pero sandaling agaw atensyon lang.

Ang di ko inasahan, dumating yung puntong wala talagang umiimik. Nasa dulo ako ng linya sa kanang bahagi. Wala naman akong katabi sa right side ko kaya nakahilig ang ulo ko. Pero ang trick nun sinisimplehan kong punasan yung luha ko.

Eh merong isang di nakatiis, (si Don Angelo yata) at nagsalita na. Sabi niya, “huuu naiiyak na talaga ko.” Nabasag ang katahimikan ng bawat isa at nun palang kami nakahinga ng maluwag dahil lahat pala kami eh pinipigilan yung mga luha. Ang bigat sa dibdib nun!

Ang pelikulang The Cure ay tungkol sa dalawang bata na magkaiba pero naging magkaibigan. Si Erik yung parang bosing o siga na medyo di pala kaibigan sa ibang bata. Si Dexter yung parang mahina na nakulong ng karamdaman yung pagiging bata.

May aids si Dexter na nakuha niya sa blood transfusion.

Magkaibang pagkatao pero nagkapalagayan ng loob hanggang nabuo ang malalim na pagkakaibigan. Sa kanilang kainosentehan, at sa pagpupursigi ni Dexter, pinilit nilang hanapan ng lunas yung sakit ni Erik.


Para bang ubo lang na sinubukan nila kahit yung pinakuluang mga dahun-dahon.

Minsang nakasama kay Dexter yung pinainom ni Erik. Pero di sila sumuko at naglakbay patungo sanang New Orleans para hanapin ang doktor na sinasabing naka diskubre ng isang gamut laban sa aids.

Kahit di pa nila nakikita ang doktor, nagdesisyun si Erik na ibalik si Dexter sa Mama niya dahil tila nanghihina na ito.

Maging sa ospital pinilit nilang maging masaya at naglalaro kahit alam nilang malapit na ang wakas.

At ang kwento ng mahiwagang sapatos...

After 13 years, napanood ko ulit yung pelikula. Kung sino man si thoj77 na nag-post ng buong pelikula sa youtube salamat na lang iyo (WALA NA KASI MABILI NITO AT WALA RIN MA DOWNLOAD). Matapos ang maraming taon, hindi ko inakala na maiiyak ulit ako hehehe. Mabigat pa rin sa dibdib whew!

Boring ang pagkakasulat ko nito pero panuorin mo. It makes a lot of sense peksman!


®