Friday, April 9, 2010

Di Ka Ba Nasusuka?

Nauumay na ko sa panunuod ng TV…peksman umay na umay na!

Kasi ba naman, maya’t maya na lang patalastas ng mga pulitiko ang makikita na akala mo mga anak ng Diyos. Ang babait at lahat nangangako ng paraiso para sa lugmok na Pilipino.

Pagdating naman sa oras na balita ang pwedeng mapanood, sila’t sila pa rin ang makikita. Iyun nga lang pawang mga tinutubuan na sila ng sungay. Nagpapahabaan pa kamo!

Makikita mo sila, kaniya kaniyang birada at hukayan ng baho. Hanggang hindi nakakalaykay ang kalansay ng mga kalaban hala sige bira. Kahit saan man sila mapunta para sana mangampanya puro ganuon lang ang ginagawa nila.

Para bang nagbabatuhan sila ng mga tae. Kung hindi magaling umilag ang kandidato mo, malamang masapol ng ebak sa mukha habang nagtatalumpati.

Iyun nga lang minsan ang ibang kandidato, hindi napapansin na sa paghagis nila ng tae, paitaas pala ang direksyon at nang tumingala, sapul sa bunganga! Yaaaak kumain ng ebak!



Pati mga artista, kauumayan mo na rin. Bakit kamo? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit madami ang natutuwa sa Mela-Son. Lintek na mga iyan.

Kung nahihingi lang ang TV, malamang maraming TV na ang nasira ko at malamang marami na rin ang nahingi ko. Kasi nga gusto kong ibato yung TV tuwing nakikita ko sila eh.


Isa na lang talaga ang kinakatuwaan kong panuorin. Nakikita ko kasi ang kinabukasan ng boxing sa kaniya…si Ippo Makunouchi. Siya ang numero unong mandirigma ng bansang Japan pagdating sa bakbakan sa ring.

Ngayon ngang sunud-sunod ang pagkakapanalo si Manny Pacquiao, sa tingin ko si Ippo lang ang makakapagpataob sa kaniya. Iyun nga lang hanggang sa ngayon ay amateur boxer pa rin si Ippo.

Pero pasasaan bat magkakaharap din sila. At sa sandaling tumuntong na sa professional boxing ring si Ippo…Pacman humanda ka!


Alam ko natatawa kasi cartoon character lang si Ippo. Walang problema yun, gawing nating cartoon si Pacman…ayan oh pwede naman di ba?


naks®

24 comments:

gillboard said...

san palabas yung cartoon na yan?

Stone-Cold Angel said...

siguro pag naglaban si pacman tsaka si ippo, mga 1 buwan na laban yan... hahaha!

napadaan lang po! =)

DRAKE said...

Oo nga nakauta na yang mga palabas sa TV na yan!

So Ipo pala ang paborito mo ngayon, ako kasi si Nabita pa rin ng Doreamon eh!

Ingat

an_indecent_mind said...

ako mas gusto ko pa rin si sinchan! lalo na pag sinasalaula nya ang nanay nyang si carmen at ang tatay nyang si bert! hehehe!

Al de Cruz said...

haha.. si Ipo! yan ang inspirasyon ko.

April said...

Kahit ako hndi na nanonood ng tv..Eh kung diko nga lang kailangan ang computer diko nrin gagamitin. Dahil khit ito eh napasukan na ng mga kandidato..hayz...

April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run

xmadbotx said...

aztig siguro kung mag laban sila ippo at pacman kahit cartoons lng..:D

Amorgatory said...

akow kaya gawing cartoons lols..nakibasa lang parekoy

Solo said...

Hahaha, natawa ako sa cartoon character ni manny. ;D


Solo
Travel and Living
Job Hunter

Paul Pacheco said...

pogi tlaga ni pacman.

Kosa said...

hahaha.
bata pa lang ako napanood ko na si Ippo! halos lahat naman yata ng cartoons ngayon na lumalabas sa gma, napalabas na dati.

kumbaga, sikat na sya nung nagsisimula pa lang si Pacman...

Jag said...

Pwede!!!

p0kw4ng said...

buti na lang at wala akong tebee! oist ano ka at fan ako ng Melason dati,hihihi...pero ngayon eh hindi na mula nong lumabas na sila sa bahay ni Koya,hihi...

nabuhay ako,hihihi..oist hindi yung blogger dati ang syuta ko ngayon ha,hihi

Mokong™ said...

salamat at natapos na din ang panahon ng kampanya...umay na din ako tol...

keko said...

haha. Tama. Magkakasundo tayo.
kaya kung mag kakagyera sa mundo at maglalaban laban ang mga bansa..
mananalo ang japan. Bakit?
kasi, nasa kanila si Goku, Ippo, baki the grapler, luffy at naruto pati na rin si my melody.
eh sa Pinas?

darna.

JETTRO said...

haha natawa naman ako dito parehas tayo bro kaya ayaw ko ng manood ng tv haha buhay na buhay ang inis mo sa sinulat mo ah haha

napadaan lang

p0kw4ng said...

oist nasaan ka na? update update naman,hihihi

=supergulaman= said...

weeeee... ahahaha.. :)

woot...blog happying (hopping)...saya saya..party party!....

Ester Yaje said...

ba't parang ang panget ni pacman sa caricature na yan? lol. hahaha. salamat at nagawa mong bumisita sa tambayan ko. balik ka. :)

Kwin said...

ako din gusto ko c shinchan hehehe.. kyutkyut na malditong bata! kuya pede bang paadd sa blogroll mo? hihi add din po kita ha..

Adz Adz said...

idol ko yan, c s ippo! hehe

bulakbolero.sg said...

Pre, musta na? Takte ka di ka na nagparamdam. Nauwe ako pinas nung may, pero di ko naman alam panu ka kontakin.

bulakbolero.sg said...

ui. morning! ayos naman bakasyon mineet ko sila yanah, nakausap ka nga daw nya pero di naman nabigay number mo. ayon.

uu madami pa naman next time.

randy said...

Hi, very interesting post thanks for sharing. Can I contact your through your email. Thanks!

Randy
randydavis387 at gmail.com